You are on page 1of 6

Banghay-Aralin sa FILIPINO 6

Name of Teacher: KAREN KICHELLE E. TORREGOSA Quarter: Ikaapat/W1


Grade and Section: GRADE VI Date:

I. LAYUNIN

Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng


sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin

Pamantayan sa Pagaganap Nakapagsasagawa ng radio broadcast/teleradyo, sabayang bigkas, reader’s


theatre o dula-dulaan

Mga Kasanayan sa Pagkatuto Nakagagawa ng patalastas at usapan gamit ang iba’t ibang bahagi ng
(Isulat ang code ng bawat pananalita. (F6WG-IVb-i-10)
kasanayan) 1. naibibigay ang mahahalagang detalye sa binasang patalastas at usapan sa
tulong ng pamatnubay na tanong;
2. natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng pananalita sa isang patalastas at
usapan; at
3. nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita sa paggawa ng patalastas at
usapan.

II. NILALAMAN Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Bahagi ng Pananalita

III. KAGAMITANG
PANTURO
A. Paksa Paggawa ng Patalastas at Usapan Gamit ang Bahagi ng Pananalita

B. Sanggunian Ikaapat na Markahan - Unang Linggo FILIPINO Modyul


www.google.com
--Agarrado, P., Francia, M., Guerrero III, P. and Gojo Cruz, G., 2016. Alab
Filipino 5. 1st ed. Quezon City: Vibal Group, Inc. at FEP Printing
Corporation.
--blog.mabuhaytravel.uk. 2020. [online] Available at: [Accessed 17 December
2020].
--guroako.com. 2020. [online] Available at: [Accessed 17 December 2020].
--Liwanag, L., 2011. Landas Sa Wika 6. 2nd ed. Quezon City: EduResources
Publishing, Inc.
--youtube.com. 2020. [online] Available at: [Accessed 17 December 2020].

KAGAMITAN Powerpoint presentation

PAGPAPAHALAGA Kalinisan sa katawan, Pagiging magalang

INTEGRASYON Health, ESP, Arts

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral Magandang araw mga bata! Ngayon ay pag-aaralan natin ang asignaturang
Filipino. Ihanda ang iyong modyul sa ikaapat na markahan-unang lingo,
bolpen, papel o kuwaderno para sa mga gawaing sasagutan. Laging tandaan,
wikang Filipino’y mahalin, kaya ito’y pag-aralan natin!

Ang ating mga layunin para sa araling ito ay


1. naibibigay ang mahahalagang detalye sa binasang patalastas at usapan sa
tulong ng pamatnubay na tanong;
2. natutukoy ang iba’t ibang bahagi ng pananalita sa isang patalastas at
usapan; at
3. nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita sa paggawa ng patalastas at
usapan.

HANDA NA BA KAYO? Simulan na natin!

Panuto: Isulat sa iyong papel ang mga salitang may salungguhit sa tula at
tukuyin kung anong bahagi ito ng pananalita.

Lupang Sinilangan
ni Airene Q. Dalit, Pres. Ramon F. Magsaysay ES

1
Halina’t pagmasdan lalawigan kong mahal,
sagana sa yaman biyaya ng Maykapal.
Mga bundok, dagat, ilog, at kapatagan,
hatid sa amin ay ibayong kasaganahan.

Malawak na kapatagan, malaki ang pakinabang


sa dulot nitong yaman na bunga ng kasipagan.
Malinis na katubigan hatid ay kasiyahan,
pinagpalang tunay sa likas na yaman.

Tahimik na pamumuhay aking nakamulatan,


mga tao ay nagdadamayan at nagmamahalan.
Sintang lalawigan kay sarap pagyamanin,
tuklasin, linangin, saka paunlarin.

Lupang sinilangan ng ama ng masa,


Ramon Magsaysay tunay na dakila.
Ipinagmamalaki ko nang buong puso,
Itangi, mahalin, sulong Zambaleño.

B. Paghahabi sa layunin ng Mayroon akong ipapakitang mga larawan at hulaan kung ano ang tinutukoy
aralin nito.

P L S

Ayon sa ipinakitang mga larawan at nakalagay na palatandaan sa loob ng


kahon, ano kayang salita ang mabubuo?

C. Pag-uugnay ng mga Nakikinig ng balita ang magkapatid na Nika at Buboy nang biglang marinig
halimbawa sa bagong nila ang pagsasahimpapawid ng isang patalastas tungkol sa isang produkto ng
aralin sabon.
Basahin ang patalastas at ang kanilang usapan.

Nika: Buboy, narinig mo ba ang patalastas tungkol sa Organika Soap?


Buboy: Opo ate, pero hindi ba pare-pareho lang naman ang mga sabon?
Nika: Ayon sa impormasyong inilahad sa patalastas, maliban sa mabango ay
may taglay rin daw itong proteksiyon laban sa mikrobyo. Mahalaga ito, lalo
na sa panahon natin ngayon. Buboy: Totoo kaya iyon ate?
Nika: Halika, sabihin natin kay nanay na bumili siya upang mapatunayan
natin na totoo ang sinasabi sa patalastas.

2
Pamatnubay na Tanong:
Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Tungkol saan ang usapan ng magkapatid?


2. Ano-ano ang mga katangian ng produkto na humihikayat sa mga mamimili?
3. Sa iyong palagay mabisa kaya ang patalastas? Bakit?

Pagpapahalaga: Sa panahon ngayon ng pandemya, paano mo nililinis ang


iyong katawan upang makaiwas sa pagkakahawa ng COVID-19 virus?

D. Pagtatalakay ng bagong Balikan ang binasang patalastas at usapan. Alam mo ba na ang mga ito ay
konsepto at paglalahad ng nabuo gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita?
bagong kasanayan #1 Pansinin ang mga salitang may salungguhit.

Pangungusap Bahagi ng
Pananalita

1. Hanap mo ba ay sabon na protektado ka? Panghalip

2. Huwag mag-alala, narito na ang sabon para sa iyo. Pangngalan

3. Mabango, banayad, at hindi mahapdi sa balat. Pang-uri

4. Buboy, narinig mo ba ang patalastas tungkol sa Pandiwa


Organika Soap?

5. Ayon sa impormasyong inilahad sa patalastas, Pang-ukol


maliban sa mabango ay may taglay rin daw itong
proteksiyon laban sa mikrobyo.

Ang mga salitang may salungguhit sa talaan na mula sa binasang patalastas at


usapan ay binubuo ng panghalip, pangngalan, pang-uri, pandiwa, at pang-
ukol. Tinatawag ang mga itong bahagi ng pananalita.

Mula sa unang pangungusap na nasa talaan, ang salitang may salungguhit ay


panghalip. Ang panghalip ay ginagamit bilang panghalili sa pangngalan.
Halimbawa: mo, ako, ikaw, tayo, sila

Sa ikalawang pangungusap, ang salitang may salungguhit ay pangngalan. Ang


pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari. Halimbawa: sabon, Buboy, ate, nanay, mikrobyo

Sa ikatlong pangungusap, ang mga salitang may salungguhit ay pang-uri. Ang


pang-uri ay salitang naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Halimbawa:
mabango, banayad, mabisa

Sa ikaapat na pangungusap, ang salitang may salungguhit ay pandiwa. Ang


pandiwa ay salitang nagpapahiwatig ng kilos o galaw. Halimbawa: narinig,
hanap, sabihin

Sa panghuling pangungusap, ang salitang may salungguhit ay pang-ukol. Ito


ay ginagamit sa pag-uugnay ng isang pangngalan

sa iba pang salita sa pangungusap. Halimbawa: ayon sa, para sa, para kay,
ayon kay

Ang iba pang bahagi ng pananalita ay pang-abay, pangatnig at pang-angkop.


Ang pang-abay ay salitang naglalarawan sa pandiwa, pang-uri, at kapuwa
pang-abay. Halimbawa: dahan-dahan, talagang, taimtim, ngayon, bukas

Ang pangatnig at pang-angkop naman ay kapuwa ginagamit bilang


pangugnay. Halimbawa ng pangatnig – at, dahil, o, ngunit, subalit, bagkus
Halimbawa ng pang-angkop – na, -ng, at -g

E. Pagtatalakay ng bagong Ngayon naman ay magagamit mo ang kaalaman sa mga ito upang makagawa
konsepto at paglalahad ng ng patalastas at usapan.
bagong kasanayan #2

3
Ano nga ba ang patalastas?

Ang patalastas ay isang paraan upang ianunsiyo ang produkto o serbisyo sa


pamamagitan ng iba’t ibang anyo ng komunikasyon. Layunin nito na
hikayatin at himukin ang mga tao upang tangkilikin ang isang produkto o
serbisyo.

May apat na uri ang patalastas:


1. Pasalita o paggamit ng bibig at tinig sa pag-aanunsiyo ng produkto -
karaniwan itong ginagawa ng mga taong nagtitinda ng produkto habang nag-
iikot sa komunidad, tulad na lamang ng mga nagtitinda ng meryenda sa mga
bahay-bahay, nag-aalok ng mga kasangkapang pambahay, nagtitinda ng balut,
taho, at iba pa.
2. Nakalimbag - ito ay patalastas na nababasa sa diyaryo, magasin, nakadikit
sa poste at maging sa billboard.
3. Napanonood sa telebisyon o naririnig sa radyo - ito ang uri ng patalastas
na madalas nakikita sa tuwing nanonood ka ng paborito mong palabas sa
telebisyon, o kaya ay naririnig sa tuwing nakikinig ka sa radyo.
4. Nakikita o nababasa sa social media - sa paglipas ng panahon, maraming
tao na rin ang gumagamit ng social media, kaya naman maging dito ay
nakikita na rin ang patalastas lalo na kapag nanonood ng video sa Facebook at
YouTube.

Sa paggawa ng patalastas dapat na isaalang-alang ang sumusunod:


1. Alamin kung sino ang tiyak na bibili o gagamit ng produkto. Maging tiyak
kung para kanino ang gagawing patalastas, ano ang estado o kalagayan sa
buhay at ano ang sakop na gulang o edad. 2. Alamin ang pangangailangan ng
mamimili. Ano ba ang karaniwang hinahanap na produkto o sangkap ng
produkto sa kasalukuyan? Ano ba ang kinahihiligang gamitin o bilhin ng
nagnanais ng malusog, matipunong pangangatawan, at iba pa.
3. Suriin ang katangian ng produkto na bibigyang-diin upang tiyak na
mabihag ang kalooban at maimpluwensiyahan ang pagsasagawa ng desisyon.
4. Maging malikhain sa paggawa ng patalastas. Isaalang-alang ang wikang
gagamitin, kulay, haba, uri, at ideyang lalamanin nito.

Ang usapan naman ay isang uri ng pakikipagtalastasan kung saan


naipahahayag mo ang nilalaman ng iyong puso at isipan. Ilan sa mga
halimbawa nito ay diyalogo, talakayan, at kuwentuhan.

F. Paglinang sa Kabihasan Panuto: Basahin ang patalastas at ibigay ang mahahalagang detalye tungkol
(Tungo sa Formative dito sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong. Isulat ang letra ng tamang
Assessment) sagot sa iyong sagutang

papel.

1. Tungkol saan ang patalastas?


A. bitamina B. gatas C. pabango D. sabon
2. Anong produkto ang ipinapatalastas upang tangkilikin ng madla?
A. Bidakid B. Enerjoy C. EnerKid D. Vitakid
3. Sino sa palagay mo ang inaasahang bibili ng produkto?
A. ate B. beybi C. kuya D. nanay
4. Ano-ano ang mga katangian ng produkto na nakahihikayat upang ito ay
tangkilikin ng mamimili?
A. masarap at masustansiya
B. nagpapaputi at nagpapakinis ng balat C. nagpapatibay ng buto at
nagpapalakas ng katawan
D. tumutulong magpasigla, magpalakas ng katawan at magpatangkad
5. Bakit mahalaga ang paggawa ng patalastas?
A. Upang makipagkompetensiya sa ibang produkto.

4
B. Madagdagan ang kita ng gumagawa ng patalastas.
C. Libangin ang manonood o nakaririnig ng patalastas.
D. Mabigyan ng impormasyon ang publiko tungkol sa katangian ng produkto
upang ito ay tangkilikin.

G. Paglalapat ng aralin sa Ano ang dapat na maging ugali o katangian ng isang batang katulad mo kapag
pang-araw-araw na kasama ka sa isang usapan?
buhay
H. Paglalahat ng Aralin Ano ang patalastas/usapan?

Ang patalastas at usapan ay isang uri ng pakikipag-ugnayan o


pakikipagtalastasan na ginagamitan ng iba’t ibang bahagi ng pananalita.
Makatutulong ang wastong gamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita upang
maging mabisa at makabuluhan ang diwang nais ipabatid.

I. Pagtataya ng Aralin Panuto: Gumawa ng patalastas na binubuo ng limang pangungusap tungkol sa


sumusunod na produkto gamit ang iba’t ibang bahagi ng pananalita. Gamiting
gabay ang rubrik sa paggawa ng patalastas. Isulat ang mga ito sa iyong
sagutang papel.

J. Karagdagang gawain Bumuo ng maikling usapan tungkol sa magagandang pasyalan na


para sa takdang-aralin at maipagmamalaki mo sa inyong lugar. Gamitin nang wasto ang mga bahagi ng
remediation pananalita. Isulat ito sa iyong sagutang papel.

5
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

You might also like