You are on page 1of 2

Date: December 13, 2016 Day: Tuesday

Araling Panlipunan IV

SECTION TIME
RUBY 1:30-2:10

I. Layunin

 Natutukoy ang mg ahensiyang may kaugnayan sa kalusugan


 Naiisa-isa ang mga programang pangkalusugan
 Napahahalagahan ang mga programang pangkalusugan

II. Paksang Aralin


Paksa: Mga Programang Panglusugan
Kagamitan: Tsart, Larawan
Saggunian: LM pp. 273-278, TG pp. 125-126, CG AP4AB-IIIf-g-6
III. Pamamaraan
A. Panimula:
a. Pagganyak
Ang mga magulang nyo ba ay miyembro ng PhilHealth? Ano-ano ang mga
benepisyong makukuha mula rito?

B. Paglinang
a. Paglalahad

Ang lakas-tao ay isang napakahalagang bahagi ng lipunan. Nakasalalay sa tao ang pagbubuo
ng desisyon para sa pang-araw-araw na kahihinatnan ng kaniyang buhay at
maging ng lipunang kaniyang ginagalawan. Kaya naman mahalagang malusog ang kaniyang
pangangatawan upang malusog din ang kaniyang pag-iisip. Ito ay isinasaalang-alang ng
pamahalaan upang lubos na mapakinabangan ang mamamayan at maging katuwang ito sa
pagbubuo ng tamang pasiya at pagsasagawa ng wastong pagkilos para sa maayos na
pamamalakad at kalagayan ng bansa.
Iba-iba ang mga programang pangkalusugan ng pamaha-laan. May mga programa para
sa mga bata, kabataan, kababaihan, at para sa lahat. Ang Kagawaran ng Kalusugan ang
pambansang ahensiyang naatasan ng pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong
pangkalusugan. Ilan sa malalaking programa ng kagawaran ang National Health Insurance
Program (NHIP), Complete Treatment Pack, pagbabakuna, programa sa mga ina at
kababaihan, at programa laban sa mga sakit.

b. Pagtalakay
 Ano ang kalusugan?
 Sino-sino ang kadalasang nagsasagawa ng mga programang pangkalusugan?
 Paano sila nakatutulong sa suliraning pangkalusugan?
 Ano ang maaaring mangyari kung wala ang mga taong nagsasagawa nito?
 Bilang mag-aaral, paano ka magiging kabalikat sa ganitong uri ng gawain?
 Paano mo magagamit sa iyong pang araw-araw na pamumuhay ang
kahalagahan ng kalusugan?
Date: December 13, 2016 Day: Tuesday

c. Pagpapalalim ng Kaalaman
Gabayan ang mga bata sa talakayan.
Ano ang ibig sabihin ng salitang kalusugan?
Sino-sino ang kadalasang nagsasagawa ng mga programang pangkalususgan?

d. Paglalahat
Ang Kagawaran ng Kalusugan ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na
namamahala sa mga serbisyong pangkalusugan para sa mga mamamayan. Ilan sa
mga serbisyong pangkalusugan ng pamahalaan ang pagbabakuna, pagbibigay ng
libreng gamot, libreng pagpapaospital, at benepisyo ng Philhealth. Maaaring
pumunta sa mga sentrong pangkalusugan (health center) sa inyong pamayanan para
sa mga pangangailangang medikal.

IV. Pagtataya

1. Ano ang kalusugan?


2. Paano mo pangangalagaan ang iyong kalusugan?
3. Ano ang mga paglilingkod na pangkalusugan ng pama-halaan? Magbigay ng tatlo.
4. Ano-anong ahensiya o sentrong pangkalusugan ang maaaring puntahan ng mamamayan
upang magpatingin o magpagamot?
5. Ano ang benepisyong makukuha mula sa National Health Insurance Program ng
Kagawaran ng Kalusugan?

V. Takdang Gawain

Magtanong sa magulang o kasamang nakatatanda kung sila ay kaanib sa


programang pangkalusugan. Isulat ito sa kwaderno.

You might also like