Professional Documents
Culture Documents
Kompetensi:
- Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita (F6WG
– Ivb – I – 10
I. LAYUNIN:
- Nakatutukoy sa mga iba’t ibang bahagi ng pananalita;
- Nakapagsasagawa ng patalastas gamit ang iba’t ibang uri ng pananalita;
- Masigasig nang makisali sa pagtatanghal ng patalastas.
III. PAMAMARAAN:
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtetsek sa liban o liban sa klase, pagsasaayos ng silid – aralan.
3. Pagbati
4. Pagkolekta sa takdang aralin
B. Balik Aral
- Ano ang tinalakay natin nong nakararaang aralin?
C. Pagganyak
- Ano ang tawag sa bidyo na ipinalabas sa telebisyon?
D. Paglalahad
- Ang Patalastas (advertisement) ay isang uri ng promosyon na may layunin na
ipakilala ang katangian ng ibinibentang produkto o serbisyo sa mas nakararaming
tao.
- Ginagamit nito sa iba’t ibang uri ng medya sa pagpapakilala.
- Mahalaga sa pagsusulat ng patalastas ang mga sumusunod:
Kaakit-akit na panimula
Katangian at kapakinabangan ng produkto o serbisyo
Malinaw na paglalarawan
Pangwakas na tumatatak sa isipan ng mamimili
Pagbuo ng Patalastas
- Upang makagawa ng isang epektibong patalastas, kinakailangan gumamit ng
mga salitang bubuo rito. Ang mga salitang ito ay maaring iba’t ibang bahagi ng
pananalita.
Ang mga bahagi ng pananalita ay:
Pangngalan
Panghalip
Pang – abay
Pang – uri
Pandiwa
Pangatnig
Pang – angkop
Pang – ukol
F. Paglalahat
- Bakit kailangan natin malaman ang paggawa ng isang patalastas?
IV. PAGTATAYA
Gawain 2: Tukuyin ang mga bahagi ng pananalita ng ginagamit sa bahagi ng patalastas.
1. Sa MRE Express, pagpapadala ay walang Stress!
2. Bigyang Liwanag at kulay ang buhay sa North Flourescent lamp.
3. CBO, ang kasama mo sa pag – unlad!
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Pumili kayo ng inyong sariling pangkat. Bawat pangkat ay maglalaman ng apat na
miyembro at gagawa ng isang patalastas na naglalaman ng dalawang minuto at ito ay
inyong igaganap.