You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Silay City
District - IV
DOÑA ANGELES J. MONTINOLA MEMORIAL NATIONAL HIGH SCHOOL
City of Silay

Ikalawang Lingguhang Pagsusulit sa Filipino 7- Ikalawang Markahan


(2nd Summative Test Week 3-4 - 2nd Quarter)

Pangalan: __________________________ Baitang & Pangkat : ____________ Iskor: _________

Panuto: Isulat sa patlang ang kaantasan ng pang-uri na may salungguhit. Gamitin


ang titik L kung ang kaantasan ng pang-uri ay lantay, PH kung ito ay pahambing, o
PS kung ito ay pasukdol.
____ 1. Si Gary ay ang pinakamagulong mag-aaral sa klase ni Bb. Sanchez.
____ 2. Mas magara ang kotse ni Noel kaysa sasakyan ni Manuel.
____ 3. Ang buhok ni Lola Francia ay kasimputi ng balahibo ng tupa.
____ 4. Napansin ko na ang mga anak ni G. Santos ay magagalang.
____ 5. Singtangkad na ni Joni ang kanyang ina.
____ 6. Wala akong gusto sa kanya kahit na saksakan nang guwapo pa siya!
____ 7. Higit na malakas ang Bagyong Yolanda sa Bagyong Luis.
____ 8. Maliit ang kinita ni Ningning sa pagbebenta ng mga sampaguita.
____ 9. Di-gaanong sikat ang aktor na tulad ng kapatid niya na aktres.
____ 10. Hindi ko bibilhin ang alahas kung napakataas ang presyo nito.
____ 11. Bagong-bago ang sapatos na suot ni Martin ngayon.
____ 12. Dapat kumain ka ng masusustansiyang pagkain upang lumakas pa ang
iyong resistensiya.
____ 13. Ang magpinsan na Sheila at Sarah ay magkamukha.
____ 14. Maghilamos ka muna bago kumain. Kay dungis-dungis ng mukha mo!
____ 15. Marapat na igalang natin ang EDSA Shrine dahil ang pook na ito ay
makasaysayan.
____ 16. Huwag kang lumapit sa mabangis na hayop sa kulungan.
____ 17. Napakalakas ng palakpak ng mga tagapanood ng cheerdance.
____ 18. Simbilis ng hangin ang pagkalat ng tsismis sa bayan namin.
____ 19. Ang manggagawa ay pagod na pagod dahil sa walang tigil na pagtatrabaho.
____ 20. Ang mabubuting asal at pagpapahalaga ay dapat ipakita natin sa mga
kabataan.
II. Isulat ang titik L sa patlang kung ang paghahambing sa pangungusap ay
palamang. Isulat ang titik S kung ito ay pasahol.
____ 21. Ang panahon sa Mayo ay igit na mainit kaysa panahon sa Disyembre.
____ 22. Di-gaanong mahal ang bawang ngayon na tulad ng presyo nito noong isang
buwan.
____ 23. Ang biyahe sa eroplano ay di-hamak na maikli kaysa biyahe sa barko.
____24. Ang pelikulang napanood ko ay mas nakatatakot sa pelikulang Insidious.
____ 25. Ang pagdiriwang ay di-masyadong masaya na gaya ng pagdiriwang kung
saan ay buo ang pamilya.
III. Panuto: Bilugan ang tamang pang-uri para sa kaantasang ipinahihiwatig sa
pangungusap.
26. Si Lance ay (mapagbigay, mas mapagbigay, pinakamapagbigay) sa kanyang mga
kaibigan.
27. (Mabaho, Masmabaho, Pinakamabaho) ang utot ni Sam sa lahat.
28.(Malaki, Masmalaki, Pinakamalaki) ang tyan ng nanay ko.
29. Tayo ba ay pupunta sa (malayo, masmalayo, pinakamalayong) lugar?
30. (Matulis, Masmatulis, Pinakamatulis) ang lapis ko kaysa sa inyo.
FILIPINO 7
PERFORMANCE TASK #2
(Ikalawang Markahan, Linggo 3-4)

Pangalan: Baitang/Pangkat: Iskor:

Gumupit ng limang larawan mula sa lumang aklat,magazine o internet na nagpapakita ng


ibat-ibang emosyon o damdamin. Ilarawan ang bawat isa kung bakit yan ang damdamin o
emosyon ang ipinakita. Ilagay ito sa espasyo sa ibaba (F7PT-IIc- d-8) (F7PT-IIe-f-9)

Pamantayan:
Akma ang larawan sa deskripsyon na ibinigay - 10____
Gamit ng wika – 10____
Malinis ang gawa – 10 ___

You might also like