You are on page 1of 3

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

I. LAYUNIN: Natutukoy ang mga kayarian ng pandiwa sa usapan.


Magagamit ang mga pandiwa sa pangungusap.

II. Paksang Aralin: Aspeto ng Pandiwa


Kagamitan: tsart
Pagpapahalga: Kooperasyon

III. Pamamaraan:
1. Introduksyon/ Presentasyon
Mayroon akong mga salitang isinulat sa plaskard. Babsahin ninyo ito ng sabay-sabay.

gumising Pag-iigib umiinom naglalaba aawit

Ano ang napapansin ninyo sa mga salitang inyong binasa?


Ngayon pag-aaralan natin ang mga kayarian ng pandiwa.

2. Pagtuturo/Modelingfgtt
Tukuyin ang mga aspeto ng pandiwa. Isulat sa patlang kung ito ay naganap na, ginaganap pa
o gaganapin pa.

____________1. Naligo
____________2. Nagsusuklay
____________3. Iigib
____________4. Umiinom
____________5. Tumakbo

3. Pagsasanay :
A. Gawain ng buong klase
Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin ang aspeto ng pandiwa at bilugan ito.

_________1. Natuwa si Ana kagabi.

_________2. Sumisigaw ang mga bata.

_________3. Tutugtog ng biyulin si Rosa bukas.

_________4. Uminom ng gamot si Atoy kaninang umaga.

_________5. Tumutulong kami sa gawaing bahay araw-araw.


Gawain ng Grupo:

Papangkatin ang klase sa tatlong pangkat.

PANGKAT APPLE

Tukuyin ang inyong mga gawain sa bahay na ginawa ninyo na ito’y nagpapakita ng kayarian ng
pandiwa. Gamitin ang habing semantika.

Ang aking
mga
Gawain

PANGKAT BAYABAS:
Bilugan at tukuyin ang mga aspekto ng pandiwa sa pagungusap.
___________1. Maagang gumigising si Atoy tuwing umaga.
___________2. Masinop si Atoy sa pagsunod ng kanyang mga gawaing bahay.
___________3. Siya ay magluluto tuwing hapunan.
___________4. Sinuntok si Lito ni Atoy sa likod bahay.
___________5. Sumigaw si kuya.

PANGKAT SAGING:
Gamitin sa pangungusap ang mga pandiwa.
1. Sumasayaw
2. Naligo
3. Tumatalon
4. Sasali
5. Umaawit
4. Isahang Gawain/Indibidwal na Gawain
Ayusin ang mga binabasang salita at tukuyin kung anong aspekto ng mga pandiwa ito.

1. wagsumi –
2. nagoilil-
3. ngoymalu
4. kukamani
5. tulonma

5. Pagtataya:
Tukuyin ang aspekto ng pandiwa at gamitin ito sa pangungusap.

1. bumili
2. iinom
3. sasayaw
4. nahilo
5. umaawit

Inihanda ni:

RALLYN G. CUARES
DOÑA ROSARIO CES – TUBAY II

You might also like