You are on page 1of 17

O[

Music – Ikalawang Baitang


Ika-apat na Markahan – Modyul 3: Pagsasama-sama ng mga Himig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Inilimbag sa Pilipinas ng (School)


Department of Education – NCR, Division of Pasig City
Office Address:​ ​Caruncho Avenue, San Nicolas, Pasig City
Telefax:​ ​641-88-85, 628-28-19
E-mail Address: ​divisionofpasig@gmail.com
 
 

 
 
 
 
Paunang Salita 
Para sa tagapagdaloy: 
 
Malugod  na  pagtanggap  sa  asignaturang  Music  2  ng  Modyul  3  para  sa  araling 
Pagsasama-sama ng mga Himig! 
Ang  modyul  na  ito  ay  pinagtulungang  dinisenyo,  nilinang  at  sinuri  ng  mga 
edukador  mula  sa  Dibisyon  ng  Pasig  City  na  pinamumunuan  ni  Ma.  Evalou 
Concepcion  A.  Agustin,  OIC  Schools  Division  Superintendent  at  sa  pakikipag 
ugnayan  sa  Lokal  na  Pamahalaan  ng  Pasig  sa  pamumuno  ng butihing Alkalde na 
si  Hon.  Victor  Ma.  Regis  N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang 
pamantayang  itinakda  ng  Kurikulum  ng  K  to12  habang  kanilang 
pinanagumpayan  ang  pansarili,  panlipunan  at  pang-ekonomikong  hamon  sa 
pag-aaral. 
Ang  modyul  na  ito  ay  umaasang  makauugnay  ang  mag-aaral  sa  mapatnubay  at 
malayang  pagkatuto  na  mga  gawain  ayon  sa  kanilang  kakayahan,  bilis  at  oras. 
Naglalayon  din  itong  matulungan  ang  mag-aaral  upang  makamit  ang  mga 
kasanayang  pan-21  siglo  lalong  lalo  na  ang  5  Cs  (Communication,  Collaboration, 
Creativity,  Critical  Thinking  and  Character)  habang  isinasaalang-alang  ang 
kanilang mga pangangailangan at kalagayan. 
Bilang  karagdagan  sa  materyal  ng  pangunahing  teksto,  makikita  ninyo  ang 
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul: 
 
 
 
 
 
 
Bilang  tagapagdaloy,  inaasahang  bibigyan  mo  ng  paunang  kaalaman  ang 
mag-aaral  kung  paano  gamitin  ang  modyul  na  ito.  Kinakailangan  ding 
subaybayan  at  itala  ang  pag-unlad  nila  habang  hinahayaan  silang  pamahalaan 
ang  kanilang  sariling  pagkatuto.  Bukod  dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang 
hikayatin  at  gabayan  ang  mag-aaral  habang  isinasagawa  ang  mga  gawaing 
nakapaloob sa modyul.   
 
 
 
 
 
 
 
Para sa mag-aaral: 

Malugod  na  pagtanggap  sa  Music  2  Modyul  3  ukol  sa  Pagsasama-sama  ng  mga 
Himig! 
Ang  modyul  na  ito  ay  ginawa  bilang  tugon  sa  iyong  pangangailangan.  Layunin 
nitong  matulungan  ka  sa  iyong  pag-aaral  habang  wala  ka  sa  loob ng silid-aralan. 
Hangad  din  nitong  madulutan  ka  ng  mga  makabuluhang  oportunidad  sa 
pagkatuto. 
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan. 
 
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos
mong makumpleto ang Modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang
malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang I iyong matutuhan at naunawaan sa mga na unang
paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan ng mga
mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang
halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga​.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
 

 
INAASAHAN 
 
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na: 
  A.  nakikilala  ang  pagkakaiba  ng  single  musical 
line at multiple musical lines, 
B.  nakikilala  ang  pagkakaiba  ng  kanipisan  at 
kakapalan  ng  tunog  sa  recorded  at  inawit 
na musika. 
 

PAUNANG PAGSUBOK 
 
Panuto:  Kilalanin  ang  mga  sumusunod  na  ​melodic  lines​. 
Isulat  ang  ​SML  kung  ​single  musical  line  (iisa 
lamang  ang  melody  ng  dalawang  pangkat)  o 
MML  kung  ​multiple  musical  lines  (magkaiba 
ang  ​melody  ng  dalawang  pangkat).  Isulat  ang 
sagot sa patlang bago ang numero.  
 
 
_____1.  
 
 
  
_____2.  

_____3.  

_____4.  

_____5.  

BALIK-ARAL 
 
Ano ang texture​?​_________________________________ 
________________________. 
Paano  natin  masasabi  na  ang  isang  kanta  ay 
manipis​?​_______________________________________________
___________________. 
Paano  naman  natin  masasabi  na  ang  isang  kanta 
ay makapal​?​_________________________________________ 
______________. 
 
 
 
 

 
ARALIN 
 
Pakinggan  at  sabayan ang awiting “Row your boat” 
sa anyong ​unison​. 

 
​https://www.youtube.com/watch?v=fDR_pRHYMGA&t=26s 

nakasabay ka ba sa awitin​? 
 

Pakinggan  at  sabayan ang awiting “Row your boat” 


sa anyong ​round​. 

Sumabay lamang sa unang mang-aawit. 

 
 
 
 
 
 
​https://www.youtube.com/watch?v=JttHbA6MDbI 

Ano  ang  iyong  napansin  sa  kantang  row  your  boat 


sa anyong ​round​? 

Ilang mang-aawit ang iyong narinig​?

Ano  ang  pagkakaiba  ng  una  mong  kinanta  na 


unison​ sa ikalawang kanta mo na ​round​?

Sa  ​unison  manipis  ang  ​melody  ng  kanta  habang  sa 


round  naman  kumapal  ang  tunog  dahil  may  ilang 
melody​ ang magkakasabay na inawit.  

May  tinatawag  tayong  ​single  musical  line​.  Ito  ay 


may isang ​melody​ lamang na inaawit ng lahat.  
Halimbawa:  ang  unang  ​musical  line  na  nasa  ibaba 
ay  halos  magkapareho  sa  ikalawang  ​musical  line​.  Ibig 
sabihin, inaawit o tinutugtog ito ng sabay o ​unison​.  

 
 
 
 
 
Ang  ​multiple  musical  lines  naman  ay  ang  mga 
melody  na  inaawit  nang  sabay  ng  iba’t  ibang  pangkat 
ng mga mang-aawit.  

Kung  mapapansin  ninyo  sa  ibinigay  na  halimbawa 


sa  ibaba  ang  unang  ​musical  line  ay  magkaiba  sa 
ikalawang  ​musical  line​.  Ibig  sabihin  nito,  papasok 
lamang  ang  susunod  na  mang-aawit  sa  kalagitnaan  ng 
kanta  ng  unang  mang-aawit.  Kaya  dito  nabubuo  ang 

makapal na tunog.  
 
 
 
 
 
 
 
 
PAGSASANAY 1 
 
Panuto:  Tukuyin  ang  mga  sumusunod.  Isulat ang sagot sa 
patlang bago ang numero. 
 
_________________1. Ito ay may isang ​melody​ na 
inaawit ng lahat.  

_________________2. Isang paraan ng pag-ikot ng 


isang awit. 

  _________________3.  Ito  ay  ang  mga  ​melody  na 


inaawit  nang  sabay  ng  iba’t 
ibang  pangkat  ng  mga 
mang-aawit.  

 
PAGSASANAY 2 
 
Panuto:  Magtala  ng  limang  pangyayari,  kaganapan  o 
senaryo  sa  komunidad  na  makapagpapakita 
ng nipis o kapal ng tunog. 
 
Halimbawa:  
maraming tao sa pamilihan o palengke 
-makapal na tunog 
1. _______________________________________ 
2. _______________________________________ 
3. _______________________________________ 
4. _______________________________________ 
5. _______________________________________ 
 
 
 
PAGSASANAY 3 
 
Panuto:  Isulat  kung  Single  Musical  Line  o  ​Multiple  Musical 
Lines​ ang mga sumusunod sa bawat bilang.  
 
1.  
 
 
________________________________ 
 
 
2.  
 
 
________________________________ 
 
 
3.  
 
 
_________________________________   
 
PAGLALAHAT 
 
Ang  ​musical  line  ay  maaaring  manipis  o  makapal 
ayon sa _____________________________________________. 

Ang  ​round  ay  isang  paraan  ng  pag-ikot  ng  isang 


awit na kung saan _____________________________________ 

_________________________________________________. 

Ang  ​single  musical  line  ay  may  iisang  melody 


lamang na ___________________________________________. 

Ang ​multiple musical lines​ naman ay ______________ 

_______________________________________________________
__________. 
 

 
PAGPAPAHALAGA 
 

Ang  mga  awiting  ​musical  ay  maaaring  manipis  o 


makapal  ayon  sa  daloy  ng  musika  at  sa  paraan  ng 
pagkaka-awit.  Ito  ang  tinatawag  na  ​texture​.  Sa  buhay 
ng  tao  may  pagkakataon  na  ang  texture  ay 
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________
__________________. 

PANAPOS NA PAGSUSULIT 
 
Panuto:  Awitin  ang  kantang  “Are  You  Sleeping,  Lazy 
Juan​?​”  sa  anyong  ​unison​.  Kantahin  rin  ito  sa 
anyong  ​round  kasama  ng  iyong  mga  kapatid  o 
di kaya’y sina tatay at nanay. 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

SUSI SA PAGWAWASTO 
SANGGUNIAN 
● ​https://www.youtube.com/watch?v=fDR_pRHYMGA&t=26s 
● ​https://www.youtube.com/watch?v=JttHbA6MDbI 
● https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-2-learning-material-in-mapeh 
 

You might also like