You are on page 1of 25

Aralin 4- Pagguhit ng 3

Dimentional na Bahay o Gusali


Ang Pilipinas ay maraming
antigong gusali na makikita sa ibat-
ibang bahagi ng bansa. Ito ay mga
simbahan at tahanan na sa kabila
ng mahabang panahon ay
kakikitaan parin ng katatagan at
kakaibang disenyo na tunay na
maipagmamalaki.
National museum- pambansang museo ang opisyal na
lagayan ng mga pamana n gating lahi. Dito nakatago
ang mga mahahalagang bagay na ginamit ng mga
unang Pilipino at bayani ng bansa.
Tahanan ni Emilio Aguinaldo- ay nasa Kawit
Cavite sa balkonahe nito iwinagayaway ni
Aguinaldo ang bandila ng Pilipinas noong June
12, 1898.
Mosque- simbahan o dalanginan ng
mga muslim.
4. Manila Metropolitan Cathedral- o mas kilala
sa tawag na Manila Cathedral itinayo noong
1571.
TANONG:
1. Paano mo ilalarawan ang
panuntunan sa pangangalaga
ng mga antigo at sinaunang
gusali?
2. Bakit dapat pangalagaan ang
mga antigo o sinaunang gusali?
Gawain:
Magpabuo sa bata sa
pamamagitan ng karton o
popsicle sticks ng isang gusali na
nagustuhan upang maipakita ang
tatlong dimensiyonal na imahe.
6 na Paraan ng Paggawa ng Ilusyon ng Espasyo
1. Pagkakapatong-patong o overlapping ng mga
bagay-mas malapit tingnan ang mga bagay na
iginuguhit ng nakapatong o nasa harap ng isa
pang bagay.
2. Posisyon ng mga bagay- Ang bagay na nasa
bandang itaas ng isang larawan ay
magmumukhang malayo sa mga mata ng
tumitingin sa larawan.
3. Sukat ng bagay- Ang bagay na mas maliit
ay magmumukhang mas malayo
4. Detalye ng mga bagay-
Kapag mas malayo ang isang bagay, mas
kaunti ang mga masisinagang detalye
nito.
5. Kulay ng mga bagay-
Mas madilim ang kulay ng mga nasa
malapit sa tumitingin habang mapusyaw sa
mga nasa malayo.
4. Detalye ng mga bagay-
Kapag mas malayo ang isang bagay, mas kaunti
ang mga masisinagang detalye nito.
5. Kulay ng mga bagay-
Mas madilim ang kulay ng mga nasa malapit sa
tumitingin habang mapusyaw sa mga nasa
malayo.
6. Perspektibo
Ito ay paggamit ng mga linya sa paglikha ng
ilusyon ng espasyo
Alam mo ba?
Maari mong gawing makatotohanan ang
pagguhit ng mga bagay tulad ng
arkeolohikal na artifacts sa pamamagitan
ng pagtingin ng bagsak ng ilaw ( light) sa
nasabing mgga bagay. Kapag natutuhang
gumamit ng bagsak ng ilaw, makikita rin
ang mga anino ( shadow) sa ginuguhit.
Maaring palabasin ang ilaw at anino sa
ginuguhit sa pamamagitan ng ibat-ibang
teknik ng shading.
Isagawa Natin:

Archeological Artifact Wall Décor

Kagamitan:
•Lapis
•¼ na kartlona o recycled cardboard
•Gunting
•Pandikit
•krayola o oil pastel
•Mga recycled na Materials
Mga Hakbang sa paggawa:
1. Pumili ng isang bagay o artifact sa inyong lalawigan
2. Ihanda ang mga kagamitran sa pagguhit.
3. Iguhit ang larawan ng napiling arkeolohikal na artifact.
4. Kulayan ng maayos ang mga espasyo sa ibang bahagi
upang maging maganda at kaakit-akit
5. Tingnan ang bagsak ng mga ilaw sa ginuguhit. Gumamit
ng mga teknik ng shading para maipakita ang bagsak ng
ilaw at maklikha ng ilusyong 3D sa ginagawang likhang-
sining.
6. Kumuha ng tail at ilagay ito sa magkabilang dulo
7. Iligpit ang pinaggawaanpagkatapos ng gawain
8. Maaari itong isabit sa pader ng inyong bahay
9. Suriin ang ginbawang likhang sining gamit ang ruriks Sa
“ Halinang Umawit at Gumuhit sa pahina 119
Tandaan Natin: Mahalaga ang mga
artifacts sa ating sining sapagkat
ipinapakita nito ang kasaysayan,
kabuhayan,at paraan ng
pamumuhay noong unang
panahon. Kayang-kaya mong iguhit
ang ilusyon ng esapasyo ng tatlong
dimensiyonal na guhit ng mga
artifact na ito sa pamamagitan ng
paggamit ng teknik ng shading.

You might also like