You are on page 1of 17

MUSIC– Ikatlong Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 2: Pagtukoy sa Melodic Lines


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang
mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Modyul 2

Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang MUSIKA – Ikatlong Baitang ng
Modyul para sa araling Pagtukoy sa Melodic Lines!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay
makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang ​5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng
modyul sa loob kahong ito:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa ​MUSIC 3​ Modyul ukol sa ​Pagtukoy sa Melodics Lines!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
​MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang modyul.

​PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman
sa paksa.

​BALIK-ARAL

Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga na unang paksa.

​ARALIN

Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga
mag-aaral.

PAGLALAHAT

Sa bahaging ito ibinubuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyan


halaga.

​PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga​.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.


MGA INAASAHAN

Pagkatapos ng modyul na ito, ang mga bata ay inaasahan na:


A. Natutukoy ang melodic lines;
B. Natutukoy ang pagkakaiba ng nipis at lapad ng nilikhang
tunog; at
C. Nakaaawit ng may iba’t ibang tekstura.

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto​: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap sa bawat
bilang. Lagyan ng ​(√
​ ) ​ang patlang kung tama ang
isinasaad at ​(X) ​naman kung hindi.

_______ 1. Ang uri ng tekstura ay nakasalalay sa bilang ng melodic


lines na matatagpuan sa awit.

_______ 2. Ang melodic line ay ang pagkakasunod-sunod ng


hanay ng tunog na lumilikha ng tiyak na himig.

_______ 3. Ang pag-awit sa paraang unison ay isang halimbawa


ng awit na may multiple melodic lines.

_______ 4. Ang tekstura ay maaaring magaan o mabigat, payak o


makapal.
_______ 5. Makapal ang tunog kapag ang awit ay may single
melodic lines.

BALIK-ARAL
Panuto:​ Ayusin ang ​scrambled letters​ upang mapunan ang
patlang ng tamang sagot.

T M O E P

Ito ___________ ay tumutukoy sa bilis at bagal sa musika. Ito


ay maaaring mabilis, katamtaman o mabagal.

ARALIN
Awitin ang “It’s a Small World”.
Ilang melodic lines mayroon ang awitin​?
Ito ay mayroong isa o ​single melodic line​.

Pakinggan ang isa pang awitin “He’s Got the Whole World In
His Hands”.

Ilang melodic lines mayroon ang awitin​?


Ito ay mayroong ​single melodic line​.

Aawit ng sabay ang guro at ang mga bata.


Aawitin ng guro ang “It’s a Small World” at aawitin naman ng
mga bata ang “He’s Got the Whole World In His Hands​”.
Ilang melodic lines mayroon ang huling awitin​?
Ito ay mayroong ​multiple melodic lines​.
Ano ang napapansin ninyo sa tunog na nalilikha kapag ang
awit ay inawit natin pagkatapos ng isa​?

Ano naman ang napapansin ninyo kapag ang dalawang


awit ay sabay na inawit​?
Kapag ang isang awitin ay inawit pagkatapos ng isang
awitin, ito ay tinatawag na ​unison​.
Kapag ang dalawang awitin ay sabay na inawit, ito ay
tinatawag na ​partner songs​.
Ang isang musika ay may makapal na ​tekstura kapag
maraming tunog ang sabay-sabay na naririnig.
Ang ​tekstura ay ginagamit para mailarawan ang kabuuang
uri ng tunog.
Ang uri ng tekstura ay nakasalalay sa bilang ng ​melodic lines
na matatagpuan sa awit.
Ang ​melodic line ay ang pagkakasunod-sunod ng hanay ng
tunog na lumilikha ng tiyak na himig.
Mayroon tayong ​single melodic line kapag umaawit tayo ng
unison at ​multiple melodic lines kapag umaawit tayo ng ​round
o ​partner songs​.
Manipis ang tunog kung ​single melodic line​. Kapag ​multiple
melodic lines​ ay makapal ang tunog.

Gawin Mo
Aawitin ng mga bata ang “Are You Sleeping, Lazy Juan​?​” sa
paraang ​unison​. Pagkatapos ay aawitin naman ito ng may
kasamang tugtog.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto: K
​ ilalanin ang sumusunod na melodic lines. Isulat ang

SML ​kung single melodic line (iisa lamang ang melody ng


dalawang pangkat) o ​MML kung multiple melodic lines
(magkaiba ang melody ng dalawang pangkat) ang
bawat bilang.

Pagsasanay 2
Panuto: ​Isulat sa patlang ang salitang manipis kung manipis ang
malilikhang tunog at makapal kung makapal ang
malilikhang tunog.
_____ 1​. ​Ang “Bahay Kubo” ay inawit sa paraang ​unison​.
_____ ​2.​ ​Inawit ng mga mag-aaral ang partner songs.

_____ ​3.​ ​Ang mga mag-aaral sa Maybunga Elementary


School Annex ay umawit ng “Lupang Hinirang” na
walang saliw.

_____ ​4. Inawit ng mga mag-aaral ang​ “​Leron, Leron Sinta​”


sa paraang​ rounds.

______ 5. Ang “Awit ng Buhay” ay inawit ni May ng may ka


duet​.

PAGLALAHAT
Ang __________ ay ang pagkakasunod-sunod ng hanay
ng tunog na lumilikha ng tiyak na himig.
Ang isang musika ay may makapal na __________
kapag maraming tunog ang sabay-sabay na naririnig.
Ang ​unison ay isang halimbawa ng awit na mayroong
_________ ​melodic line​, samantalang ang pag-awit ng
________ ​at​ ________ ​ay halimbawa ng mga awit na may
multiple melodic lines​.
PAGPAPAHALAGA
Ano ang kahalagahan ng natutunan ninyo sa aralin
ngayon?
Ito ay nagbibigay ng karagdagang kaalaman sa mga
batang may interes sa larangan ng musika.

PANAPOS NA
PAGSUSULIT
Panuto: ​Piliin ang titik ng tamang sagot.

_______ 1. Ang ______ ay tumutukoy sa kapal at nipis ng


tunog sa musika.

A. ritmo C. tekstura

B. tempo D. dynamics

_______ 2. Ang uri ng tekstura ay nakasalalay sa bilang ng


________ na matatagpuan sa awit.

A. tempo C. round song

B. unison ​D. melodic lines


_______ 3. Ito ay halimbawa ng awit na mayroong single
melodic line.

A. tempo C. round song

B. unison D. partner song


______ 4. Ang pag-awit ng "Bahay Kubo" sa paraang unison,
ay nakalilikha ng _________ na tunog.

A. manipis C. malakas

B. makapal D. mahina

______ 5. Kung aawitin natin ang kantang "Pilipinas Kong


Mahal" ng may accompaniment, anong tunog
ang malilikha?

A. manipis C. malakas

B. makapal D. mahina

SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Mula sa Aklat:
Ferrer, Edgar R. et al. ​MAPEH and Me​ 3. 2013. Missionbook
Publishing, Inc
Ilagan, Amelia M. et al. ​MAPEH 3​ ​Kagamitan ng Mag-aaral.​
2014. Book Media Press Inc.
Ilagan, Amelia M. et al. ​MAPEH 2​ ​Kagamitan ng Mag-aaral.​
2013. Rex Book Store Inc.

You might also like