You are on page 1of 47

g -a ar

in
a

IP
g
mah
P

I
a

NA
laa

GBI
n
BI
L I
4
Pa I
I ND
H
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan -Modyul 3:
Linggo 2 - Ang Kahalagahan ng
Matalinong Pagpapasya sa
Pangangasiwa ng mga Likas na Yaman
ng Bansa

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Modyul 3: Ang kahalagahan ng Matalinong Pagpapasya sa Pangangasiwa ng
mga Likas na Yaman ng Bansa
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City
Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Author: Cherrylyn G. Antonio

Editor: Nicolasa R.Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Chona C. Dilangen
Susan I. Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson:
Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II

Inilimbag sa Pilipinas ng:


Department of Education - Division of Valencia Cty
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615
Website: deped-valencia.org

1
4
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 3:
Linggo 2 : Ang Kahalagahan ng
Matalinong Pagapapasya sa
Pangangasiwa ng mga Likas na
Yaman ng Bansa

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa
larangan ng Edukasyon na mag-email ng kanilang puna,
komento at rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
(This page is intentionally blank)

3
Panimula

Ang Modyul na ito ay inihanda ng may- akda upang maging


kagamitan para sa mag-aaral na matuto sa asignaturang Araling
Panlipunan ng Ikaapat na Baitang.

Ang nilalaman at gawain sa bawat aralin ay ibinabatay sa


pangangailangan na nakasaad ng pamantayan sa pagkatuto mula sa
ikalawang markahan at naaayon sa kakayahan at mga karanasan ng
mga mag-aaral. Sadyang ginawang kawili-wili at may pagkamalikhain
ang mga gawain upang mapukaw at mapataas ang iyong isip at
damdamin sa bawat tinatalakay. Katulong mo ang iyong guro sa
pagtuklas ng mga bagong kaalaman at paglinang ng mga kasanayan.

Bilang miyembro ng ating bansa, mahalagang malalaman mo ang


mga isyung maaaring makaaapekto sa ating kapaligiran. Dapat alamin
at maisasagawa mo rin ang mga iba’t ibang paraan ng pangangasiwa
ng mga likas na yaman at ang mga kaugnayan ng matalinong
pangangasiwa ng mga likas na yaman na isa rin itong magdulot ng
kasaganaan sa ating bansa.

Inaasahang sa pamamagitan ng kagamitan na ito ay


makatutulong sa pagiging lalong matuto at magsilbing kasanayan sa
lubusang pagkatuto ng mga mag-aaral.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa


paggamit ng modyul na ito sa Araling
Panlipunan ng Ikaapat na Baitang.

4i
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo


nang gawin ang sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Maiisa-isa ang mga isyung pangkapaligiran ng


bansa
2. Matatalakay ang ilang mga isyung pangkapaligiran ng
bansa
3. Maipaliliwanag ang matalino at di-matalinong mga
paraan ng pangangasiwa ng mga likas na yaman ng
bansa
4. Maipapakita ang tamang saloobin sa wastong
paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman ng
bansa
5. Maiuugnay ang matalinong pangangasiwa ng likas na
yaman sa pag-unlad ng bansa
6. Maipapaliwanag ang kahalagahan ng matalinong
pangangasiwa ng mga likas na yaman.

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagsasanay


at pagtataya

• Sagutin ang lahat na pagsasanay at pagtataya

5
ii
Icons sa Modyul na ito

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masuri ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawain sa
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii
6
Subukin

I.
Panuto: Basahin ang mga suliraning pangkapaligiran at piliin
ang sanhi ng bawat isa sa loob ng kahon. Isulat ang
iyong sagot sa activity notebook .

Walang habas na pagputol ng mga puno


Kaingin
Kawalan ng mga punong sisipsip sa tubig-ulan
Pagtatapon ng dumi at langis sa mga katubigan
Labis na pagbubuga ng usok ng mga sasakyan at
industriya

1. Pagdumi ng tubig at pagkamatay ng mga yamang tubig


__________________________________________
2. Pagkaubos ng mga halamanan at mga hayop sa kagubatan
_________________________________________
3. Pagbaha at pagguho ng lupa
_________________________________________
4. Pag-init ng atmospera na maaaring sumira sa ozone layer o
global warming
_________________________________________
5. Pagkasira ng mga pananim sa kapatagan.
_________________________________________

II. Lagyan ng tsek (√ ) ang bilang kung ang paggamit sa likas na


yaman ay may kaugnayan sa pag-unlad ng bansa at ekis (x)
kung hindi.

1. Pagputol ng malaking puno upang gamitin sa mga


impraestraktura at gusali.
2. Pagbawas sa paggamit ng plastik.
3. Pagtitipid sa enerhiya tulad ng elektrisidad, tubig, at langis o
krudo
4. Pagpapahintulot sa pagpapatayo ng malaking kompanya ng
minahan .
5. Pagluluwas ng mga de-kalidad na prutas at gulay sa ibang
bansa.

7
iv
z

Aralin Mga Isyung


3 Pangkapaligiran ng
Bansa
Natutuhan mo ang tungkol sa mga pakinabang na pang-
ekonomiko ng mga likas na yaman nsa nagdaang aralin. Dagdag pa
rito, ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman kung kaya, ang Pilipinas
ay karaniwan nang umaasa rito upang matugunan ang kaniyang
pangangailangan. Maraming produktong nakukuha sa yamang ito na
nagdudulot ng pag-aangat ng antas ng ekonomiya ng bansa. Ilan sa
mga pinagmumulan ng kapakinabangang pang ekonomiko ay ang mga
produkto at kalakal mula sa mga likas na yaman, turismo, at kalakalan.

Balikan

Sa Ikatlong Baitang ay natutunan at nalalaman mo ang wastong


pangangalaga sa likas na yaman subalit may ibang tao na hindi ginawa
ang tamang paraan ng pangangasiwa nito. Kaya sagutin muna ang
mga tanong na ito sa iyong activity notebook.

Gawain A: Ano ang mga likas na yaman ng bansa?


Yamang________, Yamang ________, Yamang________, at
Yamang____________

Gawin B: Isulat sa activity notebook kung ano ang nakikita mo sa

8
larawan. Pilliin ang titik ng tamang sagot sa itaas.

A. Sinusunog ang mga basura


B. Pinuputol ang mga puno sa kagubatan
C. Nauubos at nasusunog ang mga puno sa bukid
D. Nagbubuga ng maitim na usok mula sa pabrika

__ 1. __ 3.

___2. ___ 4.

https://www.google.com/search?q=pagkakaingin+in+public+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjarvCA0L_qAhVF
IIgKHdr6AM4Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=7OI8nIq7N5FsVM

https://www.google.com/search?q=pollution+in+the+factory+in+the+philippines+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwja_p7NmpzqAhW
xI6YKHcAfCssQ2cCegQIABAA&oq=pollution+in+the+factory+in+the+philippines+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQA1CsuwNYfMDYPn2
A2gAcAB4AIAByAGIAY4bkgEGMC4yNS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=ozL0XpohsceYBcC_qNgM&bih=657&biw
=1366#imgrc=W22uRjoP1WcbQM&imgdii=dmjuIawf_67K-M

9
Tuklasin

Panuto: Pagtapatin ang mga larawan sa hanay A at isyung tinutukoy


nito na nasa hanay B at isulat ang titik ng tamang sagot sa
activity notebook

A B

____ 1. A. Pagkakaingin

____ 2. B. Industriyalisasyon

____ 3. C. Reforestation

___ 4. D. Illegal Logging

___ 5. E.Maruming kapaligiran

https://www.google.com/search?q=pagkakaingin+in+public+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjarvCA0L_qAhVF
IIgKHdr6AM4Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=7OI8nIq7N5FsVM

https://www.google.com/search?q=pollution+in+the+factory+in+the+philippines+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwja_p7NmpzqAhW
xI6YKHcAfCssQ2cCegQIABAA&oq=pollution+in+the+factory+in+the+philippines+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQA1CsuwNYfMDYPn2
A2gAcAB4AIAByAGIAY4bkgEGMC4yNS4xmAEAoAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=ozL0XpohsceYBcC_qNgM&bih=657&biw
=1366#imgrc=W22uRjoP1WcbQM&imgdii=dmjuIawf_67K-M

10
Surii Suriin

May napapansin o nakakaranas ka na ba sa ganitong sitwasyon o


suliranin sa iyong sariling lugar? Iguhit ang masayang mukha
kung ang bilang ay mabuting pangyayari at malungkot na mukha
naman kung masama. Gawin ito sa activity notebook.

1. Gumuho ang lupa sa bukid dahil sa madalas na pag-ulan.


2. Bumabaha ang aming lugar kung malakas ang ulan.
3. Mainit ang panahon, kaya gusto kong lumabas ng bahay.
4. Pumupunta ang mag-anak na Santiago sa bukid upang
magtanim ng mga punong kahoy.
5. May nagsusunog at nagbubuga ng maitim na usok sa aming
katabing pagawaaan.

Para mas lalong malinaw sa iyo ang mga nagaganap na lalo ang
hindi mabuting pangyayari o gawain, ating tatalakayin at matutuhan
ang mga maraming isyung maaaring makaapekto sa ating
kapaligiran.Ilan sa mga ito ay ang industriyalisasyon, polusyon, iligal
na pagputol ng mga puno, at global warming.

Bawat pagbabago at pag-unlad ng ating bansa ay may kaakibat


na epekto sa kapaligiran. Maaaring ito ay mabuti o masama ayon sa
kinalalagyan ng mga pagbabago. Isa sa mga pagbabagong ito ay ang
industriyalisasyon. Ang industriyalisasyon ay ang malakihang
pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng kalakalan, at iba pang
mga gawaing pang-ekonomiya. Ang industriyalisasyon ay may mabuti
at masamang epekto sa kalikasan.

Kasabay ng pag-unlad ng industriya ay ang pagkakaroon ng pondo


para sa proyekto sa reforestation o muling pagtatanim. Nagkaroon din
tayo ng sapat na lakas-tao na nakatutulong sa mga proyekto para sa
kalikasan.

Gayunpaman, may kaakibat ding masamang epekto ang


industriyalisasyon. Kasama rito ang global warming, pagbaha,
pagguho ng lupa, at polusyon.

11
Global Warming

Ito ay ang pagtaas ng temperature ng atmospera ng mundo


sanhi ng chlorofluorocarbons na nanggagaling sa mga industriya at
maging sa kabahayan. Ang mataas na temperatura ay maaaring
magresulta ng greenhouse effect o pagkakakulob ng init ng araw na
nakaaapekto sa kalusugan at maging sa mga pananim.

Pagbaha at Pagguho ng Lupa

Ang pagbaha at pagguho ng lupa ay bunga ng walang habas na


pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at kagubatan.
Ang patuloy na pagputol ng mga puno ay dapat bigyang pansin dahil
sa pagbaha at pagguho ng lupa ay nagiging sanhi ng pagkasira ng
mga pananim at ari- arian. Ito rin ay epekto rin pagkakaingin o
pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng mga uling, upang
pagtamnan ang mga lupa o pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na
gusali

Polusyon

Ang polusyon ay isa rin sa mga isyung pangkapaligiran na


nakaaapekto hindi lamang sa kalusugan ng tao kundi maging sa mga
likas na yaman. Ang usok at langis mula sa mga pagawaan at sasakyan
ay nakadurumi sa hangin at katubigan na maaaring maging sanhi ng
pagkakasakit ng mamamayan.

Ang climate change ay pag-iiba-iba ng klima ng mundo na


nakaaapekto rin sa bansa dahil sa dala nitong mga epekto gaya ng
pagbaha.

Mula sa Batayang Aklat ng Araling Panlipunan-Kagamitan ng Mag-aaral Pahina 132-144.

12
Pagyamanin

Panuto: Mula sa iyong binasang aralin, sagutin ang pahayag sa


ibaba, piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon
at isulat ito sa activity notebook.

A. Pagkakaingin D. Climate Change


B. Industriyalisasyon E. Global warming
C. Green House Effect F. Bio-intensive gardening

_____1. Pag-iiba-iba ng klima ng mundo.

_____2. Maaaring resulta sa mataas na temperatura.

_____3. Ang pagtaas ng temperatura ng atmospera ng mundo.

_____4. Malakihang pagpapatayo ng mga industriya,


pagtatatag ng kalakalan, at iba pang gawaing pang-
ekonomiya.

_____5. Pagsusunog sa kagubatan para makagawa ng uling


upang pagtamnan ang lupa, at pagtatayuan
ng tirahan o komersiyal na gusali.

13
Isaisip

Panuto: Batay sa iyong natutuhang aralin, kunin ang activity


notebook at itala sa tsart ang mga isyung
pangkapaligiran at epekto ng mga ito sa
bansa.

Isyung Pangkapaligiran Epekto

14
Isagawa

Panuto: Ipaliwanag ang sumusunod. Isulat ang sagot sa


activity notebook.

1. Bilang mag-aaral sa ikaapat na baitang, paano ka makatutulong


sa pagbawas o pagpigil sa mga epekto ng global warming?

Sagot: ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________.

2. Paano mo ibabahagi sa iba ang tungkol sa mga isyung


pangkapaligiran at pagtugon sa mga isyung ito?

Sagot: ____________________________________________
____________________________________________
____________________________________________.

15
Tayahin

Gawain A
Panuto: Basahin ang mga tanong, piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot sa inyong activity notebook.

1. Ano ang isang pagbabago dahil sa malakihang


pagpapatayo ng mga industriya, pagtatatag ng kalakalan
at iba pang mga gawaing pang-ekonomiya?
A. Polusyon C. Global Waming
B. Industriyalisasyon D.Climate Change

2. Kasabay ng pag-unlad ng mga industriya, saan inilaan ang


pagkakaroon ng pondo para sa mga proyekto o ito ay
muling pagtatanim?
A. Pagkakaingin C. Reforestation
B. Climate Change D. Global Warming

3. Ano ang maaaring epekto ng walang habas na


pagpuputol ng malalaking punongkahoy sa kabundukan at
kagubatan at nagiging sanhi rin ng pagkasira ng mga
pananim at ari-arian?
A. Polusyon C. Pagkakaingin
B. Pagbaha at pagguho ng lupa D. Chloroflourocarbons

4. Ano ang tawag sa pagtaas ng temperatrura ng mundo


sanhi ng mga chloroflourocarbons na nanggagaling sa
mga industriya at mga kabahayan?

A. Global Warming C.Climate Change


B. Bio-intensive gardening D. Pagbaha at pagguho

5. Ang isyung pangkapaligiran na ginawa ng tao para


makagawa ng uling, upang pagtamnan ang lupa o
pagtatayuan ng tirahan o komersiyal na gusali_________.
A. Polusyon C. Climate Change
B. Pagkakaingin o pagsusunog D. Global Warming

16
Gawain B.

Panuto: Basahin ang mga pahayag at isulat ang letrang T kung


tama ang isinasaad at M naman kung mali. Gawin ito sa
inyong activity notebook.

____1. Bawat pagbabago at pag-unlad ng isang bansa ay


may kaakibat na epekto sa kapaligiran.

____2. Ang greenhouse effect o pagkakakulob ng init ng


araw ay nakaaapekto sa kalusugan at maging sa mga
pananim.

____3. Ang patuloy na pagputol ng mga puno ay isa sa mga


isyung pangkapaligiran sa kasalukuyan na hidi dapat
bigyan ng pansin.

____4. Ang usok at langis mula sa mga pagawaan at


sasakyan ay nakadurumi sa hangin at katubigan na
maaaring sanhi ng pagkakasakit ng mamamayan.

____5. Ang pag-init ng atmospera na maaaring sumira sa


ozone layer o global warming.

17
Karagdagang Gawain

Tapos na ang ating aralin at ito naman ang tuunan mo mg


panahon na gawain. Gumupit ng mga larawan o newsclip mula sa
pahayagan tungkol sa mga isyung pangkapaligiran sa kasalukuyan na
maaaring mangyayari din sa iyong lugar. Gawin ito sa activity notebook
o kaya’y sa bond paper. Pagkatapos naisagawa ang gawaing ito
sagutin din ang rubrik.

RUBRIK
Nakakasunod Nakakasunod Nakakasunod
sa sa sa
pamantayan pamantayan pamantayan
nang higit sa subalit may ngunit may
Kasanayan inaasahan ilang kaunting
pagkukulang pagkukulang

(5) (3) (1)


1. Nakagupit ng
mga larawan o
newsclip mula sa
pahayagan tungkol
sa mga isyung
pangkapaligran
2. Nakagupit
nang nag-iisa
batay sa kung ano
ang nakikita sa
paligid
3. Naipakita ko
ang pagiging
maingat sa mga
kagamitan.
4. Naging
malikahin ako sa
pagsasagawa
ng disenyo.
5. Nakatapos ng
gawain sa
inilaang oras.

18
z

Aralin Matalino at Di Matalinong Paraan ng

4
Pangangasiwa ng mga Likas na
Yaman

Ang mga likas na yaman ng bansa ay napakikinabangan di


lamang ng kasalukuyang henerasyon kundi maging ng mga susunod
pa. Ang mga paraan ng ating pangangasiwa sa mga yamang ito sa
kasalukuyan aymagiging batayan ng yamang tatamasahin ng susunod
pang salinlahi.

Balikan

Gawain A: Awitin natin “Ang Ilog Pasig nang buong puso. Ano kaya
ang mensahe o nilalaman ng awiting Ilog Pasig? Isulat ang
sa palgay mo ang matalino at di- matalinong pangangasiwa sa ilog na
ito.

Ilog Pasig

Ang tubig na dumadaloy noon


Malinis, malinaw, ginagawang paliguan
Isa rin itong malaking palaisdaan
Na pinagkukunan ng kabuhayan
Ng karaniwang mamamayan.

Dahil mga pabrika itinayo sa paligid


Ang Ilog Pasig naging tambakan
Mga isda at halamang-dagat
Na doo’y namumuhay, naapektuhan
Pawang naglaho o nangamatay

Mula sa Batayang Aklat ng Araling Panlipunan 4 –Kagamitan ng Mag-aaral pahina 68

1. MatalinongPangangasiwa: _______________________
____________________________________________
2. Di-Matalinong Pangangasiwa: ____________________
____________________________________________

19
Gawain B. Ano ang wastong pamamaraan ng pangangalaga at
pangangasiwa ng mga likas na yaman sa iyong paligid at
sa ating bansa. Ano kaya ang magyayari kung hindi
mapangasiwaan nang maayos ang mga likas na yaman.
Sa inyong activity notebook, isulat ang letrang W kung
wasto ang isinasaad ng pangungusap HW naman kung
hindi wasto.

____1. Maraming basurang itinatapon sa kanal, ilog, dagat at ibang


bahagi ng katubigan.

____2. Inihiwalay ni nanay ang mga basurang nabubulok at di-


nabubulok.

___ 3. Nagtatanim si Kuya ng iba’t ibang gulay sa bakanteng lote


namin.

____4. Mabaho ang paligid dahil may lalaki na gumamit ng kemikal


sa kanyang pananim.

___ 5. Ang aming Barangay Kapitan ay tumawag ng isang


pulong pagtitipon upang iparating ang programang Clean and
Green Project.
.
.

20
Tuklasin

Panuto: Sa ibaba, isulat sa activity notebook ang letrang T kung


matalinong paraan at M kung hindi.

___ 1. ___ 4.

___ 2. ____5.

___ 3.

https://www.google.com/search?q=mungkahing+paraan+ng+pangangasiwa+ng+pinagkukunang+yaman+ng+bansa+in+publ
ic+domain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiE4quWw7DqAhWEfXAKHb41C04Q_AUoAXoECAsQAw&biw=13
66&bih=657#imgrc=L-QxRoMrZJr4EM

21
Suriin

Tingnan natin kung gaano kalawak ang iyong kaisipan. Mag- isip ng
mga ginagawa ng mga tao sa paligid. Kopyahin ang speech balloon at
isulat ang mga matalino at di-matalinong paggamit ng likas na yaman
sa ating kapaligiran. Gawin ito sa iyong activity notebook.

Matalinong Paraan:
Yamang Sakahan/
Yamang-Lupa Di Matalinong Paraan:

Yamang Gubat Matalinong Paraan:

Di Matalinong Paraan:

Yamang Tubig Matalinong Paraan:

Di Matalinong Paraan:

Yamang Mineral Matalinong Paraan:

Di Matalinong Paraan:

Sa araling ito, pagtutuunan mo ng oras na malalaman kung ano


ang naidudulot ng matalino at di-matalinong pangangasiwa ng mga

22
likas na yaman? Paano natin mapapangasiwaan ang mga likas na
yaman?

Tungkulin ng bawat Pilipino na pangalagaan ang mga likas na


yaman ng bansa. Ang wastong paraan ng paggamit sa mga ito ay
kapakinabangan din ng mga mamamayan, ngunit ang maling paggamit
sa mga ito ay maaaring humantong sa kanilang pagkasira,
pagkawasak, o tuluyang pagkawala.

Matalinong Pamamaraan ng Pangangasiwa

Ang matalinong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman


ay nakatutulong upang mapanatili ang mga ito at mapakinabangan pa
ng susunod na salinlahi. Ilan sa maaaring gawin ay ang sumusunod.
• Gawin ang hagdan-hagdang pagtatanim upang mabawasan ang
pagguho ng lupa.
• Magtanim ng mga puno sa mga bundok at maging sa mga
bakanteng lote.
• Magtatag ng mga sentrong kanlungan para sa mababangis na
hayop at mga ligaw na halaman
• Gawin ang bio-intensive gardening o paggamit ng organikong
paraan ng pagtatanim kahit sa maliit na espasyo o lupa lamang.
• Pagtatatag ng mga sentro o sanctuary para sa mga yamang
tubig.
• Pagpapanatiling malinis ng lahat ng katubigan- kanal, ilog, at
dagat.

Ang tatlong 3R’s o ang reduce, reuse, at recycle ay makatutulong


sa matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman. Ang reduce ay
ang pagbabawas sa mga basura sa ating paligid. Ang Paghihiwalay ng
mga nabubulok at di –nabubulok na basura ay makatutulong upang
mabawasan ang mga basura at mapakinabangan ang mga ito. Reuse
naman ang maaaring gawin sa mga bagay na patapon na ngunit maaari
pang magamit, kumpunihin at ibigay sa nangangailangan, o ipagbili.
Recycle naman ang pagbubuo ng mga bagong bagay mula sa mga
lumang bagay o patapong bagay.

Di- Matalinong Pamaraan ng Pangangasiwa

23
May mga gawain ding lubhang nakasisira ng kapaligiran gaya ng
pagsusunog ng mga plastik, pagtatapon ng basura sa ilog at dagat,
pagputol ng mga puno, paggamit ng sobrang kemikal sa pananim at
sa lupa, paggamit ng dinamita sa pangingisda, pagtagas ng langis sa
dagat, at pagtatayo ng mga pabrika, gusali o pook-alagaan malapit sa
mga ilog o dagat. Hangga’t maaari ay iwasan ang mga gawaing
magdudulot ng pagkasira ng ating paligid at kawalan ng susunod na
salinlahi.

Ang likas na yaman ay maaaring maubos at mawala kung hindi


aalagaan at pagyayamanin. Huwag itong abusuhin bagkus maging
responsible tayo sa paggamit ng mga ito

Ang mga likas na yaman ng bansa ay napakikinabangan di


lamang ng kasalukuyang henerasyon kundi maging sa mga susunod
pa. Ang paraan ng ating pangangasiwa sa mga yamang ito sa
kasalukuyan ay magiging batay ng yamang tatamasahin ng susunod
pang salinlahi.

Mula sa Araling Panlipunan 4, Kagamitan ng Mag-aaral Pahina 136-139

24
Pagyamanin

Panuto: Sagutin sa activity notebook. Lagyan ng (/) kung ito ay


nagpapakita ng wastong paraan ng pangangasiwa sa likas
na yaman at (x) kung hindi.

______ 1. Makisali sa Clean and Green Program ng palahalaan.

______ 2. Magtanim ng puno sa mga bundok at sa mga bakanteng


lote.

______3. Panatilihing malinis ang katubigan, kanal, ilog at tubig.

______ 4. Ang 3R’s ay makatutulong sa matalinong pangangasiwa


ng likas na yaman.

______5. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.

25
Isaisip

Panuto: Basahin ang pahayag sa ibaba, kunin ang


sagot sa loob ng kahon at isulat ang tamang salita sa
iyong activity notebook.

Reduce Bio-intensive gardening


Reuse Matalinong Pangangasiwa
Recycle Di- matalinong Pangangasiwa
Climate Change

1. Ang _____________________ sa likas na yaman ay makatutulong


upang mapanatili at mapakinabangan ang mga ito ng mga
susunod pang henerasyon.

2. _________________ ay isang paraan sa pagtatanim kahit sa maliit


na espasyo o lupa lamang.

3. Ang pagbabawas sa mga basura sa ating paligid tulad ng


paghihiwalay ng mga naabubulok at di –nabubulok na basura
upang mabawasan at maapakinabangan ang mga ito ay tintawag
na _________.

4. Ito ay isang pagbubuo naman ng mga bagong bagay mula sa mga


lumang bagay ay tinatawag na ___________.

5. Maaaring gawin ang mga bagay na patapon na ngunit maaari pang


magamit, kumpunihin, ibigay sa nangangailangan o ipagbili ay
isang _________.

26
Isagawa

Panuto: Basahin at sagutin ang mga tanong na ito sa iyong activity


notebook.

1. Ano ang mangyayari kung hindi mapapangasiwaan nang maayos


ang mga likas na yaman?

Sagot: _____________________________________________
_____________________________________________
____________________________________________.

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga


sa mga likas na yaman?

Sagot: ______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________.

Tayahin

27
Gawain A:
Basahin mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik at isulat ang tamang
sagot sa iyong activity notebook.

1. Ano ang mangyayari kung hindi natin aalagaan nang maayos


ang ating likas na yaman?
A. Magiging mas maunlad ang ekonomiya
B. Magiging mas maayos pa ang buhay ng tao
C. Mapapakinabangan pa natin an gating likas na yaman
D. Masisira ang ating paligid at mawawala ng yaman ang
susunod na salinlahi

2. Paano makatutulong ang matalinong pangangasiwa ng likas na


yaman sa pag-unlad ng bansa?
A. Dahil hindi natin iniingatan ang mga likas na yaman ng ating
bansa
B. Hindi natin binigyang pansin ang pangangalaga at pagpapanatili
sa kalinisan
C. Hindi natin naipagpatibay ang pakikipag-ugnay at wastong
paggamit ng likas ng likas na yaman .
D. Dahil sa wastong pangangasiwa ng likas na yaman hindi
hinayaang masira ang likas na yamang lupa at tubig na siyang
dinarayo ng mga turista

3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng matalinong paggamit


ng likas na yaman?
A. Pagsusunog ng basura
B. Bio-intensive gardening
C. Paggamit ng dinamita sa pangingisda
D. Pagtatayo ng pabrika sa malapit sa ilog at dagat.

4. Isang matalinong pangangasiwa naman ang pagbubuo ng mga


bagong bagay mula sa mga lumang bagay ay tinatawag
na_________.
A. Reuse C. Reduce
B. Recycle D. Rotation

5. Ito naman ay maaaring gawin sa mga bagay na pagtapon na


ngunit maaari pang magamit, kumpunihin, ibigay sa mga

28
nangangailangan o ipagbili.
A. Reduce C. Recycle
B. Reuse D. Reforestation

Gawain B: Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng kaisipan ukol sa matalinong paggamit ng
mga likas na yaman at ekis( x) kung hindi.

_____1. Pagmumuling-gubat

_____2. Paggamit ng sobrang kemikal sa pananim at sa lupa

_____3. Pagtatapon ng mga basura sa bakanteng lote at sa mga


ilog at karagatan.

_____4. Gawin ang hagdan-hagdang pagtatanim upang mabawasan


ang pagguho ng lupa.

_____5. Pagtatatag ng sentrong kanlungan para sa mababangis ng


hayop at mga ligaw na halaman.

Karagdagang Gawain

29
Gumawa ng isang bagay na maaaring i-recycle mula sa mga
lumang kagamitan sa tahanan. Gawing malikhain ang gagawing
proyekto.
RUBRIK

Nakakasunod Nakakasunod Nakakasunod


sa sa sa
pamantayan pamantayan pamantayan
nang higit subalit may ngunit may
Kasanayan sa inaasahan ilang kaunting
pagkukulang pagkukulang
(5) (3) (1)
1. Nakagawa ng
isang bagay na
maaaring i-
recycle mula sa
luman kagmitan
sa tahanan
2. Nakagawa
nang nag-iisa
batay sa kung
ano ang nakikita
sa paligid.
3. Naipakita ko
ang pagiging
maingat sa
mga kagamitan
4. Naging
malikhain
ako sa
pagsasagawa
ng disenyo.
5. Nakatapos ng
gawain sa
inilaang oras.

30
z

Aralin Kaugnayan ng Matalinong

5
Pangangasiwa ng mga Likas na
Yaman sa Pag-unlad ng Bansa

Ano ang kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng likas na


yaman sa pag-unlad ng bansa? Nangangahulugan ba ito na kung
sagana sa likas na yaman ang isang bansa ay maituturing na rin itong
mayaman? O kahit kakaunti lang ang likas na yaman, kung
pinangangasiwaan naman ito sa wastong paraan ay maaari na rin itong
magdulot ng kasaganaan sa isang bansa? Paano nakatutulong ang
matalinong pangangasiwa ng likas na yaman sa pag-unlad ng bansa?
Bakit mahalaga ang matalinong pangangasiwa ng mga likas na yaman
ng bansa?

Balikan

Tingnan ang larawan. May kaugnayan ba ang mga ito sa


pangangasiwa sa likas na yaman sa pag-unlad ng bansa? Isulat sa
activity notebook ang masasabi mo sa bawat larawan.

1. 3.
https://www.google.com/search?q=philippines+boracay+beach&tbm=isch&ved=2ahUKEwjTrdWOpb3qAhWGHaYKHRt9DGsQ2cCegQIABAA&oq=ph&gs_lcp=CgNp
bWcQARgDMgQIABBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDOgIIADoGCAAQCBAeUIIK
WM0hYI8_aABwAHgCgAG6BIgBxRaSAQkwLjYuNC0xLjOYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=14oFX5PmOIa7mAWb-
rHYBg&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=UP4zo32rdK5rWM

________________________

2. 4.
https://www.google.com/search?q=davao+and+its+fruit+plantation+in+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwjTrdWOpb3qAhWGHaYKHRt9DGsQ2c
CegQIABAA&oq=davao+and+its+fruit+plantation+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BQgAELEDOgQIABBDOgcIABCxAxBDOgQIABAe
OgYIABAIEB46BAgAEBhQvBpY16MBYPelAWgFcAB4BIABgwOIAYhOkgEIMC41Mi4zLjKYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAA&sclient=img&ei=14
oFX5PmOIa7mAWbrHYBg&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=iWjQs7w16o4OYM&imgdii=zy-0HKb_5Jc4WM

31
Tuklasin

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bawat bilang kung ang larawan
ay nagpapakita ng may maitutulong sa pag-unlad ng isang
lugar at mamamayang nakatira dito. Sagutin ito sa iyong
activity notebook.

___ 1. ___ 4.

___ 2. ___ 5.

___ 3. ___ 6.

https://www.google.com/search?q=mungkahing+paraan+ng+pangangasiwa+ng+pinagkukunang+yaman+ng+bansa+in+public+domai
n&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiE4quWw7DqAhWEfXAKHb41C04Q_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657#imgr
c=L-QxRoMrZJr4EM

32
Suriin

Pag- isipan at alamin mo ang tanong sa ibaba. Sagutin ito sa iyong


activity notebook.

1. Masasabi mo ba ang kaugnayan ng matalinong pangangasiwa ng


mga likas na yaman sa pag-unlad ng bansa?

Sagot: ________________________________________________

2. Paano nakakatulong ang matalinong pangngasiwa ng likas na


yaman sa pag-unlad ng bansa?

Sagot: ________________________________________________

3. Bakit mahalaga ang matalinong pangangasiwa ng mga likas na


yaman ng bansa?

Sagot:________________________________________________

Bigyan ng oras sa pagbabasa ang mga nilalaman sa araling ito.

Ang likas na yaman ang pangunahing pinanggagalingan na


ikinabubuhay ng mga tao. Isa ito sa mga salik sa pagkakaroon ng
maunlad at masaganang kabuhayan ng isang lugar. Tinutugunan nito
ang ilang pangangailangan ng mga mamamayang nakatira dito.

Maraming lugar, lungsod, at lalawigan sa ating bansa ang


maunlad dahil sa matalino at wastong pangangasiwa ng kanilang likas
na yaman.

Lalawigan ng Palawan

Kilala at tampok sa magagandang lugar, masaganang yamang-


dagat at gubat, at malinis na kapaligiran. Sa patuloy na pag-unlad ng
kanilang lugar, hindi nila hinahayaang masira ang kanilang kabundukan
at yamang tubig na dinarayo ng mga turista.

33
Lungsod ng Davao

Maunlad at masaganang lugar na ito at pinagkukunan ng


maraming prutas at iba pang produkto na ipinagbibili sa loob at labas
ng bansa. Dahil rin sa maingat na pangangasiwa ng mga yaman nito
kaya dumarami pa ang nagnanais magnegosyo o mag-invest dito.

Kaakibat ng pag-unlad ng mga lugar sa bansa, hindi malilimutan


ng mga Pilipino na ingatan ang mga likas na yaman upang mapaunlad
ang kalakalan at turismo. Kabilang sa mga pook na ito ay ang Lungsod
ng Baguio, Lungsod ng Tagaytay, Lungsod ng Cebu, at Isla ng
Camiguin. Sapagkat turismo ang pangunahing susi nila sa kaunlaran,
higit nilang binibigyan ng pansin ang pangangalaga at pagpapanatili ng
kalinisan.

Mula sa Araling Panlipunan 4, Kagamitang ng Mag-aaral Pahina 140-141

34
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang bawat tanong sa ibaba at piliin ang tamang


sagot sa itaas sa loob ng kahon. Sagutin ito sa iyong
activity notebook.

A. Para walang magkasakit


B. Opo, dahil dito tayo umaasa para mabuhay
C. maraming mawawalan ng hanapbuhay
D. Umangat at umunlad ang buhay ng mga tao sa
wastong pangangalaga ng likas na yaman.
E. Opo, sa pamamagitan ng wasto at matalinong
pangangasiwa ng mga likas nayaman sa ating
kapaligiran at sa ating lalawigan o buong bansa
F. Hindi kailangang pag-ingatan o ipagwalang bahala ang
mga likas na yaman ang ating lalawigan o bansa.

___ 1. Dapat bang alagaan natin ang ating kagubatan? Bakit?

___ 2. Ano kaya ang mangyari kung tuluyan ng nasisira ang


ating kalikasan?

___ 3. Ano-ano ang mabuting naidulot ng mga likas na yaman


sa ating buhay?

___4. Bakit kailangang linisin ang mga ilog at karagatan?

___5. Kailangan bang ang lahat ng tao ay magtulungan sa


pag- aaruga ng ating kalikasan?Paano?

35
Isaisip

Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba. Kunin ang mga


salita sa loob ng kahon at isulat ito sa iyong activity
notebook.

wasto matalino
Cebu Baguio
Davao Palawan
likas na yaman

1. Ano ang pangunahing pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng mga


tao at ito rin ang isang mahalagang salik na nakaaapekto sa pag-
unlad ng bansa?

Sagot: Ang ____________________ ay pangunahing


pinanggagalingan ng ikinabubuhay ng mga tao at isang
mahalagang salik na nakaaapekto sa pag-unlad ng bansa.

2. Paano pinangangasiwaan ang mga likas na yaman sa iyong


sariling lalawigan at maging sa ating bansa?

Sagot: Malaki ang kaugnayan ng ______ at ___________paggamit


ng mga likas na yaman sa kaunlaran ng bansa.

3. Magbigay ng tatlong mga lugar o pook na napaunlad ang


kalakalan at turismo bunga ng pag-iingat sa mga likas na yaman?

Sagot: Lungsod ng ______________ , Lungsod ng ____________


Lungsod ng _____________

36
I
sIsagawa
w
a

Panuto: Kopyahin sa activity notebook. Buuin ang talata upang


mabuo ang isang komitment.

Isang salik ng pag-unlad ng bansa ay ang


wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman. Kaya,
nangangako akong _____________________________

_____________________________________________

_____________________________________________

37
Tayahin

Gawain A:
Panuto: Tingnan ang ginagawa sa bawat larawan sa ibaba, kunin ang
sagot sa itaas at isulat ang tamang letra sa iyong activity
notebook.

A. Naglilinis sila ng kapaligiran.


B. Masagana ang ani ng magsasaka.
C. Nagtatanim sila ng gulay at iba’t-ibang halaman.
D. Masaya sila sa marami ang naani nilang mais dahil sa
pampatabang nilagay.
E. Hiniwalay ang mga malata at di malatang mga bagay.
F. Nagtulungan sila sa paglinis ng mga ilog at karagaratan.

____1. ____4.

____5.
____2. .

____3.

https://www.google.com/search?q=mungkahing+paraan+ng+pangangasiwa+ng+pinagkukunang+yaman+ng+bansa+in+public+dom
ain&oq=mungkahing+&aqs=chrome.1.69i57j69i59l2j69i60.4826j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8

38
Gawain B. Isulat sa iyong activity notebook ang letrang T kung wasto
ang gawain na may kaugnayan sa pag-unlad ng bansa at
M naman kung hindi.

1. Paggamit ng mga organikong pataba sa pananim.

2. Pagputol ng malalaking puno upang gamitin sa mga


impraestraktura at gusali.

3. Pagkakaroon ng mga fish sanctuary at panganaglaga sa


mga bahay-itlugan ng mga isda.

4. Pagpapanatili ng kalinisan sa paligid lalo na sa mga lugar


na dinarayo ng mga turista.

5. Pagtatanim ng mga punongkahoy bilang kapalit sa mga


pinutol.

39
Karagdagang Gawain

Gumawa ng sariling slogan na nagpapatibay ng may kaugnayan


ng wastong paggamit ng likas na yaman at pag unlad ng bansa.
Gawin ito sa iyong activity notebook.
RUBRIK
Nakakasunod Nakakasunod Nakakasunod
sa sa sa
pamantayan pamantayan pamantayan
nang higit subalit may ngunit may
Kasanayan sa inaasahan ilang kaunting
pagkukulang pagkukulang
(5) (3) (1)
1. Nakagawa ng
sariling slogan na
nagpapatibay ng
may kaugnayan
sa wastong
paggamit ng
likas na yaman at
pag-unlad ng
bansa
2. Nakagawa
nang nag-iisa
batay sa kung
ano ang nakikita
napapansin sa
paligid.
3. Naipakita ko
ang pagiging
maingat sa
mga kagamitan.
4. Naging
malikahin
ako sa
pagsasagawa
ng disenyo.
5. Nakatapos ng
gawain sa
inilaang oras.

40
41
Karagdagang Gawain Tayahin
Depende sa mag-aaral kung ano ang Gawain A Gawain B
larawan o newsclip mula sa pahayagan
1. B 1. T
tungkol sa mga isyung pangkapaligiran
napapansin sa paligid 2. C 2. T
3. B 3. M
4. A 4. T
Isaisip 5. B 5. T
Isyung Pangkapligiran
Industriyalisasyon
Polusyon
Pagyamanin
Iligal na pagtroso/ pagputol ng mga
punongkahoy 1. D
pagkakaingin 2. C
Epekto 3. E
Global warming 4. B
Nakadurumi sahangin at 5. A
katubigan,pagkamatay ng mga yamang
tubig
Pagbaha atpagguho ng lupa, kawalan ng
punong sipsip sa tubig ulan Subukin
Pagbaha at pagguho ng lupa, global I. Pagtataponng dumi at langis sa mga
warming katubigan
2. Kaingin
3. Walang habas na pagpuputol ng
mga punong kahoy
4. Labis na pagbubuga ng usok ng mga
Tuklasin
sasakyan at industriya
1. C
5.Kawalan ng mga punong sisipsip sa
2. D
tubig ulan
3. A
II. 1. X 4. X
4. E
2. / 5. /
5. B
3. /
Aralin 1: Isyung Pangkapaligiran
Susi sa Pagwawasto
42
Tayahin
Karagdagang Gawain Gawain A Gawain B
1. D 1. /
Depende sa mag-aaral kung ano ang 2. D 2. x
bagay na i-recycle mula sa mga lumang 3. B 3. x
kagamitan sa tahanan.
4. B 4. /
5. B 5. /
Isaisip
Isagawa 1. Matalinong Pangangasiwa
Depende sa sagot ng mga bata 2. Bio- intensive gardening
3. Reduce
4. Recycle
5. Reuse
Tuklasin
Pagyamanin 1. T
1./ 2. T
2. / 3. M
3. / 4. M
4. / 5. T
5. x
ng mga Likas na Yaman
Aralin 2: Matalino at Di- Matalinong Paraan ng Pangangasiwa
Susi sa Pagwawasto
43
Tayahin
Gawain A Gawain B Karagdagang Gawain
1. D 1. T Depende sa mag-aaral kung anong
2. A 2. M slogan ang nagawa ng mag-aaral na may
3. F 3. T kaugnayan sa matalinong pangangasiwa
4. B 4. T ng mga likas na yaman
5. E 5. T
Isaisip
Isagawa 1.Likas na Yaman
Depende sa isang komitmentna naisulat 2. Wasto at Matalino
ng mga mag-aaral. 3. Lungsod ng Cebu
Lungsod ng Baguio
Lungsod ng Palawan
Tuklasin
Pagyamanin 1. /
1.B 2. /
2. C 3. /
3. D 4. /
4. A 5. /
5. E 6. /
mga Likas na Yaman sa Pag-unlad ng Bansa
Aralin 3: Kaugnayan ng Matalinong Panganagsiwa ng
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian:

Adriano, Ma. C. V., M. A. Caampued, C. A. Capunitan, W.F. Galarosa,


N. P. Miranda, E.R. Quintos, B. P.D. Dado, R. A. Gozun, R.S.
Magsino, Ma. L. L. Manalo, J. B. Nabaza, E. P. Naval. Araling
Panlipunan 4. Kagamitan ng Mag-aaral. (Unang Edisyon 2015).
Kagawaran ng Edukasyon

Adriano, Ma. C. V., M. A. Caampued, C. A. Capunitan, W.F. Galarosa,


N. P. Miranda, E.R. Quintos, B. P.D. Dado, R. A. Gozun, R.S.
Magsino, Ma. L. L. Manalo, J. B. Nabaza, E. P. Naval. Araling
Panlipunan 4. Patnubay ng Guro. (Unang Edisyon 2015).
Kagawaran ng Edukasyon

Kintanar, F. J. (2019) Araling Panlipinan 4 DLP

https://www.google.com/search?q=polusyon+in+public+domain&tbm
=isch&ved=2ahUKEwjA3tynlpzqAhVJbJQKHaOIAi8Q2cCegQIA
BAA&oq=polusyon+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQAzoC
CAA6BAgAEEM6BAgAEBg6BggAEAoQGFC7FFigNmC7PmgAc
AB4AIABjAKIAaUTkgEGMC4xNS4ymAEAoAEBqgELZ3dzLXdp
ei1pbWc&sclient=img&ei=Ii70XsDFI8nY0QSjkYr4Ag&bih=657&b
iw=1366#imgrc=ofMlI1D9MXbkWM

https://www.google.com/search?q=pollution+in+the+factory+in+the+p
hilippines+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwja_p7Nmpzq
AhWxI6YKHcAfCssQ2cCegQIABAA&oq=pollution+in+the+factor
y+in+the+philippines+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQA1Csu
wNYfMDYPn2A2gAcAB4AIAByAGIAY4bkgEGMC4yNS4xmAEA
oAEBqgELZ3dzLXdpei1pbWc&sclient=img&ei=ozL0XpohsceYB
cC_qNgM&bih=657&biw=1366#imgrc=W22uRjoP1WcbQM&img
dii=dmjuIawf_67K-M

https://www.google.com/search?q=pagkakaingin+in+public+domain&s
ource=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjarvCA0L_qAhVFII
gKHdr6AM4Q_AUoAXoECAwQAw&biw=1366&bih=657#imgrc=7
OI8nIq7N5FsVM

44
https://www.google.com/search?q=palawan+images++in+public+dom
ain&source=lnm&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwionfaPzafqAhX
GxYsBHVC8BjIQ_AUoAXoECAsQAw

https://www.google.com/search?q=mungkahing+paraan+ng+pangang
asiwa+ng+pinagkukunang+yaman+ng+bansa+in+public+domain
&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwiE4quWw7DqAh
WEfXAKHb41C04Q_AUoAXoECAsQAw&biw=1366&bih=657#im
grc=L-QxRoMrZJr4EM

https://www.google.com/search?q=philippines+boracay+beach&tbm=i
sch&ved=2ahUKEwjTrdWOpb3qAhWGHaYKHRt9DGsQ2cCegQ
IABAA&oq=ph&gs_lcp=CgNpbWcQARgDMgQIABBDMgQIABBD
MgcIABCxAxBDMgQIABBDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIAB
BDMgcIABCxAxBDMgQIABBDMgQIABBDOgIIADoGCAAQCBA
eUIIKWM0hYI8_aABwAHgCgAG6BIgBxRaSAQkwLjYuNC0xLjO
YAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=14oFX5Pm
OIa7mAWbrHYBg&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=UP4zo32r
dK5rWM

https://www.google.com/search?q=davao+and+its+fruit+plantation+in
+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwjTrdWOpb3qAhWGH
aYKHRt9DGsQ2cCegQIABAA&oq=davao+and+its+fruit+plantati
on+in+public+domain&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BQgAELE
DOgQIABBDOgcIABCxAxBDOgQIABAeOgYIABAIEB46BAgAEB
hQvBpY16MBYPelAWgFcAB4BIABgwOIAYhOkgEIMC41Mi4zLj
KYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ7ABAA&sclient=img&ei=14o
FX5PmOIa7mAWbrHYBg&bih=657&biw=1349&hl=en#imgrc=iWj
Qs7w16o4OYM&imgdii=zy-0HKb_5Jc4WM

45
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

46

You might also like