You are on page 1of 2

Date: December 16, 2016 Day: Friday

Araling Panlipunan IV

SECTION TIME
RUBY 1:30-2:10

I. Layunin

 Natutukoy ang mg ahensiyang may kaugnayan sa kalusugan


 Naiisa-isa ang mga programang pangkalusugan
 Napahahalagahan ang mga programang pangkalusugan

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Programang Panglusugan
Kagamitan: Tsart, Larawan
Saggunian: LM pp. 273-278, TG pp. 125-126, CG AP4AB-IIIf-g-6
III. Pamamaraan
A. Panimula:
a. Pagganyak
Naranasan niyo na bang magpakonsulta sa inyong health center? Ano-anong
serbisyo ang kanilang pinagkakaloob?

B. Paglinang
a. Paglalahad

Higit ding mapauunlad ang serbisyong pangkalusugan sa pamamagitan ng DOH Complete


Treatment Pack. Layunin nitong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at mabigyan
ng kumpletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa.
Nagtatalaga rin ng mga doktor, nars, at komadrona sa malalayong munisipyo upang mabilis
na matugunan ang pangangailangan ng mga tao rito.

Pagbabakuna
Itinataguyod at higit pang pinalawak ng
pamahalaan ang pagbabakuna o imunisasyon ng
mga bata laban sa mga sakit gaya ng diarrhea, polio,
tigdas, at trangkaso. Kasama pa rito ang
pamamahagi ng
mga bitamina gaya ng Vitamin A, iron, at iodine laban sa sakit sa dugo at mata. Isinasagawa ang
mga ito sa mga sentrong pangkalusugan o health center na matatagpuan sa iba-ibang bahagi ng
rehiyon. Malaking tulong ang serbisyong ito dahil nababawasan ang malubhang pagkakasakit ng
mga bata na kung magkaminsan ay sanhi rin ng pagliban nila sa paaralan.

b. Pagtalakay
 Ano ang DOH Complete Treatment pack? Gaano ito kahalaga?
 Ano-anong bakuna ang ipinagkakaloob sa mga bata?
 Ano ang kahalagahan ng pagbabakuna sa mga bata?
Date: December 16, 2016 Day: Friday

c. Pagpapalalim ng Kaalaman
Gabayan ang mga bata sa talakayan.

d. Paglalahat
Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na
namamahala sa mga serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan. Ilan sa
mga serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan ang pagbabakuna, pagbibigay ng
libreng gamot, libreng pagpapaospital, at benepisyo ng Philhealth. Maaaring
pumunta sa mga sentrong pangkalusugan (health center) sa inyong pamayanan para
sa mga pangangailangang medikal.

IV. Pagtataya
PROGRAMANG MGA EPEKTO
PANGKALUSUSGAN

V. Takdang Gawain

Sa palagay mo, paano pa mapauunlad ang mga serbisyong pangkalusugan ng


ating pamahalaan?

You might also like