100% found this document useful (1 vote)
2K views24 pages

Module 4

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
2K views24 pages

Module 4

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagiging Mapanuri, Taglay Ko
Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikaapat na Baitang
Self- Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Pagiging Mapanuri, Taglay Ko

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Reycil C. Landerio
Editor: Marybeth F. Palma
Tagasuri: Marybeth F. Palma
Tagaguhit: Stepahanie E. Prodigo
Tagalapat: Reycil C. Landerio, Jim Ryan S. Dela Cruz
Tagadisenyo ng Pabalat: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug- REPS, ADM
Cynthia G. Diaz- REPS, ESP
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- EPS, LRMS
Juliet L. Sison- EPS, ESP

Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@[Link]
4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 4:
Pagiging Mapanuri, Taglay Ko
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Self


Learning Module (SLM) Modyul para sa araling Pagiging Mapanuri, Taglay Ko

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan
ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Self Learning Module


(SLM) Modyul ukol sa Pagiging Mapanuri, Taglay Ko.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong


sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.

iii
Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka ring
humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa
iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong
isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Magandang araw! Kumusta ka kaibigan? Narito na naman


ang panibagong aralin na iyong pananabikan. Ang araling ito ay
may pamagat na Pagiging Mapanuri, Taglay Ko.
Bilang mag-aaral, paano mo sinusuri ang balitang iyong
nakikita, natatanggap o nakakalap? Isinasangguni mo ba ito sa
mga taong kinauukulan? Kailangan mong masuri ang
katotohanan bago gumawa ng anomang hakbang tungkol sa
nakalap na impormasyon na iyong napanood sa programang
pantelebisyon at dapat sumangguni sa mga taong kinauukulan.
(EsP4PKP- Ic-d – 24).

Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:


1. nakapagsusuri ng katotohanan sa nakalap na
impormasyon batay sa napanood na programang
pantelebisyon; at
2. napapahalagahan ang pagsangguni ng natanggap na
impormasyon sa taong kinauukulan.

1
Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang


titik ng tamang sagot.

1. Tumawag ang iyong kaklase na kanselado ang inyong


klase dahil malakas ang hangin at ulan sa inyong lugar.
Ano ang maaari mong gawin para makompirma na totoo
ang sinabi niya sa iyo?

a. Hindi ko na ito itatanong kung totoo o hindi


b. Tatanungin ko ang aking mga magulang kung tama
ang sinabi ng aking kaklase.
c. Itatanong ko sa iba pang kaklase kung talaga
ngang may pasok kami o wala.
d. Pupunta ako sa aming kapitbahay at makikinig ako
sa kanilang usapan tungkol sa pagkansela ng klase.

2. Habang nanonood ka ng isang balita sa telebisyon ay


biglang ibinalita na mayroong paparating na bagyo sa
susunod na linggo. Sinabi mo ito sa iyong nanay at
tinanong ka niya kung saan mo ito nakalap na
impormasyon. Ano ang iyong sasabihin para maniwala
siya sa iyo?

a. Pababayaan ko na lang ang tanong niya sa akin.


b. Tatalikod na lang ako para walang maraming tanong.
c. Sasabihin kong nakita ko na ibinalita sa telebisyon.
d. Magagalit ako sa kaniya dahil ayaw niyang maniwala
sa akin.

2
3. Alin sa mga sumusunod ang may magandang balita?

a. Presyo ng LPG, tataas


b. Singil sa kuryente, bababa
c. Pataas nang pataas ang namamatay sa sakit dahil sa
virus
d. Ilang mga tao ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa
lindol

4. Saan dapat sumangguni kung nakatanggap ka ng balita


tungkol sa paparating na bagyo?

a. DepEd c. PAGASA
b. DPWH d. PHIVOLCS

5. Ano ang dapat gawin bago tuluyang maniwala sa balitang


napanood sa telebisyon?

a. itanong sa mga kaibigan


b. i-popost kaagad sa Facebook
c. ipagkalat sa mga kapitbahay
d. suriin muna ito bago maniwala

6. Alin sa sumusunod ang dapat paniwalaang balita?

a. Ang COVID-19 ay nakahahawang sakit.


b. Makakukuha tayo ng sakit na Dengue sa kagat ng
langgam.
c. Ang pagbahing at pag-ubo ay senyales na ikaw ay
may sakit sa kamay.
d. Magkakaroon ka ng sakit sa mata kung ikaw ay
nakagat ng lamok.

3
7. Alin sa mga sumusunod na programang pantelebisyon ang
mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa mga
pangyayari sa ating komunidad at bansa?

a. Eat Bulaga
b. It’s Showtime
c. Ben 10
d. TV Patrol at 24 Oras

8. Alin sa sumusunod ang dapat tanungin kung gusto mong


malamang totoo ang iyong nakalap na mga impormasyon?

a. mga magulang c. mga kalaro


b. mga kaklase d. mga alagang hayop

9. Sinabihan ka ng iyong kaklase na wala ang inyong guro


dahil ibinalita sa telebisyon na mayroong pagpupulong
ang lahat ng mga guro. Ano ang iyong maaaring gawin
para maniwala sa sinasabi niya?

a. Hindi ito papansinin.


b. Sasabihin sa mga magulang.
c. Tatanungin ang mga kapitbahay.
d. Tatawagan ang guro at tatanungin kung totoo o
hindi.

10. Bakit dapat suriin ang mga balitang nakita sa telebisyon?

a. Para malaman kung ito ay tunay at totoo


b. Para hindi magkakaintindihan ang lahat
c. Upang maibalita na mali ang impormasyon
d. Upang paniwalaan ito kahit hindi totoo ang balita

4
Aralin
Pagiging Mapanuri,
1 Taglay Ko

Ang pagiging mapanuri ay katangiang taglay na bago


sumang-ayon ay nasusuri ng lubos ang mga impormasyong
sasabihin upang ikaw ay kapani-paniwala sa pagbabahagi ng mga
impormasyon.

Balikan

Kumusta ang pagsagot mo sa iyong panimulang gawain? Ang


dali lang di, ba? Ngayon naman, babalikan natin ang iyong
nakaraang aralin.

Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang


sa kalakip na sanayang papel.

1. Bakit kailangan mong suriin ang mga patalastas na


nabasa o narinig?

_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Kailangan ba ang tamang pagpapasiya sa balitang


nabasa at narinig?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

5
Tuklasin
Mga Tala para sa Guro
Ang modyul na ito ay naglalaman ng kahalagahan sa
pagsusuri
Panuto: ng katotohanan
Basahin ang balita. gamit ang ating mapanuring pag-
iisip. Makatutulong din ito sa iyo kung paano pahalagahan
ang pagsangguni sa kinauukulan tungkol sa mga nakalap na
impormasyon.
Maaaring humingi ng tulong sa mga magulang o sa
nakatatandang kapatid kung kinakailangan.

Tuklasin

Basahin at unawain ang kwento sa ibaba na


siguradong kapupulutan mo ng aral. Handa ka na ba? Sige,
simulan mo na.

Ang Balita Tungkol sa COVID-19


Halos gabi-gabi ay nanonood ng balita si Aling Magda.
Inaabangan niya ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19.

6
“Magandang gabi Pilipinas! Narito na ang nagbabagang balita
sa oras na ito.”
“Dumarami na ang bilang ng mga Pilipino na tinatamaan ng
COVID-19 dahil sa patuloy na pagpasok ng mga tao mula sa lugar
na lubhang may mataas na kaso ng sakit.”
“Ang COVID-19 ay talagang nakapipinsala sa ating mga
pinoy, wala itong pinipili bata man o matanda.”
“Ang sakit na ito ay nakukuha sa pamamagitan ng pagtalsik
ng laway ng kausap sa pakikipag-usap at pag-ubo kaya
pinapayuhan ang lahat na magsuot ng facemask at ipagpatuloy
ang pagsunod sa social distancing.”
“Pinag-iingat ang lahat sapagkat ang sakit na ito ay
nakamamatay kapag hindi naagapan lalo na yung mga mabababa
ang immune system.”
Nang marinig ito ni Aling Magda, siya ay nag-alala at
nabahala kaya’t sinabihan niya kaagad ang kaniyang asawa at
mga anak na magsuot ng facemask at sumunod sa social
distancing kahit nasa loob lamang sila ng kanilang pamamahay.
Sinabi rin niya ang mga dapat gawin upang makaiwas sa COVID-
19. Una rito ang pagiging malinis sa katawan at kumain ng mga
masustansiyang pagkain.
Agad na tinanong ni Rico, anak ni Aling Magda, ang kaniyang
ina kung totoo ngang nakamamatay ang COVID-19 dahil marami
umano siyang naririnig na bali-balita tungkol sa mga biktima ng
sakit. Kaya’t ipinakita ni Aling Magda ang listahan ng mga kaso
ng naging positibo sa COVID at kung ilan ang kabuuang Pilipino
ang namatay sa sakit.
Nagustuhan niyo ba ang kwento? Sige nga titingnan natin
kung may natutunan kayo? Tungkol saan ang balitang napanood
ni Aling Magda sa telebisyon? Ano ang mga impormasyong
kaniyang nalaman sa balitang ito? Paano niya pinag-iingat ang
kaniyang asawa at mga anak? Ano ang ginawa ni Rico para
mapatunayang tama at totoo ang kaniyang balitang narinig?

7
Suriin

Mahilig ka bang manood ng telebisyon? Ano-ano ang mga


natutunan mo sa panonood?

Tandaan Mo

Sa araw-araw mong pamumuhay, may mga balita kang


natatanggap, napapanood o naririnig. Isa sa mga pinagmulan ng
balita ay ang telebisyon. Kaagad ka bang naniniwala sa mga
napapanood mo o naririnig? Marapat na sumangguni sa
nakatatanda mong kasama sa bahay gaya ni tatay o nanay, o sa
nakatatanda sa iyo o sa kinauukulan para mapatunayan mo na
ang iyong nakalap na impormasyon ay tama.

Isang halimbawa nito ay kung makatanggap ka ng balita


tungkol sa paparating na bagyo. Bilang mag-aaral, dapat mong
suriin kung ang balitang ito ay nagmula sa Philippine Atmospheric
Geophysical and Astronomical Services Administration o (PAGASA),
ahensiyang nangangasiwa sa pagbibigay ng signal upang
malaman ang lakas o bugso ng hangin na dulot ng bagyo bago mo
paniwalaan o ipagsabi. Kung kanselado naman ang klase dulot ng
malakas na bagyo, kailangan mong sumangguni sa Local
Government Unit o (LGU) para ma kompirma na walang pasok.

Ang patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay dapat


lamang paniwalaan kung galing ito sa Department of Health o
(DOH) at iwasang magpanic at sundin ang mga health protocols.

Mahalagang maging mapanuri ka sa mga balita o


impormasyong napapanood sa telebisyon. Kailangan ng wastong
pagkilatis sa mga ito bago tuluyang maniwala at maipamahagi
upang maiwasan ang pagkakamali o anomang kapamahakan.

8
Pagyamanin

Maligayang pagbati sa iyo kaibigan dahil nasagot mo ang mga


katanungan. Nalaman mo rin ang kahalagahan ng pagiging
mapanuri sa mga programang napanood sa telebisyon at kung
sino ang responsableng tao ang dapat tanungin sa mga
impormasyong iyong nakalap. Ngayon, maaari mo na itong gamitin
sa susunod na mga pagsubok sa modyul na ito.

Gawain 1 - Balitang Nakita, Isasangguni sa Madla


Panuto: Balikan ang binasang kwento na “Balita Tungkol sa
COVID-19”. Kung ikaw si Rico, kanino mo pa maaaring
isangguni ang iyong balitang nakita tungkol sa pagtaas
ng kaso ng mga namatay? Bakit? Sagutin ito sa kalakip
na sanayang papel.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Gawain 2 - Tayo na’t magtanong sa taong may dunong

Panuto: Basahin ang isang impormasyon at kung kanino mo


isasangguni ito. Isulat ang iyong magiging tanong sa taong
kinauukulan sa speech balloon. Gawin ito sa kalakip na
sanayang papel.

Bigas na may
halong pesticide
nakain ng mga tao sa
Barangay Masagana,
20 patay

9
Isaisip

Maligayang araw sa iyo kaibigan! Galingan mo ang


pagsagot sa mga sumusunod na katanungan.
Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

1. Bakit kailangang suriin ang mga nakalap na


impormasyong napanood sa programang
pantelebisyon?

____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Sa iyong palagay, lahat ba ng nakalap na


impormasyon ay totoo? Ipaliwanag ang sagot.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

3. Bilang mag-aaral, bakit kailangan mong


sumangguni sa taong kinauukulan bago ipagkalat
ang mga impormasyong nakalap?
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
4. Dapat kilatisin at alamin ang pinanggalingan ng
mga impormasyon na ating nakalap bago tuluyang
maniwala rito? Patunayan ang sagot.
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________

10
Isagawa

Isang maligayang pagbati sa iyo! Maaari mong simulan ang


iyong gawain ng may pananabik sa iyong sarili.

Gawain 3 - Ang Kaniyang Sinabi, May Reaksiyon Lagi


Panuto: Suriin ang sinasabi ng tauhan sa loob ng speech
balloon. Ano ang reaksiyon mo sa mga ito. Isulat ang iyong sagot
sa loob ng hugis aklat sa kalakip na sanayang papel.

Ibinalita kagabi
na magsasara na
talaga ang ABS-CBN

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
________________

Kinompirma ng DOH
na pataas ng pataas ang
kaso ng naging positibo sa
COVID-19

____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
____________________________
__________

11
Gawain 4 - Nakalap na Impormasyon, Ano ang Iyong Tugon?
Panuto: Basahin ang mga nakalap na impormasyon na nakasulat
sa puno at kulayan ng dilaw ang prutas nito kung kaaya-
aya ang balita at kulay berde naman kung hindi maganda
ang balita. Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

1. Ibinalitang walang 1
pasok sa paaaralan.
2. Nakapanood ng
paggamit ng sabong
pampapaputi.
3. Nabalitaang
mayroong malakas 2
na lindol.

12
Tayahin

Galingan mo sa araw na ito. Sana mataas ang iyong


makukuhang marka. Kaya mo yan!

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga pahayag. Isulat ang


salitang Tama sa guhit sa unahan ng bilang kung ito ay
nagsasaad ng mapanuring pag-iisip at Mali kung hindi
Gawin ito sa iyong sanayang papel.

______1. Agad kong pinaniniwalaan ang mga balitang aking


napapanood sa telebisyon.

______2. Ayon sa PAGASA, may paparating na bagyo na tatama


sa bansa sa susunod na linggo kaya sinabi ko ito sa
aking mga magulang.

______3. Tinatanong ko muna sa kinauukulan ang mga


impormasyong nakalap sa mga programa bago ko ito
sasabihin sa iba.

______4. Ayon sa aking pananaliksik, ang DOH ay nagpatupad ng


mga dapat sundin kagaya ng mga paghugas ng kamay,
paggamit ng facemask at pagsunod ng social distancing
para maiwasan ang COVID-19.

______5. Hindi ko na kinakailangang itanong pa sa aking mga


magulang ang mga nangyayaring kalamidad sa atin
ngayon dahil nakikita ko naman ito sa balita sa
telebisyon.

______6. Kinakailangang kong sabihin kaagad sa aking mga


kalaro na maaari ng maglaro sa labas.

13
______7. Anomang impormasyong aking nakita ay hindi na
kailangan pang alamin ang pinanggalingan.

______8. Ang pagsusuri sa nakalap na impormasyon ay walang


maitutulong sa atin.

______9. Sinabi sa balita na ang gobyerno ay nagbigay ng limang


libong ayuda sa mga mahihirap. Kaya’t nagtanong ako
kung totoo ba ito o hindi.

______10. Tinaasan kaagad ni Mang Isko ang kaniyang


binibentang LPG nang nalaman niya ang biglang
pagtaas ng presyo nito.

Karagdagang Gawain

Karagdagang Gawain 1- Balitang Gagamitin, Aking Susuriin


Panuto: Basahin ang mga tanong at isulat ang sagot sa patlang.
Gawin ito sa kalakip na sanayang papel.

1. Gumawa ng hakbang kung paano gagamitin ang


mapanuring pag-iisip batay sa mga balita o
impormasyong napanood sa telebisyon.

Ang aking mga gagawing hakbang:

a. ________________________________________________
b. _____________________________________________________________
c. ________________________________________________

14
Karagdagang Gawain 2 – Sige, Ibalita Mo at Isasangguni Ko
Panuto: Sumulat ng balita o impormasyong napanood sa
telebisyon na isinangguni mo sa taong kinauukulan.

Balita o Impormasyon Taong Kinauukulan

1.

2.

3.

Mahusay ka! Naipamalas mo ang iyong mapanuring


pag-iisip. Binabati kita sapagkat naunawaan mo ang
kahalagahan ng pagiging mapanuri. Alam kong angkin mo
na ang ugaling ito. Ngayon handa ka na sa susunod na
aralin.

15
16
Karagdagang Tayahin Isagawa
Gawain 1. Mali Gawain 3
Karagdagang 2. Tama
Maaaring
Gawain 1 3. Tama
magkakaiba ang mga
4. Tama sagot.
Maaaring 5. Mali
6. Mali Gawain 4
magkakaiba ang mga
sagot. 7. Mali Maaaring
8. Mali magkakaiba ang mga
Karagdagang 9. Tama sagot.
Gawain 2 [Link]
Maaaring
magkakaiba ang mga
sagot.
Isaisip Balikan Subukin
Maaaring Maaaring 1. B
magkakaiba ang mga magkakaiba ang mga 2. C
sagot. sagot. 3. B
4. C
Pagyamanin 5. D
Gawain 1 6. A
7. D
Maaaring
8. A
magkakaiba ang mga 9. D
sagot. 10.A
Gawain 2
Maaaring
magkakaiba ang mga
sagot.
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Abac, Felamer E. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 4 Kagamitang Mag-aaral.
Meralco Avenue, Pasig City. Department of Education-Instructional Materilas
Council Secretariat (DepEd-IMCS). Vibal Group, Inc. 2015.

Hilario, E. F. & Rivera, S. M., Kawangis Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Edited by:


Mabili, E. R., Octangco, R. S., Aquino, AL A., Dela Cruz, M. G. My Messiah
Publishing Quezon City, 2017.

17
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELC)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Ito ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampublikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay sinunod sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Malugod naming hinihikayat
ang pagbibigay ng puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@[Link]

You might also like