You are on page 1of 14

5

ARTS
Kuwarter 2 – Modyul 5:
Pagpinta- Paggamit ng
Komplementaryong Kulay

Department of Education • Republic of the Philippines


Arts – Baitang 5
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 2 – Modyul 5: Pagpinta- Paggamit Ng Komplementaryong Kulay

Unang Edisyon, 2019

Paunawa hinggil sa karapatang-sipi .Isinasaad ng Seksyon 176 ng Batas


Pambansa Bilang 8293: Hindi maaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng
Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, Kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaam o
tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang
nasabing akda. Kabilang sa mga maaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang
patawan ng bayad na royal bilang kondisyon.

Ang mga akda/ materyales (mga kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng
produkto o brand names, tatak o trademarks, palabras sa telebisyon, pelikula atbp.) na
ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyo. Pinagtibay sa isang
kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at Filipinas Copyright Licensing Society
(FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kumakatawan sa paghiling ng pahintulot sa
nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng
tagapaglathala (publisher) at mga may akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor M. Briones
Pangalawang Kalihim: Atty. Nepomuceno A. Malaluan
Assistant Secretary: Atty.Salvador C. Malana III

Mga bumubuo ng Kagamitang ng Mag-aaral


Manunulat: Erickson T. Gutierrez
Konsultant: Erickson T. Gutierrez
Tagasuri:
Tagasalin:
Tagaguhit:
Tagapamahala:

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) (Sample)

Office Address: ____________________________________________


____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________

Department of Education • Republic of the Philippines


5
ARTS
Kuwarter 2 – Modyul 5:
Pagpinta- Paggamit ng
Komplementaryong Kulay

Ang kagamitang ito sa pagtuturo ay magkatuwang na inihanda at


sinuri ng mga guro mula sa mga pampublikong paaralan, kolehiyo at
unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng
edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng
Edukasyon sa action@deped.gov.ph. Mahalaga sa amin ang inyong mga
puna at mungkahi.

Department of Education • Republic of the Philippines


Panimulang Mensahe
Para sa Tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay isang instrumento upang matugunan ang


pangangailangan ng isang tao upang makapag-aral sa ano mang pagkakataon.
Bilang isang tagapagdaloy, tiyaking maging malinaw sa mag-aaral kung paano
gagamitin ito at sasagutan ang mga gawain sa bawat bahagi. Ipaalala sa mag-aaral
na hindi sila magsusulat sa modyul dahil magkakaron sila ng hiwalay na sagutang
papel.

Para sa mag-aaral:

 Bago magsimula sa pag-aaral ng modyul na ito, sagutan mo muna ang


panimulang pagtataya na inihanda ko para sa iyo. Isulat ang titik sa
iyong sagutang papel.
 Basahin at unawain ang panuto ng mga gagawin sa bawat bahagi ng
modyul.
 May mga sasagutan ka sa modyul na ito bago at pagkatapos ng aralin.
 Bawat bahagi ay may nakatakdang icon o karakter bilang
representasyon.
 Iwasto ang sagot ng mga piling gawain sa dulong bahagi ng modyul.
 Maging matapat sa pagsagot sa modyul.
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at sinulat para sa iyo bilang isang mag-aaral. Ito ay
makatutulong upang matutuhan ang tungkol sa paggamit ng komplementaryong
kulay. Ang sakop ng modyu ay magamit sa anomang kalagayan ng mag-aaral. Ang
mga salitang ginamit dito ay angkop sa lebel ng pang-unawa ng mag-aaral na
naaayon sa pamantayan nito.

Mga Kasanayang Pampagkatuto:


 Nakapagpipinta ng isang dibuho na nagpapakita ng mga bukod tanging
tanawin sa bansa gamit ang tamang kumbinasyon ng kulay (A5PL-lle)

Layunin:

 Nauunawaan ang prinsipyo ng komplementaryong kulay sa mga likhang


sining.
 Nakagagawa ng isang likhang sining na nagpapakita ng bukod tanging
tanawin sa bansa gamit ang komplementaryong kulay.
 Nabibigyang halaga at napagtitibay ang paghanga sa mga iba’t-ibang
magagandang tanawin sa bansa sa pamamagitan ng paglalapat ng disenyo
sa likhang sining gamitr ang komplementaryong kulay.
Subukin

Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa iyong sagutang papel.
1. Ang mga kulay na direktang magkaharap sa color wheel ay tinatawag na
A. Primary colors C. Tertiary color
B. Secondary colorsi D. Complementary colors

2. Alin sa mga sumusunod na kulay ang hindi kabilang kapag pinaghalo ang
complimentary colors?
A. Kulay puti C. Kulay abo
B. Kulay itim D. kulay dilaw

3. Ginagamit ang komplementaryong kulay saan man sa mundo.


A. Tama C. sa Pilipinas lamang
B. Mali D. sa ibang bansa lamang

4. Nagkakaroon ng kakaibang ganda sa isang likhang sining na nilapatan ng


komplementaryong kulay.
A. Tama C. Minsan
B. Mali D. Siguro

5. Mas napapahalagahan ang likhang sining kung hindi na ito gagamitan ng mga
komplementaryong kulay.
A. Tama C. Minsan
B. Mali D. Siguro
Aralin
Paggamit ng
5 Komplementaryong Kulay
Ang araling ito ay makatutulong sa mga mag-aaral upang malaman ang
paggamit ng komplementaryong kulay. Bago ipagpatuloy ang pagtalakay sa paksa
ay sagutan mo muna ang mga susunod na gawain.

Balikan

Sagutin ang sumusunod na katanungan:

Gamit ang pangkulay, hanapin at pagtapatin ang mga istilo sa


pagpipinta at mga likhang sining ng mga tanyag na Pilipinong pintor sa
ating bansa na makikita sa ibaba.

El Kundiman

Istilong madilim
at makulimlim na River Stone
kulay
Istilong
gumagamit ng La Tenuana
makukulay at Family Istilong
geyometrikong matitingkad na Mother & Daughter
istilo kulay para sa
kanyang obra

Tiyaking malinaw ang pagbibigay ng panuto at nasusunod ito ng


maayos. Ipaalala sa mag-aaral na maging matapat sa pagsagot.

Manuel Baldemor Victorio Edades Prudencio Lamarroza Fabian Dela Rosa


Tuklasin

Pag-aralan ang mga larawan ng magagandang tanawin sa ating


bansa sa ibaba.

1. Ano ang pagkakapare-pareho ng mga larawan?


2. Ano ang kapansin-pansin sa kulay ng mga ito?
3. Anong masasabi mo sa kombinasyon ng kulay?

Isa-isa ang mga kulay na nakikita sa mga larawan na nasa itaas.


Kumpletuhin ang mga kulay sa color wheel.

Suriin

Ang pagpipinta ay isa sa mga


nakakaaliw na gawain saanman tayo
naroroon. Sa tulong ng ating damdamin, mas naipapahayag natin ang
mga nais nating iparating sa pamamagitan ng paglalapat ng mga
kombinasyon ng kulay na nagiging gabay natin sa tuwing tayo ay
nagpipinta at ito ay ang paggamit ng complementary colors.
Ang Komplementaryong kulay ay ang mga kulay na direktang
magkakaharap sa color wheel. Kapag pinasama ang mga
komplementaryong kulay ay makakabuyo tayo ng mga kulay na abo,
puti at itim. Sa tamang kombinasyon at pagsasama sama ng kulay ay
maaari tayong makalikha ng kakaiba at magandang likhang sining.

Tingnan ang larawan. Pag-aralan kung paano ginamit ang


komplementaryong kulay.
Pagyamanin

Pag-unawa sa paggamit ng komplementaryong kulay

Basahin at unawain ang panuto sa bawat bahagi ng Gawain. Gawin ito sa iyong
sketch pad

Gawain 1.1: Umisip ng isang maganda at bukod tanging tanawin na makikita sa


bahaging Luzon. Alalahanin ang prinsipyo ng komplementaryong
kulay sa gagawing ng likhang sining.

Gawain 1.2: Umisip ng isang maganda at bukod tanging tanawin na makikita sa


bahaging Visayas. Alalahanin ang prinsipyo ng komplementaryong
kulay sa gagawing ng likhang sining.
Gawain 1.3: Umisip ng isang maganda at bukod tanging tanawin na makikita sa
bahaging Mindanao. Alalahanin ang prinsipyo ng komplementaryong
kulay sa gagawing ng likhang sining.

Isaisip

Ang mga kulay na direktang magkaharap sa color wheel at tinatawag na


komplementaryong kulay. Ito ay nabuo dahil sa nagkakaroon ng maganda
kombinasyon kapag ang magkasalungat na kulay ay pinagsama. Mahalagang
matutunan ang kombinasyon ng kulay upang mailabas ang nais ipahatid sa atin
ng mga likhang sining. At sa tulong ng mga kombinasyong ito, mas
napapahalagahan natin ang mga likhang sining mula noon hangang sa
kasalukuyan.

Isagawa

SABLAY! na may Komple-PINTAryong kulay


Ang sablay ay isang katutubong kasuotan na sinusuot ng mga
katutubong Pilipino sa mga tradisyonal na okasyon.

Lumikha ng isang likhang sining ng isang maganda at natatanging


tanawin sa isang puting tela gamit ang komplementaryong kulay na
gagawing Sablay.

Mga Dapat Ihanda: Puting tela, pintura (acrylic), lapis, pinsel, lumang
dyaryo, pardible,

Hakbang sa Paggawa:
1. Kumuha ng isang puting tela na may sukat na 25*4 pulgada.

2. Itupi sa gitna ang tela at lagyan ng marka ang pinatupian.

3. Ang kalahating bahagi na natupi ang pagguguhitan ng maganda at


natatanging tanawin sa ating bansa.
4. Lagyan ng lumang dyaryo ang lamesang paggagawaan bilang sapin sa
pagpipinta.

5. Iguhit ang napiling magandang tanawin at kulayan ito gamit ang


pintura.

6. Siguraduhing magagamit ang komplementaryong kulay sa pagpipinta


ng likhang sining.

7. Isabit at patuyuin ang ginawa. Pagsamahin at ipardible ang


magkabilang dulo at isuot ang sariling gawang sablay na may
disenyong magandang tanawin at ipagmalaki ang ipininta sa lahat.

8. Linisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

Tayahin

Suriin ang likhang sining na iyong ginawa at lapatan ng kaakibat na


puntos gamit ang rubriks.

Hindi gaanong
Sukatan Napakahusay Mahusay
mahusay
1. Nakagawa ng
orihinal ma
disenyo sa
pagpipinta.
2. Nasunod ng
tama ang mga
pamamaraan
3. Naipakita ang
kahusayan sa
paggawa.
4. Ang likhang
sining ay
natapos sa
takdang oras.
Karagdagang Gawain

Kumuha ng mga colored paper na naayon sa color wheel. Gumupit ng


isang pirasong tatsulok sa bawat kulay. Pagpatungin
ang magkabilang dulo ng tatsulok habang nakapatong
ang kasunod na kulay. Ulit-ulitin hanggang magamit
lahat ng kulay at idikit ito sa isang popsicle stick gamit
ang thumbtacsk.

Answer Key

Balikasn Subukin
1. D
2. D
3. A
4. A
5. B
References

LRMDS, Lesson Exemplar Grade 5: ARTS


LRMDS, Teacher’s Guide Grade V
http://www.flickr,com/photos/trustedsign/3636679084
http://fineartamerica.com/featured/mga-vinta-na-mar-leonardo-chavez.html
http://steemit.com/art/@shelouveloso/boracay-beach-watercolor-painting
http://www.realmenrealstyle.com/color-wheel-mensawear/
http://www.google.com.ph/search?
q=color+wind+mill&prmd=isvn&sxsrf=ALekk01TtYclkBnUQ66d64eEzJiQt3Zang:15
84605650810&source=inms&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKewjQprOHjKboAhXNA4g
KHaPFCDYQ_AUoAXoECA4QAQ&biw=360&bih=648+imgrc=Ku5zdzDZSYYhxM
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – (Bureau/Office)

(Office Address)

Telefax:

Email Address:

You might also like