You are on page 1of 17

3

Filipino
Ikaapat na Markahan - Modyul 6 :
Suliranin at Solusyon!

AIRs - LM
Filipino 3
Ikalawang Markahan - Modyul 6 : Suliranin at Solusyon!
Unang Edisyon, 2020

Karapatang sipi © 2020


La Union Schools Division
Region I

Ang lahat ng karapatan ay ibinibigay sa may akda. Anomang paggamit o


pagkuha ng bahagi ng walang pahintulot ay hindi pinapayagan.

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: Marlynne W. Oler, Sudipen Central School, Sudipen District


Editor: SDO La Union, Learning Resource Quality Assurance Team
Tagaguhit: Ernesto F. Ramos Jr., P II

Tagapamahala:

Atty. Donato D. Balderas, Jr.


Schools Division Superintendent

Vivian Luz S. Pagatpatan, Ph.D


Assistant Schools Division Superintendent

German E. Flora, Ph.D, CID Chief

Virgilio C. Boado, Ph.D, EPS in Charge of LRMS

Luisito V. Libatique, Ph.D, EPS in Charge of Filipino

Michael Jason D. Morales, PDO II

Claire P. Toluyen, Librarian II


Sapulin

Ang araling ito ay inihanda para sa iyo upang


makatulong sa
paghasa sa iyong kaalaman.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Nakapagbibigay ng mungkahing solusyon sa suliraning


nabasa sa isang teksto o napanood (F3PT-IVh-13).

• Naibibigay ang buod o lagom ng tekstong nabasa (F3PB-


IVi-16)
Pagbibigay ng mungkahing
Aralin
solusyon sa suliraning nabasa
6.1 sa isang teksto o napanood

Simulan

Gawain A
Panuto: Pag-aralang mabuti ang larawan. Idugtong ang larawan
sa
pangungusap na nagsasabi ng tungkol dito.

• Malnoris na bata.

• Mababang marka sa modyul o


pagsusulit.

• Nagkalat na mga basura.

Line.17qq.com
Gawain B
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungasap sa baba. Ang
mga ito ay mga
bagay na hindi maganda o itinuturing na suliranin dahil
maari silang
magdulot ng hindi kanais-nais.

_____1. Marumi ang paligid dahil nagkalat ang mga basura.


_____2. Mababa ang iskor na nakukuha sa modyul at pagsususlit.
_____3. May mga batang malnoris.

Piliin sa loob ng kahon ang mga solusyon o bagay na dapat


gawin upang malutas ang mga suliraning nabanggit . Piliin ang
tamang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.

a. Mag-aral ng mabuti
b. Kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng mga gulay at
prutas, at
iwasan ang pagkain ng mga Junk Foods.
c. Itapon ang basura sa tamang lugar o lagayan.

Gawain C
Panuto: Basahin ang nasa loob ng kahon at sagutin ang mga
tanong sa ibaba.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

Sa dami ng ginagawa at pinagkakaabalahan ni Minda


ay napabayaan niya ang kanyang mga tanim. Ang lupa ay
tuyong-tuyo at ang mga halaman ay nalalanta na. Nang
mapansin ito ni Minda ay sobrang nag-alala na baka
mamamatay ang kanyang mga halaman.
1. Sino ang may mga halaman?
A. Mina B. Minda C. Mila D. Nena
2. Ano ang nangyari sa mga halaman?
A. lumaki B. namulaklak C. nalanta D. natumba
3. Ano ang solusyon o pwedeng gawin ni Minda upang hindi
tuluyang
matutuyo o mamamatay ang kanyang mga halaman?
A. didiligan B. bubunutin at ililipat
C. huwag pansinin D. lahat ng nabanggit

Lakbayin

Mahalagang iyong tandaan o isaisip na ang Pagbibigay ng


Mungkahing Solusyon ay ang pagsasabi o pagbibigay ng mga
bagay na positibo na maaaring panglutas sa anomang problema
o suliranin.

Galugarin
Subukin ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng solusyon sa isang
suliranin.

Gawain A – Sulosyunan Mo!


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang mga maaaring solusyon sa
nabanggit na
suliranin, ekis (X) naman kung hindi nakatutulong.

Suliranin: “Mababang marka ng isang mag-aaral.”

______1. Sagutan ng maigi at tapusin ang mga modyul.


______2. Pag-aralang maigi ang mga leksyon.
______3. Magpatulong sa mga magulang o kapatid sa mga hindi
naiintindihan
sa modyul o leksyon pero hindi sila ang gagawa.
______4. Maglaro lang ng maglaro.
______5. Titigil sa pag-aaral.

Gawain B – Anong gagawin mo!


Panuto : Ano ang imumungkahi mong solusyon sa suliraning ito?
Bilugan ng
titik ng tamang sagot.

Suliranin: Maraming kalat sa loob ng bahay.

A. Ilagay kung saan saan ang mga gamit


B. Huwag pasinin ang mga kalat sa bahay
C. Hintayin si nanay na magligpit sa mga kalat.
D. Tumulong sa pag-ayos at pagligpit ng mga kalat

Palalimin
Gawain A – Anong Problema?
A. Panuto : Basahin at intindihin ang sitwasyon sa loob ng
kahon.

Hindi makapaglaro ang mga bata sa bakuran dahil


maraming nagkalat na iba’t-ibang uri ng basura gaya ng basag
na bote, plastik at mayron ding mga bato na nagkalat .

1. Ano ang suliranin sa sitwasyon na iyong binasa? Piliin ang


tamang sagot at isulat ng maayos sa mga linya .

A. Ang mga bata sa bakuran.


B. Maraming nagkalat na mga basura sa bakuran.
C. Malawak ang bakuran
D. Masikip ang bakuran.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Gawain B – Isipin ang Solusyon!


Panuto : Upang makapaglaro ang mga bata sa bakuran, ano
ang dapat nilang
gawin ? Isulat ang solusyon na iyong naisip sa baba.

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
_______________________________________________________________.

Sukatin

Gawain A
Panuto: Basahin at unawain ang sitwasyon.

Lagi na lang cellphone ang inaatupag ni Tisay kaya


hindi niya natatapos ang kanyang modyul.

Sagutin ang mga sumusunod. Piliin at bilugan ang titik ng tamang


sagot.

1. Ano ang suliranin batay sa iyong binasa?

A. Marami ang cellphone ni Tisay.


B. Lagi na lang cellphone ang inaatupag ni Tisay.
C. Marunong si Tisay sa paggamit ng cellphone.
D. Hindi natatapos ni Tisay ang kanyang mga modyul.

2. Ano ang maaaring solusyon sa nasabing suliranin?

A. Titigil na si Tisay sa pagmomodyul.


B. Ipagpatuloy lang ni Tisay ang kanyang ginagawa.
C. Ang mga magulang ni Tisay ang gagawa at tatapos sa
kanyang modyul.
D. Pagbawalan at pagsabibihan si Tisay tungkol sa mga
masamang
epekto ng palaging paggamit ng cellphone at pagtuonan
ng pansin ang
kanyang modyul.

Gawain B
Panuto : Basahin at unawain ang nasa kahon.

Nagkalat ang mga dumi ng aso sa kalsada at ang


baho ng mga ito ay naaamoy ng mga taong dumadaan at
kung minsan naaapakan pa ang mga ito.

Mag-isip o magmungkahi ng isang solusyon upang


malutas ang pagkalat ng mga dumi ng aso sa kalsada.

Suliranin Mungkahing Solusyon


____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
Nagkalat na dumi ng ____________________________________________
mga aso sa kalsada ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________
Pamantayan:
3- nakapagmungkahi ng tamang solusyon, malinis at tama ang
pagkasulat
2- nakapagmungkahi ng tamang solusyon pero may mali sa
pagsulat.
1- Hindi angkop/tama ang mungkahing solusyon
0- walang naisulat na sagot

Aralin Pagbibigay ng buod o


6.2 lagom
ng tekstong nabasa

Simulan

Gawain A
Panuto: Basahin ang maikling kuwento.

Mga Tanim ni Tatay

Nagtanim si Tatay ng maraming gulay, may ampalaya,


sitaw, talong at okra. Araw-araw ay dinidiligan ang mga ito
ni Tatay. Nilalagyan din niya ng pataba ang kanyang mga
pananim upang ang mga ito ay mabilis lumaki.

Sagutin ang mga sumusunod. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Sino ang may maraming gulay?


A. Tatay B. Nanay C. Ate D. Kuya

2. Ano-ano ang mga gulay na itinanim ni Tatay?


A. luya, sitaw, bataw at patani
B. okra, talong, sitaw at ampalaya
C. kamatis, talong, upo at kalabasa
D. Lahat ng nabaggit

3. Paano inalagaan ni Tatay ang kanyang mga tanim?


A. Binubunot ang mga ito at inililipat
B. Nilalagyan niya ng bakod ang mga tanim
C. Dinidiligan at nilalagyan niya ng pataba ang mga tanim
D. Nilalagyan ng supot ang mga bunga ng kanyang mga
tanim.

Gawain B
Panuto : Ang kuwentong nabasa ay maaari pang paikliin. Piliin sa
mga sumusunod na pangungusap ang pinaikli o ang lagom o
buod ng kuwentong binasa. Piliin at bilugan ang titik ng tamang
sagot.

A. Nagluto si Tatay ng maraming gulay.


B. Bumili si Tatay ng maraming gulay sa bayan.
C. Nagtinda si Tatay ng maraming gulay sa palengke.
D. Si Tatay ay may maraming tanim na mga gulay, dinidiligan at
nilalagyan niya
ang mga ito ng pataba.

Gawain C
Panuto: Isulat sa linya ang sagot sa Gawain B o ang lagom o
buod ng nabasang
kuwento.
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
Lakbayin

Ang Paglalagom ay pagsulat o pagsalaysay sa isang akda


na nabasa o narinig sa maikling paraan na ginagamitan ng
sariling pananalita.

Ang lagom o buod ay maikli ngunit malaman at


nagpapahayag ng pinakadiwa nito.

Galugarin
Subukin ang iyong kakayahan sa pagbibigay ng buod o
lagom sa tekstong binasa.

Gawain A
Panuto: Basahin ang kuwento. Pagkatapos, piliin at bilugan ang
tamang salita
sa loob ng panaklong upang mabuo ang buod ng
teksto/sanaysay na
iyong binasa.

Si Aling Tinay
Maagang gumigising si Aling Tinay sa umaga. Tulog pa ang
mga anak ay nagluluto na siya ng almusal, pagkatapos magluto
ay maliligo na para papasok na sa trabaho. Sa hapon, pag-uwi
niya sa bahay marami na namang trabaho ang kanyang
gagawin, maglilinis at magliligpit ng mga kalat, magluluto at
maghahanda na naman ng hapunan. Si Aling Tinay ay sadyang
masipag at mapagmahal, lahat ay gagawin para sa pamilya,
walang oras na wala siyang ginagawa.
Si Aling Tinay ay gumigising ng (maaga, tanghali). Siya ay
(masipag, maganda), at (masungit, mapagmahal) lahat ay
ginagawa para sa ( sarili, pamilya). Walang oras na wala siyang
(ginagawa, kinakain).

Palalimin
Gawain A
Panuto: Basahin ang sanaysay. Pagkatapos, Piliin at bilugan ang
nagsasaad ng
lagom o buod ng binasa.

Masipag mag-aral si Alma, sa klase, siya lagi ang


nangunguna. Lahat ng kanyang modyul ay kanyang
ginagawa. Nagpapatulong din siya sa kanyang ina sa mga
hindi niya naiintindihan. Bago niya ipasa ang kanyang mga
modyul ay tinitingnan niyang mabuti kung natapos niya lahat
ang mga gawain kaya matataas ang kanyang nakukuhang
mga marka .

A. Tinatapos lahat ni Alma ang mga gawain sa modyul.


B. Matataas ang mga iskor ni Alma sa kanyang mga modyul.
C. Ang nanay ni Alma ang gumagawa at sumasagot sa
kanyang mga modyul.
D. Masipag mag-aral si Alma, tinatapos niya lahat ang mga
gawain sa kanyang modyul kaya matataas ang kanyang
mga marka at siya ang nangunguna sa klase.
Sukatin

Gawain A
Panuto : Basahin at unawain ang kuwento, pagkatapos ay gawin
ang gawain sa
ibaba.

Ang Mga Alaga Ni Maria


Kuwento Ni: Marlynne W. Oler

Si Lingga ay asong alaga ni Maria. Bigay noon na tuta ni


Lorena, ang matalik na kaibigan niya. Ngayon inahin na si Lingga
at napakaganda ang kulay kahel na balahibo niya.

Si Lingga ay nanganak ng pitong malulusog na tuta. Tuwang-


tuwa si Maria at mahal na mahal niya ang kanyang mga alaga.
Inaalagaan niya ang mga ito. Pinapaliguan at pinapakain ng
tama.

Si Linggo, ang tutang may pinakamakapal na balahibo, mga


sapatos ay kanyang kinakagat at itinatago, dito siya
napapagalitan at paminsan-minsan ay napapalo. “Linggo! Saan
mo itinago ang sapatos ko?” tinatanong ni Maria tuwing ang
sapatos niya ay nawawala.
Si Lunes na manang-mana ang kulay ng ina, puro laro ang
inaatupag niya. Laro dito, laro doon. Lundag dito, lundag doon.
Dahil sa pagod, kadalasan siya ay tulog.
Si Martes na mukhang may maliit na mapa sa kanyang mukha
ay masipag sumama kay Maria saan man ito magpunta. Lakad
dito. Lakad doon. Masipag lumakad saan man sila tutungo laging
nakabuntot ito.
Si Miyerkules naman ay napakatakaw, kung pagkain ang
pinag-uusapan, wala siyang inuurungan. Sa kanilang kainan, siya
lagi ang naiiwan. Halata sa kanyang katawan ang kanyang
katakawan, siya ang may pinakamalaki ang tiyan.
Si Huwebes ay may balahibong manipis, siya ang asong
mahilig magngatngat ng walis. Siya rin ay napapagalitan dahil sa
kanyang kakulitan.
“Huwebes! sinira mo na naman ang bagong walis. Gusto mo rin
bang matalian? Tigas ng ulo mo!” naiinis na sinabi ni Maria noong
minsang nasira ang walis niya.

Si Biyernes, marunong tumahol at kung minsa’y nanghahabol


kaya siya’y tinalian at hindi na pinapakawalan. Noong una ay
ingay ng ingay, siya ay tahol ng tahol , pero pagkalipas ng ilang
araw siya rin ay nasanay.

Si Sabado ay may napakaitim na nguso at maiksi ang kanyang


buntot . Siya ang naiiba sa kanilang pito, pero mabait at
malambing ito. Tuwing nakaupo si Maria na nanonood ng
telebisyon siya ay nagpapakandong.

Ang sayang pagmasdan sina Maria kasama ang mga alaga,


ito ang kanyang pamilya. Pagmamahal at pag-aaruga ay
kanyang ipinapadama at nasusuklian naman ang mga ito ng
tuwa at saya.

Panuto: Punan ang mga nawawalang salita upang mabuo ang


lagom o buod ng
kuwentong binasa?

Si Maria ay may ___________________na alaga na ang


pangalan ay ____________________. Nanganak si Lingga ng
_________________ na malulusog na tuta, ito ay sina
___________________, ___________________, ______________________,
____________________, ___________________, ______________________,
at si ______________________.
ARALIN 1 ARALIN 2
Simulan Simula
Gawain A Gawain A
1. A
2. B
3. C
mababang iskor Gawain B- D
Nagkalat na mga basura
malnourished na bata
Gawain B Galugarin
C 1. Marumi ang paligid dahil nagkalat ang A. maaga, masipag, , mapagmahal,
mga basura. sarili, ginagawa
A 2. Mababa ang iskor na nakukuha sa Palalimin - D
modyul o pagsususlit.
B 3. May mga malnurished na bata.
Gawain C Sukatin
1. b 2. c 3. a
Galugarin Aso, Lingga, pito, Linggo, Lunes, Martes,
Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado
A. B. b
1. /
2. /
3. /
4. x
5. x
Palalimin
Gawain A- B
Sukatin
Gawain A Gawain B
1. / 1. B
2. /
3. /
4. x
5. x
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Filipino Grade 3 MELCs
Line.17qq.com

You might also like