You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V (Bicol)
DIVISION OF CAMARINES SUR
BALATAN DISTRICT
DURAN ELEMENTARY SCHOOL
SCHOOL ID 112351

LESSON PLAN IN MATHEMATICS 1

Name: KAREN B. TURIANO Date: ____________________


Subject: Mathematics 1 (3rd Quarter) Grade: I-Swan

I. Layunin
 Nakikilala ang mga mga hugis
 Natutukoy ang mga hugis sa 2-3 dimensyonal na bagay.
 Nailalarawan at naipapakita ang mga hugis sa 2-3 dimensyonal na bagay.

II. Nilalaman
Apat na Pangunahing Hugis
(Quarter 3 Week 5)

III. Kagamitan ng Guro


A. Sanggunian
MELC-M1GE-IIIe-1-4
Mathematics 1 Gabay ng Guro
Mathematics 1 LM p. 202-209
https://www.youtube.com/watch?v=RvlydJBQ_Mw

B. Iba Pang Kagamitang Panturo


PowerPoint presentations
Pictures/real objects
Worksheets
Activity sheets

IV. Pamamaraan
A. Pagganyak
Pag-awit ng awiting “Bola Ko’y Bilog

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Puzzle:
Buuin ang mga pira-pirasong hugis upang makabuo ng isang hugis.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Paano ninyo nabuo ang mga hugis gamit ang pira-piarsong papel?
Mahalaga ba ang pagtutulungan ng bawat isa? Bakit?
Ano-anong hugis ang nabuo ninyo?
D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1
Ito si Rey ang batang mahilig maglaro pero matalino sa klase.
Ano ang napapansin ninyo kay Rey?
Saan kaya pupunta si Rey?
Ano ang kanyang dala-dala?

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2


Ano ang hugis ng lobo? Party hat? Regalo? Paper bag?
Alin sa mga bagay na ito ang walang sulok at wala ring gilid?
Alin naman ang bagay na mayroong 3 sulok at 3gilid?
Ilarawan mo nga ang hugis ng paper bag?
Ilan ang gilid at sulok nito?
Ilang gilig ang magkapaerho ang sukat?
Ilang gilid at sulok naman mayroon ang hugis parisukat?
Magkapareho ba ang mga sukat ng gilid nito?

Pagtalakay sa aralin sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga makukulay na hugis.

Ang bilog ay walang gilid at Ang parihaba ay may


B Bilog walang sulok. dalawang pantay na gilid at
apat na sulok.
Parihaba

Ang parisukat ay may apat na Ang tatsulok ay may tatlong


Parisukat pantay na gilid at apat na gilid at tatlong sulok.
tatsulok
sulok.

F. Paglinang sa kabihasnan Ang parihaba ay may


dalawang pantay na gilid at
Pangkatang Gawain: apat na sulok.
Parihaba
I- Pagtapatin ang hugis at ang bagay na kapareho nito.
II- Kulayan ang hugis na katulad ng unang hugis.
III- Bilugan ang naiibang hugis.
IV- Pagtapatin ang hugis at ang ngalan nito
V- Idikit sa kahon ang hugis na tinutukoy ng bawat salita.

G. Pag-uugnay sa pang-araw araw na buhay


Ano-anong hugis ang makikita ninyo sa ating silid-aralan na katulad ng hugis ng
lobo? Party hat? Regalo? Bag?

H. Paglalahat ng aralin
Bilog- hugis na walang sulok at walang gilid.
Tatsulok - hugis na may 3 sulok at 3 gilid.
Parisukat- hugis na may 4 na sulok at 4 na magkaparehong sukat ng gilid.
Parihaba- hugis na may 4 na sulok at 2 magparehong sukat ng gilid.
I. Pagtataya ng Aralin

J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin at remediation

Maghanap ng mga bagay sa loob ng inyong tahanan na may hugis parisukat,


parihaba, tatsulok at bilog. Iguhit ang kulayan ang mga ito.

Prepared by:

KAREN B. TURIANO
Demo- Teacher/ Teacher - 1

Checked by:

EDEN L. HERMOGENO
Master Teacher 1

Noted by:

MARIA GINA V. FERMANTE


Officer-In-Charge/ Master Teacher - 1

You might also like