You are on page 1of 16

FILIPINO 4 ( Kwarter 2 ika-Apat na Linggo )

Gawain 4

Pangalan:________________________________ Baitang at Pangkat:____________


Paaralan :________________________________ Petsa ng Pagsagot :____________

Gawain 4a

Panuto: Tukuyin ang damdamin na ipinakikita sa bawat  pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa iyong sagutang  papel. 

1. “Sige,” sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin
naman mapapahubad ang taong iyon.”

A. mayabang B. naghihinanakit C. naaawa 

2. “Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra!


Pag malakas ang hangin lalo’t may bagyo, ako’y nababali!
Nais ko sanang matulad sa narra!”

A. nagdadalamhati B. nagtutuwa C. naiinggit

3. “Tanggapin mo na ang aming tulong para naman ito sa  kapakanan ng iyong ina, dalhin mo
na siya sa ospital”.

A. nagmamalasakit  B. nagmamaramot  C. nagyayabang 

4. “Tekayo, kaawa-awa naman si Kawayan. Payat na at wala pang bulaklak at bunga. Tingnan
ninyo. Wala siyang kakibu-kibo. Lalo na siyang nagmumukhang kaawa-awa.”

A. malungkot B. nasasabik C. natutuwa 

5. ““Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”

A. nahihiya B. namamangha C. nagagalit

(Layunin: Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinikilos ,ginawi, sinabi, at naging damdamin. F4PS-IIe-f-12.1)

Gawain 4b

9
Panuto: Salungguhitan ang angkop na pamatlig ayon sa larawan.

1.

( Ito, Iyan, Iyon ) ang regalo para sa kaarawan ng aking bunsong kapatid.

2.

(Dito, Diyan, Doon) tayo sa bandang iyon maglalaro.

Sanggunian: Sariling akda


Layunin: Nagagamit ang ibat ibang uri ng panghalip(pamatlig)-Patulad pahimaton paukol-paari panlunan
patrol sa usapan at pagsasabi tungkol sa sariling karanasan F4WG-If-j-3
Gawain 4c

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap.

10
Punan ng angkop na aspekto (panahunan) ng pandiwa upang mabuo ang pangungusap.

1. Sama-samang _______________ (simba) ang pamilya ni Mirasol sa Araw ng Pasko.

2. Masayang ______________ (libot) sa bukid ang magkakaibigang Rodel,Rona


at Rosel kahapon.

Sanggunian: Sariling gawa ng may akda

Layunin: Nagagamitang aspekto(panahunan) ng pandiwa sa pagsasalaysay


ng nasaksihang pangyayari F4WG-IId-g-5

Gawain 4d

Panuto: Tingnan mabuti ang bawat larawan. Tukuyin ang mga pandiwa gamit ang mga
larawan. Isulat ang iyong sagot sa papel.

1. 2. 3.
________________ _________________ _________________

Sanggunian: Sariling gawa ng may akda


Layunin: Natutukoy ang kahulugan ng salita batay sa ugnayang salita-larawan. F1PT-Iib-f
FILIPINO 4 ( Kwarter 2 ika-Limang Linggo )

Gawain 5

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_________

11
Paaralan : _______________________________ Petsa ng Pagsagot : ________

Gawain 5a

Panuto: Tingnan mabuti ang larawan. Gumawa ng maikling na talata na naglalarawan ng


iyong nakikita sa larawan.

DeviantArt
Makulay na Pamumuhay by aconsus on DeviantArt

Layunin: Nakasusulat ng talatang naglalarawan F4PU-IIe-g

Nailalarawan ang tauhan batay sa ikinikilos o ginawi o sinabi at damdamin F4PS-IIe-f-12.1

Gawain 5b

Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Sabihin kung ang panagano ng pandiwa ay pawatas, pautos

o pasakali.

12
___________I. Pag hindi mo inalagaan ang iyong sarili, ikaw ay mamamatay.

___________2. Maglingkod ka nang matapat sa pamahalaan.

___________3..Magkawanggawa tayo sa mga nagigipit.

___________4. Ang mga Filipino ay sanay magtiis ng hirap.

___________5.Baka matuloy kami kung may sasakyan.

Gawain 5c

Panuto:Basahin at unawain ang halimbawang nakasulat sa bawat uri ng panaganong pandiwa. Gumawa
ng sariling pangungusap gamit ang nakasalungguhit na pandiwa sa pangungusap.

1. Pawatas - ang pandiwang ginagamit ay binubuo ng makadiwang panlapi


at salitang ugat.
Ito ay walang panauhan at panahon.

Halimbawa: Ang paglilingkod ng tapat ay isang karangalan

__________________________________________________________________________________
 2.Pautos - Ito ay ginagamit kung nag-uutos o nakikiusap.
Tulad ng pawatas, wala rin itong panahon.

Hal.: Purihin natin ang Diyos.


_________________________________________________________

Layunin: Nagagamit ang panagano ng pandiwa-pawatas-pautos, pagsasalaysay


ng napakinggang usapan. F4WG-IId-g-5

Gawain 5d

Panuto: Basahin at sundin ang mga nakasulat na panuto.


Isulat ang sagot sa sagutang papel. 

13
1.Gumuhit ng malaking bilog. Isulat sa loob nito ang pangalan ng iyong
matalik na kaibigan.. 

2. Isulat ang pangalan ng iyong paaralan. Kahonan ito at kulayan ng berde. 

Layunin: Nakasusunod sa nakasulat na panuto. F4PB-Iii-h-2.1


FILIPINO 4 ( Kwarter 2 ika-Anim na Linggo )

Gawain 6

Pangalan:_______________________________ Baitang at Pangkat:_________


Paaralan : _______________________________ Petsa ng Pagsagot : ________

Gawain 6a

14
Panuto: Base sa nakikitang dayagram. Gumawa ng panuto kung paano ang pagtitimpla ng gatas.

1.

2.

3.

4.

5.

Sanggunian: Sariling akda


Layunin: Nakasusulat ng panuto gamit ang dayagram. F4PU-IIf-

Gawain 6b

Panuto: Bigyan ng angkop na wakas ang kuwento.


Sumulat ng dalawa hanggang tatlong pangungusap. 

1. Dumungaw si Samantha sa kanilang pintuan at nakitang umuulan. Naisip niyang maligo sa ulan
kaya  nagmadali siyang lumabas. Tumakbo siya sa kanilang bakuran at nagtampisaw sa tubig.

15
Bumalik  siya sa loob ng bahay upang kumuha ng isang pahina mula sa kalendaryo. Itinupi niya ito
hanggang  makagawa siya ng bangkang papel. Muli siyang lumabas upang ipaanod ang bangka sa
tubig na  nasa kanal. Buong hapon siyang naglaro sa ilalim ng ulan. Kinagabihan, habang siya ay 
naghahanda na sa pagtulog, nagsimula siyang bumahing. 

Layunin: Naibibigay ang sariling wakas ng napakinggang teksto,tekstong pangimpormasyon at talambuhay F4PU-IIe-g-2.
Gawain 6c

Panuto: Magkwento ng iyong buhay mula sa iyong kapanganak hanggang


sa kasalukuyan upang makabuo ng iyong talambuhay.

Ang Kwento ng Aking Buhay

16
Gawain 6d

Panuto: Sumulat ng liham na humihingi ng pahintulot na  magamit mo ang inyong entablado sa
paaralan para sa inyong pambaranggay na gawain tulad ng Flores de Mayo bilang ikaw ang naatasan
na humawak sa inyong barangay. Isulat ito sa malinis na papel. 

Sitwasyon: 
Ang grupo mo ay naatasang humanap ng lugar na pagdadausan ng Flores de
Mayo bilang panghuling programa para sa buwan ng Mayo na gaganapin nitong
Mayo 30,2021.Bago kayo makagamit sa entablado ay kailangan mong humingi
ng  pahintulot sa inyong Punong-guro na si G.Roger Montemayor. 

Rubrik sa pagsulat ng liham-pahintulot


10 -kompleto at maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga 
pts bahagi ng liham 
-may wastong bantas at tamang gamit ng malaki at  maliit
na letra 
-malinaw na nakasaad ang layunin ng liham
9 pts  -kompleto ang mga bahagi ng liham subalit nagkamali sa 
ibang bantas
7-8 -kulang o hindi nasa ayos ang mga bahagi ng liham
pts 
5-6 -kulang o hindi nasa ayos ang mga bahagi ng liham -may

17
pts  konting kalabuan sa mensahe ng liham
1-4 -kailangan pang ayusin/baguhin ang liham
pts 

Layunin: Nakasusulat ng sariling talambuhay at liham ng humihingi ng pahintulot na magamit ang


silid-aklatan. F4PU-IIh-i-2-

FILIPINO 4 ( Kwarter 2 ika-Pitong Linggo )

Gawain 7
Pangalan:__________________________________ Baitang at Pangkat:_________
Paaralan : __________________________________ Petsa ng Pagsagot : ________

Gawain 7a

Panuto: Suriin ang damdaming ipinapakita sa bawat larawan.


Isulat ang iyong sagot sa iyong papel.

18
Mga larawan kuha sa shutterstock.com

Layunin: Nasusuri ang damdamin ng mga tauhan sa napanood F4PD-II-g-22


Gawain 7b

Panuto: Basahin ang maikling kuwento.

Ang Aral ng Damo

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang sa
kagubatan ay nasisiyahan.

19
“Ginoong Punongkahoy, ikaw ba’y maligaya?” tanong ng anghel.

“Hindi,” ang sagot sa tinig na walang sigla, “sapagkat ako’y walang bulaklak.”

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw ba’y maligaya sa
iyong paligid?”

“Hindi ako maligaya sapagkat wala akong halimuyak. Masdan mo ang gardenia sa banda roon. Siya’y
umuugoy sa amihan. Ang kanyang bango na taboy ng hangin ay kahali-halina!”

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano ang masasabi mo sa iyong
halimuyak?”“Ako’y hindi nasisiyahan. Wala akong bunga. Naiinggit ako sa saging! Iyon, siya’y
natatanaw ko. Ang kanyang mga piling ay hinog na!”

Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “Ginoong Saging, kumusta? Ikaw
ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?”

“Hindi. Ang aking katawan ay mahina, hindi matibay na tulad ng sa narra! Pag malakas ang hangin lalo’t
may bagyo, ako’y nababali! Nais ko sanang matulad sa narra!”

Nagpunta ang anghel sa narra at nagtanong, “Anong palagay mo sa iyong matibay na puno?”

“Sa ganang akin, gusto ko pa ang isang damo! Ang kanyang mga dahon ay matutulis. Ang mga ito’y
nagsisilbing proteksiyon!” pakli ng narra.

Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?”

“Masaya ako!” sagot ng damo. “Ayaw kong mamumulaklak. Walang kwenta ang bunga. Ayaw ko rin ng
matibay na puno. Gusto ko’y ako’y ako… Hindi nananaghili kaninuman pagkat maligaya!”

Gawain 7c

Panuto: Iayos ang mga pangyayari ayon sa kwentong binasa sa pamamagitan ng paglalagay ng bilang
1-5 sa loob ng bilog.

Ang anghel ay nagpunta sa gardenia upang mabatid ang damdamin nito. “Ano ang masasabi mo
sa iyong halimuyak?”

Ang anghel ay nagpunta sa damo. “Kumusta ka? Ano ang nanaisin mo para sa iyong sarili?”

20
Ang anghel ay lumapit sa saging, nag magandang-araw at nagtanong, “Ginoong Saging, kumusta?
Ikaw ba’y nasisiyahan sa iyong sarili?”

May anghel na galing sa langit na nagbisita upang tiyakin kung tunay ngang ang lahat ng nilalang
sa kagubatan ay nasisiyahan.

Ang anghel ay nagpunta sa bulaklak upang magsiyasat. “Binibining Bulaklak, ikaw ba’y maligaya
sa iyong paligid?”

Sanggunian: www.pinoyedition.com/maikling-kwento
Layunin: Napagsusunod-sunod ang mga detalye/pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng tanong F4PN-
IIh-8.2

Gawain 7d

Panuto: Ilarawan ang tauhan, tagpuan at banghay/pangyayari sa kuwentong binasa.


Sagutin ang kasunod na mga tanong sa  diyagram sa ibaba.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Araw at ang Hangin

Sino kaya ang mas malakas, ang araw o ang hangin? Madalas daw ay nag-aaway itong dalawang ito
noong araw dahil sa nagpapalakasan nga.

Isang araw, sinabi ng hangin, “O, gusto mo ba talagang patunayan ko na mas malakas ako kaysa iyo?”

Ngumiti ang araw. “Sige, para hindi ka laging nagyayabang, tingnan natin. Hayun, may lalaking
dumarating. Kung sino sa ating dalawa ang makakapagpaalis ng suot niyang polo, siya ang
kikilalaning mas malakas.”

21
“Payag ako. Ngayon din, magkakasubukan tayo,” malakas na sagot ng hangin.

“Ako ang uuna,” dugtong pa niya dahil ayaw niyang maging pangalawa sa anumang labanan.

Sinimulan niyang hipan ang naglalakad na lalake. Sa umpisa ay tila nagustuhan ng tao ang hihip ng
hangin kaya naging masigla at bumilis ang lakad nito.

Nilakasan ng hangin ang pag-ihip. Isinara ng tao ang lahat ng butones hanggang sa may leeg ng kanyang
polo. Inubos ng hangin ang buong lakas sa pag-ihip. Lalo namang pinakaipit-ipit ng mga braso ng lalake
ang damit dahil tila giniginaw na siya.

Nanghina na nang katakut-takot ang hangin sa pag-ihip niya ay talagang hindi niya makuhang mapaalis
ang damit ng lalaki.

“Sige,” sigaw niya sa araw, “tingnan naman natin ang galing mo. Marahil, hindi mo rin naman
mapapahubad ang taong iyon.”

Pinalitaw ng araw ang sinag niya, at unti-unti niyang pinainit ito. Tumulo ang pawis ng lalaki.

Dinagdagan pa ng araw ang init na inilalabas niya at ang lalake ay nagkalas ng mga ilang butones sa
baro.

Maya-maya, nang uminit pang lalo ang araw, hindi na nakatiis ang tao at tinanggal nang lahat ang mga
butones ng polo at hinubad ito.

Panalo ang araw! Mula noon, di na nagyabang uli ang hangin.

ELEMENTO NG   PAGLALARAWAN


KUWENTO 
TAUHAN 

__________________

22
TAGPUAN 

__________________

BANGHAY/PANGYAYARI 

_____________________
_____________________
_____________________
_____________________

Sanggunian:www.pinoyedition.com/maikling-kwento
Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-abay sa paglalarawan ng kilos

Natutukoy ang mga sumusuportang detalye sa mahalagang kaisipan sa nabasang teksto


F4WG-IIh-j-6

Susi sa Pagwawasto
Gawain 4 Gawain 5

4a 5a
1.a Tanggapin anuman ang sagot ng mag-aaralmag
2.c
3.a 5b
4.a 1.Pawatas
5.b 2.Pautos
3.Pautos
4b 4.Pawatas
1. Ito 5. Pasakali
2. Doon
5c
4c 1. Depende sa sagot ng mag-aaral
1.magsisimba 2. Depende sa sagot ng mag-aaral
2.naglibot
5d
4d 1. Tingnan kung tamang nasunod ang panuto na nakasaad
1. Kumakain 2. Tingnan kung tamang nasunod ang panuto na nakasaad
2.natutulog
3.tumatakbo

Gawain 6

6a
1. Mag-init ng tubig.
2.Kumuha ng tasa.
3. Magsalin ng mainit na tubig sa tasa.
4. Maglagay ng pulbos na gatas sa tasa.
5.Haluin ang gatas at tubig.

23
6b
Depende sa ibibigay na wakas ng kwento ng mag-aaral.

6c
Tanggapin anuman ang sagot ng mag-aaral.

6d
Tanggapin ang sagot nga mag-aaral,siguraduhin lamang na nasusunod ang lahat ng bahagi sa paggawa ng liham.

Gawain 7

7a
1.masaya
2.malungkot
3.umiiyak

7c
3
5
4
1
2

7d

Tanggapin ang sagot ng mag-aaral na may tamang paglalarawan sa bawat elemento ng kwento.

24

You might also like