You are on page 1of 13

Yunit 1 – Aralin 1.

1
Pagtukoy sa mga notes at rests sa isang awitin.

I. Layunin
(Identifies visually and aurally the kinds of notes and rests in a song).
Natutukoy (visually & aurally) ang uri ng notes at rests sa isang awit.

II. Paksang Aralin

A. Paksa: Pagtukoy sa notes at rests sa isang awit.

B. Lunsarang Awit: “Tao, Tao Po”, C, , so, “Harana sa Bukid”,C, , so


C .Sanggunian: K-12 BEP, CG in Music, Yunit 1
D. Kagamitan: cd, score ng awit
E. Pagpapahalaga: Pagpapahalaga sa tradisyong Pilipino
F. Konsepto: Ang notes ay simbolo na nagpapakita ng haba o ikli ng tunog at ang rests naman ay
simbolo na nagpapakita ng haba o ikli ng walang tunog.
III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Ipalakpak ang mga sumusunod na rhythmic patterns:

b. Tonal

2. Balik-aral
Pag-usapan ang mga napag-aralan tungkol sa notes at rests noong nakaraang taon.
Magpakita ng mga simbolo nito at ipatukoy ang mga ito.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Iparinig ang awiting “Tao, Tao Po”, at ipadama ang rhythm nito sa pamamagitan ng
pagguhit ng mga linya kasabay ng pakikinig. (Mahabang linyang patayo para sa mahaba ang tunog
at maikling linyang patayo para sa maikling tunog. Matapos ito pag-usapan ang kanilang iginuhit)
2. Paglalahad
Ayon sa napakinggang awit, pag-usapan ang iba’t ibang haba o ikli ng tunog na narinig.
Ipakita ang score ng awit.

3. Pagtalakay
Anu-ano ang mga uri ng notes at rests sa awit? (Pag-usapan ang score at ang mga
simbolong nakapaloob dito. Ipakita rin ang chart ng notes at rests.

Note/Rest Name
Beats
Whole note / rest 4 beats

Half note / rest 2 beats


Quarter note / rest 1 beat

Eighth note / rest ½


beat
Sixteenth note / rest ¼ beat
4. Paglalahat
Paano ipinakikita ang haba at ikli ng tunog at pahinga sa isang awit?
( Sa pamamagitan ng iba’t ibang notes at rests. Ang notes ay duration ng tunog at ang rests ay
duration ng pahinga.

5. Paglalapat
Ipakita ang score ng awiting “Harana sa Bukid” at tukuyin ang mga uri ng notes at rests na
ginamit sa awit.

6. Repleksyon
Anong tradisyon ng mga Pilipino ang isinasalarawan ng ating awit? Anong aral ang
maaring mapulot sa gawaing ito?
C. Pangwakas ng Gawain
Muling ipaawit ang “Harana sa Bukid” at sabayan ito ng angkop na kilos ng katawan.
IV. Pagtataya

Di-Gaanong
Gawain Napakahusay Mahusay
Mahusay
1. Natukoy ang iba’t ibang uri
ng notes at rests sa awitin.

2. Naawit na tama ang tono ng


mga lunsarang awit.
3. Nakalikha ng angkop na
kilos habang inaawit ang
lunsarang awit.

V. Takdang Gawain/ Kasunduan


Iguhit ang chart ng mga notes at rests sa isang ¼ illustration board
Musika-5
Yunit 1 – Aralin 1.2
Pagtukoy sa mga notes at rests sa isang awitin.
I. Layunin:
(Identifies visually and aurally the kinds of notes and rests in a song).
Natutukoy (visually & aurally) ang mga uri ng notes at rests sa isang awit.
II. Paksang Aralin
A. Paksa Pagtukoy sa notes at rests sa isang awit.
B. Lunsarang Awit “Run, Walk and Stop”, 44, do
C. Sanggunian Umawit at Gumuhit 4 TG p.14

D. Kagamitan iskor ng awit na nakasulat sa tsat


Plaskard ng mga notes at rests
E. Pagpapahalaga Pakikinig nang may pag-unawa
F. Konsepto Iba’t ibang uri ng nota at pahinga ang ginagamit upang
makabuo ng isang awitin/ komposisyon.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Hatiin sa dalawang pangkat ang klase.
Unang Pangkat- Ipapalakpak ang rhythmic pattern
Ikalawang Pangkat – Ipaawit gamit ang “loo”

b. Tonal
Pag-awit ng Scale ng C major na tama ang tono.
2. Balik-aral
Tingnan ang mga plaskards ng notes at rests. Iugnay ang mga notes sa
kanilang katumbas na rest at ibigay ang kaukulang bilang ng kumpas ng bawat
isa.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ano kayang uri ng note ang may maikli at mahabang tunog na napag aralan na ninyo?
2. Paglalahad
a. Iparinig sa mga bata ang awit na Run, Walk and Stop.

b. Ituro ang awit sa pamamaraang rote.


c. Ipaawit ito nang sabay-sabay at ng pangkatan.
d. Ipaawit rin ang so-fa silaba ng bawat melodic phrase.
3. Pagtalakay
(Ipakita ang score ng awit)
a. Ilang parirala mayroon ang awit?
b. Magkakahawig ba ang bawat parirala?
c. Anu-anong notes at rests ang ginamit sa bawat parirala?
d. Pakinggan ninyong muli ang awit. Aling note at rest ang may maikling tunog? Alin
ang may mahabang tunog? Katamtamang haba ng tunog?
e. Ano ang daloy ng awit sa mga pariralang may maiikling tunog?mahabang tunog?
f. Ano ang mga note at rest na ginagamit kapag mabilis ang daloy ng awit? Kapag
mabagal?
g. Bakit maiikli ang tunog ng mga note sa unang parirala? Anu-ano ang mga note at
rest na ginamit dito?
h. Bakit matagal na walang tunog ang ikatlong sukat sa huling parirala? Anong sagisag
pangmusika ang makikita rito?

4. Paglalahat
Anu-ano ang mga note at rest na karaniwang ginagamit sa mga awitin/komposisyong
ating inaawit o naririnig?
Ano ang kaugnayan ng note at rest sa daloy ng tunog ng awit/komposisyon na ating
inaawit o naririnig?
5. Paglalapat (Pangkatang Gawain)
a. Suriin ang iskor ng awit na “ Paruparong Bukid “. Kilalanin ang mga note at rest
na ginamit sa awit.

b. Pakinggan ang himig ng awit na “ Inday sa Balitaw “. Subuking kilalanin ang mga
note at rest na ginamit dito. Iguhit ang inyong sagot sa manila paper.
6. Repleksiyon
Bakit mahalaga na kilala natin ang mga uri ng notes at rests na ginamit sa isang awit
o komposisyon?
C. Pangwakas na Gawain
Awiting muli ang awit na “Run, Walk and Stop”.
IV. Pagtataya
Panuto: Suriin ang melodic phrase at isulat kung anong uri ng note at rest ang matatagpuan rito.

V. Takdang Aralin
Pag-aralan ang awit at kilalanin ang mga note at rest na ginamit.Isulat ang sagot sa inyong notebook.
Musika-5
Yunit 1 – Aralin 2.1
Pagkilala sa mga rhythmic pattern na gumagamit ng half note, quarter note at eight note
sa simple time signature.

I. Layunin
(Recognizes rhythmic pattern using quarter note, half note and eight note in simple time
signatures)

Nakikilala ang mga rhythmic pattern na gumagamit ng quarter note, half note and eight
note sa simple time signature.
II. Paksang Aralin

A. Paksa : Pagkilala sa mga rhythmic pattern sa simple time signature na gumagamit ng


iba’t ibang uri ng notes.

B. Lunsarang Awit : “Hear the Rain”, C, , so, “Bahay Kubo”,C, , so , “Bumalaka Ay

Buwan”, C, , do
C.Sanggunian : K-12 BEP, CG in Music, Yunit 1
D. Kagamitan : cd, score ng awit
E. Pagpapahalaga : Pagkilala sa awit mula sa Benguet at pag-unawa sa kahulugan nito.
F. Konsepto : Ang rhythmic pattern ay ang pinagsama-samang mga notes at rests na
binubuo ayon sa nakasaad na meter o time signature.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Pagsasagawa ng echo clapping sa pangunguna ng guro.
b. Tonal
Pag-awit ng ascending scale gamit ang loo.
2. Balik-aral
Punuan ng note/rest ang chart.

Note/Rest Name Beats

Whole note / rest 4 beats


Half note / rest
_____________ 1 beat

Eighth note / rest


¼ beat

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Kapag tayo ay nagsasagawa ng echo clapping, anong inyong nararamdaman?
Bakit kaya?
2. Paglalahad
Isa sa dapat nating kasanayan ay ang pagkilala sa meter na ginagamit at pagtukoy
sa mga note at rest na ginagamit sa isang awit. Pakinggan natin ang mga sumusunod na
awit at tukuyin ang patten nito. Iparinig ang awiting “Hear the Rain”. Subukang sabayan
ng palakpak ang bawat kataga ng awit. Damhin at tukuyin ang meter nito at subukang
kilalanin ang mga ginamit na note at rest.

3. Pagtalakay
Ano ang meter ng awit? Palakpakin ito ng mabagal upang matukoy ang rhythmic
pattern nito. Ano kaya ang time signature ng awit? Anu-anong note/rest ang ginamit dito?
Tunghayan ang score ng “Bahay Kubo”. Anong meter ang ginamit sa awit? Anu-
ano ang ginamit na note/rest sa awit? Isulat ang rhythmic pattern ng awit.
4. Paglalahat
Anu-anong note/rest ang maaring gamitin sa rhythmic pattern?
Ang bawat rhythmic pattern ay maaaring gumamit ng iba’t ibang note/rest ayon sa
hati ng rhythm.
5. Paglalapat
Bumuo ng apat na pangkat. Tunghayan ang score ng awiting “Bumalaka Ay Buwan”, isulat
ang rhythmic pattern nito at lapatan ng angkop na kilos ayon sa kahulugan nito.

6. Repleksyon
Anong pangkat mula sa Luzon ang pinagmulan ng awiting “Bumalaka Ay Buwan”?
mga Pilipino ang isinasalarawan ng ating awit? Anong mensahe ang ipinararating ng awitin?
C. Pangwakas ng Gawain
Humanap ng score ng isang Filipino Folk Song at isulat ang rhythmic pattern nito.
IV. Pagtataya
Gamit ang score ng awiting “Pilipinas Kong Mahal”, iguhit ang rhythmic pattern nito.
Musika-5
Yunit 1 – Aralin 2.2
Pagkilala sa mga rhythmic pattern na gumagamit ng half note, quarter note at eight note
sa simple time signature.

I. Layunin:
(Recognizes rhythmic pattern using quarter note, half note and eighth note in simple time
signatures).
Nakikilala ang mga rhythmic pattern na gumagamit ng mga note sa simple time
signature
II. Paksang Aralin

A. Paksa: Mga Rhytmic Pattern na Ginagamitan na Quarter Note, Half


Note at Eighth Note
B. Lunsarang Awit: “Tayo’y Maglaro”, 4, mi
4
C. Sanggunian: CG MU5RH-Ia-b-2
Halina’t Umawit 5 p. 72
D. Kagamitan: Iskor ng awit na nakasulat sa tsart
lata at patpat o anumang bagay na tumutunog sa
pamamagitan ng pagpukpok
E. Pagpapahalaga : Pagiging maparaan.

F. Konsepto: Ang rhythmic pattern na may simpleng time signature ay


karaniwang binubuo ng quarter note, half note at eighth note.
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
a. Rhythmic
Gumamit ng lata at patpat sa pagtugtog ng sumusunod na rhythmic pattern

b. Tonal
Awitin ang mga so-fa syllable ng may wastong tono.
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
_________________________________________________________________
______

fa so fa so fa mi so mi do
2. Balik-aral
Tukuyin ang mga uri ng note at rest na ginamit sa awit.
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Pag-aralan ang rhythmic pattern at subuking ipalakpak ang mga notes at rest na nasa bawat
sukat.

Naipalakpak mo ba nang wasto ang mga notes at rests?


Anu-anong notes at rest ang matatagpuan sa rhythmic patten?
2. Paglalahad
a. Ipakita sa mga bata ang iskor ng “Tayo’y Maglaro”.
b. Iparinig sa mga bata ang awit.

c. Ituro ang awit sa pamamagitan ng rote method.


d. Patunugin ang rhythmic pattern sa pamamagitan ng pagtapik sa hita o pagpadyak ng paa.
3. Pagtalakay
a. Ano ang palakumpasan ng awit?
b. Ilang parirala ang bumubuo sa awit na “Tayo’y Maglaro”?.
c. Anu-ano ang mga rhythmic pattern na nabuo sa awit? Iguhit ito sa pisara.
d. Anu-ano ang mga notang bumubuo sa bawat rhythmic pattern?
e. Makagagawa ka ba ng sariling rhythmic pattern na may time signature na
ginagamit ang kumbinasyon ng mga notang nabanggit?

4. Paglalahat

Anu-ano ang mga notang madalas na ginagamit sa mga rhythmic pattern na may time
signature na 2, 3, at 4 ?
4 4 4

5. Paglalapat
Pag-aralan ang mga rhythmic pattern sa ibaba. Tukuyin ang mga notang ginamit at ang time signature
nito .

a.

b.

c.

6. Repleksiyon
Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kaalaman sa mga nota na ginagamit sa mga rhythmic
pattern na may simpleng time signature?
C. Pangwakas na Gawain
Ipaawit na muli sa buong klase ang “Tayo’y Maglaro” habang ipinapalakpak ang mga nota na
matatagpuan sa awit.
IV. Pagtataya
Panuto: Tingnang mabuti ang iskor ng awit na “Ang Dalagang Pilipina”. Hanapin ang mga rhythmic
pattern na may iba’t ibang kumbinasyon ng quarter note, half note at eighth note. Isulat ito sa sagutang
papel.

You might also like