You are on page 1of 5

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Petsa: MARCH 29, 2023


Klase: IV – TESLA: 2:00-2:50 PM

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng
pamahalaan sa lipunan, mga pinuno at iba pang naglilingkod sa
pagkakaisa, kaayusan at kaunlaran ng bansa.
B. Pamantayang Pagganap Nakapagpapakita ng aktibong pakikilahok at pakikiisa sa mga
proyekto at gawain ng pamahalaan at pinuno nito tungo sa
kabutihan ng lahat (common good).
C. Kasanayang Pampagkatuto Nasusuri ang mga programa ng pamahalaan tungkol sa
pangkalusugan, pang-edukasyon, pangkapayapaan, at pang-
ekonomiya.
Layunin 1. Naiisa-isa ang mga programang pangkalusugan.
2. Nasusuri ang mga programang pangkalusugan.
3. Naipapakita ang pakikilahok at pakikiisa sa mga
programang pangkalusagan ng Pamahalaan.
II. NILALAMAN
Paksa: Mga Programang Pangkalusugan
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
1. TG at LM Teksbuk Yunit 3, Aralin 8, TG pp.125-128 LM pp.273-278, K to 12 – AP4KPB
2. LRMDC Portal
3. Integrasyon Health – Pagiging Malusog
Arts - Pagguhit
EsP – Pakikilahok at pakikiisa sa mga programa ng pamahalaan
Integrasyon within curriculum area: Pangangalaga sa Likas na
Yaman
B. Iba pang Kagamitang Panturo larawan, graphic organizer, meta cards, video, powerpoint
presentation at batayang aklat
IV. PAMAMARAAN
I. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Tumawag ng mga mag-aaral na mag-uulat batay sa kanilang
napakinggan, napanood o nabasang balita.
2. Balik-aral
PUMALAKPAK kung tama ang isinasaad ng pahayag, at PUMADYAK
naman kung mali.
a. Nagsasagawa ang pamahalaan ng mga proyekto upang
matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.
b. Isang epekto ng maayos na pamamahala ang paghirap ng
mga mamamayan sa bansa.
c. Ang pagpapagawa ng mga kalsada at tulay ay nagpapatunay
ng maayos na serbisyong pang-imprastraktura ng
pamahalaan.
d. Pinangangalagaan ng pamahalaan ang karapatan ng
mamamayan sa pagkakaloob lamang ng serbisyong
panlipunan at pangkalusugan.
e. May mga kaparaanan din ang pamahalaan upang matiyak
ang kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayan laban sa
hindi patas na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.
B. Pagganyak Hulaan kung anong health safety protocols ang ipapakita ng
mga piling mag-aaral: (Charade)
1. Pagsuot ng facemask
2. Social Distancing
3. Maghugas ng kamay
4. Paggamit ng alcohol o sanitizer
5. Pananatili sa loob ng bahay
Iugnay ito sa aralin.
C. Paghahabi sa Layunin K-W-L Chart
* Ano-ano ang mga programang pangkalusugan?
* Papaano natin naipapakita ang pakikilahok at pakikiisa sa
mga programang pangkalusagan ng Pamahalaan?
D. Pag-uugnay ng Halimbawa - Magpanood ng video tungkol sa mga programang pangkalusugan.
II. Paglinang na Gawain
E. Pagtatalakay sa Konsepto at 1. PANGKATANG GAWAIN
Kasanayan # 1 Gawin ang mga sumusunod na atas sa bawat pangkat:
Pangkat I: Gamit ang Bubble Map. Isulat rito ang ang mga
programang pangkalusugan ng pamahalaan.

Pangkat II: Buuin ang graphic organizer. Itala sa loob ng kahon ang
mga serbisyong pangkalusugan na tungkulin ipagkaloob ng
pamahalaan sa mga mamamayan at mga epekto sa mamamayan ng
mga serbisyong iyo.

Pangkat III: Gumawa ng islogan patungkol sa pakikilahok at pakikiisa


sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.

Pangkat IV: Lumikha ng poster na nagpapakita ng benepisyong


natatamasa ng mga pamilya buhat sa mga serbisyong
pangkalusugan ng pamahalaan.

Pangkat V: Magpakita ng isang sitwasyon ng pakikilahok at pakikiisa


sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan. Isadula ito.

2. PAG-UULAT NG BAWAT PANGKAT


PAGPAPAKITA NG RUBRIC PARA SA PANGKATANG GAWAIN:
MGA PAMANTAYAN PUNTOS 1 2 3 4 5
Nakatapos ng gawain sa 5
takdang oras.
Nagawa tama ang 5
pangkatang gawain.
Mahusay at maayos ang 5
kabuuang presentayon
Nagpakita ng 5
pakikiagtulungan ang
bawat miyembro ng bawat
pangkat.
F. Pagtatalakay sa Konsepto at Talakayin ang mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.
Kasanayan # 2 Tanong:
1. Ano-anong serbisyo ang nakapaloob sa mga programang
pangkalusugan ng pamahalaan?
2. Anong ahensiya ng pamahalaan ang namamahala sa mga
programang pangkalusugan?
3. Saan maaaring pumunta upang makinabang sa mga
serbisyo nito?
4. Bakit mahalaga ang mga paglilingkod na pangkalusugan?
5. Bakit dapat tayong makilahok at makiisa sa mga
programang pangkalusugan ng pamahalaan?
G. Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Basahin mo ang mga sumusunod na pahayag. Isulat
mo ang PK kung may kaugnayan sa programang
pangkalusugan.
_______1. Pagtatalaga ng pamahalaan ng mga nars at doktor
sa mga barangay health centers.
_______2. Pagtatanggol ng mga sundalo sa banta ng mga
mananakop.
_______3. Pagbibigay ng libreng pag-aaral ng lokal na
pamahalaan.
_______4. Pagpapalaganap ng impormasyon sa tamang pag-
iwas, pagsugpo, at paggamot sa mga nakahahawang sakit ng
DOH.
_______5. Pagkakaroon ng libreng check-up ng mga ina sa
bawat health center.
III. Pangwakas na Gawain
H. Paglalahat ng Aralin * Ano ang mga programang pangkalusugan?
- Ilan sa mga serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan
ang pagbabakuna, pagbibigay ng libreng gamut, libreng
pagpapaospital, at benepisyo ng Philhealth.
* Papaano natin naipapakita ang pakikilahok at pakikiisa sa
mga programang pangkalusagan ng Pamahalaan?
- Maaaring pumunta sa mga sentrong pangkalusugan
(health center) sa inyong pamayanan para sa mga
pangangailangang medikal.
I. Paglalapat ng Aralin Sagutin ang tanong:
- Paano natin mapananatili na malusog ang ating mga
katawan?
- Sa palagay mo, paano pa mapaunlad ang mga serbisyong
pangkalusugan ng ating pamahalaan?
J. Pagtataya ng Aralin Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na katanungan.
Pagkatapos ay piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang
papel.
1. Anong programang pangkalusugan ng pamahalaan ang may
layuning makapagbigay ng kumpletong gamot lalo na sa mga
pangunahing sakit sa mga mamamayan?
a. Philhealth
b. Pagbabakuna
c. Complete Treatment Pack
d. National Health Insurance Program

2. Alin sa mga sumusunod na programa ang itinataguyod ng


pamahalaan upang masugpo ang mga sakit gaya ng polio, tigdas,
diarrhea, at trangkaso.
a. Philhealth
b. Pagbabakuna
c. Compete Treatment Pack
d. National Health Insurance Program

3. Bakit mahalaga ang pagbabakuna sa mga bata?


a. Para makatipid ang pamilya
b. Para maiwasan ang pagpapadoktor
c. Walang bayad itong ibinibigay sa mga bata
d. Maiiwasan ang malubhang pagkakasakit ng mga bata

4. Nalaman mo na may nakatakdang pagbabakuna o


imunisasyon para sa mga bata laban sa sakit na polio sa inyong
barangay. Paano mo maipapakita ang iyong pagsuporta sa
programang ito ng pamahalaan?
a. Magsawalang kibo lamang.
b. Hikayatin ang kapwa-bata na huwag magpabakuna.
c. Ipagbigay alam sa mga kapitbahay ang programang ito.
d. Hayaan ang mga Barangay Health Worker sa programang ito
dahil gawain nila ito.

5. Bakit kailangang magkaroon ng mga programa ang


pamahalaan tungkol sa kalusugan ng mga mamamayan ng bansa?
a. Tungkulin ito ng pamahalaan
b. Para makilala sila ng mga ta.
c. Para tuparin ang pangako nila sa mga tao
d. Para mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan
K. Pagpapahalaga Pagpapahalaga sa kalusugan ng mga mamamayan.
L. Karagdagang Gawain PANUTO: Pag-aralan at suriin mo ang Word Hunt. Hanapin at isulat
sa sagutang papel ang mga salitang may kaugnayan sa kalusugan.
N B A K U N A C B G C L
A E G M A L U S O G O U
R W D O C T O R J O V N
S G A M O T I G D A S A
P H I L H E A L T H G S

V. MGA TALA
PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na


nakakuha ng 80% sa formative
assessment?
B. Bilang ng mga mag-aaral na
nangangailangan ng remediation?
C. Bilang ng mga mag-aaral na
pumasa?
D. Bilang ng mga mag-aaral na
nagangailangan pa rin ng remediation?
E. Alin sa aking mga istratehiya sa
pagtuturo ang tumugon na
pangangailangan? Bakit ito nakatulong?
F. Anu-anong mga suliranin ang
aking hinarap na nakatulong sa akin
ang aking Punong-Guro at Superbisor?
Tulong mula sa:
Ulong-Guro:
Punong-Guro:
Superbisor:
G. Anong mga inobasyon o localized
material ang aking ginamit o natuklasan
na maaari kong maibahagi sa iba?
Inihanda ni: VIRGIE A. ARTATES
Guro sa Araling Panlipunan IV

You might also like