You are on page 1of 34

Magandang

umaga,
Grade 3
Leadership
Pang-abay na
Pamaraan
Mga bata, nakakita na ba kayo ng mga batang nangangalakal sa basura?
Ano ang kahulugan ng salitang nangangalakal?
Pagpapalawak sa Talasalitaan
mapanganib hindi ligtas
Ang maligo sa dagat nang walang kasama ay
mapanganib.
pinagkakakitaan pinagkukunan ng pera
Ang mga naipon nilang bote mula sa basura ang
pinagkakakitaan ng mag-anak.
Mga bata, basahin natin ang kuwentong “Mapanganib.”
Mapanganib
Mapanganib
Tuwing walang pasok, ang magkapatid
na sina Ramon at Nestor ay matiyagang
tumutulong sa kanilang magulang sa
paghahanap ng pagkakakitaan kahit na sila
ay mga bata pa.
Mapanganib
Namumulot sila ng pira-pirasong bakal, bote
at, diyaryo. Ito ang pinagkakakitaan ng mag-
anak na Magpantay. Gamit ang karitong ginawa
ng kanilang tatay, mabilis nilang inilalagay roon
ang mga napulot at naipon nilang bagay na
mapakikinabangan pa mula sa isang tambakan
na kanilang pinupuntahan.
kariton
Mapanganib
“Ilang kilo ng putol-putol na bakal kaya ang
maiipon natin Kuya Ramon?” tanong ni Nestor
sa kapatid habang maayos niyang isinusupot ang
ilang bote.

“Sana marami tayong makuha para mas


marami tayong maibenta,” wika ni Ramon.
Mapanganib
Maraming basura ang sinusunog sa tambakan
kung saan sila nangangalakal. Mabaho at
makapal ang usok nito. Hatid nito ang
masamang epekto sa kanilang kalusugan. Ang
ilang nakatira malapit sa tambakan ay
nagkakasakit na rin dahil sa usok.
Mapanganib

Mula sa pakiusap ng kanilang mga


kapitbahay, dagliang binisita at ipinahinto
ng kanilang punong barangay ang
pagsusunog ng basura. Masusing ipinaalam
din niya sa lahat ang panganib na dulot ng
usok sa kanilang kalusugan.
Mapanganib

Nang malaman ito nina Ramon at


Nestor, hindi na sila pumunta sa tambakan.
Matiyagang nagtinda na lamang sila ng
pritong saging sa kanilang mga kapitbahay
para makatulong sa kanilang magulang.
Halina’t ating sagutin ang
mga tanong na mula sa
kwento.

Pag-usapan Natin
1. Tungkol saan ang
kuwentong binasa.
2. Paano nakatutulong ang
magkapatid sa kanilang mga
magulang tuwing sila ay walang
pasok.
3. Nakabubuti ba sa kalusugan
ang pagsusunog ng basura?
Bakit mo ito nasabi?
4. Paano nahinto ang
pagsusunog ng basura sa
kanilang pamayanan?
5. Anong ibang paraan ang
ginawa ng magkapatid upang
makatulong sa kanilang mga
magulang?
6. Ikaw, paano mo iniiingatan
ang iyong kalusugan?
Basahin ang pangungusap. Ibigay ang salitang nagsasaad kung
paano ginawa ang isang kilos ayon sa kuwento.

1. Ang magkapatid na sina


Ramon at Nestor ay matiyagang
tumutulong sa kanilang
magulang.
Basahin ang pangungusap. Ibigay ang salitang nagsasaad kung
paano ginawa ang isang kilos ayon sa kuwento.

2. Mabilis nilang nilagay sa


supot ang mga napulot at naipon
nilang bagay.
Basahin ang pangungusap. Ibigay ang salitang nagsasaad kung
paano ginawa ang isang kilos ayon sa kuwento.

3. Mahinahon nilang inilagay sa


supot ang mga napulot at naipon
nilang bagay.
Basahin ang pangungusap. Ibigay ang salitang nagsasaad kung
paano ginawa ang isang kilos ayon sa kuwento.

4. Malinaw nilang sinabi na


mapanganib sa kanilang
kalusugan ang maitim na usok .
Basahin ang pangungusap. Ibigay ang salitang nagsasaad kung
paano ginawa ang isang kilos ayon sa kuwento.

5. Dagliang binisita at ipinahinto


ng kanilang punong barangay
ang pagsusunog ng basura.
Mga bata, basahin muli natin ang mga salitang nagsasaad kung
paano ginawa ang isang kilos ayon sa kuwento

matiyaga mahinahon

malinaw
mabilis daglian
Ang mga salitang nasa taas ay mga
pang-abay.
Ano ang pang-abay?

Ang pang-abay ay bahagi ng


pananalitang nagbibigy-turing o
naglalarawan sa pandiwa, pang-
uri, o kapwa pang-abay.
Mga Uri ng Pang-abay

1. Pang-abay na Pamaraan
2. Pang-abay na Pamanahon
3. Pang-abay na Panlunan
Pang-abay na Pamaraan
Ang pang-abay na pamaraan ay tumutukoy kung
paano ginawa, ginagawa, o gagawin ang isang kilos
na ipinahayag ng pandiwa. Ito ay sumasagot sa
tanong na paano.

Pang-abay na paano ginawa, ginagawa, o


Pamaraan gagawin ang kilos
Halimbawa
pandiwa

Nag-aaral siya nang mabuti para


sa pagsusulit.
pang-abay na pamaraan
Halimbawa

Ang mga bata ay masayang


naglalaro.
pang-abay na pamaraan
pandiwa
Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa isang
malinis na papel ang pang-abay na pamaraan.

1. Mahusay na sumayaw si Daisy.


2. Taimtim na nagdasal ang mga tao upang
hindi tuluyang lumakas ang parating na
bagyo.
Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa isang
malinis na papel ang pang-abay na pamaraan.

3. Malakas magsalita ang batang si Karen.


4. Maayos na kinausap ng mag-aaral ang
kaniyang guro.
Basahin ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat sa isang
malinis na papel ang pang-abay na pamaraan.

5. Matuling tumakbo si Rolly.


Salamat sa
pakikinig
mga bata!
CREDITS: This presentation template was
created by Slidesgo, including icons by
Flaticon, infographics & images by Freepik
Please keep this slide for attribution

You might also like