You are on page 1of 10

5

MAPEH (Music)
Unang Markahan – Modyul 1:
Rhythm:
Mga Uri ng Notes at Rests
MAPEH (Music) – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Rhythm: Mga Uri ng Notes at Rests
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Victorina E. Mariano

Editor: Myrna T. Parakikay

Tagasuri: Myrna T. Parakikay

Tagalapat: Lea B. Cabatic

Tagapamahala: Angelita S. Jalimao


Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin
Ang modyul na ito ay isinulat at nilikha upang ang pag-aaral ay maging madali lalong-
lalo na ngayong panahon ng “New Normal.” Bilang isang tugon sa edukasyon, ang
modyul na ito tungkol sa Mga Uri ng Notes at Rests ay naghahamon sa iyo upang ikaw
ay maging isang malikhain, mapamaraan at malayang mag-aaral. Ang saklaw ng
modyul ay magbigay ng iba-ibang gawain upang mapasigla at mahikayat ang malaya at
pansariling gabay sa kasanayang pagkatuto. Ang mga aralin sa modyul na ito ay
maayos na sumunod sa naaayong pamantayan ng asignatura upang matiyak ang
pagpapatuloy ng mabisang pagkatuto, maging makabuluhan ang bawat gawain, at
maiugnay sa pang-araw-araw na buhay.

Ito ay magsisilbing gabay upang iyong makilala ang iba-ibang uri ng simbulo o sagisag
tulad ng notes at rests na ginagamit sa musika at lubos na maunawaan o maintindihan
ang ating paksang aralin.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga paksa at kasanayang may kinalaman sa:
• Mga Uri ng Notes
• Mga Uri ng Rests
• Pagtapik ng mga notes at rests gamit ang stick notation
• Pagtugon sa mga rhythmic patterns
• Pagbasa ng mga notes at rests ng isang awitin.
• Pagkilala ng mga notes at rests na ginamit sa isang awitin.

Pagkatapos mong basahin, aralin at sagutan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. Makikilala ang mga uri ng notes at rests sa rhythmic patterns at awitin;
2. Maitatapik o maisasagawa ang mga kilos ayon sa ritmo na binubuo ng mga
notes at rests;
3. Maipapakita ang iba-ibang paraan ng pagdama ng notes at rests.
4. Mababasa ang tamang ritmo ng awitin.

Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong sagot sa isang malinis na papel.
1. Alin sa mga sumusunod na sagisag ang katumbas ng quarter note?

a. b. c. d.
2. Ano ang sinisimbolo ng isang note?
a. katahimikan b. tunog c. kapayapaan d. ingay
3. Ano ang iyong gagawin kapag nakita ang rest sa isang bahagi ng awitin?
a. Tuloy tuloy na tumapik hanggang matapos ang awitin.
b. Lakasan ang pagtapik sa bahaging may restng awitin.
c. Hinaan ang pagtapik sa bahaging may rest ng awitin
d. Itigil ang pag-awit sa bahaging may rest.

4.
2 Ano ang tawag sa simbulong may salungguhit?
4
a. whole note b. eighth note c. sixteenth note d. half note

1
5. Alin sa mga sumusunod ang half rest?
a. b. c. d.

Aralin
Rhythm:
1 Mga Uri ng Notes at Rests
Ang musika ay isang asignatura na nagpapakita at nagpapadama ng isang
kaisipan/ideya at damdamin sa pamamagitan ng makahulugang anyo tulad ng rhythm,
melody, timbre, dynamics, tempo, texture at harmony.

Ang musika ay gumagamit ng mga simbulo upang lubos na maintindihan ang konsepto
ng rhythm. Ang araling ito ay makakatulong sa iyo upang higit mo pang makilala ang
mga uri ng notes at rests.

Ang mga notes at rests ay dalawang mahalagang bagay na ginagamit sa pagbuo ng mga
rhymes at komposisyong musikal. Ang mga notes at rests ay pamantayang wika na
ginagamit ng mga kompositor upang ipahayag ang kahulugan ng awitin. Ito ang
pangunahing sagisag na kumakatawan ng tunog at katahimikan. Napakalahagang
makilala ang mga uri ng notes at rests upang iyong lubos na maintindihan ay
mapahalagahan ang araling ito.

Balikan

Naalala mo pa ba kung paano ipalakpak o itapik ang mga sumusunod na stick notation?
Tapikin habang binibigkas ang mga sumusunod na stick notation gamit ang rhythmic
syllables na ta at ti.

➢ Ano ang naramdaman mo habang itinatapik ang rhythmic patterns?


➢ Ito ba ay nakatutulong sa iyo upang magkaroon ng malinaw na pang-unawa?

2
Tuklasin

Tayo’y Maglaro
Sa ating paglalaro, may mga tuntunin tayong dapat sundin.
• Kapag nakita mo ang kulay berde, ikaw ay o tatapik.
• Kapag nakita mo ang kulay pula, ikaw ay titigil ng pagtapik o tatahimik.
Subukan mong gawin ang sumusunod:

➢ Nagawa mo ba nang tama ang pagtapik?


➢ Kung oo, bakit? Kung hindi, bakit?

Suriin

Pagmasdan at kilalanin ang mga notes at rests.

May iba-ibang uri ng notes. Ang bawat note ay may pagkakakilanlan. Ang note na
parang bilog lamang ay tinatawag nating whole note samantalang ang note na may stem
ay tinatawag nating half note. Ang note na may shade ay tinatawag nating quarter note.

3
At ang note na may isang hook ay tinatawaf nating eighth note. May dalawang paraan
ng pagsusulat ng eighth note: maaring magkadikit o maari ring magkahiwalay gaya
nito.

May iba-ibang uri naman ang rests. Ang rest na parang sombrero ay tinatawag na
whole rest samantalang ang rest na parang cake ay tinatawag na half rest. Ang quarter
rest ay parang distorted letter E samantalang ang eighth rest ay parang number seven
(7) sign.

Ang mga notes ay maari ring maisulat sa paraang stick notation na ibig sabihin ay
gumagamit lamang ng mga sticks.

Ating pagmasdan ang stick notation ng isang awitin.

Maari rin itong maiguhit sa dalwang paraan katulad nito:

➢ Paano mo makikilala ang notes?


Ganito naman ang magiging anyo ng mga notes kapag isinulat ito sa staff. Ito ay
tinatawag na musical score.

4
➢ Nakilala mo ba ang mga uri ng notes na ginamit sa awitin?
➢ Anu-anong mga uri ng notes ang mga ito?
Narito ang isa pang awitin. Pagmasdang mabuti suriin ang mga notes at rests na
ginamit sa “Harana Sa Bukid.”

Gawin ang sumusunod:


A. Itapik ang ritmo nito.
B. Itapik ang ritmo habang binibigkas ang mga salita ng awitin.
C. Subukang awitin ito.
D. Mag-isip ng kilos na maaring isabay habang inaawit ang “Harana sa Bukid.”
E. Anu-anong uri ng notes at rests ang ginamit sa awitin?
Iguhit ang mga ito at kilalanin ang bawat isa. Isulat ang iyong sagot sa iyong Activity
notebook.
➢ Nagawa mo ba ng tama?
➢ Paano mo nasabing tama ang pagkakagawa mo ng Gawain?

Pagyamanin
Gawain 1.1
Pagmasdang mabuti ang mga rhythmic patterns. Subukang itapik ang mga ito.

5
➢ Paano mo itinapik ang mga rhythmic patterns?
➢ Ano ang iyong pakiramdam habang itinatapik ang mga ito?

Gawain 1.2

Kilalanin ang mga notes at rests na may salungguhit sa Gawain 1. Isulat ang
iyong sagot sa iyong activity notebook.

Gawain 2

Subukan mong basahin ang rhyme “Rhythm, Rhythm” kasabay ang pagtapik.

Tukuyin ang mga uri ng notes at rests na ginamit sa rhyme.


Isulat sa iyong Activity notebook.

Isaisip

Awitin ito sa himig o tono ng “Twinkle, Twinkle Little Star.”


https://m.youtube.com/watch?fbclid=IwAR0ifkMfE5gasdLzEx_cNWrnv8wfQhQn
B6h-wH0XLnbtmvv63KH2fI_iFpA&feature=share&v=aFG04hszbnc

A circle ( ) is a whole note


A circle with a stem ( ) is a half note.
A half note with a shade ( ) is a quarter note
A quarter with a hook ( ) is an eighth note
Let’s remember each of them.
Now let us visualize the kinds of notes.

A hat-like ( ) is a whole rest


A cake-like symbol’s ( ) a half rest
Distorted letter E ( ) is a quarter rest
Number seven sign ( ) is an eighth rest
Let’s remember each of them.
Now let us visualize the kinds of rests.

6
Isagawa

Bigkasin ang rhyme na “Tandaan.” Simulan ito nang mabagal na paraan ng pagbigkas.
Ulitin ito nang pabilis nang pabilis ang ritmo. Lumikha ng kilos na maaring isabay
habang binibigkas ang rhyme.

➢ Ano ang naramdaman mo habang ginagawa ang Gawain?


➢ Nakatulong ba ito sa pagkilala ng mga notes? Bakit?

Tayahin

Panuto: Suriing mabuti ang awiting “Tao, Tao Po.” Pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa isang papel.

7
1. Ano ang tawag sa unang note na nasa unang measure ng unang linya ng awitin?
a. quarter note b. whole note c. eighth note d. half note

2. Ano ang tawag sa unang note na nasa unang measure ng ikatlong linya ng
awitin?
a. whole note b. half note c. quarter note d. eighth note

3. Ano ang tawag sa huling rest sa awitin?


a. quarter rest b. eighth rest c. half rest d. whole rest

4. Ano ang tawag sa simbulong may


salungguhit?
a. quarter note b. quarter rest c. eight rest d. eighth note

5. Ano ang huling note ng awitin?


a. eighth note b. half note c. quarter note d. whole note

6. Alin ang whole rest sa mga sumusunod?


a. b. c. d.

7. Alin ang katumbas na rest ng note na


may salungguhit?
a. whole rest b. half rest c. quarter rest d. eighth rest

8. Ano ang tawag sa note na may salungguhit?

a. eighth note b. quarter note c. half note d. whole note

9. Ano ang katumbas na rest ng note na ito?

a. b. c. d.

10. Alin sa mga ito ang half note?


a. b. c. d.

Karagdagang Gawain

A. Pagmasdan at suriing mabuti ang awiting “We’re on the Upward Trail.”

Kilalanin ang mga uri ng notes na ginamit sa awitin.


Isulat ang iyong sagot sa iyong activity notebook.

You might also like