You are on page 1of 4

Asignatura: Filipino Baitang: Ika-anim

Guro: Mara Mitz P. Mari Sinuri ni: Rosienette A. Miot


Petsa: Mayo 11, 2023 Oras: 3:00 - 3:50 pm
A. PAMANTAYANG Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at
PANGNILALAMAN pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at
damdamin.
B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo,sabayang bigkas,
reader’s theatre o dula-dulaan.
C. KOMPETENSI
I. LAYUNIN 1. Natutukoy ang iba’t-ibang pangkalahatang sanggunian;
mapa, pahayagan o dyaryo, teksbuk
2. Naipapakita ang wastong paggamit ng pangkalahatang
sanggunian; mapa, pahayagan o dyaryo, teksbuk
3. Napapahalagahan ang paggamit ng pangkalahatang
sanggunian; mapa, pahayagan o dyaryo, teksbuk.
II. PAKSANG-ARALIN Limang Salita – Pangkalahatang Sanggunian
III. MGA KAGAMITAN SA
PAMPAGKATUTO
1. SANGGUNIAN Filipino 6 Ikaapat na Markahan – Modyul 2,
2. KAGAMITAN
IV. PAMAMARAAN
A. PANIMULANG GAWAIN
1. BALIK-ARAL Tanong:
Ano ba ang pangkalahatang sanggunian?
Ano ba ang mga natalakay na natin na mga pangkalahatang
sanggunian?

2. PAGGANYAK Maze.
Pipili ang guro ng dalawang mag-aaral. Magpapaunahan ang
dalawang mag-aaral sa paghanap ng tamang daan ng maze.

Tanong:
Kung tayo ay pupunta sa isang lugar na hindi natin ang alam ang
daan, ano kaya ang dapat nating gawin?

B. PAGLALAHAD
1. GAWAIN Magpakita ng larawan ng mapa, pahayagan/dyaryo, teksbuk.
Ipapaskil ang pangalan ng pangkalahatang sanggunian sa ibaba
ng larawan.

2. PAGSUSURI
7. Mapa-ay palapad na representasyon ng daigdig o bawat lugar
sa daigdig. Ito rin ay nagbibigay sa ating ng direksyon.
8. Pahayagan o dyaryo- ay isang uri ng nakalimbag na
babasahin na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas ay
kadalasang inilathala nang araw-araw.
9. Teksbuk- ay aklat na ginagamit sa paaralan at sa bawat
asignatura.

3. PAGTATALAKAY NG ARALIN
Panuto: Ayusin ang pinaghalo-halong mga titik upang mabuo ang
salita ng pangkalahatang sanggunian na gagamitin sa isang
sitwasyon.
1. Pinakaunang balita sa araw na ito.
(pahayagan/dyaryo)

2. Direksyon ng isang lugar.


(mapa)

3. Mga leksyon sa klase.


(teksbuk)

4. PAGLALAHAT

Ang mapa, pahayagan o dyaryo, teksbuk ay ilan lamang sa mga


pangkalahatang sanggunian. Ang mapa ay representasyon ng
daigdig o bawat lugar sa daigdig at ito rin ang nagbibigay sa atin
ng direksyon. Pahayagan o dyaryo ay isang uri ng nakalimbag na
babasahin na naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas ay
kadalasang inilathala nang araw-araw. Teksbuk ay aklat na
ginagamit sa paaralan at sa bawat asignatura.

C. PAGLALAPAT Pangkatang Gawain.


Papangkatin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat. Sumulat ng
tatlong talata tungkol sa mga pangkalahatang saggunian. Ilahad
ang kahalagan ng mga ito at hikayatin ang mg akapwa mag-aaral
na gamitin ang mga ito sa pangangalap ng datos.
Gawing batayan sa paggawa ang rubrik.

Pamantayan 10 puntos 8 puntos 5 puntos


Pagkakabuo Angkop at May ilang Walang
wasto ang mga salitang ginamit kaugnayan at
salitang na hindi angkop at hindi wasto ang
ginamit sa wasto sa pagbuo mga pahayag.
pagbuo ng ng mga pahayag,
pahayag.
Nilalaman Mabisang Hindi gaanong Hindi
naipahayag naipapahayag ng naipapahayag
ang mensahe mabisa ang nang mabisa ang
ng talata. mensahe ng mga mensahe ng mga
talata. talata.
V. PAGTATAYA Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Tumataya sa lotto ang ama ni Jimmy. Kagabi, hindi
niya napanood ang pag-draw nito. Nais nitong
malaman ang nanalong numero. Paano at saan nila
makukuha ang datos na kailangan nila?
a. globo
b. pahayagan
c. almanac
d. diksiyunaryo

2. SI Jen ay palaging nag-aaral ng mga leksyon tungkol


sa Nursing. Anong pangkalahatang sanggunian ang
ginagamit niya?
a. Teksbuk
b. Pahayagan/dyaryo
c. Mapa
d. Encylopedia

3. Ang mga Boy Scout ay magkakaroon ng aktibidad sa


kagubatan, upang hindi sila mawala sa loob ng
kagubatan, ano ang maaari nilang gamitin?
a. Globo
b. Mapa
c. Pahayagan/dyaryo
d. Magasin

4. Ito ay isang uri ng nakalimbag na babasahin na


naglalaman ng balita, impormasyon, at patalastas ay
kadalasang inilathala nang araw-araw.
a. Pahayagan/dyaryo
b. Mapa
c. Globo
d. Teksbuk

5. Ito ay aklat na ginagamit sa paaralan at sa bawat


asignatura.
a. Mapa
b. Pahayagan/dyaryo
c. Teksbuk
d. magasin
6. TAKDANG-ARALIN Mag-aral tungkol sa pangkalahatang sanggunian.

Inihanda ni:
MARA MITZ P. MARI
Student Teacher

Sinuri ni: ROSIENETTE A. MIOT


Cooperating Teacher

You might also like