You are on page 1of 5

TG – EPP5 HE – 0i – 27

Pagtatala ng mga Sangkap sa Pagluluto


ng Sinigang

I. Nilalaman
Mahalaga na matutunan ng mga batang nasa Ikalimang Baitang ang pagluluto. Sa
araling ito, malalaman nila ang mga sangkap na ginagamit sa pagluluto ng simpleng
putahe katulad ng Sinigang na Baboy o Baka. Maitatala ang mga sangkap na ito bilang
paghahanda sa kanilang aktwal na pagluluto.

II. Layunin
1. Naitatala ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng Sinigang na Baboy
o Baka.

III. Paksang Aralin


Paksa: Pagtatala ng mga Sangkap sa Pagluluto ng
Sinigang na Baboy o Baka

Sanggunian: K to 12 EPP5 HE – 0i – 27

Kagamitan: larawan ng mga sangkap na ginagamit sa pagluluto


tsart ng resipi ng Sinigang na Baboy o Baka

IV. Panimulang Pagtatasa


Ipasagot sa mga bata ang mga sumusunod na tanong.
1. Sino ang naghahanda ng pagkain para sa inyong mag-anak?
2. Ano ang unang dapat ihanda bago ang pagluluto?
3. Bakit mahalaga ang paghahanda ng menu?

V. Pamamaraan
A. Pagganyak
Pag-awit ng mga bata ng “Bahay Kubo”.
Itanong sa mga bata kung ano ang masasabi nila sa awiting ito.

B. Paglalahad
1. Pagpapakita ng guro ng tunay o larawan ng mga sangkap na ginagamit sa
pagluluto.
2. Sasabihin sa mga bata na maglalaro sila ng “Mamalengke Tayo”.
3. Ipakikita ng guro ang ngalan ng lulutuin (nakasulat sa meta card).
4. Papangkatin ang mga bata sa 4 na grupo.
5. Ang bawat pangkat ay pipili ng mga sangkap na ginagamit sa pagluluto.
6. Pagkatapos ng laro, ipakikita ng guro ang resipi ng Sinigang na Baboy o
Baka na nakasulat sa tsart.
7. Ipauulat sa bawat lider ng grupo kung anu-ano ang mga sangkap na napili
nila.
8. Ang grupo na tama ang nakuhang mga sangkap ang siyang panalo.

C. Pagpapalalim ng Kaalaman
1. Tatalakayin ang resipi ng Sinigang na Baboy o Baka.
2. Iisa-isahin ang mga sangkap nito. Sabihin na ang mga sangkap nito ay
nasa awiting Bahay Kubo na matatagpuan sa ating pamayanan.
3. Pag-uusapin ang mga hakbang sa pagluluto upang maihanda ang mga
bata sa aktwal na pagluluto.

D. Pagsasanib
1. Tatalakaying muli ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng Sinigang
na Baboy o Baka.
2. Itanong sa mga bata kung ano ang kahalagahan ng paggamit ng wastong
sangkap sa pagluluto.

E. Paglalahat
Ipabasa ang mga nasa Tindahan Natin sa LM.

VI. Pagtataya
Ipasagot ang nasa Gawin Natin sa LM.
Susing sagot:
- sampalok - karneng baboy
- kangkong - labanos
- kamatis - sibuyas
- sili - sitaw
- okra - gabi

VII. Pangwakas na Pagtatasa


Itanong sa mga bata.
1. Anu-ano ang mga sangkap na gagamitin sa pagluluto ng Sinigang na
Baboy o Baka?

VIII. Pagpapayaman ng Gawain


1. Isulat sa kwaderno ang resipi ng Sinigang na Baboy o Baka.
2. Tumulong sa nanay sa paghahanda ng pagkain para sa mag-anak.
TG – EPP5 HE – 0i – 28

Pamamalengke ng mga Sangkap na


Gagamitin sa Pagluluto

I. Nilalaman
May mga salik na dapat isaalang-alang sa pamimili ng mga sangkap na gagamitin
sa pagluluto. Ang mga ito ay kailangang makatugon sa pangangailangang
pangnutrisyon, na ang mga ito ay makikita sa pamayanan, mura, at sariwa.

II. Layunin
1. Naipakikita ang husay sa pagpili ng sariwa, mura at masustansiyang sangkap
sa pagluluto.
2. Naisasaalang-alang ang mga sangkap na makikita sa paligid.
3. Nakapagkukuwenta nang mahusay sa pamamalengke.

III. Paksang Aralin


Paksa: Pamamalengke ng mga Sangkap sa Pagluluto

Sanggunian: K to 12 EPP5 HE – 0i – 28
Gumawa at Umunlad V
Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V

Kagamitan: Larawan ng mga sangkap sa pagluluto


Flashcard, tsart

IV. Panimulang Pagtatasa


Ipasagot sa mga bata ang mga sumusunod na tanong.
1. Anu-ano ang mga sangkap na ginagamit sa pagluluto ng sinigang?
2. Bakit dapat isaalang-alang ang mabuting katangian ng mga sangkap na
gagamitin?
3. Ano ang naidudulot ng angkop na paggamit ng mga sangkap sa pagluluto?

V. Pamamaraan
A. Pagganyak
Sasabihin ng guro na hahatiin ang mga bata sa 3 pangkap. Ipapaliwanag
ng guro ang gagawin ng bawat pangkat.

Unang Grupo - Sa pamamagitan ng mga larawan,


sasabihin nila ang katangian ng mga sangkap sa pagluluto.

Ikalawang Grupo - Sa pamamagitan ng mga salitang


nakasulat sa flashcards, pipiliin nila ang mga sangkap na makikita sa
pamayanan.

Ikatlong Grupo - Sa pamamagitan ng listahan ng pinamili,


kukuwentahin ang kabuuang halaga ng pinamili.

B. Paglalahad
1. Ipabasa ang isang sanaysay sa LM. Talakayin ang tungkol dito.
2. Itanong sa mga bata.
- Ano ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pamimili ng
mga sangkap sa pagluluto?

C. Pagpapalalim ng Kaalaman
1. Ipabasa sa mga bata ang mga alituntunin sa matalinong pamimili ng
mga sangkap sa pagluluto.
2. Ipakita ang halimbawa ng listahan ng pinamili na may kalakip na
halaga. Kuwentahin ang kabuuang halaga.
3. Tingnan sa LINANGIN NATIN sa LM.

D. Pagsasanib
Dula-dulaan tungkol sa mahusay na pamamalengke ng mga sangkap na
gagamitin sa pagluluto.
Pipili ng ilang bata na gaganap.

E. Paglalahat
Mahalaga ang pagkakaroon ng kaalaman sa matalinong pamamalengke
upang makapili ng mas mataas na uri ng mga sangkap na gagamitin sa
pagluluto at upang makatipid sa oras, lakas, at salapi.

VI. Pagtataya
Ipagawa ang Gawin Natin sa LM.
Susing sagot.
A. 1. B. 1. Php 142.50
2. 2. Php 39.00
3. 3. Php 219.00
4.
5.

VII. Pagpapayaman ng Gawain


Ipagawa sa mga bata ang nasa Pagyamanin Natin sa LM.

You might also like