You are on page 1of 44

4

Pag-aari ng Pamahalaan
HINDI IPINAGBIBILI
p

Health
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Linggo 1-4: Kalamidad o Sakuna

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


Health – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Ikaapat na Markahan - Modyul 1: Kalamidad o Sakuna
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang
pahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni
kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio
Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Health 4

Authors: Allan T. Dacay

Editor: Marina A. Impig

Reviewers: Freddie L. Palapar


Zaldy G. Ampong
Virginia B. De Asis

Illustrator: Agnes Valerie D. Noval

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Eugene I. Macahis, Jr.


Asst. Schools Division Superintendent

Members: Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES


Jourven B. Okit, EPS – MAPEH
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615Website:

1
4
deped-valencia.org

Health
Ikaapat na Markahan - Modyul 1
Linggo 1-4:Kalamidad o Sakuna

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda ta sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong
paaralan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang mga
propesyonal na nasa larangan ng Edukasyon na magpadala
ng kanilang puna, komento at rekomendasyon sa Kagawaran
ng Edukasyon sa pamamagitan ng email na ito:
region10@deped.gov.ph.
 
Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mag puna at
rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas


2
3
Panimula

Ang modyul na ito ay maglalahad ng mga natural na kalamidad


at sakuna tulad ng lindol, bagyo,at pagputok ng bulkan na maaaring
magdulot ng malaking pinsala sa mga ari-arian at maging sa buhay ng
tao. Upang maiwasan ang hindi mabuting epekto at bunga nito, tayo
ay dapat maging handa sa lahat ng oras.

Kaya kailangang matutunan ninyo ang iba’t ibang paraan ng


angkop na pagtugon sa oras ng kagipitan. Ang pagsunod sa mga
alituntunin at batayang pangkaligtasan ay pagtitiyak sa pagpapanatili
at pangangalaga sa buhay at ari-arian.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa pag-


unawa at pagbasa sa mga gawain na
nakapaloob sa araling nang sa ganun mas
madali nila itong matutunan.

4
i
Alamin

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Natutukoy ang iba’t ibang uri ng kalamidad at sakuna


na maaaring mangyari sa komunidad.

2. Nauunawaan ang ibat ibang epekto ng kalamidad sa


buhay at ari-arian ng mga tao.
3. Nakapagpapakita ng mga angkop at nararapat na tugon
bago, tuwing at pagkatapos ng anumang kalamidad o
sakuna, at kagipitan na darating.
4. Natutukoy ang mga angkop at nararapat na tugon bago,
tuwing at pagkatapos ng anumang kalamidad o sakuna,at
kagipitan

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod mna hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat Gawain.

• Sagutin ang lahat na mga tanong.

• Gumamit lamang ng lapis sa pagsagot

5
ii
Mga Icons sa Modyul

Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng


layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing idinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatasang ito ay ginamit
upang masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin
sa pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

6 iii
Subukin

Panuto: A. Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa inilarawan. Buuin


ang salita sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga
nawawalang titik.

1. May dalang malakas na hangin at ulan. __ A__ __O

2. Pagguho ng lupa LA__ __S__I__ __

3. Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan B__ __ A

4. Pagyanig ng lupa __I__D__ __

5. Pagsabog o pagbuga ng usok __ A__PU__ __K N __


B__ __K__ N

Panuto: B. Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang mga


pangungusap ay naglalarawan ng epekto ng kalamidad sa buhay at
ari-arian ng mga tao at ekis ( x ) kung hindi.

_____1. Pagkakaroon ng sakit dulot ng baha.


_____2. Pagkasira ng relasyon ng mga kasapi ng pamilya.
_____3. Pagkawala ng tirahan.
_____4. Pagkapinsala ng kabuhayan tulad ng sakahan.
_____5. Pagiging determinado na makahanap ng trabaho.

7
iv
Mga Uri ng Kalamidad o
z

Aralin

1 Sakuna at ang Epekto


sa Buhay at Ari-arian ng
mga Tao
Sa mga nakalipas na taon, maraming ari-arian at buhay ang
nasalanta at nawala dahil sa walang kahandaan sa sakuna at
kalamidad. Nararapat na ito ay hindi na maulit pa sa pamamagitan ng
pag-aaral ukol sa paghahanda sa mga inaasahan at di inaasahang
sakuna at kalamidad na makapagdudulot ng pinsala sa ating buhay
at ari-arian.

Balikan

Anu-anong mga salita ang iyong maiuugnay sa larawan?

Bakit ninyo naisip ang mga salitang ito?

Paano kaya maging ligtas sa panahon ng kalamidad?

8
Tuklasin

Mga Uri ng Kalamidad

Panuto: Pumili ka nang isang uri ng kalamidad (bagyo , baha, lindol,


o pagputok ng bulkan). Iguhit sa kahon sa ibaba at isulat ang epekto
ng kalamidad sa loob nito.

__________________________________
Uri ng kalamidad

Ang kalamidad ay pangyayari na sanhi ng mga pagbabago sa


kondisyon ng kalikasan at maaaring magdulot ng pagkawasak o
pagkawala ng mga ari-arian at kapahamakan sa buhay ng tao. Ilan sa
mga ito ay bagyo (pagbugso ng malakas na hangin), storm surge
(daluyong ng dagat), lindol (paggalaw ng lupa), volcanic eruption
(pagputok ng bulkan), landslide (pagguho ng lupa), at baha (pagtaas
ng tubig).

BAGYO
Ang Pilipinas ay nakararanas ng mahigit kumulang sa 22 bagyo
sa loob ng isang taon. Maaaring ang isang lugar ay madalas na
daanan ng mga bagyong ito. Ang bugso ng hangin, lakas ng
pagbuhos ng ulan, at maging ang dami nito ay lubhang
nakapamiminsala. Madalas ang dulot nito ay ang pagtaas ng naiipong
tubig (baha), storm surge, at landslide o pagguho ng lupa. Ito ay
kadalasang nabubuo sa karagatan katulad ng Dagat Pasipiko.
Mayroon itong dalawang bahagi: ang eye wall at ang mata ng bagyo.

9
Ang Philippine Atmospheric Geophysical Astromical Services
Administration o
(PAGASA) ay nagbibigay ng signal upang malaman ang lakas o
bugso ng hangin na dulot ng bagyo.

Signal/Bugso ng hangin:

Signal No. 1 : 30-60 kph


Signal No. 2 : 61-100 kph
Signal No. 3 : 101-185 kph
Signal No. 4 : 186 pataas

Sa pamamagitan ng pagsukat at pagtukoy sa bugso ng hangin ng


isang bagyo, maaaring malaman ang angkop na paghahanda ng mga
tao sa isang lugar.

LINDOL
Ang lindol o pagyanig ng lupa ay maaaring dulot ng pagsabog
ng bulkan (volcanic earthquake) o paggalaw ng tectonic plates sa
ilalim ng lupa o earth’s crust.

PAGSABOG NG BULKAN
May dalawang uri ang bulkan: aktibo at hindi aktibong bulkan.
Ang aktibong bulkan ay pumumutok o sumasabog sa anumang oras .
Ang hindi aktibong bulkan ay natutulog o walang anumang pagsabog
o pagbuga ng usok sa loob ng mahabang panahon subalit hindi ito
nangangahulugang hindi na ito sasabog muli. Kung kaya’t mas
makabubuting alamin ang panganib na dulot nito upang maiwasan
ang anumang sakunang dulot nito.

10
Suriin

Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o


kalamidad. Ito ay aksidente o mga hindi sadyang pangyayari tulad ng
bagyo, lindol, at iba pa.Ang maagap na naghahanda ay nalalayo sa
sakuna. Upang maiwasan ang mga sakuna na dulot ng natural na
kalamidad, makinig o alamin lagi ang mga pahayag, babala, at alerto.
Maaaring malaman ang pinakabagong impormasyon ukol sa sama ng
panahon sa radyo, telebisyon o internet. Laging ipinahahayag sa
telebisyon o radyo ang pagdating o paglapit ng isang bagyo, pagputok
ng bulkan, lindol, baha at malakas na hangin.

Panuto: Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat sa kuwaderno ang


inyong sagot .

1. Anu-ano ang iba’t ibang uri ng kalamidad?


__________________________________________________
__________________________________________________

2. Anu-ano ang mga maaaring maging epekto ng kalamidad sa


ating buhay?
__________________________________________________
__________________________________________________
3. Anong mga kalamidad ang madalas maranasan sa inyong
komunidad?
__________________________________________________
__________________________________________________

11
Pagyamanin

Panuto: Ilista sa loob ng kahon at ilarawan ang iba pang halimbawa


ng kalamidad at ang epekto nito sa buhay at ari-arian ng tao.

Isaisip

Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o kalamidad.


Ito ay aksidente o mga hindi sadyang pangyayari tulad ng bagyo, lindol, at
iba pa.
Pag ang mga sakuna o kalamidad ay hindi natin napaghandaan ng
tama, maaari itong makapinsala sa mga ari-arian at buhay ng tao.

12
Isagawa

Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pangungusap sa inyong


kuwaderno.

1. Ang hindi ko makakalimutan na kalamidad ay…


__________________________________________________
__________________________________________________

2. Ang pinaka kinatatakutan kong kalamidad na aking naranasan


ay _______________________________________________

3. Upang mapaghandaan ang mga kalamidad, ako ay


__________________________________________________
__________________________________________________

Tayahin

Panuto: A. Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsalalarawan.


Buuin ang salita sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga
nawawalang titik.

1. Pagyanig ng lupa __I__D__ __

2. Pagguho ng lupa L__ __ __S__I__ __

3. May dalang malakas na hangin at ulan. __ A__ __O

4. Pagsabog o pagbuga ng usok __ A__P__ __ __K


N __ B__ __K__ N

5. Bunga sa walang tigil o lakas ng ulan. B__ __ __ __

13
Panuto: B. I-tsek ang mga pangungusap na naglalarawan ng epekto
ng kalamidad sa buhay at ari-arian ng mga tao.

1. Pagkawala ng tirahan.
2. Pagkasira ng relasyon ng mga kasapi ng pamilya.
3. Pagiging determinado na makahanap ng trabaho.
4. Pagkakaroon ng sakit dulot ng baha.
5. Pagkapinsala ng kabuhayan tulad ng sakahan

Karagdagang Gawain

Magsaliksik ng mga dapat mong gawin bago, tuwing at pagkatapos ng


kalamidad. Isulat ang mga ito sa kahon sa ibaba.

Uri ng kalamidad

Ang dapat kong gawin bago ang kalamidad

Ang dapat kong gawin sa oras ng kalamidad


14
Ang dapat kong gawin pagkatapos ng kalamidad

15
Susi sa Pagwawasto

Subukin
A. 1. BAGYO
2. LANDSLIDE
3. BAHA
4. LINDOL
5. PAGPUTOK NG BULKAN

B. 1. /
2. X
3. /
4. /
5. X

Tayahin
A. 1. LINDOL
2. LANDSLIDE
3. BAGYO
4. PAGPUTOK NG BULKAN
5. BAHA

B. 1. /
2. X
3. X
4. /
5. /

Subukin

16
Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at isulat ang titik sa
tamang sagot.

1.Anong ahensya ang nag-aaral ng panahon at nagbibigay ng signal


upang malaman ang lakas at bugso ng hangin dala ng bagyo?
A. DOH B. DILG C. DOST D. PAGASA

2. Kapag ang bagyo ay may lakas at bugso ng hangin na umabot sa


61-100 kph, nasa anong signal ang bagyo?
A. 1 B. 2 C. 3 D. 4

3. Alin ang isinagawa sa paaralan o gusali upang maiwasan ang


anumang sakuna kung may lindol?
A. Fun run C. Earthquake drill
B. Athletic meet D. Nutrition program

4. Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas ang ating buhay sa


panahon ng pagbaha?
A. Karton B. Payong C. Malaking bag D. Malaking gallon

5. May naaamoy kang tagas ng gasul sa bahay. Ano ang nararapat


mong gawin?
A. Sindihan ang kalan C. Isawalang bahala lamang
B. Isara ang mga bintana D. Buksan ang bintana at pinto

6. Alin ang nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at


bugso ng hangin?
A. Lindol B. Bagyo C. Tsunami D. Storm Surge

7. Kung ang bagyo ay nasa Signal No.1, anong antas ng paaralan ang
otomatikong walang pasok?
A. Preschool C. Mataas na paaralan
B. Kolehiyo D. Mababang paaralan

8. Lumilindol sa inyong lugar. Anong ahensiya ng pamahalaan ang


mabilis na tutugon upang matulungan iligtas ang mga biktima?
A. Pulis B. Barangay C. NDRRMC D. Barangay Tanod
9. Nasa loob ka ng bahay at naabutan ka ng lindol. Ano ang iyong
gagawin?
A. Tawagin ang Nanay C. Tumalon sa bintana
iv
B. Sumigaw at umiyak D. Sumilong sa matatag na mesa

17
10. Sina Mang Raul ay nakatira malapit sa Bulkang Mayon. Ano ang
dapat niyang gawin?
A. Mamasyal sa paligid
B. Gumawa ng malaking bahay
C. Makipag-usap sa kapitbahay
D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas

Aralin
Sa Panahon
v
ng
18
2 Kalamidad, Sakuna at
Kagipitan

Ang Pilipinas ay nakararanas ng mahigit kumulang sa 22 bagyo


sa loob ng isang taon. Maaaring ang isang lugar ay madalas na
daanan ng mga bagyong ito. Ang bugso ng hangin, lakas ng
pagbuhos ng ulan, at maging ang dami nito ay lubhang
nakapamiminsala. Madalas ang dulot nito ay ang pagtaas ng naiipong
tubig (baha), malakas na hangin, storm surge, at landslide o pagguho
ng lupa.Ito ay kadalasang nabubuo sa karagatan katulad ng Dagat
Pasipiko. Mayroon itong dalawang bahagi: ang eye wall at ang mata
ng bagyo. Dagdagan pa sa iba’t ibang kalamidad na kusang dumating
sa hindi inaasahang panahon gaya ng lindol, pagputok ng bulkan,
sunog at iba pa.
Kaya sa ganitong mga pagkakataon dapat nating malaman kung
ano ang gagawin bago, tuwing at pagkatapos ng anumang kalamidad
o sakuna, at kagipitan.

19
Balikan

Sa mga kalamidad na ating tinutukoy, pag-isipan ang mga dapat


ilagay sa emergency kit sa ibaba.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang mga sagot


sa papel.
1. Ano-ano ang mga bagay na makikita sa inyong emergency
kit?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
________________________

2. Bakit kinakailangang ihanda ang mga bagay na ito?


_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_______________________

20
Tuklasin

 Paano mo mailalarawan ang sitwasyon ng isang lugar sa


panahon ng bagyo?
________________________________________________
________________________________________________

 Ano ang maaari mong gawin upang maiwasang malagay ka


sa ganitong sitwasyon?
________________________________________________
________________________________________________

 Paano mo maililigtas ang iyong sarili kung sakaling malagay


ka sa ganitong sitwasyon?
________________________________________________
________________________________________________

21
Suriin

Sa bawat uri ng kalamidad, ang sakuna ay maiiwasan kung


tayo ay laging handa. Ano-ano ang ating kailangang gawin bago,
habang, at pagkatapos ng isang kalamidad?

SA PANAHON NG BAGYO

Bago dumating ang bagyo

• Manood ng balita sa telebisyon o makinig sa radyo ukol sa


lagay ng panahon.
• Isaayos at itabi sa ligtas na lugar ang mga importanteng bagay
at mahalagang papeles.
• Mag-imbak ng sapat na dami ng tubig at pagkain.
• Siguraduhing kumpleto ang emergency supplies katulad na
baterya ng radyo, flashlights, at first aid kit.
• Itsek ang bubong ng bahay at ang mga puno sa bakuran na
posibleng bumagsak dahil sa malakas na hangin.

Habang may bagyo

22
Signal No.1
• 30-60 kph
• Makinig sa balita sa radyo o TV ukol sa bagyo.
• Walang pasok ang pre-school sa paaralan.
• Magdala ng payong, kapote, at bota kung lalabas.

Signal No. 2
• 61-100 kph
• Makinig sa balita sa radyo o TV ukol sa bagyo.
• Walang pasok sa elementarya at sekondarya.
• Manatili sa loob ng bahay kung kinakailangan.
• Iwasang magbiyahe maging sa daan, dagat, at himpapawid.
• Maging handa sa posibleng pagbaha.
• Maghanda kung sakaling kinakailangang lumikas sa mataas at mas
ligtas na lugar.

Signal No. 3
•101-185 kph
• Walang klase sa lahat ng antas ng paaralan maging sa opisina
• Manatili sa loob ng bahay o sa lugar na mas ligtas.
• Kung nakatira sa mababang lugar, lumikas sa mas mataas at mas
ligtas na lugar.
• Iwasan ang pagpunta sa anumang uri ng anyong tubig.

Signal No. 4
• 186 pataas
• Ipagpaliban ang ano mang gawain at manatili sa loob ng bahay.
• Lumikas sa mas mataas na lugar sa posibleng pagbaha o landslide.
• Patibayin ang mga bahagi ng bahay na maaaring maapektuhan.
• Umantabay sa mga ulat sa mass media.
• Putulan ang mga sanga na malapit sa bahay.
• Siguraduhing walang nakaharang sa kalsada para sa pagdaan ng
emergency vehicles. Maghanda ng emergency kit.
• Kapag bumaha patayin ang main switch.
• Huwag lumusong sa baha kung hindi kinakailangan. Huwag
gumamit ng gas o kasangkapang nalubog sa baha.

Pagkatapos ng bagyo

• Kumpunihin ang mga naiwang sira o pinsala sa bahay at bakuran


23
kung mayroon.
• Iwasang magtampisaw sa tubig baha upang makaiwas sa sakit.
• Ipagbigay-alam sa kinauukulan ang anomang pinsala sa linya ng
koryente, tubig, at telepono.
• Kung nasa evacuation site, maghintay ng hudyat kung kalian ligtas
nang bumalik sa inyong bahay.

LINDOL

Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng enerhiyang


seismiko. Madalas, ang mga lindol ay sanhi ng paggalaw ng fault sa
ibabaw na bahagi ng mundo (crust). Ang enerhiyang lumalabas ay
sumasanga sa lahat ng direksiyon mula sa kaniyang pinanggalingan,
sa anyo ng mga seismikong alon. Ang anyo ng mga seismikong alon
ay maihahalintulad sa anyo ng payapang tubig na hinulugan ng isang
bato. Kahit na ang enerhiya ay mabilis na nababawasan habang ito ay
papalayo sa pokus, may mga sensitibong kagamitan na nakatalaga sa
iba’t ibang panig ng mundo para itala ang mga pangyayaring may
kinalaman sa pagyanig ng lupa.

Bago ang Lindol


• Alamin kung may emergency plan ang opisina, paaralan o ang
iyong pinagtatrabahuhan.
• Maghanda ng emergency supplies tulad ng sa paghahanda sa
bagyo.
• Alamin kung nasaan ang electric fuse box sa bahay. Kinakailangan
itong maisara sa pagsapit ng lindol upang maiwasan ang sunog.
• Iwasang maglagay ng mga bagay na maaaring mahulog at magdulot
ng malaking panganib.
• Magsagawa ng earthquake drill sa paaralan, bahay o komunidad.
• Manatiling kalmado. Maging alerto kung saanman abutan nito.
• Kung nasa loob ng isang gusali, tumayo sa isang pader malapit sa
24
sentro ng gusali. Maghanap ng matatag na maaaring pagsilungan
habang lumilindol.
• Kung nasa loob ng sasakyan, ihinto ang sasakyan at hintaying
matapos ang pagyanig.
• Kung nasa labas, ilayo ang sarili sa anumang maaaring mahulog
na bagay at mabuwal na puno o poste.
• duck, cover, hold

Pagkatapos ng lindol

• Suriin ang sarili kung may natamong anomang sugat.


• Suriin ang linya ng tubig, koryente, at gasul sa anumang pagtagas.
Kung may pagtagas sa mga ito, lalo na ang gasul buksan ang
bintana at lumikas sa ligtas na lugar. Ipagbigay alam sa kinauukulan
ang pangyayari.
• Makinig ng balita sa radyo at TV.
• Umiwas sa mga gusaling nasalanta ng lindol

PAGPUTOK NG BULKAN

Maaaring ang pagputok ng bulkan ay magdulot ng sakuna sa buhay


ng tao. Ngunit maaari din itong magdulot ng maganda sa kalikasan.
Nagbabago ang anyo at topograpiya ng isang lugar sa pagputok ng
bulkan.

Bago pumutok ang bulkan

25
• Tukuyin ang ligtas na lugar para sa paglikas.
• Ihanda ang kinakailangan sa paglikas: damit, pagkain, at
mahahalagang kagamitan.
• Mag-imbak ng kinakailangang pagkain, gamot, at tubig sa panahon
ng paglikas.
• Siguraduhing ligtas ang mga alagang hayop.
• Alamin ang lugar na maaaring pagdaanan ng lava mula sa bulkan
upang makaiwas sa mga ito.

Pagkatapos ng pagputok ng bulkan

• Maghintay sa hudyat ng mga kinauukulan sa posibleng pagbalik


sa tirahan.
• Ayusin at kumpunihin ang pinsala sa bahay at linya ng koryente,
tubig, at telepono.
• Pag-aralan kung paano maaaring magamit ang lupa na may
halong mga bato mula sa bulkan.

BAHA

(source: https://www.youtube.com/watch?v=xivpP7qVrEU)

Bago ang Baha

• Lumikas na sa mas ligtas na lugar kung nasa delikadong lugar


• Magdala ng mga kakailanganing mga bagay
Habang May Baha

• Gawing ligtas ang sarili. Huwag lumusong sa tubig kung delikado na

26
ang sitwasyon.
• Tumawag ng rescue.

Pagkatapos ng Baha

• Maghintay ng abiso na maari ng bumalik sa inyong lugar


• Magsuot ng bota upang makaiwas sa mga sakit sa balat na dulot ng
baha

Pagyamanin

Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Magbigay ng sariling


opinyon tungkol dito.

1. Naghahanda na ang mga batang pumasok sa paaralan at biglang


ibinalita sa radyo na Signal No. 2 na. Ano ang dapat nilang gawin?
Bakit?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

2. Sina Aida at Roman ay nakatira malapit sa Mt. Pinatubo. Sinabi


ng tanggapan ng PHILVOCS na anumang oras ay sasabog ito.
Sinikap nilang may sapat na pagkain at tubig bago pumunta sa
kabilang bayan. Bakit nila ginawa ito?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
3. Nagbabalak ang inyong mag-anak na mamasyal. Ibinalita sa
radyo na Signal No.2 na sa inyong lugar. Sa halip na aalis, sinabi
ng nanay mo na mag-imbak ng sapat na pagkain, tubig at iba
pang mahalagang kailangan sa loob ng limang araw. Bakit ninyo
gagawin ito?
________________________________________________________
________________________________________________________

Isaisip

27
Bago ang sakuna o kalamidad, lagging manood ng balita sa
telebisyon o radyo lalo na kung may papalapit na bagyo. Tulungan ang
tatay at nanay sa pag-aayos at pagtabi sa mga importanteng bagay o
papeles, sa pag-iimbak ng tubig at pagkain, at mga emergency
supplies. Laging sumali sa earthquake drill sa paaralan, bahay, at
komunidad. Alamin ang mga emergency exit at tukuyin ang ligtas na
lugar para sa paglikas.
Sa panahon naman ng sakuna o kalamidad, laging umaantabay sa
mass media. Manatiling kalmado at alerto.Gawing ligtas ang sarili at
kung maaari tumawag ka ng rescue.
Pagkatapos naman ng sakuna o kalamidad, iwasang magtampisaw
sa baha para makaiwas sa sakit. Kung nasa evacuation site naman,
maghintay ng hudyat kung kalian ligtas ng bumalik sa inyong bahay.

28
Isagawa

Isulat sa patlang ang dapat gagawin sa bawat sitwasyong naibigay?

1. May paparating na bagyo. Nakatira kayo sa mababang lugar.


___________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________

2. Magbabakasyon sana ang inyong pamilya ngunit ayon sa balita


may paparating daw na bagyo.
________________________________________________
___
___________________________________________________
__________________________________________________

3. Maraming mga punong kahoy sa inyong likod bahay, ayon sa


balita malakas na hangin raw ang dala ng bagyo.
___________________________________________________
___________________________________________________
__________________________________________________

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at bilugan ang titik sa


tamang sagot.

1. Kapag ang bagyo ay may lakas at bugso ng hangin na umabot sa


61-100 kph, nasa anong Signal Bilang ang bagyo?
A. 1 B. 2 C. 3 D.

2. Ano ang maaaring gamitin upang mailigtas ang ating buhay sa


pagbaha?
29
A. Karton B. Payong C. Malaking bag D. Malaking gallon

3. Alin ang nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at malakas ang


bugso ng hangin?
A. Lindol B. Bagyo C. Tsunami D. Storm Surge

4. Anong ahensya ang nag-aaral ng panahon at nagbibigay ng


signal upang malaman ang lakas at bugso ng hangin dala ng
bagyo?
A. DOH B. DILG C. DOST D. PAGASA

5. Kung ang bagyo ay nasa Signal No.1, anong antas ng paaralan


ang otomatikong walang pasok?
A. Preschool C. Mataas na paaralan
B. Kolehiyo D. Mababang paaralan

6. Lumilindol sa sa inyong lugar. Anong ahensiya ng pamahalaan


ang mabilis na tutugon upang matulungan iligtas ang mga biktima?
A. Pulis B. Barangay C. NDRRMC D. Barangay Tanod

7. Nasa loob ka ng bahay at naabutan ka ng lindol. Ano ang iyong


gagawin?
A. Tawagin ang Nanay C. Tumalon sa bintana
B. Sumigaw at umiyak D. Sumilong sa matatag na mesa

8. Sina Mang Raul ay nakatira malapit sa Bulkang Mayon. Ano ang


dapat niyang gawin?
A. Mamasyal sa paligid
B. Gumawa ng malaking bahay
C. Makipag-usap sa kapitbahay
D. Alamin ang ligtas na lugar para sa paglikas

9. May naaamoy kang tagas ng gasul sa bahay. Ano ang nararapat


mong gawin?
A. Sindihan ang kalan C. Isawalang bahala lamang
B. Isara ang mga bintana D. Buksan ang bintana at pinto

10. Alin ang isinagawa sa paaralan o gusali upang maiwasan ang


anumang sakuna kung may lindol?
A. Fun run C. Earthquake drill
B. Athletic meet D. Nutrition program

30
Karagdagang Gawain

Sumulat ng maikling karanasan ng isang kalamidad.

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_______________________________

31
Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. D
2. B
3. C
4. D
5. D
6. B
7. A
8. C
9. D
10. D

Tayahin
1. B
2. D
3. B
4. D
5. A
6. C
7. D
8. D
9. D
10. C

Subukin

32
Panuto:

Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot. Bilugan
ang titik ng tamang sagot.

1. Ang bagyo ay nasa Signal No.1, anong antas ng mag-aaral ang


otomatikong walang pasok sa paaralan?
A.Pre-school
B.Kolehiyo
C.Mataas paaralan
D.Mababang paaralan

2. Kapag ang bagyo ay may lakas at bugso ng hangin na umaabot sa


61-100 kph,nasa anong signal ang bagyo?
A. 1
B. 2
C. 3
D. 4
3. Alin ang nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at may bugso ng
hangin?
A. Lindol
B. Bagyo
C.Tsunami
D.Storm Surge
4. Alin ang isinagawa sa paaralan o gusali upang maiwasan ang
anumang sakuna kung may lindol?
A. Fun run
B. Athetic meet
C. Earthquake drill
D. Nutrition program
5. Nasa loob ka ng bahay at naabutan ka ng lindol.Ano ang iyong
gagawin?
A. Tawagin ang nanay
B. Sumigaw at umiyak
C. Tumalon sa bintana
D. Sumilong sa matatag na mesa

Mas Ligtas kung Laging


z

iv
Aralin
IV

33
3 Handa
Ikaw ba ay nakararanas ng malakas na paglindol? Ano ang
dapat gawin kung ito ay nararanasan na? Ano ang maaring gawin
upang paghandaan ang dulot na epekto ng ibat’ ibang uri ng
kalamidad?

Sa yunit na ito ay matutukoy ang mga angkop at nararapat na


tugon bago, tuwing at pagkatapos ng anumang kalamidad o sakuna at
kagipitan.

Balikan

Tandaan ang mga karampatang paghahanda sa ibat’ ibang


sakuna upang maiwasan ang pagkawala ng buhay.

Paano kaya maging ligtas sa panahon ng kalamidad?

Ano-ano ang mga uri ng kalamidad ayon sa inyong nararana


san sa buhay?

8
34
Tuklasin

Ang mga natural na kalamidad at sakuna tulad ng lindol, bagyo


at pagputok ng bulkan ay maaaring magdulot ng malaking pinsala sa
mga ari-arian at maging sa buhay ng tao.Upang maiwasan ang hindi
mabuting epekto at bunga nito,tayo ay dapat maging handa sa lahat
na oras.Kinakailangang matutuhan natin ang iba’t ibang paraan ng
angkop na pagtugon sa oras ng kagipitan.Ang pagsunod sa mga
alituntunin at batayang pangkaligtasan ay pagtitiyak sa pagpapanatili
at pangangalaga sa buhay at ari-arian.

Sa mga nakalipas na taon,maraming ari-arian at buhay ang


nasalanta at nawala dahil sa walang kahandaan sa sakuna at
kalamidad.Nararapat na ito ay hindi na maulit pa sa pamamagitan ng
pag-aaral ukol sa paghahanda sa mga inaasahan at di inaasahang
sakuna at kalamidad na makapagdudulot ng pinsala sa ating buhay at
ari-arian.

1. Isulat ang tatlong (3) mga kalamidad na nabanggit sa itaas?


____________________________________________________

2. Ano-ano ang mga dapat nating gawin sakaling magkakaroon ng


kalamidad sa ating komunidad?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

9
35
Suriin

Ang sakuna ay tumutukoy sa isang malaking kapinsalaan o


kalamidad. Ito ay aksidente o mga hindi sadyang pangyayari tulad ng
bagyo, lindol, at iba pa.

Ang maagap na paghahanda ay nalalayo sa sakuna. Upang


maiwasan ang mga sakuna na dulot ng natural na kalamidad, making
o alamin lagi ang mga pahayag, babala,at alerto. Maaring malaman
ang pinakabagong impormasyon ukol sa sama ng panahon sa radyo,
telebisyon o internet,lagging ipinahahayag sa telebisyon o radyo ang
pagdating o paglapit ng isang bagyo, pagputok ng bulkan, lindol, baha
at malakas na hangin.

1. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng kalamidad?


________________________________________________________
________________________________________________________
_________________

2. Ano-ano ang mga maaaring maging epekto ng kalamidad sa ating


buhay?
________________________________________________________
________________________________________________________
__________________________________________________

3. Anong mga kalamidad ang madalas maranasan sa inyong


komunidad?
________________________________________________________
_______________________________________________

10
Pagyamanin
36
Panuto A: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsalalarawan.
Buuin ang mga salita sa pamamagitan ng pagsulat sa patlang ng mga
nawawalang titik.

1.May dalang malakas na hangin at ulan _ A _ _O

2.Pagguho ng lupa LA_ _S_I_ _

3.Bunga ng walang tigil o lakas ng pag-ulan B_ _A

4.Pagyanig ng lupa _I_D_ _

5.Pagsabog o pagbuga ng usok _A_PU_ _K


N_B_ _K_N

Panuto B: Isulat at ilarawan sa loob ng kahon ang iba pang


halimbawa ng kalamidad.

11
37
Isaisip

Ang mga kalamidad at sakuna tulad ng lindol, bagyo, pagputok


ng bulkan, baha at landslide ay maaaring magdulot ng malaking
pinsala sa mga ari–arian at maging sa buhay ng tao. Upang
maiwasan ang hindi mabuting epekto at bunga nito, tayo ay dapat
maging handa sa lahat ng oras. Kinakailangan matutuhan natin ang
iba’t – ibang paraan ng angkop na pagtugon sa oras ng kagipitan. Ang
pagsunod sa mga alituntunin at batayang pangkaligtasan ay pagtitiyak
sa pagpagpapanatili at pangangalaga sa ating buhay at ari – arian.

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano-ano ang iba’t ibang uri ng kalamidad?


a.
b.
c.
d.
e.

2. Ano-ano ang mga maaaring maging epekto ng kalamidad sa ating


buhay?

12

38
Isagawa

Panuto: Kompletuhin ang sumusunod na pangungusap sa inyong


Kuwaderno.

Sa mga uri ng kalamidad at mga sakunang maaaring idulot nito,


ano ang inyong pinakakinatatakutan? Bakit? Ano ang kaya mong
gawin upang maiwasan o mabawasan ang masamang dulot nito?

1. Ang hindi ko makakalimutan na kalamidad ay

.
2. Ang pinakakinatatakutan kong kalamidad na aking nararanasan
ay

.
3. Upang mapaghandaan ang mga kalamidad, ako ay

13

39
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga tanong at piliin ang tamang sagot.
Isulat ang malaking letra lamang.
1. Niyaya ka ng mga kaibigan mo na maligo sa tabing dagat kahit
may bagyong paparating. Ano ang gagawin mo?
A. Awayin sila.
B. Balewalain sila.
C. Sumama sa kanila pero di masyadong lalayo.
D. Pagsabihan sila na huwag tumuloy dahil
mapanganib.
____2. Ito ang pagguho ng lupa dahilan sa pagbaha o pagyanig nito.
A. Kanal
B. Landslide
C. Sink hole
D. Storm surge
____3. Ito ang ahensiya ng pamahalaan na nagtatakda kung
gaano kalakas ang lindol.
A. DILG
B. MMDA
C. PAGASA
D. PHILVOCS
____4. Ayon sa balita, may namumuong bagyo sa Pilipinas, ano ang
dapat gawin?
A. Ipagwalang bahala
B. Yayain si Inay na mag-shopping
C. Antabayanan ang susunod na balita tungkol sabagyo
D. Pumunta sa tabing dagat at matyagan ang galaw ng alon
5. May sunog malapit sa inyong bahay, ano ang una mong
gagawin?
A.Tawagan ang bumbero
B.Lumabas at makiusyuso
C.Ilabas lahat ng mga gamit sa bahay
D.

Karagdagang 14
Gawain

40
Tandaan Upang Maging Ligtas

Panuto: Isulat sa kwaderno ang inyong sagot. Iba’t-ibang kalamidad


ang dumarating sa ating bansa. Ano ang dapat gawin upang
maiwasan ang malubhang pinsala nito?

HABANG may bagyo

BAGO ang lindol

BAGO pumutok ang bulkan

15 Susi sa Pagwawasto

Subukin
1. A
41 2.B
3.B
4.C
5.D
Activity 1: Pagyamanin
1.bagyo
2.landslide
3.baha
4.lindol
5.pagputok

Activity 2/tayahin
1.D
2.B
3.D
4.C
5.A

Sanggunian:

42
1. Taño, M.C., et.al.,(2015).Edukasyong Pangkatawan at
Pangkalusugan 4 LM. Department of Education-Instructional Council
Secretariat (DepEd-IMCS). VICARISH Publication and Trading, Inc.

2. K to 12 Grade 4 Learner’s Material in Physicaal Education


https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-4-learners-
material-in-physical-education-q1q4

3.https://depedcsjdm.weebly.com/uploads/
7/9/1/6/7916797/2pe_4_lm_(qtr._4_lessons_1).pdf

For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

43

You might also like