You are on page 1of 9

ARAYAT CENTRAL ELEMENTARY

School Grade Level GRADE 4


SCHOOL

Learning
Teacher Arlyn M. Miranda FILIPINO
Area

Teaching Date May 31, 2023


DAILY LESSON LOG Quarter Quarter 4 Week 5 Day 3
and Time

I. LAYUNIN

A. Natutukoy ang angkop na gamit ng mga magagalang na salita


batay sa sitwasyon.

B. Nagagamit ang mga magagalang na pananalita sa iba’t-ibang


sitwasyon.

C. Napapahalagahan ang wastong paggamit ng mga magagalang


na salita batay sa sitwasyon.

II. NILALAMAN Magalang na Pananalita

III. KAGAMITANG PANTURO

A. Sanggunian

1. Mga Pahina sa Gabay ng Sanghaya - Wika at Pagbasa Sa Filipino –pahina 81


Guro :

2. Mga Pahina sa Kagamitang


Pang Mag-aaral: page

3. Teachers Guide

B. Iba pang kagamitang Panturo

Video Lesson,mga larawan

IV. Pamamaraan

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin An


at/o Pagsisimula ng Bagong
Aralin Kapag narinig niyo ang salitang interbyu ano ang inyong naiisip?

Ang interbyu o pakikipanayam ay isang mabilis at mabisang paraan


ng pagkuha o pagkalap ng mga impormasyong na maaaring gamitin sa
iba’t ibang kadahilanan. Ito ay isa ring paraan ng pakikipagtalastasan
na may layunin na hangad na matupad ito sa pamamagitan ng wastong
kasagutan mula sa dalawa o higit pang taong nag-uusap.
Magaling!

Ano ang magandang naidudulot ng interbyu?


Napapaunlad ang pakikipagtalastasan sa ibang tao.
Nagiging mahusay ang pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Nakakakuha ng mahahalagang impormasyon.
Nakadaragdag ng personal na kaalaman tungkol sa paksang pinag-
uusapan.
Napapaunlad ang kaalaman sa mahusay na pakikipag-usap at wastong
pakikinig.

B. Paghahabi ng layunin ng Aralin. Basahin ang kwentong “ Si Jose ang batang magalang”(Rasabasa)

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Magpakita ng larawan, tanungin ang mga bata kung ano ang
sa bagong aralin ipinapakita ng larawan.
Ang bawat larawan ay nagpapakita nga mga paggalang sa kanilang
mga kausap.May iba’t –ibang uri ng magagalang na pananalita batay sa
sitwasyon. Isa na dito ay ang:

D. Pagtalakay sa Bagong Konsepto Pagbati-


at Paglalahad ng bagong
kasanayan.#1
Magandang umaga po!

Magandang tanghali po!

Magandang gabi po!

Paghingi ng paumanhin –

Pasensya nap o kayo sa nangyari.

Himihingi po ako ng tawad sa lahat ng kasalanan ko.

Paumanhin po sa nagawa kong gulo.

May uri din ng magagalang na pananalita sa pagtanggap ng panauhin-

Tuloy po kayo sa aming munting tahanan.

Dumito muna kayo habang hinihintay niyo si Tatay.

Kayo po pla, pasok po kayo.

Paghingi ng Pahintulot at Pakiusap-

Makikiusap po sana ako na unawain ninyo ang aming dulog.


Pasensya nap o at ngayon lamang kami nakarating.

Maaari po bang palitan ang aking binili?

Pagpapakilala-

Ako po si Benjie, kamag-aral ng inyong anak.

Nais ko pong ipakilala ang aking ina na si Gng. Maria Santos.

Si Zara po ang tutulong sa atin upang mapaganda an gating silid-


aralan.

E.Pagtalakay sa Bagong konsepto #2 Alam niyo ba na may iba’t-ibang pangkat etniko sa pilipinas na may
iba’t-ibang wikang ginagamit sa pagbati?

Tagalog -Magandang Umaga!

Ilocano -Naimbag nga adlaw, gayyem.

Kapampangan – Mayap a aldo!

Pangasinense – Maabig Ya agew!

Bicolano –Dios marhay na aldaw!

At meron ding paraan ang ating kapatid na hindi nakapgsasalita ng


sarili nilang paraan tinatawag nilang “Sign Language” kung paano
sabihin ang “magandang umaga”.

F.Paglinang tungo sa kabihasnan Ibigay ang wastong magalang na salitang dapat gamitin sa larawan.
Formative Assessment)
G.Paglalapat ng Aralin sa pang-araw Pangkatang Gawain
–araw na buhay.
H.Paglalahat ng Aralin Ang paggamit ng magagalang na salita ay mahalaga dahil nakatutulong ito sa
paghubog ng kagandahang asal ng isang tao, na maaaring makagisnan sa lugar at
pamamaraan ng kanyang pamumuhay.

Pangalawa, ang paggalang ay pagpapakita ng respeto sa mga taong nakapaligid sa


iyo, ito ay mahala sapagkat sa tulong nito naipapadarama mo sa iyong kapwa ang
paggalang sa kabila ng ede at katayuan sa buhay.

Pangatlo, sa paggamit ng mga magagalang na salita naipapahayag moa ng iyong


saloobin sa maayos na pamamaraan, dahil dito mas nagiging kaaya-aya ang
pakikipagkapwa tao.
I.Pagtataya

J. Karagdagang Gawain para saTakdang Magbigay ng Limang halimbawa ng pagbibigay ng puna.


Aralin at Remediation.

V.MGA TALA

VI.PAGNINILAY

A.Bilang ng Mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B.Bilang ng Mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain o Remediation.

C.Nakatulong baa ng remediation? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin?

D.Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.

E.Alin sa mga stratehiya ang pinaka mabisa?

F.Anong mga balakid ang iyong naaranasan na tinutungan ka ng iyong punong-


guro?
G.Anong mga lokal na materyales ang iyong ginamit na gusto mong ibahagi sa
iyong mga katrabaho?

Prepared by: Observed by:

Arlyn M. Miranda Irene S.Cruz


Teacher I Master Teacher I
Filipino 4

Pangalan:_____________________________________________ Petsa:_____________

You might also like