0% found this document useful (0 votes)
387 views25 pages

Module 5

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
387 views25 pages

Module 5

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

4

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagninilay sa Katotohanan ng
Balitang Napakinggan at
Patalastas na Nabasa o Narinig
ESP – Ikaapat na Baitang
Self-Learning Module
Unang Markahan – Modyul 5: Pagninilay sa Balitang Napakinggan at Patalastas na
Nabasa o Nainig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cristy Joy B. Brasales


Editor: Lenith C. Linda
Tagasuri: Lenith C. Linda, Rima D. Magdayao, Maribeth F. Palma
Tagaguhit: Querobin Joyce B. Isla
Tagalapat: Cristy Joy B. Brasales
Cover Art Designer: Arvel Garry L. Campollo
Tagapamahala: Allan G. Farnazo, CESO IV – Regional Director
Fiel Y. Almendra, CESO V – Assistant Regional Director
Leonardo M. Balala, CESE- Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera- Chief, CLMD
Arturo D. Tingson, Jr.- REPS, LRMS
Peter Van C. Amg-ug- REPS, ADM
Cynthia G. Diaz- REPS, ESP
Ismael M. Ambalgan- Chief, CID
Sheryl L. Osano- Division EPS, LRMS
Josevic F. Hurtada- EPS, ADM
Juliet L. Sison- EPS , ESP

Printed in the Philippines by Department of Education – SOCCSKSARGEN Region

Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal


Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@[Link]

ii
4
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 5:
Pagninilay sa Balitang
Napakinggan at Patalastas na
Nabasa o Narinig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Self-


Learning Module (SLM) para sa araling Alamin, Balitang Narinig, at Patalastas:
Susuriin Ko.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
.
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-
aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

iv
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 4 ng Self-Learning


Module (SLM) ukol sa Alamin, Balitang Narinig, at Patalastas: Susuriin Ko.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

v
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito.

vi
Alamin

Masaya ka ba sa araw na ito? Mas sasaya pa ang iyong


linggo kung may baon-baon kang impormasyon mula sa araling
ito.

Kung ikaw ay may narinig o nabasang impormasyon, ano-


ano ang mga hakbang mo upang malaman ang katotohanan rito?
Iniisip mo ba muna ang kapakanan mo o ng ibang tao bago ito
ipagkalat?

Sa araling ito matutunan mo na hindi kailangan maniwala


sa mga narinig o nabasang impormasyon bagkus kinakailanagn
ng pagninilaynilay at sapat na panahon upang makapagbuo ng
desisyon bago ito paniwalaan.

Hindi lahat ng balitang ating narinig o nabasa ay nagbibigay


ng tamang impormasyon ukol sa gusto nating malaman kaya
dapat nating kilatisin kung ito ay kapaki-pakinabang hindi
lamang sa atin kundi maging sa iba. Maaring magdulot ng di
pagkakaunawaan sa taong pinagmulan ng impormasyon kung
hindi natin inaalam ang katotohan.

Ang modyul na ito ay nahati sa dalawang (2) aralin:


Aralin 1: Alamin, Balitang Narinig; at
Aralin 2: Patalastas: Susuriin Ko
Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay:

1. Makapagsasabi ng katotohanan tungkol sa nakalap na


impormasyon sa balitang napakinggan;
2. Makatutukoy ang katotohanan sa patalastas na nabasa o
narinig; at
3. Makatutukoy ang hindi magandang maidudulot ng
impormasyong nabasa o narinig.

1
Subukin

Panuto: Basahin nang mabuti ang mga tanong. Bilugan ang


titik ng tamang sagot sa kalakip na sanayang papel.

1. Narinig mo sa radyo na may bagong kaso ng COVID-19 sa


inyong lugar? Ano ang dapat mong gawin?
a. Magpapanic ako.
b. Itutuloy ko ang aking paglalakwatsa.
c. Ipagkakalat ko sa ibang tao ang narinig na balita.
d. Alamin ko muna kung totoo ang nasabing balita.

2. Nais ni Rosa na bumyahe papunta sa Isulan, ngunit narinig


niya sa radyo ang mga patakaran sa lugar bago makatungo
rito. Ano ang dapat gawin ni Rosa?
a. Magpost sa facebook ng kanyang galit.
b. Makipag-away sa taong naglahad ng balita.
c. Magtanong sa pulisya ng mga requirements sa
pagpasok sa lugar.
d. Maghanap ng makapangyarihang tao
upang makapasok.

3. Ikaw ay nakarinig ng balita sa radyo tungkol sa pagsara ng


istasyon ng telebisyon. Ano ang iyong gagawin?
a. Tutukuyin ko ang dahilan ng pagsara.
b. Ipagkakalat ko ang impormasyong narinig.
c. Tatawanan ko ang nangyaring pagsara nito.
d. Magpo-post ako ng di kanais-nais na comment sa
facebook.

2
4. Nabanggit mo sa iyong ina ang narinig mo tungkol sa gamut
na nagpapagaling sa COVID-19 at hindi siya naniniwala sa
iyo. Bakit ganoon ang reaksyon ng iyong ina?
a. Walang pakialam ang ina mo sa iyo.
b. Hindi kapani-paniwala ang iyong kuwento.
c. Abala sa trabaho ang iyong ina at wala siyang oras
na makinig.
d. Kailangan ng iyong ina ng wastong pagsisiyasat
tungkol sa balitang iyong napakinggan.

5. Ang iyong mga kaibigan ay nag-uusap-usap tungkol sa


balitang narinig samantala ito ay kasalungat sa iyong narinig.
Ano ang iyong gagawin?
a. Pagtawanan sila.
b. Igiit sa grupo ang iyong narinig
c. Hindi sila papansinin dahil iba ang kanilang
opinyon.
d. Makinig sa kanila at suriin kung alin ang tamang
impormasyon.

[Link] mo sa radyo na may paparating na malakas na bagyo


sa inyong lugar. Ano ang mabuti mong gawin?
a. Huwag pansinin ang narinig na balita
b. Ipagkalat sa iba ang tungkol sa balitang narinig.
c. Himukin ang mga kapitbahay na magsilikas na.
d. Subaybayan ang mga nangyayari at ihanda ang
sarili.

7. Nalaman mo sa balita na ang iyong tiyuhin ay


napagbintangang sangkot sa pagbebenta ng droga. Bilang
mapanuring bata, ano ang iyong gagawin?
a. Hindi papansinin ang tiyuhin.
b. Tanungin ang tsismosang kapitbahay.
c. Magtanong sa nakakaalam kung totoo ang balita.
d. Ipagsabi sa pulis ang bentang laban sa kanya.

3
8. Narinig mo ang produktong shampoo sa isang patalastas at
gusto mong subukan ito. Papaano mo malalaman na ito ay
epektibo sa iyong buhok?
a. Isiping mahal ito kaya epektibo ito.
b. Magsaliksik muna kung talagang epektibo
ito bago gamitin.
c. Itanong sa tindera kung maganda ba ang biniling
shampoo.
d. Hindi sila papansinin dahil iba ang kanilang
opinyon.

9. Nakita mo sa pahayagan na may murang loteng binibenta. Ano


ang iyong gagawin upang matiyak na ito ay legal?
a. Bilhin agad ang lote.
b. Maghanap ng iba pang interesado dito.
c. Pagsabihan ang iba na bumili rin.
d. Pag-isipan muna ang ang iyong plano
saka komunsulta sa abogado.

10. Ano ang mangyayari kung hindi nasuri ang balitang narinig?
a. Paniniwalaan ka ng mga tao.
b. Magdudulot ito ng pangamba sa mga taong
nakarinig.
c. Tutularan ka ng maraming tao dahil sa iyong
desisyon.
d. Makikinig ang iyong mga kaibigan sa iyong
ibibigay na impormasyon.

4
Aralin Alamin, Balitang Narinig,
5 at Patalastas: Suriin Ko

Ang pagnilaynilay sa nakalap na impormasyon ay


magandang gawain na dapat mong taglayin. Kailangan natin ng
sapat na panahon upang makapagbuo ng tamang desisyon at
maiwasan ang pagkadismaya kung hindi tayo nagtagumpay sa
ating napiling desisyon.
Kaya masusubukan na naman ang pagiging mapanuri mo
sa balitang narinig at patalastas na nabasa o narinig sa mga
inihandang gawain ng araling ito.

Balikan

Kumusta ang araw mo? Alam kong nakaya mong sagutin


ang panimulang gawain. Tiyak mas maaaliw ka pa sa mga
susunod na gawain.
Panuto: Basahin nang mabuti ang usapan. Isulat ang sagot
sa patlang sa kalakip na sanayang papel.

5
1. Bakit kinausap ni Karen ang kanyang kaibigang
nars?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

2. Tama ba na kinausap ni Karen ang kaibigang nars


tungkol sa impormasyong gusto nitong malaman?
Bakit?
_______________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________

3. Maliban sa nars, kanino o saan ka pwedeng


makakuha ng sapat na impormasyon? Bakit?
_______________________________________________________
____________________________________________________________
_______________________________________________________________________

6
Mga Tala para sa Guro
Sa modyul na ito ay kinakailangan ng sapat na
pagninilay-nilay upang malaman ang katotohanan sa
mga nakalap na ipormasyon sa balitang narinig o
nabasa. Masusuri mo rin ang katotohanan ng mga
nakita o narinig na patalastas upang magkaroon ng
tamang desisyon.
Maaaring humingi ng tulong sa mga magulang o
nakakatandang kapatid kung kinakailangan.

7
Tuklasin

Kumusta ang iyong araw kaibigan? Ngayon mas


maiintidihan mo ang araling ito kung pagbubutihan mo ang
pagsagot. Tara na! Umpisahan mo na!

Panuto: Basahin at unawain ang usapan ng mag-ama.

Ang Galing ni Itay!

Delia: Itay, pakinggan mo po! Nadadagdagan na naman ang


kaso ng COVID-19 sa ating lugar.
Dr. Ruiz: Oo nga anak kaya iwasan mo ang pagpunta sa labas
kung hindi naman ito fkinakailangan para makaiwas
tayo, hindi lamang sa COVID-19 kundi sa iba pang
sakit na maaaring dumapo sa atin. Mahirap
magkasakit lalo na sa panahon ngayon.
Delia: Nabasa nga ng kaklase ko na may ibinebentang produkto
ngayon na gamot sa ganitong sakit. Totoo kaya ito itay?
Dr. Ruiz: Lehitimo ba iyang pinanggalingan ng kuwento mo
anak?
Delia: Siguro itay, kasi maraming bumibli ng gamot na iyon.
Dr. Ruiz: Naku! Delikado iyan pag hindi aprubado ng BFAD at
lalo na kapag walang sapat na ebidensiya. Alam mo
anak hindi ka dapat agad-agad nagpapaniwala sa mga
naglalabasang impormasyon ngayon lalo na kung pinag-
uusapan ang COVID-19. Kinakailangan natin ng
preskripsyon ng doktor. Imbis na makabubuti sa
katawan ay mas lalo pa itong makasasama sa ating
8
kalusugan kung agad-agad nating pinaniniwalaan ang
balitang narinig. Kailangan mo munang pag-isipan kung
tama ba ang balitang narinig. Gets mo ba ako?
Delia: Opo itay! Kaya nga idol kita!

Suriin

Naaliw ka ba sa ating gawain? Tingnan natin kung may


naintidahan ka sa iyong nabasa. Galingan mo ha!
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa
patlang sa kalakip na sanayang papel.
1. Tungkol saan ang pinag-usapan ng mag-ama?
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
2. Bakit kaya sinabi ni Delia sa kanyang ama ang narinig
na balita ?

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Ano ang natutunan ng batang si Delia sa kanyang amang
doktor?
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________________________

9
Tandaan Natin
Mahalaga sa buhay natin ang pagdedesisyon upang hindi
tayo magkakamali sa anomang landas na ating tatahakin o
hakbang na ating pipiliin.
Ang balitang ating naririnig o nababasa ay kinakailangan ng
tamang pagninilay-nilay kung ito ay totoo o haka-haka lamang.
Madali lang para sa iba na paniwalaan ang narinig o nabasa na
walang sapat na impormasyon mula sa lehitimong pinagmulan
ng kuwento o taong eksperto. Kaya nagkakaroon ng di-
pagkakaunawaan o pagkakaintindihan dahil agad-agad tayong
naniniwala at hindi iniisip kung ito ay tama o mali.
Nararapat na sa bawat balitang ating naririnig o nababasa
ay kinakailangan nating magninilay-nilay kung ito ay may
katotohanan at makapagdudulot ng kabutihan sa ating kapuwa.
Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya sa atin kaya kahit mga
patalastas na ating naririnig o nababasa ay agad-agad nating
pinaniniwalaan lalo na kung iniidolo o may angking ganda ang
taong nag-eendorso nito. Kaya, kailagan ng sapat na panahon
upang suriin ang tama at naayon sa ikabubuti ng ating sarili at
ng kapuwa.

10
Pagyamanin

Kitang-kita ang ngiti sa iyong mukha. Ngayon, mas


makikilala mo pa ang iyong sarili sa bagong gawain. Halika at
subukan mo ito!

Gawain

A. Basahin nang mabuti ang sitwasyon. Piliin sa mga


sumusunod na gawain ang nagpapakita ng wastong
pagninilay-nilay ng patalastas na narinig. Sa inyong sanayang
papel, piliin ang tamang sagot at gumuhit ng linya patungo
kay Edwin.

Sitwasyon: Nabasa ni Edwin sa isang patalastas na


may produktong nagpapaganda sa mukha.

Magsiyasat
tungkol sa
Gumamit produkto
agad ng Magtanong
produkto sa
eksperto

Bumili nang
Pag-isipan
maraming nang mabuti
produkto

Magtanong sa
Suriin kung taong
may epekto Ipagamit nakagamit na
sa iba sa iba ang ng produkto
produkto

11
B. Basahin nang mabuti ang talata at ayusin ito ayon sa
pagkasunod-sunod ng pangyayari na dapat gawin ng
mapanuring bata. Sa kalakip na sanayang papel, isulat
ang sagot sa loob ng talulot.
.

4.__________________
___________________
___________________
___________________
____

1.______________
3.__________________
_________________ ___________________
_________________ ___________________
_________________ ___________________
______________ ____
2.__________________
___________________
___________________
___________________
____

Habang nakikinig ng radyo, narinig ni Cyna ang balita


tungkol sa pagsara ng isang malaking istasyon ng telebisyon.
Pagkatapos, nagsiyasat siya gamit ang internet at nagtanong-
tanong sa kaibigang abogado. Kaya, nakabuo ng sapat na
kaalaman si Cyna tungkol sa pagsara ng network.

12
Isaisip

Nakikita kong may angking galing ka kaibigan kaya


ipagpatuloy mo pa! Galingan mo ha!

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa


kalakip na sanayang papel.

1. Bakit dapat nating suriin ang balitang narinig?


_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

2. Papaano natin malalaman kung ang balitang ating


naririnig ay totoo?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

3. Ano-ano ang hindi magagandang


maidudulot kapag hindi naisusuri ang balitang
naririnig?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

13
Isagawa

Isang masayang araw sa iyo kaibigan! Subukan naman


natin ang iba pang gawain na susubok ng galing mo. Alam kong
kayang-kaya mo kaibigan!

Gawain

A. Magtala ng mga dapat gawin na gumagamit ng wastong


pagninilay sa balitang narinig. Isulat ang iyong sagot sa
ibaba ng larawan. Isulat ang sagot sa kalakip na sanayang
papel.
May bagyong paparating.
Ano-ano ang mga
paghahandang gagawin
mo?

________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

14
B. Punan ang apat (4) na katawan ng tren ng sagot ayon sa
ibibigay na sitwasyon. Isulat ang magiging resulta kapag
hindi naisuri nang tama ang patalastas na nabasa . Isulat
ang iyong sagot sa kalakip na sanayang papel.

Sitwasyon: Nakarinig ang nanay ng murang lote


sa malayong lugar. Ano-ano ang mga dapat
niyang gawin bago magdesisyon na bilhin ito?

____________ ____________ ____________


____________
____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________
____________
____________ ____________ ____________
____________
_ _ _
_

Tayahin

Tagumpay! Malawak na ang iyong kaalaman sa pagsusuri


ng mga balita at patalastas na narinig o nabasa. Kaya mo yan!

Panuto: Iguhit sa patlang ang √ kung ang pangungusap ay


nagpapakita ng pagninilay sa nakalap na impormasyon
at X naman kung hindi. Isulat ang sagot sa sanayang
papel.

________1. Sumangguni muna si Boyet sa eksperto bago


humusga sa mga taong sangkot sa balita.
________2. Inalam muna ni Lerma ang totoo bago naniwala
agad.
________3. Nagsaliksik si Lenith gamit ang iba pang
babasahin upang malaman ang totoo.
________4. Hinayaan na lamang ni Lorna kahit mali ang
narinig na balita.
________5. Pinagsabi agad ni Joyce ang narinig na balita sa
radyo kahit kulang ang impormasyon niya.

15
________6. Hinayaan nalang ng nanay ang anak na mali ang
pinagsasabing impormasyon
________7. Tinukoy ni Vineza ang pinanggalingan ng balita
bago ipinagkalat sa iba.
________8. Naniwala agad si Gabby sa narinig na
patalastas kahit marami ang di-naniniwala rito.
________9. Nagsaliksik muna si Cheryl kung totoo ang
produktong pinakita sa patalastas.
_______10. Madaling naniwala si Edsel sa mga binebentang
produkto sa patalastas.

Karagdagang Gawain

Ang husay mo naman! Ipagpatuloy mo yan! Subukan mo


itong panibagong gawain .

A. Bumuo ng kasabihan tungkol sa pagiging mapanuri


sa nakalap na balita o patalastas na narinig o nabasa
at isulat ito sa loob ng [Link] ang iyong sagot
sa kalakip na sanayang papel.

____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
_____________________________________________

Ang galing mo! Nakaya mong tapusin ang mga gawain sa


linggong ito! Saludo ako sa iyong kahusayan!

16
17
Suriin Pagyamanin
Subukin Maaring iba-
Balikan iba ang sagot A.
1. D Maaring iba-iba
2. C ang sagot 1. Magsiyasat
3. A tungkol sa
4. D produkto
5. D 2. Magtanong sa
6. D eksperto
7. C 3. Pag-isipan
8. B nang mabuti
9. D 4. Magtanong sa
10.B taong nakagamit
na ng produkto
[Link] kung
may epekto sa iba
Karagdagang
Pagyamanin Isaisip Tayahin Gawain
B Maaaring 1. √
iba-iba ang Maaaring iba-iba
1. Narinig ni 2. √ ang sagot
sagot
Cyna ang balita 3. √
tungkol sa 4. X
pagsara ng ABS- 5. X
CBN. Isagawa 6. X
2. Nagsiyasat
7. √
siya gamit ang A.
internet 8. x
3. Nagtanong- Maaaring iba- 9. √
tanong sa mga iba ang sagot 10.X
kaibigang B.
abogado Maaaring iba-
4. Nakabuo ng iba ang sagot
sapat na
kaalaman si
Cyna
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Abac, Felamer E. et al. Edukasyon sa Pagpapakatao 4


Kagamitan ng Mag-aaral. Meralco Avenue, Pasig
[Link] of Education-Instructional Materials
Council Secretariat (DepEd-IMCS).2015.

18
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng
Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na may pangunahing layunin na
ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman
ng modyul na ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs)
ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na kagamitan na gagamitin
ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa
taong panuruan 2020-2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa
paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@[Link]

You might also like