Professional Documents
Culture Documents
Department of Educaion
Region III- Central Luzon
Division of Tarlac Province
Capas West District
CRISTO REY CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL
I. Pamantayang Pangnilalaman
Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay.
Natutukoy ang mga salitang magkakaugnay.
Napapahalagahan ang pagmamahal sa kalikasan
II. Pamantayan sa Pagganap
Pagpapangkat – pangkat ng mga salitang magkakaugnay
III. Layunin:
Napapangkat ang mga salitang magkakaugnay
IV. Paksang Aralin
1. Pagpapangkat-pangkat ng mga Salitang Magkakaugnay
2. Sanggunian; Aklat: Alab Filipino 5 p.127 CG: F5PT-IVc-j-6
3. Kagamitan; strip cartolina, larawan, laptop, powerpoint, manila paper
4. Curriculum linkages; Araling Panlipunan, ESP
5. Values Integration: Pangangalaga sa kapaligiran.
A. Pamamaraan
1.Panimulang Gawain
Pagbasa:
Melchora Aquino Rice Terraces Manny Pacquiao
Emilio Aguinaldo Boracay Corazon Aquino
Jose Rizal Bulkan Mayon Lea Salonga
Andres Bonifacio Bulkan Taal Fernando Amarzolo
2. Balik Aral:
Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang mga sumusunod. Sabihin kung ito ba ay pasalaysay,
patanong, pautos o padamdam.
1.Ipinagdiriwang nating mga Pilipino ang Araw ng Kalayaan tuwing ika-12 ng Hunyo.
2. Nag –alay ang pangulo ng bulaklak sa dambana ng Quince Martires.
3. Bakit tinaguriang Quince Martires ang Naga City?
4. Piliin ang mga kandidatong kayang ipaglaban ang interes ng bawat mamamayan.
5. Naniniwala ka bang ang tunay na kalayaan ay natamo ng mga Pilipino noong Hulyo 4, 1946?
3. Statement of Goals; Pagsasabi ng Layunin
Ngayong araw na ito pag aaralan natin ang pagpapangkat-pangkat ng mga salitang magkakaugnay.
4. Pagganyak:
Ipakita ang maikling video clip sa mga bata. https://www.youtube.com/watch?v=pGgcN5MIlOc
B. Paglalahad:
Batay sa inyong nakitang video clip ano sa palagay ninyo ano ang nais maipabatid ng awit?
Ang lahat ng mga bagay sa ating mundo ay magkakaugnay. Tayong mga tao ay nararapat lamang na
magtulungan upang manatiling manatiling malinis at maayos ang ating kapaligiran.
Mula sa awitin na inyong napakinggan, Ano-ano ang mga salitang nabanggit ang magkaugnay ?
(Lupa, laot at langit ay magkaugnay?
Ano sa palagay ninyo kung bakit nasabi sa awitin na ang lupa laot at langit ay magkakaugnay?
Sila po ay magkakaugnay dahil sila po ay mga likas na yaman.
Bahagi ng kapaligiran
Ang tao, hayop at halaman naman, ay magkakaugnay dahil sila ay may buhay at kailangan po nila
ang bawat isa.
Tama! Kailangang ng tao ang mga hayop at halaman para mabuhay ganoon din ang mga hayop at
halaman ay kailangan nila ang tao kaya ang mga ito ay magkakaugnay. Kaya dapat nating
alagaan ang ating kapaligiran at ang bawat isa para tayo ay mabuhay.
C. Pagtatalakay
Ang salitang magkaugnay ay mga salitang magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Ang mga
salitang ito ay magkasama at magkapareha. Narito ang mga halimbawa ng mga salitang
magkakaugnay. Basahin natin ng sabay sabay.
Kalye, kalsada, eskinita
Ospital, palengke, paaralan
Kita, trabaho, hanapbuhay
Burol, bundok, talampas
Pagkatin ang mga salitang magkakaugnay
Kapareha mo, hanapin mo. Pag-ugnayin ang dalawang magkakaugnay na bagay.
D. Pinatnubayang Pagsasanay
A. Magbigay ng mga salitang kaugnay ng mga kategorya sa bawat bilang
1. Mga Gamit sa Panulat ______, ______, ______,
2. Mga Uri ng Gulay ______, ______, ______,
3. Mga Uri ng Hayop na may apat na paa ______, ______, ______,
4. Mga Uri ng Prutas na may mga buto ______, ______, ______,
5. Mga Ginagamit sa Kusina ______, ______,______,
B. Pagpangkatin ang mga salitang nasa loob ng kahon ayon sa kanilang pagkakaugnay
E. Paglalahat:
Ano ang mga salitang magkakaugnay?
Ang salitang magkaugnay ay mga salitang magkakatulad o magkakaugnay ang mga kahulugan. Ang mga salitang ito
ay magkasama at magkapareha.
B. Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay sa loob ng kahon.Isulat ito sa kategoryang kanilang kinabibilangan.
IV. Pagtataya:
Pangkatin ang mga salitang magkakaugnay sa loob ng kahon.Isulat ito sa kategoryang kanilang
kinabibilangan.
Approved: