You are on page 1of 3

GRADES 1 TO 12 Paaralan ANGELES J.

MONTINOLA FARM Baitang/Antas 12


DAILY LESSON LOG SCHOOL
( Pang-araw-araw Guro Bb. Carlyn C. Paclibar Asignatura FILIPINO 12
na Tala sa Pagtuturo)
Petsa/ OCTOBER 17,2023 (2:30- 3:30 pm) Markahan UNANG NA
Oras MARKAHAN

I. LAYUNIN  Naiisa isa ang mga hakbang sa pagsasagawa ng mga binasang halimbawa ng
teknikal – bokasyunal na sulatin.
 Nailista ang mga katawagang Teknikal kaugnay ng napiling anyo.
A. Pamantayang Naipapamalas ng mga mag-aaral ang pang-unawa sa mga halimbawa ng Sulating –
Pangnilalaman Teknikal Bokasyunal
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay makapagsasagawa ng isang Menu book na halimbawa Teknikal-
Pagganap Bokasyunal na sulatin.
C. Mga Kasanayan sa
Pagkatuto (CODE ) (CS_FTV11/12-PB-Og –i-106) at (CS_FTV11/12-PB-Og –i-94)

PROMOTIONAL MATERIALS
II. NILALAMAN
KAGAMITANG Itala ang mga Kagamitang Pantuto na gagamitin sa bawat araw. Gumamit ng iba’t ibang kagamitan upang
higit na mapukaw ang interes at pagkatuto ng mga mag-aaral.
PANTURO
a. Paksa Aralin 7 : Promotional Materials

b. Sanggunian Modyul Melc 7 Linggo 8, DepEd TV


c. Kagamitan Powerpoint Presentaion

III. Yugto ng pagkatoto


Pagtuklas
A. Panimulang Gawain
Panalangin
Pagbati sa mga mag-aaral
Pagkuha ng kanilang attendance
Balik – aral
B. Pagganyak (Motivation)
Pagsagawa ng gawain : Wala yan sa LOGO ko! (Tutukuyin ng mag-aaral ang mga logo na
ipapakita ng guro at magkakaroon ng malayang talakayan rito.

C. Pagtalakay ng akda
Tatalakayin ng guro ang aralin sa pamamagitan ng ppt presentation at magkakaroon ng malayang
talakayan sa aralin.

Ang promotional materials ay ginagamit upang makaakit ng mga potensiyal na kostumer at


magpakilala ng bagong produkto o serbisyo. Sinasalamin nito ang imahen ng kompanya na nais ipakita
sa madla. Ito ay nagsisilbing gabay tungkol sa isang produkto o serbisyo. Sa pagsulat nito mahalagang
panatilihin ang pagiging tiyak sa mga impormasyong isusulat at kailangan makatawag-pansin sa mga
makakabasa nito.
Pormal ang kadalasang paggamit ng wika sa pagsusulat na maaring kakitaan ng mga salitang teknikal
na kinakailangan sa isang partikular na trabaho.

Ginagamit ito upang ipakilala ang produkto o serbisyu sa pamamagitan ng patalastas sa paraan
PRINT MEDIA , at DIGITAL O ELECTRONIC MEDIA .
Karaniwang makikita ito sa Pahayagan, Radio, telebisyon at mga larawan, video na makikita sa social
media.
Kahalagahan ng promosyunal materyal
o Tumatatak sa isipan ng mamimili
o Nagpapatibay ng magandang relasyon
o Nahihikayat ang mga mamimili

Nilalaman ng promosyunal materyal


o Una, mahalagang impormasyon ng Negosyo. Nakapaloob ang pangalan, logo, lugar at
numerong tatawagan
o Ikalawa, larawan ng produkto at serbisyu
o Ikatlo, angkop na tagline
o Ikaapat, freebie at diskwento
o Ikalima, presyo

Gabay sa pagsulat ng promotional materials


1. Tiyakin ang dahilan ng pagsasagawa at paggamit ng promotional materials
2. Magsaliksik ng promotional materials na ginagamit ng iba pang negosyo.
3. Sumulat ng tagline na maikli ngunit madaling matatandaan.
4. Tiyakin kompleto ang nilalaman o bahagi ng promotional materials
5. Maging tuwiran sa paggamit ng salita
6. Napakahalaga ang organisasyon ng ideya.
7. Tiyakin na nababasa nang malinaw ang mga letra.
8. Gumamit ng kulay na angkop sa produkto at serbisyo.
9. Kailangan na dumaan ito sa editing at rebisyon.

D. Pangkatang Gawain :
PANUTO: Aayusin ninyo ang mga pira-pirasong larawan upang makabuo kayo ng isang
promosyunal material. Gamitin ang mga hakbang O tuntunin sa pagawa nito. Bibigyan ko
lamang kayo ng 5 minuto para tapusin ang gawain. Pagkatapos ay iulat sa gitna.
E. SINTESIS
Muli, bago tayo dumako sa ebalwasyon ano-ano ang mga hakbang na dapat gawin upang
makagawa ng isang promotional material? Ano ang mahalagang pape na ginagampanan ng
logo sa isang kompanya? Maaari ninyo bang ibigay ang mga halimbawa ng promotional
material?
F. PAGPAPAHALAGA
Bilang isang mag-aaral ng Senior High TVL strand, paano ito makakatulong sa iyo ang
kasanayan iyong natutuhan ngayon?

IV. Ebalwasyon : Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang diwa ng pahayag at MALI kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutan papel.
1. Ang logo ang nagsisilbing mukha ng produkto o serbisyo.
2. Marapat bang mahaba ang tagline ng isang produkto o serbisyo upang maipaliwanag ng Mabuti
sa mamimili ang produkto?
3. Deskwento o freebie ang estratehiyang ginagamit ng mga kompanya upang mahikayat ang mga
mamimili na patuloy na tangkilikin ang produkto o serbisyo?
4. Hindi na kailangan ilagay ang presyo ng produkto sa promo material sapagkat maaari naman
itong i. pm sa mamimili.
5. Gumamit ng kulay na angkop sa produkto o serbisyo sa paggawa ng promo material.

V. Takdang aralin.
Manood ng ilang tv commercial ng mga produkto o serbisyo at ilahad ang mga puna tungkol dito. Isulat
lamang ito sa inyong kwaderno.

Inihanda ni : Inihanda para kay :

CARLYN C. PACLIBAR DONNA D. JARANILLA


Teacher – I Teacher -In-Charge

You might also like