You are on page 1of 4

ABC Learning Center

School Year 2020-2021


Filipino 4
1 Quarter – Week 1
st

Prepared by: Tita Jane

I. Content :
a. Wika : Pangngalan at Dalawang Uri Nito
b. Pagpapahalaga : Kahalagahan ng Pagtitipid
c. Alamin Natin : Pangungusap at Talata

II. Content Standard: “Ang Pinakahihintay Kong Pasukan”


Pinagyamang Pluma 4 – Wika at Pagbasa para sa Elementarya
pages 2-18

III. Learning Competencies


Ang mga bata ay:
 Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento.
 Natutukoy ang pangngalan at dalawang uri nito.
 Natutukoy ang mga detalye ng binasa.
 Naipapakita ang pagmamalaki sa sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito
sa paglalahad ng mga bagay na nakakabuti sa kapaligiran at sa pamilya.
 Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan sa pagsasabi tungkol sa sarili, sa mga
tao, lugar, bagay, at pangyayari sa paligid.

IV. Performance Standard

A. Opening Prayer

B. Motivation
(ipakita sa mga bata ang mga larawan na ginagamit sa paaralan)

1. Tanungin ang mga bata kung saan nila nakita ang mga ito?
Meron ba silang mga gamit sa paaralan?
Ano-ano ang mga ito?
Paano naman ang mga lumang gamit nila sa paaralan noon?
Ano ang ginawa nila sa mga iyon?
2. Basahin ang kwentong “ANG PINAKAHIHINTAY KONG PASUKAN”
(PINAGYAMANG PLUMA 4) Wika at Pagbasa sa Elementarya
pages 5-7
3. Sagutin ang mga tanong tungkol sa binsang kwento?

a. Bakit hindi nakapamasyal ang magkakapatid nang tag-init na iyon?


b. Sa paanong paraan na lang nila pinalipas ang kanilang bakasyon?
c. Kung ikaw ang nasa kalagayan nila, paano mo magagawang kapaki-
pakinabang ang iyong bakasyon kahit kulang kayo sa badjet?
d. Bakit hindi agad maibili ni Nanay ng mga gamit pampaaralan ang kanyang
mga anak?
e. Anong solusyon ang naisip ng mga bata upang makatulong sa kanilang
magulang?
f. Kung ikaw ang isa sa mga bata sa kuwento, papaya ka rin bang gumamit ng
mga bagay na luma o dati mo nang naganit para sa isang bagong pasukan?
Bakit oo o bakit hindi?
g. Maliban sa nakatutulong sa pagtitipid, ano-ano pa ang kabutihang
naidudulot ng muling paggamit ng mga bagay na bagama’t luma na ay
piwede pang gamitin?
h. Bakit mahalagang makiisa o makipagtulungan ang mga anak sa gipit na
kalagayan ng kanilang pamilya kung patuloy sila sa ganitong pakikiisa?

Ang kwento ay binubuo ng mga Pangungusap at Talata.


Pangungusap – binubuo ng salita o pangkat ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa. Ang pangungusap
na binubuo ng pangkat ng mga salita ay may dalawang bahagi: ang simuno o paksa na pinag-uusapan sa
pangungusap, at ang panaguri na nagsasabi tungkol sa simuno.
Halimbawa:
Pangungusap na binubuo ng isang salita lamang:
1. Halika.
2. Takno!
3. Umuulan.
Pangungusap na binubuo ng pangkat ng mga salita:
1. Ang mabuting anak ay yaman ng magulang.
simuno panaguri
Talata – ang talata ay bibubuo ng magkakaugnay na pangungusap patungkol sa isang paksa. Ito ay
nagtataglay ng paksang pangungusap na nagbubuod o lumalagom sa magkakaugnay na
pangungusap. May kaunting pasok sa kanan ang unang pangungusapng talata.

C. Presentation
Basahin at Pag-isipan:

Ang ama ng mga bata sa ating akda ay nagtratrabaho sa ibang panig ng mundo. Siya ay nasa
Nigeria na bahagi ng Africa samantalang sila naman ay narito sa Pilipinas na bahagi naman ng
kontinenteng Asya. Maliban sa dalawang nabanggit, ang iba pang kontinente ng mundo ay ang Hilagang
America, Timog America, Antarctica, Australia, at Europa.

Subukin mong tingnan sa globonang lokasyon o kinalalagyan ng Nigeria at ng Pilipinas upang


mabatid mo kung gaano kalayo ang dalawang bansa isa’t isa. Ito ang distansiyang tinitiis ng mag-anak
kaya’t nais n asana nilang magkasama-sama at hindi na muling umalis ang ama. Upang maisagawa ito,
kinakailangan nilang matiis o magsakripisyo sa pamamagitan ng pagtitipid at paggamit ng mga bagay na
maari pang gamitin. Makatutulong ito hindi lamang sa kanilang pamilya kundi maging sa kapaligiran.
Sana nga sa darating na Pasko ay magkasama-sama na muli sina Aling Myrna, Mang Kanor, Gina, Rina,
Nica at ang kanilang asong si Stanley.

Basahin ang sumusunod na salitang hango mula sa binasa nating talata.


TAO tatay, nanay, Rica, Gina, Nica
BAGAY globo
HAYOP aso
POOK Nigeria, Africa, Pilipinas, Asya
PANGYAYARI Pasko
Masasabi mo ba kung ano ang tawag sa mga salitang nakasulat sa kabilang pahina?
Discuss:
PANGNGALAN – ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
pook o pangyayari. Ang pangngalan ay may dalawang uri:
Pangngalan at Dalawang Uri Nito
PANTANGI – tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari.
Nagsisimula ito sa malaking titik.
Halimbawa:
Aling Myrna Mang Kanor Nigeria Pasko Safeguard

PAMBALANA – karaniwan o pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, pook, o pangyayari,


Nagsisimula ito sa maliit na titik, maliban na lamang kung ito ang unang salita sa
isang pangungusap.
Halimbawa:
ina ama bata bansa sabon

Balikan ang mga gamit niyo sa paaralan. Isa-isahin ang mga ito at ilagay sa tamang kahon.
Ilagay sa pantangi ang mga pangngalan ng bagay na nabibilang sa pantangi at ilagay naman ang
pambalanang pangngalan nito.
Halimbawa:

PANTANGI PAMBALANA
lapis Mongol
papel Sterling
ballpen Pilot
bag Jansport
sapatos Nike

D. Activity
a. Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Suriin at isulat sa linya kung ang pangngalang
may salungguhit ay PANTANGI o PAMBALANA.
1. Upang makaipon ay naisipan nina Gina at ng kanyang mga kapatid na magtayo ng
munting negosyo.

2. Sa tulong ng kanilang ina ay nagluto sila ng mga pagkaing pangmeryenda.

3. Inilako nila ito sa tapat ng kanilang bahay.

4. Minsan ay umikot sila sa Regent Village, ang subdibisyong malapit sa kanila


upang magbenta.

5. Tuwang-tuwa ang mga kapitbahay sa masarap nilang turn, kalamay, pastillas,


pulburon, leche flan, at iba pa.

6. Sinasabihan sila ng kapitbahay na si Aling Puring na dalhin sa Pasig ang mga


paninda.
7. Bago pa magtanghali ay naubos na ang mga paninda.

8. Nagamit din nila ang Sulit.com, isang web site na nag-aanunsiyo ng mga paninda
sa Internet sa pagbebenta ng kanilang mga produkto.

9. Napakaraming nagkagusto sa napakasarap nilang leche plan gawa sa itlog at


sariwang gatas ng kalabaw.

10. Bago pa man dumating si Mang Kanor ay matatag na ang negosyong ipinundar
ng mag-iina kaya’t tiyak na hindi na niya kailangan magtrabaho sa Nigeria.

b. Suriin kung anong pangngalang pantangi ang hindi dapat mapabalang sa pangkat.
Gawing gabay ang mga pangngalang pambalana sa unahan. Kulayan ang kahon ng
tamang sagot.

mga kontinente Asya America Europe Japan


mga buwan Agosto Marso Sabado Abril

mga lalawigan Bohol Pasig Davao del Sur Ilocos Sur


Andres Melchora
mga bayani Jose Rizal Piolo Pascual
Bonifacio Aquino
Apolinario
mga naging pangulo Cory Aquino Joseph Estrada Fidel Ramos
Mabini

E. Good job kids!


Please answer the enrichment activities posted on your activity portal. After answering you
may upload your answer sheets or submit it in school. To end this session, may I request you to be
in a prayerful manner.

F. Closing Prayer
(Angel of God)
G. Remember Stay Home and Be Safe

You might also like