You are on page 1of 10

4

MAPEH (Music)
Unang Markahan – Modyul 1
Rhythm:
Uri at Halaga ng Notes at Rests
MAPEH (Music) – Ikaapat na Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Rhythm: Uri at Halaga ng Notes at Rests
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-
sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nanunuparang Tagapamanihala: Carleen S. Sedilla CESE
Nanunuparang Pangalawang Tagapamanihala: Brian E. Ilan EdD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Gladys A. Espora
Editor: Myrna T. Parakikay
Tagasuri: Myrna T. Parakikay
Tagalapat: Jobelle M. Partido
Tagapamahala: Angelita S. Jalimao
Hepe, Sangay ng Pagpapatupad ng Kurikulum

Neil Vincent C. Sandoval


Pandibisyong Tagamasid, LRMS

Myrna T. Parakikay
Pandibisyong Tagamasid, MAPEH

Inilimbag sa Pilipinas ng Pampaaralang Sangay ng Lungsod ng Makati sa tulong ng


Pamahalaang Lokal ng Makati (Local School Board)

Department of Education – Schools Division Office of Makati City

Office Address: Gov. Noble St., Brgy. Guadalupe Nuevo


City of Makati, Metropolitan Manila, Philippines 1212
Telefax: (632) 8882-5861 / 8882-5862
E-mail Address: makati.city@deped.gov.ph
Alamin

Ang modyul na ito ay isinulat at nilikha upang ang pag-aaral ay maging madali lalong-
lalo na ngayong panahon ng “new normal.” Bilang isang tugon sa edukasyon, ang
modyul na ito tungkol sa Uri at Halaga ng Notes at Rests ay naghahamon sa iyo upang
ikaw ay maging isang malikhain, mapamaraan at malayang mag-aaral. Ang saklaw ng
modyul ay magbigay ng iba-ibang gawain upang mapasigla at mahikayat ang malaya at
pansariling gabay sa kasanayang pagkatuto. Ang mga aralin sa modyul na ito ay
maayos na sumunod sa naaayong pamantayan ng asignatura upang matiyak ang
pagpapatuloy ng mabisang pagkatuto, maging makabuluhan ang bawat gawain, at
maiugnay sa pang-araw-araw na buhay.

Ang modyul ay dinisenyo upang matugunan ang pangangailangan ng mga mag-aaral


para sa ikauunlad ng kanilang kaisipan sa musika. Tatalakayin sa mga araling ito ang
iba-ibang uri at halaga ng notes at rests na isang mahalagang aspeto tungo sa pag-
unawa sa elemento ng musika na kung tawagin ay Rhythm.

Ang modyul na ito ay kinapapalooban ng mga aralin at kasanayan tungkol sa:


• Mga uri ng notes: whole note, half note, quarter note at eighth note.
• Mga uri ng rests: whole rest, half rest, quarter rest at eighth rest.
• Halaga ng bawat note at rest.
• Pagtapik ng mga notes at rests ng isang awit.
• Pagbigkas ng titik ng awit ayon sa halaga ng notes at rests
• Wastong pag-awit ayon sa halaga ng notes at rests gamit ang mga awitin.

Sa katapusan ng pag-aaral ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


1. mailalarawan ang whole note, half note, quarter note, eighth note, whole rest, half
rest, quarter rest at eighth rest.
2. matutukoy ang halaga ng bawat note at rest.
3. masusuri ang iba-ibang notes at rests sa mga nakalahad na awitin.
4. matatapik ang mga notes at rest ng isang awit.
5. mabibigkas ang mga titik ng awit ayon sa halaga ng notes at rests.
6. makaawit ng ayon sa halaga ng notes at rests gamit ang mga awitin.

Subukin
Piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa activity notebook ng Music 4 at lagyan ng petsa
kung kailan sinagutan.

1. Alin sa mga sumusunod na simbolo ang nagpapahiwatig ng tunog?


A. B. C. D.

2. Anong simbulo ng musika ang nagpapahiwatig ng katahimikan?


A. B. C. D.

1
3. Alin sa mga sumusunod na rhythmic pattern ang katugma ng mga salitang “Ay
mali, ay mali”?
A. C.

B. D.

4. Alin sa mga sumusunod na salita ang katumbas ng rhythmic pattern na


?

A. Nanay mong maganda C. Lulubog lilitaw


B. Ay mali, ay mali D. Chimpoy Champoy

5. Alin sa mga sumusunod na rhythmic pattern ang nasa pangkat na tatluhan?

A. C.

B. D.

Aralin
Rhythm:Uri at Halaga ng
1 Notes at Rests
Ang pagkilala sa iba-ibang uri ng notes at rests ay mahalagang matutunan sa mga
unang aralin ng asignaturang Music. Makatutulong ito upang maawit mo ng wasto ang
iba-ibang awiting ating pag-aaralan. Kabilang sa mga kikilalanin natin sa mga notes ay
ang mga sumusunod: whole note, half note, quarter note at eighth note; sa rests naman
ay ang mga susmusunod: whole rest, half rest, quarter rest at eighth rest. Matututunan
din mo rin ang halaga ng bawat note at rest na siyang makatutulong upang matutunan
ang elemento ng musika na “Rhythm”.

Balikan
• Ipalakpak ang mga sumusunod na rhythmic pattern ayon sa mga nakalarawan.

➢ Sa inyong pagpalakpak, papaano mo sinundan ang daloy ng rhythmic pattern?

2
Tuklasin
• Ipalakpak ang sumusunod na rhythmic pattern sa dalawahan, tatluhan, at
apatang kumpas:

2
3
4
• Ipadyak ang beat. Ipalakpak ang rhythm. Bigkasin ang chant.

beat

rhythm

chant

➢ Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang rhythmic pattern? Bakit?

Suriin
Ang bawat awit o tugtog ay binubuo ng iba-ibang notes at rests. Ang note ang siyang
nagtatakda ng tunog samantalang ang rest naman ang natatakda ng katahimikan.

Halina at kilalanin natin ang iba-ibang uri ng notes at rests!

Bahagi ng Note

tail
stem

Mahalaga na
malaman ang
tamang paglalagay
ng stem ng isang
note.

head

Pagguhit ng mga Note

3
Kung ang note head ay nasa
itaas na bahagi ,ang stem
nito ay makikita sa kaliwa.

Kung ang note head ay nasa


ibabang bahagi, ang stem
nito ay makikita sa kanan.

Ang tail ng note ay laging


inilalagay sa kanan.

Kung ang mga notes na


mayroong tail ay magkatabi,
maaari itong isulat ng
magkadikit gamit ang beam.
beam

Iba-ibang Uri ng Notes

Whole note Half note Quarter note Eighth note

4 kumpas 2 kumpas 1 kumpas 1/2 kumpas

Makikita mo sa larawan sa itaas


na habang nadadagdagan ang
bahagi ng note nababawasan
ang bilang ng kumpas.

4
Iba-ibang Uri ng Rests

Whole rest Half rest Quarter rest Eighth rest

4 kumpas 2 kumpas 1 kumpas 1/2 kumpas

Ang whole rest ay kahawig ng


mangkok o sa ingles “bowl”;
samantalang ang half rest ay
kahawig ng sumbrero o “hat”.

mangkok sumbrero

Bawat note ay may katumbas na


rest. Maaring pagsamahin ang mga
notes at rests upang mabuo ang
kumpas isang note o rest na mas
malaki ang halaga ng kumpas.

Halimbawa:

Pagyamanin
• Suriin ang music score ng awit na “Bahay Kubo”
• Basahin ang titik ng awit ayon sa halaga ng notes at rests.
• Itapik ang notes at rests ayon sa halaga nito.
• Awitin ito ng ayon sa tamang bilang ng notes at rest.

5
➢ Tungkol saan ang awit?
➢ Ano-ano ang mga gulay na nakasaad sa awit?
➢ Mahalaga ba ang gulay sa ating katawan? Bakit?
➢ Paano mo ito inawit.
➢ Ano ang magandang maidudulot ng kaalaman sa iba-ibang uri at halaga ng notes
at rests sa iyong pag-aaral ng musika?
➢ Ano ang naradamdaman mo matapos mo itong awitin? Bakit?

Isaisip
Tandaan mo na bawat awit o tugtog ay binubuo ng iba-ibang notes at rests. Ang note
ang siyang nagtatakda ng tunog samantalang ang rest naman ang natatakda ng
katahimikan. Bawat note ay may katumbas na rest ayon sa bilang ng kumpas nito.
Mahalaga na matutunan natin ang mga ito upang maawit natin ng wasto ang iba-ibang
awitin.

Maaring pagsamahin ang mga notes at rests upang mabuo ang kumpas isang note o
rest na mas malaki ang halaga ng kumpas.

Halimbawa:

Ang note ay mayroong tatlong bahagi, ito ay ang mga sumusunod: head, stem at tail.
May tamang paraan sa paglalagay ng stem ng isang note. Kung ang note head ay nasa
itaas na bahagi ,ang stem nito ay makikita sa kaliwa; Kung ang note head ay nasa
ibabang bahagi, ang stem nito ay makikita sa kanan.

6
Isagawa
• Pag-aralan ang awit na “Tiririt ng Maya”.
• Basahin ang titik ayon sa halaga ng notes at rests.
• Itapik ang mga notes at rests.
• Awitin ito kasabay ng pagtapik ng notes at rests.

➢ Tungkol saan ang awit?


➢ Ano-ano ang note at rest na makikita sa pangalawang linya ng awit?
➢ Tukuyin ang bilang ng notes at rests na makikita sa rhythmic pattern na ito.

2. 4. 6. 8. 10.

1. 3. 5. 7. 9.

Tayahin
Piliin ang tamang sagot. Isulat ito sa activity notebook ng Music at lagyan ng petsa
kung kailan sinagutan.

1. Ilan ang bilang ng kumpas ng eighth note?


A. 1/4 B. 1/2 C. 1 D. 2

2. Alin sa mga sumusunod na pinagsamang notes o rests ang katumbas na bilang


ng kumpas ng ?

A. B. C. D.

3. Ano ang rest na katumbas ng halaga ng kumpas ng ?


A. B. C. D.

7
4. Ano ang tawag sa simbolo ng musika na nasa larawan?
A. half rest C. quarter rest
B. half note D. whole rest

5. Alin sa mga sumusunod ang quarter rest?


A. B. C. D.

6. Anong note ang may pinakamalaking halaga ng kumpas?

A. B. C. D.

7. Alin sa mga sumusunod na notes ang may ½ na bilang ng kumpas?

A. B. C. D.

8. Ilan ang mabubuong kumpas sa note at rest na makikita sa larawan?


A. 4 B. 5 C. 3 D. 2

9. Anong tawag sa note na makikita sa hulihan ng music score na nakalarawan?


A. whole note
B. half note
C. quarter note
D. eighth note

10. Ilan ang bilang ng kumpas ng rest na makikita sa parehong larawan ng music
score sa itaas?
A. isa B. dalawa C. tatlo D. apat

Karagdagang Gawain

• Kumuha ng construction paper.


• Hatiin ito sa 8 bahagi (1/8 size)
• Iguhit ang iba-ibang notes at rests at kulayan ito ayon sa nais mo.
• Gupitin ng maayos at idikit ito sa activity notebook ng Music.

➢ Sino ang tumulong sa iyo sa paggawa ng gawaing ito?


➢ Ano ang naramdaman mo matapos mong gawin ito?
➢ Ito ba ay nakatulong upang makaroon ka ng mas malawak na kaalaman
tungkol sa notes at rest?
➢ Bakit?

You might also like