You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
LALAAN I ELEMENTARY SCHOOL

Name: _________________________________________ Date: ___________________


Grade: _________________________________________ Section: _________________

GAWAING PAGKATUTO
MUSIC 5
Quarter 3-Week 1
MELCs: Recognizes the design or structure of simple musical forms:
1. Unitary (one section)
2. Strophic (same tune with 2 or more sections and 2 or more verses)
(MU5FO-IIIa-1)

Ang mga Anyo (Form) ng Musika

Panimula
Isa sa mga elements ng musika ay ang FORM o ANYO. Ito ay tumutukoy kung ilang bahagi at
aling bahagi ang inuulit sa awit.
Sa pag-aaral at pag-unawa sa konsepto ng anyo ay nagsisimula sa pinakamaliit na bahagi o ideya
ng musika na tinatawag na motif. Ito ang nagsisilbing pundasyon o batayan ng komposisyon dahil
kadalasang lumalabas nang paulit-ulit sa bahagi ng awitin. Ang bawat note ay hindi magiging
makahalugan at makabuluhan kung ito ay tutugtugin nang paisa-isa. Kung ang mga note ay aawitin o
tutugtugin nang magkakasunod-sunod o sama-sama, ito ay maaaring maging isang ideya na tinatawag sa
musika na motif. Ang motif ay maaaring melodic o rhythmic. Melodic motif kung mayroon na itong tono o
may angkop na pitch name and bawat notes. Ang rhythmic motif ay walang angkop na pitch name ang
bawat notes.

Ang mga unang notes ng Bahay Kubo ay isang halimbawa ng melodic motif.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.


Ba - hay ku - bo
Pag-aralan ang iba pang halimbawa ng motif sa ibaba.

A. Rhythmic Motif B. Melodic Motif

Ang mga awitin at musika ay binubuo ng maraming linya o pattern ng melody at rhythm.
Isa sa pinakamahalagang kakayahan na dapat taglayin ng isang kompositor ay ang kaalaman sa
pag-aayos ng mga pattern ng musika. Ang paglalagay ng pattern nang paulit-ulit at mga contrast ay mga
pangunahing prinsipyo sa konsepto ng anyo sa musika. Ang paglalagay ng paulit-ulit na pattern ay
nagpapakita ng pagkakaisa ng ideya. Samantalang ang paglalagay ng magkakaibang pattern ay
nagpapakita naman ng iba’t ibang ideya.

Ang Anyong Unitary at Strophic

Unitary

Maraming uri ng anyo sa musika na maaaring gawing basehan sa paglikha ng isang awit o musika.
May mga simpleng anyo ng musika tulad ng unitary at strophic.
Ang unitary ay isang anyo ng musika na iisa lang ang bahaging inuulit.

Narito ang isang halimbawa ng unitary.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.


Strophic
Isa pang simpleng anyo ng musika ay ang strophic. Ang isang awitin o musika ay maituturing na
may anyong strophic kung ito ay mayroong iisang melody na naririnig nang paulit-ulit sa bawat taludtud
ng buong kanta. Kahit magbago ang mga titik ng awit, ang melody nito ay mananatiling pareho lamang sa
buong awit.

Ang bawat taludtod na may isang melody ay tinatawag na A. Kung ang melody ay inuulit ng
ikalawang beses sa ibang taludtod, ito ay may anyong AA. At kung ang melody ay inuulit ng ikatlong
beses sa ibang taludtod, ito ay may anyong AAA.
Ang ganitong uri ng anyo ay mapapansin o matatagpuan sa mga katutubong awitin, awiting bayan,
himno, awiting pansimbahan at sa mga awiting pamasko.

Narito ang mga halimbawa ng awitin na may anyong strophic.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.


Gawain 1
Panuto: Isulat sa patlang kung TAMA o MALI sa mga sumusunod na pangungusap.

_____________ 1. Hindi lahat ng sining ay may anyo.


_____________ 2. Ang pag-aaral ng konseoto ng anyo ay nagsisimula sa motif.
_____________ 3. Ang pinakamaliit na bahagi o ideya ng musika ay tinatawag na motif.
_____________ 4. Ang mga awitin ay binubuo ng melodic at rhythmic patterns.
_____________ 5. Ang paglalagay ng paulit-ulit na pattern sa musika ay nagpapakita ng
iba’t ibang edeya.

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.


_____________ 6. Ang anyong strophic ay may anyong AAA.
_____________ 7. Kapag ang isang awitin ay may tatlong hanay ng titik, ito ay may anyong
strophic.
_____________ 8. Sa anyong strophic walang pagkakaiba o contrast ang kulay sa
awitin.
_____________ 9. Ang awiting Jingle Bells ay mayroong anyong unitary.
_____________ 10.Ang anyong strophic ay may dalawang pangunahing ideya
nasadyang magkaiba.

Gawain II
Panuto: Mag-isip ng tig-iisang awit na angkop sa uri ng mga awit sa baba. Tukuyin ang anyo ng musika
ng bawat isa. Isulat sa malinis na papel ang pamagat at anyo ng mga awitin na napili mo. Awitin mo ang
mga ito sa harapan ng iyong mga kasama sa bahay tulad ng mga magulang, mga kapatid, at iba pa. I video
ang sarili habang inaawit ito at ipadala sa guro.

1. Isang awiting pambata

(Pamagat)_________________________________________- (anyo)___________________________

2. Isang katutubong awit

(Pamagat)_________________________________________- (anyo)___________________________

3. Isang awiting pamasko

(Pamagat)_________________________________________- (anyo)___________________________

4. Isang awiting pangsimba

(Pamagat)_________________________________________- (anyo)___________________________

Rubrik
Pamantayan Napakahusay Mahusay Bahagyang Kailangan pang
Mahusay Paunlarin
(5) pts (4) pts (3) pts (1) pts
Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.
1. Natukoy ang form
ng kantang inawit
2. Maayos ang
pagkakaawit
3. Angkop ang
paggamit ng kilos at
tinig sa pag-awit
4. Masining ang
pagkakaawit

Repleksiyon/Pagninilay

Marami ka bang natutunan sa araling ito? Ikuwento mo sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod
na katanungan. Isulat sa malinis na papel ang iyong tugon sa mga katanungan.
1. Aling bahagi ng aralin ang naging madali para sa iyo? Bakit kaya ito naging madali para sa iyo?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
2. Aling bahagi naman ng aralin ang punong-puno ng hamon? Bakit mo ito nasabi?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
3. Anong mga aralin ang nais mo pang malaman na hindi nakasama sa araling ito?
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

Mga Sanggunian

Curriculum Guide 2016


K to 12 Most Essential Learning Competencies, with corresponding CG codes
Capiaco, H. & Jacinto, E. Jr., (2016). Ang mga anyo ng Musika. Halinang Umawit at Gumuhit, Batayang
Aklat. 51-55

Answer Key

Gawain 1
1. M 6. T
Note:2.Practice
T Personal Hygiene
7. T Protocols at all times.
3. T 8. M
4. T 9. T
Prepared by:

BABY JANE C. PAIRAT


Grade 5 Teacher

EVALUATOR NAME SIGNATURE


Content Evaluator Mellany C. Malabanan
Language Evaluator Romina G. Duquiatan
Lay-out Evaluator Elaine M. Astrero

Note: Practice Personal Hygiene Protocols at all times.

You might also like