You are on page 1of 16

Musika – Ikaapat na Baitang 

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Ang 2-Part Vocal o Instrumental Music at 


Harmonic Interval 
Unang Edisyon, 2020 
Isinasaad  sa  Batas  Republika  8293,  Seksiyon  176  na:  Hindi  maaaring 
magkaroon  ng  karapatang-sipi  ang  sinuman  sa  anumang  akda  ng  Pamahalaan  ng 
Pilipinas.  Gayunpaman,  kailangan  na  may  pahintulot  ng  ahensiya  o  tanggapan  ng 
pamahalaan  na  naghanda  ng  akda  kung  ito  ay  pagkakakitaan.  Kabilang  sa  mga 
maaaring  gawin  ng  nasabing  ahensiya  o  tanggapan  ay  ang  pagtakda  ng  kaukulang 
bayad. 
 
Ang  mga  akda  (kuwento,  seleksiyon,  tula,  awit,  larawan,  ngalan  ng  produkto  o 
brand name,  tatak  o  ​trademark,​   palabas  sa  telebisiyon,  pelikula,  atbp.)  na  ginamit  sa 
modyul  na  ito  ay  nagtataglay  ng  karapatang-ari  ng  mga  iyon.  Pinagsumikapang 
malikom  ang  mga  ito  upang  makuha  ang  pahintulot  sa  paggamit ng materyales. Hindi 
inaangkin  ng  mga  tagapaglathala  at  mga  may-akda  ang  karapatang-aring  iyon.  Ang 
anumang  gamit  maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga 
orihinal na may-akda.  
 
Walang  anumang  bahagi  ng  nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa 
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran. 
 
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig. 
 
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon 
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig 
 
 
 

 
 

 
 
Paunang Salita 
Para sa tagapagdaloy: 
 
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ​ (Musika 4) ​ ng Modyul para sa 
araling ​ Ang 2-Part Vocal o Instrumental Music at Harmonic Interval ! 
Ang  modyul  na  ito  ay  pinagtulungang  idinisenyo,  nilinang  at  sinuri  ng  mga 
edukador  mula  sa  Tanggapan  ng  mga  Paaralan  ng  Sangay-Lungsod  Pasig  na 
pinamumunuan  ng  Nanunuparang  Pinuno-Tanggapan  ng  Pansangay  na 
Tagapamanihala,  Ma.  Evalou  Concepcion  A.  Agustin,  sa  pakikipag-ugnayan  sa 
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. 
Victor  Ma.  Regis  N.  Sotto,  upang  matulungang  makamit  ng  mag-aaral  ang 
pamantayang  itinakda  ng  Kurikulum  ng  K to12 habang kanilang pinanagumpayan 
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral. 
Inaasahan  na  sa  pamamagitan  ng  modyul  na  ito,  ang  mga  mag-aaral  ay 
makauugnay  sa  pamamatnubay  at  malayang  pagkatuto  ng  mga  gawain  ayon  sa 
kanilang  kakayahan,  bilis  at  oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral 
na  makamit  ang  mga  kasanayang  pang-ika-21  siglo  lalong-lalo  na  ang  ​5 Cs 
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character)  habang 
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan. 
Bilang  karagdagan  sa  pangunahing  teksto,  makikita  ang  pinakakatawan  ng 
modyul sa loob kahong ito: 
 
 
 
 
 
 
Bilang  tagapagdaloy,  inaasahang  bibigyan  mo  ng  paunang  kaalaman  ang 
mag-aaral  kung  paano  gamitin  ang  modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan 
at  itala  ang  pag-unlad  nila  habang  hinahayaan  silang  pamahalaan  ang  kanilang 
sariling  pagkatuto.  Bukod  dito,  inaasahan  mula  sa  iyo  na  higit  pang  hikayatin  at 
gabayan  ang  mag-aaral  habang  isinasagawa  ang  mga  gawaing  nakapaloob  sa 
modyul.   

Para sa mag-aaral: 
Malugod na pagtanggap sa ​ (MUSIKA 4) ​ ng Alternative Delivery Mode 
(ADM) Modyul ukol sa (​Ang 2-Part Vocal o Instrumental Music at Harmonic 
Interval)​ !
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. 
Layunin nitong matulugan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng 
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad 
sa pagkatuto. 
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at ​icon ​na dapat mong maunawaan. 
 
MGA INAASAHAN 
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong 
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul. 
 
PAUNANG PAGSUBOK 
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo 
pang malaman sa paksa. 
 
BALIK-ARAL 
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga 
naunang paksa. 
 
ARALIN 
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang 
pampagkatuto.  
 
MGA PAGSASANAY 
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay 
na dapat sagutin ng mga mag-aaral. 
 
PAGLALAHAT 
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat 
bigyang-halaga. 
 
PAGPAPAHALAGA 
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang 
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga 
pagpapahalaga​. 
 
PANAPOS NA PAGSUSULIT 
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral. 

 
 
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: 
A. nakikilala sa pamamagitan ng pakikinig at pagbabasa ang 
mga halimbawa ng 2-Part Vocal o Instrumental Music; 
B. natutukoy  ang  pagkakaiba  ng  vocal  music  sa 
Instrumental  Music  at  natutukoy  ang  Harmonic  Interval 
(2 pitches) ng isang awitin at 
C. nasasabi ang kahulugan ng Harmonic Interval. 
Panuto:  Lagyan  ng  tsek  ( )  ​ang  patlang  kung  ​TAMA  ang 
pangungusap  at  ekis  (X ​ ​)  naman  kung  ​MALI​.  Isulat  sa 
sagutang papel ang iyong sagot. 
 
_____  1.  Ang  Soprano  ay  nasa  itaas  na  bahagi  ng 
awitin. 
_____  2.  Ang  2-  Part  Vocal  ay  binubuo  ng  Alto  at 
Soprano. 
  _____  3. Binubuo ng dalawang magkaugnay na tone na 
inaawit  o  tinutugtog  nang  sabay  ang  2-Part 
Vocal song/instrument. 
  ______4.  Nakikilala  sa  pamamagitan  ng  pakikinig  at 
pagbabasa  ang  mga  halimbawa  ng  mga 
Harmonic Interval. 
_____ 5. Ang ​thirds​ ay halimbawa ng ​Harmonic Interval.​  
 
 

 
Batay sa ating nakaraang aralin, tukuyin ninyo ang sagot sa 
bawat tanong. Kumpletuhin ang letra ng bawat salita. 
1. Anong  elemento  ng  musika  na  naglalarawan  ng  bilis  o 
bagal ng awitin? (​T__mp__​) 
2. Anong  tempo  ng  musika  ang  may  mabilis  na  awit  o 
tugtog? (​P__e__to​) 
3. Anong  tempo  ng  musika  ang  may  mabagal  na  awit  o 
tugtog? (​__a__go​) 
4. Anong ​Texture n​ g awitin ang may paulit-ulit na hulwarang 
ritmo o himig na ginagamit bilang pansaliw? (​Ost__n__to​) 
5. Anong  ​Texture n​ g  awitin  ang  may  isang  himig  na  inaawit 
na magkasabay ngunit sa itaas na ​melody​. Ito ay kaiba sa 
pangunahing ​melody?​ (D ​ es__an__​) 

 
Pakinggan ninyo ang awiting ​“Manang Biday”​. 
  
 
 
 
 
 
 
 
 
 
​Musika at Sining 4 TG p. 174 
 
Ilang tinig ang inyong napansin sa ating awit? 
Sa  musika,  ang  2-Part  Song/Vocal  ay  nagtataglay  ng 
dalawang  magkasabay  na  tinig  samantala  ang  2-Part 
Instrumental  Music  naman  ay  may  dalawang  tunog  ng 
instrumento sa isang awitin. 
Tignan  at  suriin  ang  piyesang  2-part  song  ng  ​“Manang 
Biday”.  
Napansin  ba  ninyo  na  may  mga  bahaging  dalawa  ang 
magkatapat na note?  
Ito  ay  halimbawa  ng  ​2-Part  Song/Vocal​.  Ang  mga 
magkatapat na tone ay inaawit nang sabay at ito ay nagdadagdag 
ng  texture  ng  isang  awitin.  Sa  itaas  na  bahagi  ay  ​Soprano​,  sa 
ibabang bahagi naman ay ​Alto​. Maaari rin ang boses ng ​Soprano 
at ​Tenor​ ay inaawit nang sabay. 
 
 
Upang  lubos  na  maintindihan,  pakinggan  ninyo  ang  isang 
halimbawa ng ​Vocal Music​. 
Ang  ​Vocal  Music  ay  ​karaniwang  nagtatampok  ng  mga 
awiting nagtataglay ng mga salitang tinatawag na liriko. 
 
Pakinggan  naman  ang  isang  halimbawa  ng  ​Instrumental 
Music​. 
Ang  ​Instrumental  Music  ay  isang  pag-record  nang  walang 
anumang  mga  tinig.  Tanging  tunog  lamang  ng  mga  instrumento 
ang nasa tugtog. 
 
 
 
 
 
 
Tignan ang iskor ng ​“Ode to Joy”​. 
 
  ​Musika  at  Sining  4  TG  p. 
178
 
Suriin ang nabilugang mga nota, napansin ba ninyo na may 
dalawang notang magkaugnay? 
 
Interval  ​ang  tawag  sa  dalawang  magkaugnay  na  notang 
inyong  nakikita  sa  iskor  ng  “Ode  to  Joy”.  Bilangin  natin  ang 
interval  ng  magkaugnay  na  nota, maaaring magsimula sa unang 
ibabang  ​head  ng  isang  nota  na  susundan  ng  ​space ​o  linya  ng 
staff  hanggang  sa  huling  itaas  na  head  ng  isa  pang  nota  o  vice 
versa. May tatlong bilang ang interval ng mga nota. 
Kung  kaya’t  sa  musika,  ito  ay  tinatawag  na  ​Harmonic 
Interval​.  Ang  mga  ​Harmonic Interval  ay  binubuo  ng  dalawa  o 
higit pang magkakaugnay na note na inaawit nang sabay.  Ito ay 
nagbibigay  ng  kakaibang  kulay  sa  tunog  ng  awit.  ​Thirds  ​ang 
tawag sa may tatlong bilang ng ​interval​. 
Mga halimbawa ng notang may ​Harmonic Third Interval 
 
 
 
 
 
 
  Musika at Sining 4 TG p.179   

 
 
PAGSASANAY 1 
Panuto:​ ​Bilugan​ ang mga notang ​ALTO ​at k​ ahunan 
naman ang mga notang ​SOPRANO. 

2. 3.
1. 2. 3.  

Musika at Sining 4 TG p.179 Musika at Sining 4 TG p.179 Musika at Sining 4 TG p.179 


 
PAGSASANAY 2   
Panuto:  Lagyan  ng  ​tsek  ( )  ang  numero  ng  larawang  may 
notang ​Harmonic Third Interval​ a​ t ​ekis​ (​X​) kung hindi. 
 
 
1. 2. 3.  
 
 
 
Musika at Sining 4 TG p.179 
   
Musika at Sining 4 TG p.179 Musika at Sining 4 TG p.179
   
 
4. 5. 
 
 
  Musika at Sining 4 TG p.179 Musika at Sining 4 TG p.179 

PAGSASANAY 3 
Panuto:​ Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot. 

1. Ang  2-  Part  Vocal  o  Instrumental  Music  ay  binubuo 


ng ______ himig. 
 
A. Dalawa B. Tatlo C. Apat D. Lima 

2. Paano  inawit  ang  mga  bahaging  may  H


​ armonic 
Interval​? 
 
A. Hindi magkasabay  
B. Magsasabay sa unang bahagi lamang 
C. Magkasabay ang lahat ng bahagi 
D. Magsasabay sa huling bahagi lamang 
 
3. Anong  mga  himig  ng  2-  Part  Vocal  ang  maaaring 
pagsabayin? 
 
A. Soprano at Tenor C. Soprano at Bajo   
B. Tenor At Bajo    D. Soprano at Alto 

4. Ano ang maaring maidagdag ng ​Harmonic Interval s​ a 
isang awitin? 
 
A. oras sa kanta   C. liriko sa kanta  
B. kulay sa kanta  D. wala sa nabanggit 

5. Sa  paanong  paraan  nakikilala  ang  Harmonic 


Interval​?  
 
A. sa pakikinig  C. titik A at B  
B. sa pagbabasa  D. wala sa nabanggit 

Narito  ang  mga  mahahalagang  konsepto  na  natutunan  mo 


sa  araling  ito.  Piliin  sa  loob  ng  kahon  ang  tamang  salita  sa 
pangungusap. 
 
 
 
❖ Ang ​2- Part Vocal​ ay binubuo ng dalawang himig  
 
(1) _______________________ na makikita sa taas ng iskor at  
 
(2)   ________________________  na  makikita  sa  ibaba  ng 
nota.  Maaari  ring  boses  ng  Soprano  at  Tenor  na  inaawit 
nang sabay. 
❖   Ang  (3)  ________________________  ay  binubuo  ng  dalawang 
magkaugnay  na  tone  na  inaawit  o  tinutugtog  nang  sabay. 
Ito ay nagbibigay ng kakaibang kulay sa tunog ng awit. 
 
❖ Ang  (4)  ________________________  ay  isang  pag-record  nang 

walang anumang mga tinig. 


 
❖ Ang  (5)  ___________________  ay  ​karaniwang  nagtatampok  ng 
mga  awiting  nagtataglay  ng  mga  salitang  tinatawag  na 
liriko. 
 
 

 
Ano  ang  kahalagahan  ng  pagkakaroon  ng  2-  Part  Vocal  o 
Instrumental Music at Harmonic Interval? 
 

 
Panuto:​ Basahin at isulat ang letra ng tamang sagot. 
 
1. Anong  mga  himig  ang  bumubuo  sa  2-  Part  Vocal  o 
Instrumental Music? 
 
A. Soprano at Tenor  C. Soprano at Bajo   
B. Tenor At Bajo  D. Soprano at Alto 
 
2. Anong  himig  ng  2-  Part  Vocal  ang  nasa  itaas  na 
bahagi ng iskor? 
 
A. Alto  C. Largo   
B. Soprano     D. Bajo 
 
3.  Anong  himig  ng  2-  Part  Vocal  ang  nasa  ibabang 
bahagi ng iskor? 
 
A. Alto    B.  Soprano  C.  Tenor  D. 
Largo   
 
  4.  Ito  ay  binubuo  ng  dalawa  o  higit  pang 
magkakaugnay na note na inaawit nang sabay.   
 
A.Tempo C. ​Dynamics 
B. 2- Part Song ​ D
​ . ​Harmonic Interval 
 
5.  Alin  sa  mga  sumusunod  ang  halimbawa  ng 
Harmonic Interval​? 
 
A. Descant B. Largo C. Presto D. Third 
 
 
SUSI SA PAGWAWASTO 

Sanggunian
Digo, Maria Elena D., Enguero Fe V., Borbor Ma. Teresa P., 
Ilagan, Amelia M., Villareal, Josepina D., Cinco, Mary Grace  V., 
Obseñares, Josephine Chonie M., Mendoza, Chita E., at 
Mariano, Victorina E. ​“Musika at Sining – Ikaapat na 
Baitang” Kagamitan ng Mag-aaral. 
Unang Edisyon 2015. 
 
Digo, Maria Elena D., Enguero Fe V., Borbor Ma. Teresa P., 
Ilagan, Amelia M., Villareal, Josepina D., Cinco, Mary Grace  V., 
Obseñares, Josephine Chonie M., Mendoza, Chita E., at 
Mariano, Victorina E. ​“Musika at Sining – Ikaapat na 
Baitang” Patnubay ng Guro. 
Unang Edisyon 2015. 
 
https://www.youtube.com/watch?v=7fyZAWOESB0&list=RD7fyZAWOESB0&start_radio=1

(2020-06-29)

https://www.youtube.com/watch?v=IbLehd2hTlI​ ​(2020-06-30)

https://www.youtube.com/watch?v=RKNENRsL1GQ​ ​(2020-06-30)

https://www.youtube.com/watch?v=ZD4B9Q6nTo0​ ​(2020-06-30)

You might also like