You are on page 1of 4

GAWAING PAGKATUTO SA FILIPINO 6

Kwarter 3 – Linggo 5, Modyul 5


Pagbuo ng mga Bagong Salita Gamit ang Panlapi at Salitang Ugat (Aralin 2)

Pangalan:____________________________________________Baitang/Seksyon___________

I. Panimula

Ang Panlapi ay mga katagang ikinakabit sa salitang- ugat upang makabuo ng


bagong salita. Ang mga salitang iyan ay tinatawag na salitang maylapi. Sa tulong ng mga
panlapi ang mga salitang ugat o payak ay nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan at iba’t
ibang gamit sa pangungusap.

Mga Uri ng Panlapi

1. Unlapi ang tawag sa panlaping nilalagay sa unahan ng salita.


halimbawa: pag-asa, malaki at nanliit.

2. Gitlapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa gitna ng salitang ugat


halimbawa: gumuhit at kinain.

3. Hulapi naman ang tawag sa panlaping ikinakabit sa hulihan ng salitang ugat


halimbawa: mahalin at patawan.

4. Kabilaan naman kapag ang panlapi ay ikinabit sa unahan at hulihan ng salita


halimbawa: nag-awitan at nalabanan.

5. Laguhan kapag ito ay ikinabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang ugat


halimbawa: pagsumikapan.

II. Kasanayang Pampagkatuto:


Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito sa loob ng isang linggo, inaasahang
matutunan mo ang mga
sumusunod na kasanayan.

 Nakabubuo ng mga bagong salita gamit ang panlapi at salitang-ugat F6PT-IIIJ-15;

III. Mga Panuto: Pagmasdan ninyo ang mga larawan. Paano nagkakaiba ang mga salita sa
ilalim ng bawat larawan? Magkatulad ba ang kahulugan ng mga salita sa
ilalim ng larawan? Ano ang mga idinagdag sa isa upang magkaroon
ng pagbabago ng kahulugan?
Nakikita mo ba kung paanong ang salitang putol ay nagkakaroon ng iba’t ibang
kahulugan? Maipaliliwanag mo ba ang kahulugan ng bawat isang salita sa Itaas? Subukin mo.
Kung napansin mo, amg mga idinagdag na mga kataga sa salitang putol ay nilagyan ng
salungguhit. Ang mga katagang iyan ay tinatawag na panlapi. Sa pamamagitan nito, ang mga
salitang payak o basal ay nagkakaroon ng panibagong kahulugan at anyo. Ang mga panlapi ay
maaaring ikabit sa unahan, gitna, hulihan ng mga salita at kung minsan ay sabay- sabay na
nakikita sa una, gitna at hulihan ng mga salita. Isa-isahin antin ang lahat ng ito.

Mga halimbawa:
Unlapi – um, i/pa, pa, mag, maka, ma, maki, ka, pala
Gitlapi – in, um
Hulapi – an/han, in/hin
Kabilaan – pa+an/han, ka+an/han, ma+an/han, ma+in/hin
Laguhan – pag+um+an, pinag+um+an

IV. Mga Gawain/Pagsasanay

Pagsasanay 1. Isulat sa patlang ang uri ng panlaping ikanabit sa salitang may


salungguhit sa bawat pangungusap.

__________ 1. Sumuntok sa hangin ang lalaking nag-eehersisyo.


__________ 2. Pinuntahan niya ako sa simbahan.
__________ 3. Nais ng tatay na kausapin ang kanyang anak,
__________ 4. Ang damit ni Ali ay putian.
__________ 5. Si Analie ay nakitingin sa binabasang nobela ni Shiela.
__________ 6. Pinagsumikapan ni tatay ang pag-aararo sa bukid.
__________ 7. Kami ay sumumpa na hindi na ulit liliban sa klase.
__________ 8. Lagi silang masaya ng kanyang kalaro.
__________ 9. Ang kanyang talumpati ay madalian lamang dahil umuulan na.
__________ 10. Pag-ibayuhin mo ang iyong pag-aaral upang ikaw at magtagumpay.

Pagsasanay 2. Isulat sa patlang kung anong panlapi ang nakakabit sa salita

1. Dalawahan __________
2. Pumalakpak __________
3. Nagtulakan __________
4. Umingay __________
5. Binitiwan __________
6. Kaliwanagan __________
7. Putikan __________
8. Sumumpa __________
9. Kagandahan __________
10. Winika __________

Pagsasanay 3 Isulat sa patlang kung anong uri ng panlapi ang nasa bawat salita.
__________ 1. dalawahan __________ 6. kaliwanagan
__________ 2. pumalakpak __________ 7. pinagsinungalingan
__________ 3. sumingaw __________ 8. umingay
__________ 4. Nagtulakan __________ 9. kayabangan
__________ 5. nagsinampalukan __________ 10. putukan

V. Pagtataya

Panuto: Lagyan ng unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, laguhang panlapi ang salitang
sikap at gamitin ito sa pangungusap.

Halimbawa: gata –

unlapi naggata - Naggata ng hipon ang aking kapatid.


gitlapi ginata - Ginata niya ang niyog para sa biko.
hulapi gataan - Gataan mo ang dabong upang sumarap.
kabilaan ginataan - Ginataan na gabi ang kanyang paboritong ulam.
laguhan magginataan - Magginataan sila ngayong Sabado

sikap Nabuong salita Nabuong pangungusap

unlapi

gitlapi

hulkapi

kabilaan

laguhan

You might also like