You are on page 1of 11

3

FILIPINO
KUWARTER 2 – MODYUL 2
• Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa
binasang teksto.
• Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita, pagbubuo ng mga bagong
salita mula sa salitang-ugat, at paghanap ng maiikling salita sa loob ng isang
mahabang salita.
K to 12 BEC CG (Competency Code F3PB-IIj15, F3PT-Ij2.3)

1
I. PANIMULANG PAGTATAYA

Panuto: Basahin nang malakas ang tula sa ibaba. Sagutin ang mga
tanong at isulat ito sa may patlang.

Pera at Basura
Ako’y munting bata ng aming bayan
Ngunit maaasahan naman sa kasinupan at kalinisan.
Tamang pagtatapon ng mga basura
Lagi kong isinasagawa at tunay kong pinahahalagahan.
Nabubulok at di nabubulok aking pinaghihiwalay
Bote, plastik at papel puwede pang pakinabangan.
Baka pagdating ng araw ako ay yumaman
Nang dahil sa basura na aking pinagtiyagaan.

1. Ano ang pamagat ng tula?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang ginagawa ng bata sa tula?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Tama ba ang kaniyang ginagawa? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Paano siya yayaman nang dahil sa basura?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

5. Ano-ano ang puwedeng gawin sa mga bote? plastik? papel?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2
II. Unang Bahagi – Panimulang Gawain

A. PAUNANG SALITA

Tungkol saan ba ang aralin na ito?


Magandang araw mga bata! Ang araling ito ay inihanda upang malaman na
nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa
binasang teksto.

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


• Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa
binasang teksto.
• Napayayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita, pagbubuo ng mga
bagong salita mula sa salitang-ugat, at paghanap ng maiikling salita sa
loob ng isang mahabang salita.

B. TALAKAYAN

Alamin natin.
Linangin natin ang iyong nalalaman at sagutan natin ang gawain sa ibaba.

ARALIN 1
Pagbibigay Wakas sa Binasa

GAWAIN 1
Bagong Kaalaman

Panuto: Kumpletuhin ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ng


mga ngalan ng mga larawan sa tamang kahon nito. Gawin ito sa iyong
sagutang papel.

3
1
2 3

4 5

Magaling!
Ngayon naman, alamin natin kung ano pa ang mga dapat mong
matutunan.

4
C. KARAGDAGANG KAALAMAN

➢ Kapag ang mga tao ay nag reresiklo marami pang buhay ang masasalba
gayundin ang buhay ng tao. Mas ligtas ang tao kung naka ayos ang pag
tapon ng mga basura.

➢ May pera sa basura, sa mga masisipag mag-ipon, maari na silang mag-


ipon ng mga plastic bottles na ititinda sa mga junkshops.

➢ Nakatulong ka na mag recycle, kumita ka pa.

Ngayon naman, alamin natin kung may natutunan ka na sa


aralin na ito. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

GAWAIN 2
I. Panuto: Basahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong
tungkol dito. Isulat ang iyong sagot sa may patlang.
Ang Tipaklong at ang Langgam

Maganda ang panahon. Mainit ang sikat ng araw. Maaga pa lamang ay gising na gising
na si Langgam. Nagluto siya at kumain. Ilang sandali pa, lumakad na siya. Gaya ng dati,
naghanap siya ng pagkain. Isang butil ng bigas ang nakita niya. Pinasan niya ito at dinala sa
kanyang bahay. Nakita siya ni Tipaklong.
"Magandang umaga kaibigang Langgam," bati ni Tipaklong. "Kay bigat ng iyong dala.
Bakit ba wala kanang ginawa kundi maghanap at mag-ipon ng pagkain?"
"Oo nga, nag-iipon ako ng pagkain habang maganda ang panahon," sagot ni Langgam.
"Tumulad ka sa akin, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Habang maganda ang
panahon, tayo ay magsaya. Halika, tayo ay lumukso. Tayo ay kumanta."
"Ikaw na lang kaibigang Tipaklong," sagot ni Langgam. "Gaya ng sinabi ko sa iyo,
habang maganda ang panahon ako ay naghahanap ng pagkain. Ito'y aking iipunin para ako ay
may makain pag sumama ang panahon."
Lumipas pa ang maraming araw, dumating na ang tag-ulan. Ulan sa umaga, ulan sa
hapon at sa gabi umuulan pa rin. At dumating ang panahong kumidlat, kumulog at lumakas
ang hangin kasabay ang pagbuhos ngmalakas na ulan. Ginaw na ginaw at gutom na gutom ang

5
kaawa-awang Tipaklong. Naalala niyang puntahan ang kaibigang si Langgam. Paglipas ng
bagyo, pinilit ni Tipaklong na marating ang bahay ni Langgam. Bahagya na siyang makalukso.
Wala na ang dating sigla ng masayahing si Tipaklong.
"Tok! Tok! Tok!"
Nang buksan ni Langgam ang pinto nagulat siya."Aba! Ang aking kaibigan," wika ni
Langgam. "Tuloy ka Tipaklong."
Binigyan ni Langgam ng tuyong damit si Tipaklong. Mabilis na naghanda siya ng
pagkain. Ilan pang sandali at magkasalong kumain ng mainit na pagkain ang magkaibigan.
"Salamat, kaibigang Langgam," wika ni Tipaklong. "Ngayon ako naniniwala sa iyo.
Kailangan nga palang mag-ipon habang maganda ang panahon at nang may makain pagdating
ng tag-gutom."
Mula noon, nagbago si Tipaklong. Pagdating ng tag-init at habang maganda ang
panahon ay kasama nasiya ng kanyang kaibigang si Langgam. Natuto siyang gumawa at higit
sa lahat natuto siyang mag-impok.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa kuwento?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

2. Ilarawan ang ugali ni Tipaklong.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. Ilarawan ang ugali ni Langgam.


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. Ano ang ginawa ni Tipaklong habang nag iimpok si Langgam?


___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Nararapat ba ang ginawa ni Langgam kay Tipaklong? Bakit?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

6
II. Panuto: Piliin ang wastong kahulugan ng mga salitang may
salungguhit. Bilugan ang letra ng tamang sagot.

6. Si Tipaklong at si Langgam ay sa parang nagkita.


a. malawak na kapatagan c. nag-iipon
b. masipag d. hindi sigurado
7. Mayroong isang Langgam na ubod ng sipag.
a. malawak na kapatagan c. nag-iipon
b. napakasipag d. hindi sigurado
8. Habang may araw pa, nag iimbak pa si Langgam.
a. malawak na kapatagan c. nag-iipon
b. masipag d. hindi sigurado
9. Si Tipaklong ay marahang lumisan.
a. umalis c. bumalik
b. tumakbo d. huminto
10. Galak na galak na naglalaro si Tipaklong.
a. malungkot c. masayang-masaya
b. tahimik d. malumanay

ARALIN 2
Pagpapayabong ng Talasalitaan

A. PAUNANG SALITA

Tungkol saan ba ang aralin na ito?


Magandang araw mga bata! Ang araling ito ay inihanda upang
mapayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng
magkasingkahulugan at magkasalungat na mga salita, pagbubuo ng
mga bagong salita mula sa salitang-ugat, at paghanap ng maiikling
salita sa loob ng isang mahabang salita

7
Alamin natin.
Linangin natin ang iyong nalalaman at sagutan natin ang gawain sa ibaba.

B. TALAKAYAN

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng salitang may salungguhit mula sa
salitang nasa loob ng panaklong. Salungguhitan ang sagot.
1. Langhapin mo ang bango ng bulaklak.
(titigan, amuyin, hawakan)
2. Ang puno ay hitik sa bunga, lahat ay nais kumuha.
(marami, malaki, kokonti)
3. Ang kaniyang damit ay mamahalin;siguradong ginto ang halaga.
(murang halaga, mataas ang halaga, walang halaga)
4. Masarap maglakad sa baybayin at panoorin ang mga bangkang papalaot.
(tabi ng dagat, malayo sa dagat, ilalim ng dagat)
5. Makakamtan mo ang tagumpay kung ikaw ay magsisikap.
(magagawa,makakamit, malalagpasan)

Magaling!
Ngayon naman, alamin natin kung ano pa ang mga dapat mong matutunan.

C. KARAGDAGANG KAALAMAN

➢ Ang mga salitang magkasingkahulugan ay mga salitang magkatulad ang


kahulugan o pareho ang ibig sabihin.

➢ Ang magkasalungat na mga salita ay literal na magkaiba ng kahulugan o ang


mismong kabaligtaran nito.

➢ Ang salitang-ugat ay isang salita na walang dagdag,


8 samakatuwid, ito ay
salitang buo ang kaniyang kilos.
Ngayon naman, alamin natin kung may natutunan ka na sa
aralin na ito. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

GAWAIN 2

I. Panuto: Isulat ang MK kung magkasingkahulugan ang mga salitang may


salungguhit at MS kung magkasalungat.

_____ 1. Ang kamyas ay maasim ngunit ang lansones ay matamis.


_____ 2. Nabasa ng ulan ang damit na tuyo.
_____ 3. Mabango ang hinog na manga; mahalimuyak ang bulaklak sa hardin.
_____ 4. Si Janna ay marunong sa Matematika ngunit mahina siya sa pagbasa.
_____ 5. Ayaw ko ng makunat na sitsaron. Gusto ko ng malutong.

9
III. TAYAHIN/SUMMATIVE EVALUATION

I. Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan. Ano ang


kasingkahulugan ng may salungguhit na salita?
A. nabalitaan C. napanood
B. nalaman D. napansin
2. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?
A. alagaan C. makapaglibang
B. makakamay D. mapuntahan
3. Kailangang magtipid sa paggamit ng kuryente upang di lumaki ang kabayaran nito.
Ano ang kasalungat ng salitang may salungguhit?
A. progreso C. mag-aksaya
B. gayahin D. gusto
4. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangit sa
paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?
A. liwasan-bayan C. maganda- pangit
B. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan
5. Madaling mawawala ang pera kapag inubos ito sa di-gaanong kailangang mga bagay.
Ano ang salitang magkasingkahulugan sa pangungusap na ito?
A. pera-bagay C. madali-mawawala
B. bagay-mauubos D. mawawala-inubos

II.A. Panuto: Bumuo ng salita mula sa salitang-ugat.


Halimbawa: aral – pag-aaral ,paaralan, aralin
1. takbo - _____________ , _____________
2. punta - _____________ , _____________
3. gamit - _____________ , _____________

B. Panuto: Isulat sa patlang ang maikling salita mula sa


mahabang salita sa bawat aytem.

1. pinahahalagahan _______________
2. pamayanan _______________

10
11
Bldg. Deped Complex Meralco Ave., Pasig City
Amaflor Alde et al. Batang Pinoy Ako. 2017 Lexixon Press Inc. 5th Floor Mabini
A. Aklat
V. SANGGUNIAN
Panimulang Pagtataya Aralin 2:
1. Pera at Basura Gawain 1: 1. amuyin
2. Tinatapon ng maayos ang mga basura 2. marami
3. Oo, para makatulong sa kalikasan 3. mataas ang halaga
4. Magkakaiba ang sagot 4. tabing dagat
5. Magkakaiba ang sagot 5. makakamit
ARALIN 1 Gawain 2: I. 1. MS
Gawain 1:1. plaka 2. MS
2. kuwintas 3. MK
3. prutas 4. MK
4. eroplano 5. MK
5. tren Tayahin
Gawain 2:I. 1. Langgam at Tipaklong I.A. 1. c
2. Magkakaiba ang sagot 2. a
3. Magkakaiba ang sagot 3. c
4. Magkakaiba ang sagot 4. c
5. Magkakaiba ang sagot 5. d
II. 6. a II.A. 1. Magkakaiba ang sagot
7. b 2. Magkakaiba ang sagot
8. c 3. Magkakaiba ang sagot
9. a II.B. 1. halaga
10. c 2. bayan
IV. SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like