You are on page 1of 28

FILIPINO

Ikaapat na Markahan
Modyul 2
Pagbibigay ng Paksa sa Napakinggang Teksto

EMMA E. RETUTA
Master Teacher II
Grade IV- Adviser
Kasanayang Pampagkatuto
Naibibigay ang paksa ng napakinggang teksto.
(F4PN-IVb-7)
Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto na ito, ikaw ay
inaasahang:
1.natutukoy ang paksa sa napakinggang teksto;
2.nakapagbibigay ng mga detalyeng sumusuporta sa
paksa sa napakinggang teksto; at
3.naisusulat nang wasto ang paksa at detalye ng
napakinggang teksto.
Panuto:
Balik-Aral
Basahin at unawain ang
teksto. Sagutan sa ibaba ang
balangkas. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Ang Mahiwagang Bilao


ni Carlina M. Ancho, Dirita Elementary School

Sa isang malayong bukirin, naninirahan


ang mag-anak ni Mang Pilo. Larawan sila ng isang kontento
at masayang pamilya. Isang araw, may
dumating na malakas na bagyo sa kanilang lugar.
Sa sobrang lakas nito ay halos walang matira sa kanila. Nalungkot
ang mag-anak sa sinapit nila. Hindi nila alam ang kanilang
gagawin.
Kinabukasan ay sinimulan na nilang magtayo ulit ng maliit
na tirahan para sa kanila. Habang abala sila sa kanilang
ginagawa ay may nahagip ng tingin ang kanilang anak na si
Rosing. “Ano kaya ang bagay na iyon?”, tanong nito
sa kaniyang sarili. Nilapitan niya ito at nakita niya ang isang
lumang bilao. Kinuha niya iyon at patakbong bumalik sa
kanyang mga magulang. Inilapag niya ito sa mesa malapit sa
kanilang lutuan.
“Nanay, Tatay, tingnan ninyo! Ang napulot ko pong bilao
kanina, punong-puno na ng masasarap na pagkain!”, tuwang-
tuwang sambit ni Rosing.
“Naku! Oo nga anak! Mahal talaga tayo ng Diyos,” naluluhang
sabi ni Aling Miling.
“Huwag ninyo itong ipagsabi sa ibang tao, tiyak
walang maniniwala sa atin”, babala ni Mang Pilo.
“Opo Itay, hindi ko po ito sasabihin sa iba”,
masayang sagot ni Rosing.
Mula noon, unti-unting umunlad ang pamumuhay
ng mag-anak ni Mang Pilo. Hindi sinarili ng mag-
anak ang magandang biyaya na ipinagkaloob sa
kanila. Tumulong sila sa mga kapitbahay at
maging sa karatig bukid.
Panuto: Sagutin ang balangkas sa ibaba.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
I.Pamagat:
II.Tagpuan
Lugar:
III.Mga tauhan:
IV.Mga pangyayari:
A.
B.
C.
Pagtalakay sa Paksa
Subukin ang iyong kaalaman at kakayahang
makapagbigay ng paksa sa napakinggang teksto.
Dengue Fever
ni Darna N. Sombillo, Dirita Elementary School

Ang lagnat na dengue (dengue fever) ay


isang impeksiyon na sanhi ng isang
virus na dala ng lamok. Ito ay naipapasa
sa tao sa pamamagitan ng kagat ng
babaeng lamok na Aedes Aegypti na
siyang nagdadala ng virus na dengue.
Kahit sino
ay puwedeng magkaroon ng dengue fever, bata man o matanda,
pero mas karaniwang malala ang sakit sa mga bata at sanggol.
Ang mga pangunahing sintomas ng dengue fever ay mataas ng
lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kasukasuan, at rashes na
kamukha ng nakikita sa tigdas.
Ilan sa mga paraan upang maiwasan ang dengue ay umiwas na
makagat ng lamok, huwag hayaang magtambak ng tubig o
bagay na puwedeng pamugaran ng itlog ng lamok, panatilihing
malinis ang kapaligiran sa buong bahay, lagi ring takpan ang
inipong tubig, magsuot ng pajama, pantalon o mahabang damit
kahit nasa bahay, gumamit ng kulambo at mag-spray ng
pamatay para sa lamok sa loob ng bahay.
Sa kasalukuyan, wala pang gamot na pumupuksa sa virus na
may dalang dengue.

Pamatnubay na Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga pamatnubay na tanong. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1.Tungkol saan ang napakinggang teksto?
2.Saan nagmumula ang dengue?
3.Sino ang maaaring magkaroon ng dengue fever?
4.Paano mo mapananatiling malinis ang kapaligiran
upangmaiiwasan ang dengue?
5.Alin sa mga pangungusap sa iyong napakinggang teksto
angmaaaring detalyeng sumusuporta sa paksa? Magbigay
ngdalawang halimbawa.
Halimbawa:
Paksa: Ang lagnat na dengue o dengue fever

Detalye 1: Ito ay naipapasa sa tao sa pamamagitan ng kagat


ng babaeng lamok na Aedes Aegypti na nagdadala ng
dengue virus.

Detalye 2: Ang mga pangunahing sintomas ng dengue fever


ay mataas ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kasukasuan,
at rashes na kamukha ng nakikita sa tigdas.
Tandaan
Ang paksa ay bahagi ng pangungusap na pinag-uusapan o
pinagtutuunan ng pansin. Maaari itong makita o matagpuan
sa unahan, gitna o huling pangungusap.
Sa pagbibigay ng paksa sa napakinggang teksto, kailangang:

1.Makinig at intindihin nang mabuti ang


pinakinggangteksto.
2.Alamin ang pinakamahalagang bahagi ng teksto.
3.Kunin ang mahahalagang detalye na maaaringsusuporta
sa paksang ibibigay.
4.Talasan ang iyong pandinig at ituon ang buongatensiyon
sa nagsasalita o sa pinapakinggan.
Ang iba pang pangungusap na
tumutukoy o nagbibigay ng
karagdagang impormasyon sa paksa
ay tinatawag na pansuportang detalye.
Ito ay mga pangungusap na
nagbibigay tulong upang lubusang
maunawaan ang paksa opangunahing
ideya ng teksto.
Gawain
Pinatnubayang Pagsasanay 1
Ngayong natutuhan mo na ang tamang pagbibigay ng paksa. Paghusayan
mo pa ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng mga pagsasanay.

Panuto: Tukuyin ang paksa ng bawat teksto. Isulat ang letra na may
tamang kasagutan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1.Ang harang-taga o mas kilala sa tawag na patintero ay maaaring laruin
ng tatlo hanggang limang manlalaro sabawat koponan. Dapat ay pantay
ang bilang ng miyembro okasapi nito. Kailangan munang gumuhit ng
dalawa o apatna parisukat depende sa dami ng manlalaro sa
bawatkoponan bago magsimula ng laro.

Ano ang paksa ng napakinggang teksto?


A.Ang harang-taga o larong patintero
B.Mga panuntunan sa larong patintero
C.Ang tamang pagguhit ng palaruan sa patintero
D.Ang tamang bilang ng miyembro o kasapi ng patintero
2.Si Romar James ay nag-iisang anak ng mag-asawang
Mang Louie at Aling Dina. Kaya lahat ng pagmamahal
ay nasa kaniya. Pinalaki siyang magalang na bata.
Masayahin,mabait at bibong bata rin siya kaya kahit
saan siya magpunta ay marami siyang nagiging
kaibigan. Kaya naman ang kaniyang mga magulang ay
natutuwa sa kaniyang pag-uugali.
Ano ang paksa ng napakinggang teksto?
A.Ang kinatutuwaang bata
B.Ang masunuring si Romar
C.Ang mga katangian ni Romar James
D.Ang mag-asawang Mang Louie at Aling Dina
3.May isang bahay na makikita sa gitna ng malawak
nahardin. Marami rin itong magagandang pananim.
Ang mga poste ay nakatayo pa rin nang tuwid ngunit
kupas na ang kulay nito. Sa loob naman ng bahay ay
makikita ang mga antigong kagamitan. Ang sahig ay
gawa sa kahoy. Tunay ngang matibay ang bahay na
ito kahit luma na.

Ano ang paksa ng napakinggang teksto?


A.Ang malawak na hardin
B.Ang luma ngunit matibay na bahay
C.Ang antigong bahay na gawa sa kahoy
D.Ang bahay na may maraming halaman
4.Ang sakit o karamdaman ay anomang kalagayan na hindi
pagkaraniwang nararamdaman ng katawan isang tao. Ito ay
maaaring sanhi ng hindi maayos na kondisyon ng bahagi ng
katawan. Ito rin ay maaaring sanhi ng mga mikrobyong
nagdudulot ng sakit. Ito ay maaaring dumapo kahit kaninong
bata man o matanda, mayaman man o mahirap ngunit ito ay
maiiwasan. Ang isang taong may mahinang
resistensiya(immune system) ay madaling dapuan ng sakit o
karamdaman.
Ano ang paksa ng napakinggang teksto?

A.Ang mga taong may mahinang resistensiya


B.Ang sakit ay maaaring dumapo kahit kanino
C.Ang mga mikrobong nagdudulot ng sakit o karamdaman
D.Ang sakit o karamdaman ay hindi pangkaraniwang
nararamdaman ng tao.
5.Ang malunggay ay isa sa may maraming benepisyo
sa katawan o kalusugan. Mayaman sa bitamina at
sustansiyaang dahon ng malunggay. Mayroon itong
taglay na protina na doble sa gatas, potassium na higit
pa sa saging, Bitamina A na higit pa sa carrots at
Bitamina C na pitong beses panghigit kaysa sa orange.
Kaya naman nakatutulong itong magpatibay ng
resistensiya.
Ano ang paksa ng napakinggang teksto?
A.Ang malunggay ay sagana sa protina.
B.Ang malunggay ay may taglay na bitamina.
C.Ang mga bahagi ng malunggay na maaaring kainin.
D.Ang mga benepisyo ng malunggay sa katawan o
kalusugan.
Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Magbigay ng dalawang detalye ayon sa paksang
nakasulat sa loob ng bawat kahon.

1.Ang langaw ay isang insektong mapanganib dahil maramiitong


sakit na dinadala. Kumakapit ang mikrobyo sa mga paanito sa
tuwing dadapo sa basura. Ang mikrobyo naman aynaililipat sa
pagkain o inumin kapag dumapo na ang langaw.Ang langaw ay
may dalang sakit katulad ng cholera,conjunctivitis, dysentery,
tuberculosis at typhoid fever

Paksa: Ang langaw ay isang insektong mapanganib

Detalye1: ________________________________________________
Detalye 2: _______________________________________________
2.Sa panahon ngayon nakararanas tayo ng iba’t
ibangkalamidad. Maaaring gawa ng kalikasan o kapabayaan
ngmga tao. Katulad ng pagguho ng lupa na dulot ng mali
owalang pahintulot na pagmimina at labis na pagpuputol ngmga
puno sa kabundukan. Kung malakas ang pag-ulan,nagkakaroon
ng pagbaha dahil sa hindi wastongpagtatapon ng mga basura.
Ang mga ito ay ilan lamang samga dahilan ng pagkasira sa
kalikasan na nagdudulot ngsakuna na nagiging sanhi ng
kapahamakan ng mga tao.

Paksa: Ang mga dahilan ng pagkasira sa kalikasan

Detalye1: _________________________________________________
Detalye 2: _________________________________________
3.Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Malawak
angmga lupang pang-agrikultura na maaaring
pagtaniman ngpalay, mais, tubo, tabako, at iba pang
produkto. Masukalang mga kagubatang
pinanggagalingan ng mga troso atmababangis na
hayop. Ang mga karagatan nito ay saganasa isda at iba
pang lamang dagat. Sa mga bundokmatatagpuan ang
kayamanang mineral tulad ng ginto,pilak, karbon,
chromite at iba pa.

Paksa: Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman.


Detalye1: _____________________________________________________
Detalye 2: ______________________________________________
Pang-isahang Pagsasanay
Panuto: Tukuyin ang paksa ng teksto at
magbigay ng dalawang mahahalagang
detalye na sumusuporta tungkol dito.
Gawin ito sa sagutang papel.

1.Ang bangus ay ang pambansang isda


ng Pilipinas. Lumalakiang mga ito
hanggang sa 1.7 metro. Maari itong mahuli sa
tubig alat at tabang(palaisdaan). Ang bangus ay matinik
na uri ng isdangunit masarap itongulamin. Sinigang
madalasna luto nito. Puwede din itong gawing daing at
tinapa
Talamak tuwing bakasyon ang kaso
ng mga batang nakakagat ng aso.
Karaniwang tumataas ang kaso ng
Rabies tuwing tag-init. Ang rabies ay
isa sa mga pinakadelikadong viral
disease na nakaaapekto sa central
nervous system ng mga tao. Kapag
nakagat ng aso ang isang tao, ang rabies na nasa laway
nito ay papasok sa kaniyang katawan. Ang mga
pangunahing sintomas ay lagnat, sakit ng ulo, pagkahilo,
pagsusuka, pagkabalisa, pagkalito, hirap sa paglunok,
sobrang paglalaway, takot sa tubig, at hirap sa pagtulog.
Pagsusulit
Panuto: Isulat ang paksa at magbigay ng dalawang
detalyeng sumusuporta sa napakinggang teksto.
Isulat ito sa sagutang papel.
1.Mahalaga ang tubig sapagkat ito ay kailangan ng tao,hayop
at maging halaman. Ang tubig na malinis aynagbibigay-buhay
sa atin kaya hindi ito dapatsayangin. Dapat nating gamitin
ang tubig sa wastongparaan. Huwag iiwang bukas ang gripo
habangnagsisipilyo. Gumamit ng batya o timba
habangnaliligo. Ipagawa ang mga sira at tumutulong
griponang hindi masayang ang tubig.
Paksa: ____________________________________________________
Detalye1:__________________________________________________
Detalye 2:_________________________________________________
2.Ang punong niyog ang may pinakamaraming
pinaggagamitan. Lahat ng bahagi ng punong ito
aymahalaga. Ang katawan nito ay mahusay
napanggatong. Ang mga dahon ay nagagawang
walistingting, basket, at pambubong ng bahay. Ang
balatng bunga ay nagagawang bunot. Ang bao ay
nagagawang alkansiya, butones, plorera at laruan.Mula
naman sa laman ng bunga, maaaring makakuha ng
langis, makagawa ng kendi at gamot.
Paksa: _____________________________________________________
Detalye1:___________________________________________________
Detalye 2:__________________________________________________
3.Ang Coronavirus ay isang malaking pamilya ngvirus na
nagdudulot ng iba’t ibang sakit, mula sakaraniwang ubo’t sipon
hanggang sa mas malubhangmga impeksiyon tulad ng MERS-
CoV at SARS-CoV. Itoang pandemyang kinakaharap ng buong
mundo sakasalukuyan. Walang pinipiling dapuan ang virus
naito, bata, matanda, mahirap o mayaman, lahat ay
mayposibilidad na magkaroon nito batay sa World
HealthOrganization (WHO). Ang karaniwang sintomas nadulot ng
COVID-19 ay lagnat, pagkapagod at drycough. Ilan sa mga
pasyente ay nakararanas ng siponat baradong ilong, pangangati
o pananakit nglalamunan at pagtatae.

Paksa: ____________________________________________________
Detalye1:__________________________________________________
Detalye 2:_________________________________________________
4.Isa sa mga pamantayan ng wastong nutrisyon ang
pagkain ng gulay at prutas. Ang mga madadahon at
madidilaw na gulay ay mayaman sa Beta-Carotine.Ang
sariwa at katamtamang luto ng mga
berdengmadadahong gulay ay pinagmumulan ng
Bitamina C,Iron, Calcium, Dietary Fiber, Folic Acid,
Bitamina E atilang Phyto-chemicals. Katulad ng gulay,
mahalaga rin ang prutas sa ating pagkain dahil
mayaman ang mga ito sa Bitamina C. Nakatutulong
ang Bitamina C upang tumibay ang ating resistensiya
laban sa impeksiyon.
Paksa: ___________________________________________________
Detalye1:_________________________________________________
Detalye 2:________________________________________________
Pangwakas
Panuto: Punan ang bawat patlang upang mabuo ang
konseptong iyong natutuhan sa aralin. Gawin ito sa
iyong sagutang papel.

Ang natutuhan ko sa aralin ay


_____________________________________________________________
Ang aking natutuhan ay makatutulong sa akin sa
_____________________________________________________________
Ang bahagi ng araling aking nagustuhan ay
_____________________________________________________________
Ang bahagi ng araling nais ko pang mapabuti ay
_______________________________________________________________
______

You might also like