Professional Documents
Culture Documents
Self-Learning Module
Ika-apat na Markahan – Modyul 1: Injury Prevention, and First Aid
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang
matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon
sa pag-aaral.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung
paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang
isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Basahin ang sumusunod. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
1. Alin ang nagdadala ng malakas na buhos ng ulan at
may kasamang bugso ng hangin?
A. lindol C. tsunami
B. bagyo D. storme surge
2. Nasa loob ka ng bahay ng maabutan ka ng lindol. Ano
ang gagawin mo?
A. tawagin ang nanay
B. sumigaw at umiyak
C. tumalon sa bintana
D. sumilong sa matatag na bagay
3.Anong ahensiya ang nag-aaral ng panahon at
nagbibigay ng signal upang malaman ang lakas at
bugso ng hangin at ulan na dala ng bagyo?
A. DOH C. DOST
B. DILG D. PAGASA
BALIK-ARAL
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap sa ibaba. Lagyan ng
tsek (✔) kung ang GAWAIN ay tama at ekis (X) naman
kung mali. Isulat ang sagot sa patlang.
_________1. Masayang naglalaro ang bata sa tubig-
baha.
_________2. Ipinaskil ni Inay ang numero ng teleponong
dapat tawagan sa oras ng sakuna.
_________3. Nakikinig si Fe sa radyo upang malaman
kung walang pasok dahil sa bagyo.
_________4. Lasing na nagmamaneho ang tsuper.
_________5. Sumali si Erica sa earthquake drill ng
paaralan.
ARALIN
Ang natural na kalamidad at sakuna tulad ng lindol, bagyo,
at pagputok ng bulkan ay maaring magdulot ng malaking pinsala
sa mga ari—arian at maging sa buhay ng tao. Upang maiwasan
ang hindi mabuting epekto at bunga nito, tayo ay dapat maging
handa sa lahat ng oras. Kailangang matutuhan natin ang iba’t
ibang paraan ng angkop na pagtugon sa oras ng kagipitan. Ang
mga pagsunod sa sa mga alituntunin at batayang pangkaligtasan
ay pagtitiyak sa pagpapanatili at pangangalaga sa buhay at
ari-arian.
BAGYO
● isang pabilog o spiral na sistema ng marahas at malakas na
hangin na may dalang mabigat na ulan.
● karaniwan daan-daang kilometro o milya sa diameter ang
laki. Ang mata ng bagyo, ito ay ang gitnang bahagi ng
namumuong ulap o bagyo.
● ang mata ng bagyo ay isang kalmadong lugar dahil isa itong
low pressure area.
● Philippine Atmospheric Geophysical Astronomical Services
Administration o PAGASA ay ahensiyang nangangasiwa sa
pagbibigay ng signal upang malaman ang lakas o bugso ng
hangin na dulot ng bagyo.
Signal Bugso ng Hangin
Signal No. 1 30 – 60 kph
Signal No. 2 61 – 100 kph
Signal No. 3 101 – 185 kph
Signal No. 4 186 pataas
LINDOL
● Ang lindol ay sanhi ng isang mabilis na paglabas ng
enerhiyang seismiko.
● Ito ay ang paggalaw ng fault sa ibabaw na bahagi ng
mundo (crust).
STORM SURGE
● Ang storm surge o daluyong-bagyo ay ang hindi
pankaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang
papalapit ang bagyo sa baybayin.
● Ang Bagyong Haiyan o Yolanda ay itinuturing na isa sa
pinakamapaminsalang daluyong-bagyo na kumitil ng 3,600
na buhay sa Gitnang Pilipinas at nagdulot ng pinsala na
katumbas ng humigit-kumulang na US$14 bilyon.
PAGBAHA
● Ang baha ay labis na pag-apaw ng tubig o isang paglawak
ng tubig na natatakpan ang lupa at isang delubyo.
● Sanhi nito ang ulang rumaragasa o bumubugso.
● Madalas ding bumabaha dahil sa mga mga baradong mga
kanal at creek.
LANDSLIDE
● Ang landslide ay ang pagguho o pagbaba ng lupa, bato,
burak at iba pang mga bagay mula sa mataas na lugar dahil
sa gravity o batak ng natural na puwersa ng mundo.
● Karaniwang nangyayari ang ganito kapag malakas at
tuluy-tuloy ang buhos ng ulan.
TSUNAMI
● Ang tsunami ay isang serye ng higanteng alon na
nagaganap matapos ang paggalaw sa ilalim ng dagat dulot
ng iba’t-ibang mga likas na kaganapan.
● Karaniwang sanhi ito ng lindol, pagsabog ng bulkan at
pagguho ng lupa.
● Maaring umabot hanggang 100 talampakan na lubhang
mapaminsala sa mga tao at kanilang mga ari-arian
PAGPUTOK NG BULKAN
● Ang bulkan ay isang bundok na may butas sa tuktok nito.
● Karaniwan itong nagbubuga ng mainit na bato at abo.
● Dahil sa sobrang init ng bato at lava na binubuga ng
bulkan ang mga dinadaanan nito ay nasisira.
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: Ayusin ang mga letra ng salitang nasa ibaba upang
maibigay ang hinihingi sa bawat bilang.
1. L I S E D D A L N ---------- _________________________
2. A N I M T U S -------------- __________________________
3. O Y G A B ------------------ __________________________
4. A H B A P A G ------------ __________________________
5. R O M S T E G R S E --- __________________________
Pagsasanay 2
Panuto: Tukuyin ang uri ng kalamidad ayon sa pagsasalarawan.
Buuin ang salita sa pamamagitan ng pagsulat sa
patlang ng mga nawawalang letra.
1. May dalang malakas na hangi at ulan ___ A ___ ___ O
2. Pagguho ng lupa L A ___ ___ S ___ I ___ ___
3. Pagyanig ng lupa L ___ ___ D ___ ___
4. Pagsabog o pagbuga ng usok ___ A ___ P ___ ___O
____ N ___ B ___ ___ K ___ N
5. Bunga ng walang tigil o
malakas na ulan B ___ ___ A
Pagsasanay 3
Panuto: Sagutan ang crossword puzzle at isulat ang sagot sa
kahon ayon sa mga bilang.
Pahalang
1. sakuna
3. storm surge
4. bundok na may butas sa tuktok
Pababa
2. pagguho ng lupa
5. dulot ng tuluy-tuloy na pag-ulan na may malakas na
hangin
1. 2.
5.
3.
4.
PAGLALAHAT
PANAPOS NA
PAGSUSULIT
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap. Isulat ang
TAMA kung nagsasaad ng wasto at MALI kung hindi.
__________1. Ang landslide ay pagguho o pagbaba ng
lupa, bato, burak at iba pang mga bagay
mula sa mataas na lugar gaya ng bundok.
__________2. Ang tsunami ay sanhi ng tuluy-tuloy na
ulan na may kasamang malakas na hangin.
__________3. Lindol ang tawag sa paggalaw ng lupa na
lubhang nakapamiminsala sa tao at mga
ari-arian nito.
__________4. Ang di pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa
dalampasigan tuwing may bagyo ay
tinatawag ding storm surge o daluyong-
dagat.
__________5. PAGASA ang tawag sa ahensiyang
nangangasiwa sa pagbibigay ng signal
upang malaman ang lakas o bugso ng
hangin na dulot ng bagyo.
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN