You are on page 1of 22

4

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan - Modyul 5:
Linggo 4 - Hamon at Oportunidad sa
mga Gawaing Pangkabuhayan
ng Bansa

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

0
Araling Panlipunan – Grade 4
Alternative Delivery Mode
Quarter 2 - Modyul 5: Hamon at Oportunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa
Unang Limbag, 2020
Paunawa hinggil sa karapatang – sipi. Isinasaad ng Seksyong 176 ng Batas ng
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-isip sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing
akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng
bayad na royalty bilang kondisyon.

Ang mga akda / materyales (mga kwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may
karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga
tagapaglathala (publishiers) at may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Division of Valencia City


Schools Division Superintendent: Rebonfamil R. Baguio

Development Team of the Module

Author: Cherrylyn G. Antonio

Editor: Nicolasa R.Taronzon

Reviewers: Cecilia E. Ingotan, PSDS


Chona C. Dilangen
Susan I. Alavanza

Illustrator: Fernando A. Ombayan

Layout Artists: John Rimmon I. Taquiso

Management Team:
Chairperson: Rebonfamil R. Baguio
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson:
Eugene I. Macahis, Jr.
Asst. Schools Division Superintendent

Members:
Jayvy C. Vegafria, CID Chief ES
Ruel C. Duran, EPS – Araling Panlipunan
Analisa C. Unabia, EPS – LRMS
Joan Sirica V. Camposo, Librarian II
Israel C. Adrigado, PDO II
Inilimbag sa Pilipinas ng:
Department of Education - Division of Valencia City
Office Address: Lapu-lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709
Telefax: (088) 828-4615

1
4
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan- Modyul 5:
Linggo 4 - Hamon at Oportunidad sa
mga Gawaing Pangkabuhayan
ng Bansa

Ang kagamitan sa pagkatutong ito ay magkatuwang na


inihanda at sinuri ng mga guro mula sa mga paaralan.
Hinihikayat naming ang mga guro at ibang nasa larangan ng
Edukasyon na mag-email ng kanilang puna, komento at
rekomendasyon sa Kagawaran ng Edukasyon sa
region10@deped.gov.ph.

Lubos naming pinapahalagahan ang inyong mga puna at


rekomendasyon.

Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas

2
Panimula

Ang Modyul na ito ay inihanda ng may- akda upang maging


kagamitan para sa mag-aaral na matuto sa asignaturang Araling
Panlipunan ng Ikaapat na Baitang. Ang nilalaman at aralin ay naaayon
sa pangangailangan na nakasaad ng pamantayan sa pagkatuto mula
sa ikalawang markahan. Natutuhan mo na ang bansang Pilipinas ay
napaligiran ng anyong lupa at anyong tubig, kaya sa kagamitang ito,
natatalakay na ang pagsasaka at pangingisda ang pangunahing
kabuhayan ng tao dito. Dapat mong malalaman na ang kabuhayan ay
mahalaga dahil ang mga produkto ay nagmula sa lupa at tubig na
siyang pangunahing pangangailangan ng tao para patuloy na mabuhay
at may kasamang pag-unlad ngunit sa pag-unlad hindi inaasahan ng
naghihintay at may dalang hamon na kailangang malagpasan at
masolusyunan at mayroon ding dumating na oportunidad na dapat
samantalahin at sagutin.

Inaasahan na ang kagamitang ito ay makakatulong sa pagiging


lalong matuto, at magsilbing kasanayan sa lubusang pagkatuto ng mga
mag-aaral.

Mga tala para sa Guro

Gabayan ang mga mag-aaral sa


paggamit ng modyul sa Araling Panlipunan ng
Ikaapat na Baitang

3i
Alamin

Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, makakaya mo


nang gawin ang mga sumusunod:

Mga layunin sa pagkatuto:

1. Matatalakay ang mga hamon at oportunidad sa mga


gawaing pangkabuhayan ng bansa.
2. Matutukoy mo ang mga hamon ng mga gawaing
pangkabuhayan.
3. Matutukoy mo ang mga oportunidad kaugnay ng mga
gawaing pangkabuhayan

Paano matuto sa Modyul na ito:

Upang makamit ang layunin na inilalahad sa itaas, gawin ang


mga sumusunod na hakbang:

• Basahin at unawain nang mabuti ang aralin.

• Sundin at gawin ang inilalahad na panuto sa bawat pagsasanay


at pagtataya

• Sagutin ang lahat na pagsasanay at pagtataya

ii 4
Icons sa Modyul na ito
Alamin Ang bahaging ito ay naglalaman ng
layunin sa pagkatuto na inihanda
upang maging gabay sa iyong
pagkatuto.
Subukin Ito ay mga pagsasanay na sasagutin
upang masukat ang iyong dating
kaalaman at sa paksang tatalakayin

Balikan Ang bahaging ito ay may kaugnayan


sa nakaraang aralin at sa iyong
bagong matututunan

Tuklasin Ipakikilala ang bagong aralin sa


pamamagitan ng gawaing pagkatuto
bago ilahad ang paksang tatalakayin

Suriin Ito ay pagtatalakay sa pamamagitan


ng gawain sa pagkatuto upang
malinang ang iyong natuklasan sa
pag-unawa sa konsepto.
Pagyamanin Ito ay mga karagdagang gawain na
inihanda para sa iyo upang ikaw ay
magiging bihasa sa mga kasanayan.

Isaisip Mga gawaing dinisenyo upang


maproseso ang inyong natutunan
mula sa aralin.

Isagawa Ito ay mga gawaing dinisenyo upang


maipakita ang iyong mga natutunan
na kasanayan at kaalaman at ito ay
magamit sa totoong sitwasyon.
Tayahin Ang pagtatayang ito ay ginamit upang
masusi ang inyong antas ng
kasanayan sa pagkamit ng layunin sa
pagkatuto
Karagdagang Ito ay mga karagdagang gawaing
Gawain pagkatuto na dinisenyo upang mas
mahasa ang iyong kasanayan at
kaalaman.

iii5
Subukin

Gawain I:
Panuto: Basahin ang mga pahayag sa ibaba at piliin ang titik
ng wastong sagot. Sagutin ito sa inyong activity notebook.

1. Ang ibig sabihin na ang bansang Pilipinas ay kilala bilang isang


agrikultural na bansa.
A. mayaman ang nakatira dito C. malawak ang taniman dito
B. marami ang nagtitinda dito D. malaki ang mga pabrika dito

2. Pangunahing pangkabuhayan ng ating bansang Pilipinas dahil sa


napalibutan ito ng kalupaan at katubigan.
A. Turismo at Kalakal C. Magnegosyo at OFW
B. Pagsasaka at Panginigisda D. Pagmimina at Pagtotroso

3. Tawag sa mahabang panahon ng tag-init.


A. windmill C. Climate Change
B. Reforestation D. El Niño Phenomenon

4. Ang pagbabago ng klima ng mundo at likas na pangyayari tulad ng


kalamidad.
A. Lokasyon C. Direksiyon
B. Climate Change D. Pagkakaingin

5. Ito ay mahalaga at nagmumula ang mga produkto na pangunahing


pangangailangan ng tao para sa patuloy na pamumuhay.
A. Sa pagsusugal at pagbibisyo
B. Sa kanyang malalaking bahay
C. Sa kanyang magagandang sasakyan
D. Sa kanyang kabuhayan o pagtatrabaho

iv6
Gawain II. Isulat ang H sa patlang kung ang bawat kaugnay
ng mga gawaing pangkabuhayan sa ibaba ay Hamon at O
kung Oportunidad.

___ 1. Mga sakuna sa dagat.

___ 2. Suliranin sa irigasyon.

___ 3. Pagpapatayo ng plantang yelo at imbakan ng mga isda.

___ 4. Makabagong teknolohiya sa pagsasaka.

___ 5. Pagkakaroon ng kooperatiba para masuportahan ang


mangingisda.

v7
z

Aralin Hamon at Oportunidad sa Gawaing


Pangkabuhayan ng Bansa
8
Natutuhan mo sa nakaraang aralin na ang iba’t ibang gawaing
pangkabuhayan sa iba’t ibang lokasyon ng bansa at mga pag-aangkop
na ginawa ng tao sa kapaligiran upang matugunan ang kanyang
pangangailangan. Dahil dito, nagkaroon ng iba’t ibang gawaing
pangkabuhayan, kabilang ang pagsasaka at pangingisda.

Mahalagang malaman mo rin na ang pag-unlad ng mga gawaing


pangkabuhayan ay may dalang mga hamon na kailangang malagpasan
at mga oportunidad na dapat samantalahin at sagutin. Upang
mapagtagumpayan ito, dapat ay maging handa para dito.

Balikan

Tingnan ko kung natandaan mo pa ba ayon sa mga larawan


na ipinapakita sa ibaba. Sagutin ang mga tanong sa iyong
activity notebook.

1. Anong pinagkukunang yaman sagana ang ating bansa?

Yamang-_____________ Yamang -_____________


https://www.google.com/search?q=yamang+lupa+in+public+domain&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=5jCXxpp_hrAxM
%252CQU493xpAotrsM%252C_&vet=1&usg=AI4_kQiveTkSIF9mrElaP_Rr1IkpzUe5Q&sa=X&ved=2ahUKEwiJ6dich6j
qAhUSIIgKHY0fCaUQ9QEwAnoECAcQCQ&biw=1366&bih=657#imgrc=5jCXxpp_hrAxM

8
2. Anu-ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa larawan?

______________ ______________

https://www.google.com/search?q=farmer+using+new+technology++in+the+philippinesin+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQ3
5THkZ_qAhU0xIsBHReoDu4Q2cCegQIABAA&oq=farmer+using+new+technology++in+the+philippinesin+public+domain&gs_lcp=CgN
pbWcQA1DRmQpYprwKYOHACmgAcAB4AYABxQWIAfUhkgEOMC4xMS4yLjMuMS4wLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclien
t=img&ei=zbv1XpDFIbSIr7wPl9C68A4&bih=657&biw=1366#imgrc=fsDyKRFPZDb4kM&imgdii=vCALYch59g6INM

http://google.com/search?q=mungkahing+paraan%20ng+panangasiwa+ng+pinagkukunang+yaman+ng+bansa%20in
%20publicdomain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjA4O_XzqjqAhWCBIgKHYoBCEYQ_AUoAXoECA
sQAw#imgrc=O2x4gvgD13

3. Sa palagay mo ano kaya ang posibleng hamon o problema at mga


kalamidad na kanilang haharapin sa kabila ng kanilang
paghahanap-buhay? _____________________________________

4. Paano kaya nila matutugunan o masolusyunan sa kabila ng


kanilang hamon o suliraning kinakaharap sa pang –araw –araw na
pamumuhay? __________________________________________

5. Anong posibleng oportunidad o programang dapat matatanggap


nila upang malagpasan ang mga pagsubok o suliranin nila sa
paghahanapbuhay? _____________________________________

9
Tuklasin

Gawain A

Panuto: Awitin natin nang buong puso ang awiting “Magtanim ay di


biro” at sagutin ang dalawang tanong sa ibaba ng awit sa iyong
activity notebook.

“Magtanim ay di biro”
ni Cherrylyn G. Antonio

Magtanim ay di biro
Maghapong nakayuko
Di naman makaupo
Di naman makatayo.

Braso ko’y mamanhid


Baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimitig
Pagkababad sa tubig.

Sa umagang paggising
Ang lahat iisipin
Kung saan may matanim
Masarap na pagkain.

Braso ko’y namamanhid,


Baywang ko’y nangangawit
Binti ko’y namimitig
Pagkababad sa tubig.

1. Bakit hindi biro ang mag tanim? ____________________________

2. Sino ang ating manggagawang pinoy na masipag magtanim?


________________________________

3. Ibig mo rin bang maging magsasaka?


_______________________________
4. Kung ang tatay mo ay isang magsasaka, ikararangal mo ba ang
kaniyang hanapbuhay? ______________
10
Suriin

Ano-ano ang mga mungkahing paraan ng pangangasiwa sa yamang


lupa at yamang tubig? Bakit kailangang isabuhay ang mga mungkahing
paraan ng wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman? Bago mo
alamin ang mga hamon at oportunidad sa gawaing pangkabuhayan,
sagutin mo muna ang nasa ibaba. Isulat ang akmang hanapbuhay o
gawain na tinutukoy sa mga sumusunod na sitwasyon sa iyong activity
notebook.

1. Si Mang Pedring ay laging pumupunta sa bukid kasama ang


kanyang kalabaw na si Masipag. Katulong niya si Masipag sa
pagtatrabaho sa bukid. Ano ang hanapbuhay o gawain ni Mang
Pedring? __________________

2. Laging inaayos ni Mang Kanor ang kanyang lambat at sinisigurong


walang butas ang kanyang bangka bago pumunta sa dagat. Ano
ang hanapbuhay ni Mang Kanor? ___________

Ngayon naman, bigyan mo ng oras sa pagbabasa at uunawain


mo ang mga nilalaman ng ating aralin.

Agrikultura

Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa. Kung kaya,


ang isa sa nangungunang gawaing pangkabuhayan ay pagsasaka.
Sadyang malawak ang taniman dito.Tinatayang 35 bahagdan ang
sinasakang lupain sa Pilipinas.

Ang kabuhayang ito ay mahalaga dahil nagmumula sa lupa ang


mga produkto na pangunahing pangangailangan ng tao para patuloy na
mabuhay. Kung liliit ang produksiyon, maaapektuhan ang taong bayan
at ang bansa. Ayon sa maraming magsasaka, ang uri ng kanilang
pamumuhay ay isang tuloy-tuloy na pakikipaglaban sa mga hamong
kaakibat ng kanilang hanapbuhay. Kasama rito ang lalong lumalaking
bilang ng mga angkat na produktong agrikultural, kahirapan dulot ng
mababang kita ng mga magsasaka, limitadong pondo na ipinagkakaloob
ng pamahalaan bilang tulong sa maliit na magsasaka, suliranin sa

11
irigasyon, at kawalan ng kontrol sa presyo.

Higit sa lahat ay ang suliranin sa kalamidad, pagkasira ng kalikasan,


At pagbabago sa panahon tulad ng El Niño phenomenon o mahabang
panahon ng tag-init.

Sa kabila ng hamon, may mga oportunidad ding ipinagkakaloob


sa mga magsasaka gaya ng mga sumusunod:
 Impormasyon sa mga bagong
pag-aaral at saliksik upang
gumanda ang ani at dumami ang
produksiyon;
 Paggamit ng mga makabagong
teknolohiya para mapabilis ang
produksiyon;
https://www.google.com/search?q=farmer+using+new+technol
ogy++in+the+philippinesin+public+domain&tm=isch&ved=2ah
UKEwjQ35THkZ_qAhU0xIsBHReoDu4Q2cCegQIABAA&oq=a
rmer+using+new+technology++in+the+philippinesin+public+do
main&gs_lcp=CgNpbWcQA1DRmQpYprwKYOHACmgAcAB4
AYABxQWIAfUhkgEOMC4xMS4yLjMuMS4wLjGYAQCgAQGq
AQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient=img&ei=zbv1XpDFIbSIr7wPl9C
68A4&bih=657&biw=1366#imgrc=fsDyKRFPZDb4kM&imgdii=
vCALYch59g6INM

 Paghikayat sa mga OFW na mamuhunan sa pagsasaka at linangin


ang mga lupain sa kani-kanilang mga probinsiya.
 Pagbibigay ng pagkakataon para sa magsasaka na makapag-aral
ng tamang paraan ng pagsasaka.

Pangingisda

Bilang isang kapuluan, ang Pilipinas ay napalilibutan ng tubig kung


kaya’t napakayaman nito sa pagkaing dagat at halamang dagat.
Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa pinakamalaking tagatustos ng isda
sa buong mundo. Upang mapalakas ang gawaing pangkabuhayan na ito,
narito ang ilan sa mga maituturing na mga oportunidad sa pangingisda:
 pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA) sa
industriya ng pagbibili ng isda sa pamamagitan ng pagpapatayo ng
karagdagang daungan o pantalan sa mga istratehikong lugar
upang mapalago ang kita at produksiyon;
 pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda;
 paglalaan ng sasakyang pangisda;
 pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad ng
underwater sonars and radars;
 paggawa ng bagong kurikulum para sa kurso sa marine at fishing;

12
 paglulunsad ng mga programang makatutulong sa pagpapaunlad
ng industriya ng pangingisda tulad ng Blue Revolution at Biyayang
Dagat; at
 pagkakaroon ng kooperatibang naglalayong masuportahan ang
maliliit na mangingisda.

http://google.com/search?q=mungkahing+paraan%20ng+pangangasiwa+ng+pinagkukunang+yaman+ng+bansa%2
0in%20publicdomain&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjA
4O_XzqjqAhWCBIgKHYoBCEYQ_AUoAXoECAsQ Aw#imgrc=O2x4gvgD13

Kabilang din sa mga hamon sa gawaing pangkabuhayang ito ay


ang mga kalsada, tulay, at iba pang imprastrakturang nakababagal sa
transportasyon ng mga produktong dagat kung kaya’y hindi mapaabot
sa merkado ang sariwang isda. Hamon ding matuturing ang pagkasira
ng mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat at hindi epektibong
pangangalaga sa mga yamang dagat lalo na sa mga protektadong
lugar.
Mula sa Batayang Aklat ng Araling Panlipunan 4-Kagamitan ng Mag-aaral-pahina 164- 167

13
Pagyamanin

Panuto: Basahin ang nasa ibaba at isulat ang bawat isa sa loob ng
Venn Diagram.Gawin ito sa iyong activity notebook.

- climate change
- El Niño phenomenon
- mga sakuna sa dagat
- suliranin ng irigasyon
- kawalan ng kontrol sa presyo
- makabagong teknolohiya sa pagsasaka
- programang Blue Revolution at Biyayang Dagat
- pagkasira ng tahanan ng mga isda
- paglalaan ng mga sasakyang pangisda
- pagbibigay ng pagkakataon na makapag-aral ng tamang
paraan ng pagsasaka

Hamon Pangngisda Oportunidad

Hamon Pagsasaka Oportunidad

14
Isaisip

Panuto: Batay sa iyong natutuhan, basahin ang tanong sa ibaba


at punan ito ng tamang sagot sa patlang. Isulat ang mga
sagot sa activity notebook.

1. Ano-ano ang hamon ng mga magsasaka at mangingisda sa


mga gawaing pangkabuhayan ng bansa?

Sagot: Sa pagsasaka po, ang mga hamon ay ang ___________


__________________________, ________________________
__________________________, ________________________

Sagot: Sa pangingisda po ay maitutring na pinakamalaking


hamon ay ____________________________________

2. Ano ang dapat gawin sa mga hamong ito?

Sagot: Dapat pong___________________ ang mga magsasaka


at mangingisda upang hindi _______________________
__________________________________________________.

Isagawa

Panuto: Basahin ang bawat tanong sa ibaba at sagutin ito sa activity


notebook.

1. Kung ang tatay mo ay isang magsasaka at bumagyo ng malakas


sa inyong lugar, anong hamon ang hinaharap ng iyong ama?

15
2. Paano kaya niya ito haharapin? Paano ka makatutulong sa kanya?

Tayahin

I.
Panuto: Sa activity notebook, isulat ang O kung tumutukoy ito sa
Oportunidad at H kung hindi.
___ 1. Pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda
tulad ng underwater sonars at radar.

___ 2. Pagkasira ng kalikasan at pagbabago ng panahon tulad


ng EL NIŇO at LA NIŇA.

___ 3. Paggamit ng mga makabagong teknolohiya para


mapabilis ang produksiyon.

___ 4. Pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat


at hindi epektibong pangangalaga sa mga yamang dagat
lalo na sa mga protektadong lugar.

___ 5. Pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong


masuportahan ang maliit na mangingisda.

II. Basahin ang pahayag sa ibaba at lagyan ng tsek ( / ) ang bilang


na nagsasaad ng isang hamon ng gawaing pangkabuhayan at
ekis (X) naman kung hindi.

___ 1. Climate change o pagbabago ng klima ng mundo

___ 2. Mga pangyayari tulad ng mga kalamidad tulad ng bagyo,


lindol at pagbaha.

___ 3. Pagsasaayos ng kalsada, tulay at iba pang imprastrukturang


nakababagal sa transportasyon ng mga produktong dagat

___ 4. Paglaki ng populasyon ng Pilipinas.

16
___ 5. Kawalan ng disiplina ng mga tao sa pagtawid sa kalsada.

Karagdagang Gawain

Panuto: Gumawa ng bukas na liham na nagpapakita ng iyong


opinyon ukol sa kahalagahan ng pagtanggap ng mga hamon
at pagyakap sa mga oportunidad ng mga gawaing pang-
kabuhayan ng ating bansa. Kopyahin ito sa activity notebook
at sundin ang modelo sa ibaba.

Bukas na Liham

Petsa: _________________

Minamahal naming mga magsasaka at mangingisda,

_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

Lubos na gumagalang,

__________________
Pangalan ng sumulat

17
18
Pagyamanin
Pangingisda: Hamon-mga sakuna sa Balikan
dagat,Climate Change, pagkasira ng 1. Yamang-lupa at yamang-tubig
tahanan ng mga isda
Oportunidad: programang Blue 2. Pagsasaka at Pangingisda
Revolution at Biyayang Dagat, 3. Hamon :suliranin sa
paglalaan ng mga sasakyang dagat irigasyon,kawalan ng kontrol sa presyo,
Pagsasaka- Hamon: El Niño suliranin sa kalamidad, pagkasira ng
phenomenon, suliranin sa irigasyon, kalikasan, at pagbabago ng panahon
kawalan ng kontrol sa presyo, tulad ng El Niño Phenomenon o
Oportunidad: makabagong teknolohiya mahabang panahon ng tag-init
Mangingisda: climate change o pagbabago
sa pagsasaka, pagbibigay ng
ng klima ng mundo at likas ng mga
pagkakataon na makapag-aral ng
pangyayari tulad ng kalamidad,pagkasira ng
tamang paraan ng pagsasaka tahanann isda,sira ang kalsada at tulay at
napabagal ang transportasyon ng mg
Isaisip produktong dagat
1. Magsasaka: suliranin sa 4..Dapat maging handa sa mga suliranin
irigasyon,kawalan ng kontrol sa presyo, o hamon sa pang-araw araw na
suliranin sa kalamidad, pagkasira ng hanapbuhay
kalikasan, at pagbabago ng panahon 5. Pagsasaka: Impormasyon sa mga
tulad ng El Niño Phenomenon o bagong pag-aaral at
mahabang panahon ng tag-init pagsasaliksik,makabagong teknolohiya
Manginisda: climate change o sa magsasaka, bigyan ng pagkakataon n
pagbabago ng klima ng mundo at likas makapag-aral sa tamang paraan ng
ng mga pangyayari tulad ng kalamidad pagsasaka
2. maghanda -hindi mapahamak Pangingisda:Paglalaan ng sasakyang
sakaling darating ang iba’t ibang pandagat,pagbibili ng modernong
hamon sa kanilang paghahanapbuhay. kagamitan sa pangingisda at pagtatayo
ng plantang yelo at imbakan ng mga isda
Subukin
I. 1. C B. 1. hamon
Tuklasin
2. B 2. hamon
A. Aawitin ng mag-aaral ang
“Magtanim ay Di Biro” 3. D 3. oportunidad
B. 1. magsasaka 4. B 4. oportunidad
2. mangingisda 5. D 5. oportunidad
Susi sa Pagwawasto
19
Karagdagang Gawain
Depende kung ano ang sgot ng
mga mag-aaral
Isagawa
Tayahin 1. Ang pagkasira po ng mga pananim na
1. O B.1. / dulot po na bagyo.
2. H 2. / 2. Dapat pong ihanda ang sarili sa posebling
3. O 3. / dulot nito at tutulong po ako sa aking ama
4. H 4. X kung ano man ang kakailanganing gawin at
5. O 5. X laging manalangin po sa Panginoon na sana
patatagin po Niya ang aming loob sa
anumang pagsubok na darating
Sanggunian:

Adriano, Ma. C. V., M. A. Caampued, C. A. Capunitan, W.F. Galarosa,


N. P. Miranda, E.R. Quintos, B. P.D. Dado, R. A. Gozun, R.S.
Magsino, Ma. L. L. Manalo, J. B. Nabaza, E. P. Naval.Araling
Panlipunan 4. Kagamitan ng Mag-aaral. (Unang Edisyon 2015).
Kagawaran ng Edukasyon

Adriano, Ma. C. V., M. A. Caampued, C. A. Capunitan, W.F. Galarosa,


N. P. Miranda, E.R. Quintos, B. P.D. Dado, R. A. Gozun, R.S.
Magsino, Ma. L. L. Manalo, J. B. Nabaza, E. P. Naval.Araling
Panlipunan 4. Patnubay ng Guro. (Unang Edisyon 2015).
Kagawaran ng Edukasyon

Kintanar, F. J. (2019) Araling Panlipinan 4 DLP

https://www.google.com/search?q=farmer+using+new+technology++in+
the+philippinesin+public+domain&tbm=isch&ved=2ahUKEwjQ35T
HkZ_qAhU0xIsBHReoDu4Q2cCegQIABAA&oq=farmer+using+new
+technology++in+the+philippinesin+public+domain&gs_lcp=CgNpb
WcQA1DRmQpYprwKYOHACmgAcAB4AYABxQWIAfUhkgEOMC
4xMS4yLjMuMS4wLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZw&sclient
=img&ei=zbv1XpDFIbSIr7wPl9C68A4&bih=657&biw=1366#imgrc=f
sDyKRFPZDb4kM&imgdii=vCALYch59g6INM

https://www.google.com/search?q=yamang+lupa+in+public+domain&tb
m=isch&source=iu&ictx=1&fir=5jCXxpp_hrAxM%252CQU493xpAot
rsM%252C_&vet=1&usg=AI4_kQiveTkSIF9mrElaP_Rr1IkpzUe5Q&
sa=X&ved=2ahUKEwiJ6dich6jqAhUSIIgKHY0fCaUQ9QEwAnoEC
AcQCQ&biw=1366&bih=657#imgrc=5-jCXxpp_hrAxM

http://google.com/search?q=mungkahing+paraan%20ng+pangangasiw
a+ng+pinagkukunang+yaman+ng+bansa%20in%20publicdomain&
source=lnms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwjA4O_XzqjqAhWCB
IgKHYoBCEYQ_AUoAXoECAsQAw#imgrc=O2x4gvgD13

20
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Valencia City

Lapu - Lapu Street, Poblacion, Valencia City 8709

Telefax: (088) 828 - 4615

21

You might also like