You are on page 1of 14

Crayon Resist

ng Disenyong
Etniko
Likas sa mga Pilipino ang pagka-malikhain at
pagkamakasining. Ito ay minana natin sa ating mga
ninuno. Sa ilang sanlinlahi ay nakikita ang mga
masining na likha ng mga katutubo.

Kaakit-akit ang mga disenyong gawa ng mga


pangkat-etniko. Ang kanilang talino at kasanayan sa
paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng mga
kagamitang pantahanan, palamuti sa katawan,
kasuotan at iba pa.
Maranao
Ifugao
Agta
Bagobo
Bagobo
Si Tubig at si Langis
Sa isang barangay ay may dalawang batang lumaki
na palaging magkaaway. Sila ay si Langis at Tubig.
Si Langis ay batang matalino ngunit mahirap ang
buhay. Dahil dito, siya ay laging binu-bully ng mga
kaklase. Isa sa mga ito ay si Tubig.
Si Tubig ay isang batang mapang-bully. Lagi niyang
inaasar si Langis kasama ang kanyang mga
kaibigan.
“Langis, gusto mo sumama sa amin? Magbihis ka
nang maayos ha, yung pwedeng pambu”, pang-aasar
ni Tubig. Nagtawanan ang mga kaibigan ni Tubig.
“Ako na naman ang nakita mo, Tubig.
Pwede ba, kahit isang araw lang, tantanan
ninyo ako,” pasigaw na sabi ni Langis.
“Gusto ka lang naman naming isama,
ayaw mo ba?”, may panunuksong tanong
ni Tubig.
“Gusto ninyo lang ako isama para may
pagtawanan kayo”, sagot ni Langis.
“Syempre, para lagi kaming masaya”,
tumatawang sagot ni Tubig.
Hindi na sumagot si Langis. Alam niyang
asar-talo siya sa tulad ni Tubig. Kaya
iniiwasan na lamang niya ito.
Isang araw, sinundan ni Tubig at ng
kanyang mga kaibigan si Langis. Nakita
nilang pumasok si Langis sa isang
barung-barong. Nakita nila ang ina nito na
kinausap si Langis.
“Anak, wala tayong pagkain sa araw na ito”,
malungkot na sabi ng ina ni Langis. “Hindi ko din
alam kung may maibibigay ako na baon sa iyo
bukas”, dugtong nito. Nakita nilang tumulo ang luha
ni Langis.
Sa narinig ni Tubig at ng kaniyang mga kaibigan,
napahinto sila at marahang umalis. Habang sila ay
pauwi, sinabi ni Tubig sa kaniyang mga kaibigan na
kaawa-awa naman pala si Langis. “Mabuti
nakakapasok pa siya sa eskwela kahit walang baon.
Kaya pala lagi siyang tahimik”, dagdag ni Tubig.
Kinabukasan, inabangan nila si Langis hindi para
asarin kundi para bigyan ng damit at pagkain.
Nilapitan nila si Langis ngunit ito ay umiwas.
Inalok nila ng pagkain si Langis, pero muli itong
umiwas.
Sinubukan ni Tubig na maging mabait at
makipaglapit kay Langis ngunit sa tuwing
lumalapit siya kay Langis ay umiiwas ito. Hindi sila
nabigyan pa ng pagkakataon na magkasama dahil
sa tuwing lumalapit si Tubig ay lumalayo si Langis.
Sagutin ang mga tanong:
1. Sino ang dalawang pangunahing tauhan sa kwento?
2. Ano ang kanilang mga katangian?
3. Bakit nagbago ang pakikitungo ni Tubig kay Langis?
4. May kilala ka bang kapareho ni Tubig at Langis?
Nagbago ba ang kanilang pakikitungo sa isa’t isa?
5. Sa iyong palagay, bakit hindi nakipaglapit si Langis
kay Tubig?
Ang mga disenyong etniko o pattern na pag-aaralan natin ay
maaaring gamitin sa paggawa ng isang obra. May iba’t ibang
paraan din sa paggawa gamit ang krayola. Isa ang crayon
resist na maaaring gamitin sa pagbuo ng obra.

Alam ninyo ba na may mga bagay na hindi maaaring maghalo


tulad ng langis at tubig? Ang kaisipang ito ay mapatutunayan
sa sining na crayon resist na ang ibig sabihin ay “naiwasan ng
krayola na matakpan ng water color”. Dahilan sa katangian ng
krayola na malangis at madulas ay hindi ito maaaring
matakpan ng water color na matubig.
Sa araling ito ay natutuhan ko na ang Crayon Resist
ay ang paggamit ng krayola at water color sa likhang-
sining. Isulat ang kung tama ang sinasabi sa
pangungusap at X kung mali.Gawin ito sa isang
buong papel.
______1. Mas napagaganda ang likhang-sining kapag
ito ay may kulay.
______2. Maipagmamalaki ang kagandahan ng kultura
ng pangkat-etniko sa crayon resist.
______3. Napahahalagahan ang mga masining na
disenyo ng pamayanang kultural sa pamamagitan ng
kulay.
Piliin ang titik ng tamang sagot.

A 1. Ito ay isang paraan ng sining na hindi maaring haluan ng tubig dahilan sa katangian
ng krayola na malangis at madulas.
a.) Crayon Resist b.) Paglilipat ng disenyo c.) Pagpipinta

A 2. Alin sa mga sumusunod na obra ang maaring gamitan ng paraang crayon resist?
a.) damit b.) takip ng notebook c.) banga d.)sapatos

C 3. Dapat ______ ang mga naiambag sa sining ng mga pangkat-etniko.


a.) Itapon b.) Isawalang bahala c.) Pahalagahan d.) Isantabi

4. Tunay na maipagmamalaki ang mga disenyo na nagmula sa ating mga pangkat-


A etniko.
a.) Oo b.) Hindi c.) Maaari d.) Walang komento

D 5. Sa paggawa ng likhang-sining makikita ang iba-ibang _____ sa isang obra.


a.) awit b.) kasabihan c.) kilos d.) elemento

You might also like