You are on page 1of 1

Pangalan: __________________________ Baitang at Pangkat: __________ Petsa: ______________

FILIPINO 1
Week 8
ACTIVITY SHEET QUARTER 4
Layunin:
Nakabubuo nang wasto at payak na pangungusap na may tamang ugnayan ng simuno at panag-uri sa
pakikipag-usap F1WG-IVi-j-8

Tandaan:
Ang tawag sa mga gumagawa ng kilos o pinag-uusapan sa pangungusap ay simuno. Sino-sino
ang gumagawa ng kilos o pinag-uusapan?
Halimbawa:
Si Ana Ang mga bata Sina nanay at tatay
Ang tawag naman sa ginagawa ng simuno sa pangungusap ay panaguri.
Ano-ano naman ang ginagawa ng mga taong nasa larawan?
Halimbawa:
nagtatapon ng basura naghuhugas ng kamay
kumakain ng masustansyang pagkain
Pagsasanay Bilang 1:
PANUTO: Pagdugtungin ng guhit ang simuno sa hanay A at
panguri sa hanay B, upang makabuo ng isang payak na
pangungusap.
Hanay A Hanay B
1. Ang nanay ay mabango.
2. Ang drayber ay malakas umiyak.
3. Ang sanggol ay mahusay magturo.
4. Ang aming guro ay masarap magluto.
5. Ang sampaguita ay maingat magmaneho.
Pagsasanay Bilang 2:
PANUTO: Isulat sa patlang ang P kung pangungusap at DP kung di-pangungusap.
__________1. Ay mga tao
__________2. Ang maganda
__________3. Si Ana ay matalino.
__________4. Si Tom ay darating bukas.
__________5. Ay masarap at masustansya
Karagdagang Gawain:
PANUTO: Piliin ang angkop na simuno. Isulat ito sa patlang upang makabuo ng isang payak na
pangungusap.
Ang kabayo Ang kutsilyo Ang buwan
Ang mga bulaklak Ang mga bituin
1. ____________ ay mapurol.
2._____________ ay kumikislap
3._____________ ay makukulay.
4. ____________ ay maliwanag.
5. ____________ ay mabilis tumakbo.

You might also like