You are on page 1of 39

2

FILIPINO
Unang Kwarter-Modyul 3
Pagsasabi ng Mensahe, Paksa o Tema sa
Patalastas, Kuwentong Kathang-isip, Tunay na
Pangyayari/Pabula
Filipino – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Kwarter – Modyul 3: Pagsasabi ng Mensahe, Paksa o Tema sa Patalastas,
Kuwentong Kathang-isip, Tunay na Pangyayari/Pabula
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa paraan nang
walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio
Bumuo sa pagsusulat ng modyul
Manunulat : Brigette R. Aranas
Editor : Rowena B. Arbues
Tagasuri : Arman O. Nale and Dariel L. Alpuerto
Tagaguhit : Nick M. Popera
Tagalapat : Ryan Rey W. Odchigue
Tagapamahala: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III, Regional Director
Mala Epra B. Magnaog, CLMD Chief
Dr. Neil Iprogo, Regional EPS-LRMS
Elesio M. Maribao, Regional ADM Coordinator
Dr. Emelia G. Aclan, CID Chief
Dr. Linda D. Saab, Division EPS-LRMS
Delia D. Acle, EPS - Filipino
Lucita B. King, PSDS Designate
Roy S. Estrobo, ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng _Sangay ng Camiguin


Department of Education – Region X
Office Address: B, Aranas St., Poblacion, Mambajao, Camigiun
Website: www.depedcamiguin.com
E-mail Address: depedcamiguin@gmail.com. camiguin@deped.gov.ph
2
FILIPINO
Unang Kwarter – Modyul 3:
Pagsasabi ng Mensahe, Paksa o Tema sa
Patalastas, Kuwentong Kathang-isip, Tunay na
Pangyayari/Pabula
Paunang Salita

Para sa Tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino -


Ikalawang Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul para sa araling Masasabi ang Mensahe, Paksa o
Tema na nais ipabatid sa Patalastas, Kwentong Kathang-
isip, Tunay na Pangyayari/Pabula.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang
at sinuri ng mga edukador mula sa pampublikong
institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-
aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12
habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang
mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,
makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

ii
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng
paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin
ang modyul na ito.
Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad
nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang
kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula
sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral
habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino - Ikalawang
Baitang ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol
sa Pagsasabi ng Mensahe, Paksa o Tema sa Patalastas,
Kuwentong Kathang-isip, Tunay na Pangyayari/Pabula.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa
iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat
mong maunawaan.

iii
Sa bahaging ito, malalaman
mo ang mga dapat mong
Alamin
matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita


natin kung ano na ang
Subukin
kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito
ng modyul.

iv
Ito ay maikling pagsasanay o
balik-aral upang matulungan
Balikan
kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa
naunang leksyon.
Sa bahaging ito, ang bagong
aralin ay ipakikilala sa iyo sa
Tuklasin
maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.
Sa seksyong ito, bibigyan ka
ng maikling pagtalakay sa
Suriin
aralin. Layunin nitong
matulungan kang
maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Binubuo ito ng mga gawaing
para sa mapatnubay at
Pagyamanin
malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa
pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.
Naglalaman ito ng mga
katanungan o pupunan ang
Isaisip
patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung
anong natutuhan mo mula sa
aralin.

v
Ito ay naglalaman
ng gawaing makatutulong sa
Isagawa
iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng
buhay.
Ito ay
gawain na naglalayong
Tayahin
matasa o masukat ang antas
ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay
Karagdagang sa iyong panibagong gawain
Gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan
sa natutuhang aralin.
Naglalaman ito ng mga
Susi sa tamang sagot sa lahat ng
Pagwawasto mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng
pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng
modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit


ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag
lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.

vi
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago
lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa
modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang
bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa
pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto
ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa
iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o
tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga
gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari
ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,
makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at
makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vii
Alamin

Sa modyul na ito, kailangan na matutunan


mong masasabi ang mensahe, paksa o tema na
nais ipabatid sa patalastas, kuwentong kathang-
isip, tunay na pangyayari o ng isang pabula.
Para madali mong matutunan, basahin at
alamin ang mga sumusunod na salita:

 Mensahe – nais sabihin o iparating ng may


akda o may sulat ng isang kuwento
sa mga mambabasa.

 Paksa - isang kalahatang gustong ipabatid


ng may-akda sa mambabasa.

 Tema - mga kasabihang ibig ipaalam ng


may-akda sa mambabasa.

 Patalastas - mga babala o anunsiyo.

 Kuwentong kathang-isip - mga kuwentong


bunga ng isipan.

 Tunay na pangyayari - totoong mga


Pangyayari.

 Pabula - kuwentong mga hayop ang


tauhan.

1
Subukin

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa
sagutang papel.

1. Ano ang mensahe na nais ipahiwatig sa


patalastas na ito?

A. Magkalat ng basura.
B. Hindi tutulong sa paglinis.
C. Pabayaang magkalat ang mga
basura.
D. Kailangan na ang mga basura ay
mailagay sa wastong lalagyan.

2
May kasabihan ang mga matatanda
na hindi mabuti ang maggupit ng ating
mga kuko kapag gabi na dahil may
masamang mangyayari sa iyo.

2. Ano ang mensahe sa kasabihang ito?


A. Linisin ang mga kuko sa gabi.
B. Mabuti ang maggupit ng kuko kahit gabi
na.
C. Maggupit ng kuko sa gabi kahit walang
ilaw.
D. Hindi maaring maggupit ng kuko sa gabi
dahil maaring masugatan kayo.

3. Paano tayo makaiwas sa COVID – 19?

A. Lalabas ng bahay na walang face mask.


B. Maglaro sa parke kasama ang mga
kaibigan.
C. Palaging maghugas ng mga kamay at
magsuot ng face mask.
D. Hindi pagsunod sa mga alituntunin na
itinakda ng Kagawaran ng Kalusugan.

3
4. Ano ang mangyayari sa atin kapag nahawaan
tayo ng COVID – 19?

A. Magiging malusog tayo.


B. Magiging mayaman tayo.
C. Gaganda ang ating katawan.
D. Maaari tayong magkaroon ng
malubhang sakit.

5. Ano ang mensahe sa patalastas na ito?

A. Putulin ang mga puno.


B. Hindi diligan ang mga puno.
C. Pabayaan ang mga puno na nalalanta.
D. Magtanim ng puno upang mapigilan ang
baha.

4
Aralin Kalusugan ng Pamilya ay Dapat
1 Pangalagaan

Sa aralin na ito kailangan na magkaroon ng


kaalaman ang mga mag-aaral kung paano niya
masasabi ang mga mensahe na matutunan niya sa
mga patalastas, kuwento o teksto.

Balikan

Piliin ang wastong sagot sa bawat sitwasyon. Isulat


ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. May nakita kang matanda na nais tumawid sa


daan. Ano ang gagawin mo?

A. pabayaan
B. pagsabihan
C. gagabayan
D. hindi pansinin

5
2. Nasalubong mo ang iyong guro na may
maraming dalang aklat. Ano ang gagawin mo?

A. pabayaan
B. ngingitian
C. kakawayan
D. tutulungan

3. Natapakan mo ang paa ng iyong kaklase. Ano


ang gagawin mo?

A. magsasawalang kibo
B. hihingi ng paumanhin
C. tatapakan ulit ang paa
D. pagagalitan ang kaklase

4. Isang umaga nasalubong mo ang inyong


punongguro sa daan. Ano ang sasabihin mo?

A. Pahingi ng pera sir.


B. Saan ka pupunta sir?
C. Magandang gabi po.
D. Magandang umaga po, sir.

5. Binigyan ka ng tinapay sa iyong kaibigan, ano


ang sasabihin mo?
A. May iba pa ba diyan?
B. Naku, ang sarap!
C. Maraming salamat, kaibigan.
D. Pahingi ng isa pa.

6
Mga Tala ng Guro para sa mga Mag-aaral
Basahin at unawaing mabuti ang mga teksto/
kuwento upang masagot nang tama ang mga
katanungan. Pag-ingatan ang modyul na ito.

Tuklasin

Basahin at unawain ang mensahe na


nais ipahiwatig sa teksto.

COVID – 19 Pandemya

Laganap ngayon ang COVID-19 sa


buong daigdig.

7
Ayon sa mga haka-haka na galing daw sa
paniki ang virus na ito at kapag ang tao
daw ay kumain ng paniki maaari siyang
mag karoon ng COVID-19.
Ang virus na ito ay nakakahawa kung
ang tao ay makalapit sa isang tao na may
virus. Ang mga sintomas kapag na
nahawaan ng virus na ito ay lagnat, ubo na
walang plema, pananakit ng katawan at
hirap sa paghinga.
Kung nakaramdam ng ganito sa
katawan kailangan magpakonsulta kaagad
sa health center o hospital.
Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan
kailangan palaging maghugas tayo ng
ating mga kamay gamit ang sabon o
kaya’y gumamit ng sanitizer o alcohol,
magsuot ng face mask, panatilihin ang
social/ physical distancing.

Suriin

Isulat sa sagutang papel ang (/) tsek kapag


tama ang mensahe at (x) ekis kapag mali.

1. Pagsali sa mga pagtitipon-tipon.

2. Gumala sa labas na walang face mask.

8
3. Ayon sa mga haka-haka na galing daw
sa paniki ang COVID-19.

4. Pagsunod sa mga paraang makaiwas sa


COVID-19 pandemya ay dapat
gampanan.

5. Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan


palaging maghugas ng mga kamay
gamit ang sabon o kaya’y gumamit ng
sanitizer o alcohol, magsuot ng face
mask.

Pagyamanin

9
Unang Ginabayang Gawain
Basahin at unawain ang kuwento at sabihin ang
mensahe, paksa o tema na nais ipabatid nito.

Ang Pusa at ang Daga


Sa isang bahay, may nakatirang daga.
Nasisira nito ang halos lahat ng mga gamit.
Nagdulot pa ang dumi nito ng sakit na
leptospirosis. Isang umaga biglang may dumating
na pusa. Kaagad nakita nito ang daga at
hinuli.”Ang sarap mong kainin!”, sabi nito sa
hawak na daga. “Naku! Huwag mo akong
kainin”, pagmamakaawa nito sa pusa. Akmang
kakainin na ni Pusa ang paboritong pagkain na
daga, saglit itong natigilan at nagtanong. “Ano
naman ang aking mapapala kung hindi kita
kakainin?”, wika ng pusa.”Aalis ako rito at ikaw
na ang titira dito, mababait naman sa hayop
ang mga taong nakatira dito” paliwanag ng
daga. “O sige! pakakawalan kita” sagot ni pusa.
“Maraming salamat pusa” sabi ni daga.

Unang Tayahin
Lagyan ng masayang mukha kung tama
ang mensahe na ipinahiwatig at malungkot na

10
mukha kapag mali ang mensahe. Isulat ang
wastong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Takot ang daga sa pusa.

2. Maging mabait sa kapwa.

3. Paboritong pagkain ng pusa


ang daga.

4. Maraming daga pag may pusa


sa bahay.

5. Nagdulot pa ng leptospirosis na
sakit ang dumi ng daga.

Ikalawang Ginabayang Gawain


Basahin at unawain kung ano ang mensahe sa
patalastas na ito.

11
MGA DAPAT GAWIN UPANG MAKAIWAS SA DENGUE

- Linisin ang paligid lalo na ang kanal at iba


pang mga daluyan ng tubig.

- Itaob o takpan ang mga bagay gaya ng


timba, batya, at gulong .

- Palitan ang tubig ng mga plorera.

- Magsuot ng medyas, pantalon at


long sleeves.

- Gumamit ng mosquito repellants bago


matulog at tuwing lalabas ng bahay.

Ikalawang Tayahin
Basahin ang mga pangungusap at kulayan ng pula
ang puso ( ) kung tama ang mensahe at bughaw
naman pag mali ang mensahe na nais ipahiwatig sa
patalastas.

12
Gawin sa hiwalay na Activity Sheets.

1. Pabayaang may tubig ang balde na


walang takip.

2. Maging maingat sa sarili upang maiwasang


makagat ng lamok.

3. Sundin ang patalastas para hindi


magkasakit ng dengue.

4. Laging malinis ang paligid upang walang


mapupugaran ang mga lamok.

5. Pabayaan ng isang linggo ang tubig sa


plorera.

13
Unang Malayang Gawain
Basahin at unawain ang mensahe ng teksto.

Si Diding na Kambing
May mag-asawang kambing na nagkaroon ng
anak na babae. Diding ang pangalan ng batang
kambing. Lumaking matulungin si Diding. Maaga
siyang gumising upang matulungan niya ang
kanyang nanay sa paghanap ng pagkain sa bukid.
Pagdating sa bahay ay magwawalis si Diding sa
kanilang bakuran. Sadyang masipag at mabait na
kambing si Diding.

Unang Tayahin
Basahin at sagutin ang mga tanong. Isulat ang titik
ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang maagang gumising upang matulungan
ang kanyang nanay?
A. Diding
B. Dading
C. Nesting
D. Dodong

14
2. Ano ang gagawin nila Diding sa bukid?
A. maglaro
B. matulog
C. mamasyal
D. maghanap ng pagkain

3. Ano ang paksa sa teksto?


A. Si Matsing
B. Ang nanay ni Diding
C. Ang Buhay ng Baboy
D. Si Diding Na Kambing

4. Alin dito ang mensahe na nais ipahiwatig sa


teksto?
A. ang pagkamalinis
B. ang pagkamasipag
C. ang pagkamatalino
D. ang pagkamasayahin

15
5. Ano ang gagawin ni Diding pag-uwi niya galling sa
Bukid?
A. Maglalaba
B. Maglalaro
C. Matutulog
D. Magwawalis

Ikalawang Malayang Gawain


Basahin at unawain ang mensahe sa teksto.

Ang Isla ng Mantigue


Masayang nagtitipon-tipon ang mga apo ni
Nanay Petra sa sala dahil sabik na silang marinig ang
kuwento niya. ''Mga apo,makinig kayong mabuti sa
kuwento ko ngayon, ito ay tungkol sa Isla ng
Mantigue," ang sabi ni Nanay Petra. Nagpapatuloy
si Nanay Petra sa pagkuwento.
Noong unang panahon ang maliit na isla ng
Mantigue ay bahagi pa sa isla ng Camiguin. Isang
araw, nagkasundo ang mga diwata sa isla na
pupunta sila sa ibang lugar at dadalhin nila ang
kanilang bahay na ang isla ng Camiguin.
Gabi silang umalis at naglakad papunta sa
ibang lugar, ngunit naiwan nila ang kanilang kawali.

16
Bumalik sila at dali-daling kinuha nila ito, ngunit
nabitawan sa diwata ang kawali dahil naabutan na
sila ng araw.
Naging isang maliit na isla ang kawali na
ngayon ay tinatawag nating isla ng Mantigue.
Iyan ang dahilan kung bakit nahiwalay ang isla
ng Mantigue sa Isla ng Camiguin.

Ikalawang Tayahin
Basahin at lagyan ng tamang sagot ang patlang.
Piliin ang wastong salita na nasa loob ng kahon at
isulat sa sagutang papel.

diwata damit kawali

bata isla ng Camiguin sandok

isla ng Mantigue araw

1. Naabutan sila ng _______.

2. Nabitiwan ng diwata ang _________.

3. Ang kawali ay nagiging__________.

4. Nagkasundo ang mga ________ na pupunta sa


ibang lugar.

17
5. Ang maliit na isla ng Mantigue ay bahagi pa
sa __________________.

Isaisip

Mensahe – nais sabihin o iparating ng may-akda


may sulat ng isang kwento sa mga
mambabasa.
Paksa - isang kalahatan na gustong ipabatid ng
may-akda sa mambabasa.
Tema - mga kasabihang ibig ipaalam ng
may-akda sa mambabasa.
Patalastas - mga babala o anunsiyo
Kwentong Kathang-isip - mga kwentong bunga
ng isipan.
Tunay na pangyayari - totoong mga pangyayari
Pabula - kwentong mga hayop ang tauhan.

18
Isagawa

Pagmasdan ang larawan at sagutin


ang mga sumusunod na katanungan sa
ibaba. Isulat ang wastong titik sa sagutang
papel.

1. Bakit kailangan nating magtanim ng puno?

A. Upang pabayaan lamang.


B. Upang may puputulin tayo.
C. Upang mailigtas tayo sa baha.
D. Upang magkaroon lamang ng gawain.

19
2. Paano natin maipapakita ang pag-aalaga ng
ating kalikasan?

A. Puputulin ang mga puno.


B. Magtatapon ng basura sa ilog.
C. Sunugin ang mga tuyong dahon.
D. Magtatanim ng mga puno para maiwasan
ang pagbaha.

Pagtataya

Basahin at isulat ang tamang titik ng tamang


sagot sa inyong sagutang papel.

1. Ano ang ibig iparating ng mensahe sa larawan?

A. Lahat tayo ay maglalaro sa tubig.


B. Kawawa tayo kapag walang tubig.
C. Masaya ang mga tao kapag walang tubig.
D. Pabayaang nakabukas ang tubig sa gripo
kahit hindi ginagamit.

20
2. Sa ipinakita na larawan ano ang tema na nais
iparating sa mensahe?

A. paglalaro sa daan
B. pagsunod sa mga babala
C. pagmamaneho ng sasakyan
D. pagkakaroon ng mga sasakyan

Pinitas ni Ate Ditas ang pulang rosas sa hardin


ngunit biglang naging kulay itim ang rosas. Ang
sabi ni nanay nagalit ang diwata ng mga bulaklak.

3. Bakit naging itim ang rosas?

A. Dahil nalanta ang rosas.


B. Dahil nagalit ang diwata.
C. Dahil nahulog ang rosas sa lupa.
D. Dahil nilagyan ng kulay ang rosas.

21
4. Anong mensahe ang ibig iparating ng talata?

A. Nagalit ang nanay.


B. Ang diwatang masama
C. Sirain ang mga bulaklak.
D. Huwag pipitas ng mga bulaklak na walang
pahintulot.

5. Anong tawag sa virus na kumakalat ngayon na


naging sanhi ng pagkamatay ng tao?

A. polio
B. tigdas
C. bird flu
D. COVID-19

22
Karagdagang Gawain

Basahin ang talata at sabihin ang


mensahe, paksa o tema na nais ipabatid
ng tunay na pangyayaring ito. Sagutin ang
mga tanong at isulat ang wastong sagot sa
sagutang papel.

Ang Pagmamahal ng Ina


Ang ina natin ang kadalasang sumisita
sa atin. Kung ang anak ay nagkasala
nandiyan si inay na handang mangaral at
magpatawad. Kahit pasaway tayo at
laging nagbibigay sakit ng ulo sa ating ina
nandiyan pa rin siya para sa atin. Isipin natin
ang mga sakripisyo ng ating ina tulad ng
pagpapalaki at pagpapaaral. Sadyang
hindi mapapantayan ang kanyang
pagmamahal.

1. Sino ang handang mangaral at


magpatawad sa anak?

A. ina
B. ate
C. lola
D. kuya

23
2. Ano ang mensahe na nais ipabatid sa
pangyayari?

A. inang tamad
B. mapabayang ina
C. pasaway na anak
D. pagmamahal ng ina

3. Ano ang tema ng talatang nabasa ninyo?

A. pasaway na ina
B. batang mapagmahal
C. ang batang magalang
D. responsibilidad ng isang ina

4. Alin dito ang nagpapakita ng pagmamahal


sa isang ina?

A. walang respeto sa ina


B. pagkamasunurin sa ina
C. maging tamad na anak
D. maging pasaway na anak

5. Bakit kaya nagsasakripisyo ang isang ina sa


kanyang mga anak?

24
A. U.pang maging mataba ang kanyang
mga anak
B. Upang makautos siya ng husto sa
kanyang mga anak.
C. Upang maging maginhawa ang kanyang
mga gawain.
D. Upang magampanan ang kanyang mga
tungkulin bilang ina..

25
26
Unang tayahin ikalawang
1. A tayahin
2. D 1.
3. D 2.
4. B 3.
5. B 4.
5.
Unang tayahin Suriin
1. 1. X
2. 2. X
3. 3. /
4. 4. /
5. 5. /
Balikan subukin
1. C 1. D
2. D 2. D
3. B 3. C
4. D 4. D
5. c 5. d
Susi sa pagwawasto
27
Sancho C. Calatrava, et al. Filipino – 1 LM, Unang Edisyon 2017
Sanggunian
Karagdagang isagawa
gawain 1. C
1. A 2. D
2. D
3. D
4. B
5. D
tayahin Ikalawang
1. B tayahin
2. B 1. Diwata
3. B 2. Araw
4. D 3. Kawali
5. d 4. Isla ng
camiguin
5. Isla ng
mantegu
e

You might also like