You are on page 1of 2

FILIPINO 4

(Q3)
Activity Sheet Blg. 4
Pangalan: ____________________________________ Petsa: ____________
Baitang at Pangkat: _________________________________________________
I. Pamagat ng Gawain
Elemento ng Pelikula/ Simuno at Panaguri/ Sanhi at Bunga
II. Kasanayang Pampagkatuto
Nagagamit ng wasto at angkop ang simuno at panaguri sa pangungusap(F4WGIIIi-j-8)
Natutukoy ang bahagi ng o element ng pelikula o palabas.
Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng paggamit
ng una, pangalawa, sumunod at panghuli F4PN-IIIj-8.4

III. Panuto
Isagawa ang mga sumusunod na gawain sa pagsasanay.

IV. Gawain
Pagsasanay 1. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang inilalarawan o tinutukoy ng bawat
pahayag.
Pangungusap Simuno Panaguri Sanhi Bunga
Tauhan Banghay Tema Sound effects Talata

______________1. Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga eksena o pangyayari sa pelikula o palabas


______________2. Ito ay mahahalagang tunog na nagbibigay ng higit na kabuluhan sa bawat eksena.
______________3. Ito ay nagsasaad ng pinakapaksa, layunin o mensahe ng pelikula o palabas
______________4. Tawag sa mga gumaganap ng iba’t ibang katauhan o karakter sa pelikula o palabas
______________5. Ito ay tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari.
______________6. Ito ang pinagsamasamang mga pangungusap na gumagawa ng isang buong ideya.
______________7. Ito ay resulta o kinalabasan o dulot ng pangyayari.
______________8. Ito ang pinag-uusapan sa pangungusap.
______________9. Ito ang naglalarawan at nagpapakilala sa pinag-uusapan.
______________10. Ito ay lipon ng mga salitang nagpapahayag ng buong diwa at kaisipan.Ito ay nagsisimula
sa malaking titik at nagtatapos sa bantas.

Pagsasanay 2. Panuto: Kilalanin ang bahagi ng pangungusap. Isulat sa patlang ang “Simuno”kung
ang may salungguhit ay tumutukoy sa paksa ng pangungusap at “ Panaguri” naman kung ito ay
nagpapakilala o naglalarawan sa paksa.
_____________11. Si Bb. Vilma A. Reyes ay gurong tagapayo ng Baitang Apat,pangkat Venus.
_____________12. Nakikinig sa ina ang matalinong bata.
_____________13. Pambansang bayani natin si Dr. Jose Rizal.
_____________14. Sila ay tumulong sa pagbubukas ng community pantry sa Brgy. Marinig.
_____________15. Ang mga magulang ng mga mag-aaral ay inanyayahang dumalo sa Online Kumustahan.
_____________16. Maraming empleyado ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.
_____________17. Masayang nakilahok sa reading observation sina Edward at Ruby.

Pagsasanay 3 (18-25)
Panuto: A. Pagsunud-sunurin ang wastong paraan ng paglalaba. Lagyan ng angkop na panuto gamit ang
Una, pangalawa, sumunod at panghuli ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

_________________Maayos na banlawan ang mga damit nang ilang ulit hanggang sa maalis ang
sabon.Isampay ang mga damit.

_________________Ihanda ang mga kagamitan sa paglalaba-palanggana,balde, sabon at iba pa.

_________________Pagbukod-bukurin ang mga damit. Ihiwalay ang puti sa mga de-kolor na damit.

_________________Ibabad ang mga damit sa tubig na may sabon. Sabuning mabuti ang mga damit.

B. Pagsunud-sunurin ang wastong paraan ng pagsasaing ng bigas. Lagyan ng angkop na panuto gamit ang
Una, pangalawa, sumunod at panghuli ayon sa pagkakasunod-sunod nito.

_________________Isalang na ang kaldero o rice cooker at hintaying kumulo.

_________________Ihanda ang bigas at tignan kung may ipa ba ito at kung meron maaari itong tahipan sa
bilao. Ihanda rin ang malinis na kaldero kung magsasaing sa kalan o rice cooker.

_________________Hugasang maigi ang bigas upang maiwasan ang sakit at lagyan ng tubig na naaayon sa
dami ng bigas.

_________________Pagkatapos nitong kumulo ay hinaan ang apoy, walang problema kung sa rice cooker
magluluto. Kung wala ng tubig ay maaari na itong ihain.

V. Panapos
Mahusay, binabati kita sapagkat ngayon ay marunong ka nang gumawa ng mga gawain para
sa ikatututo ng husto ng iyong mga mag-aaral.

You might also like