You are on page 1of 15

Filipino 7

Filipino – Ikapitong Baitang


Ikaapat na Markahan – Modyul 6: Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong 318-
399)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Carina S. Javier
Tagasuri: Mellanie M. Bawa at Shirley H. Amorada
Editor:, Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso

Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin


OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
Manuel A. Laguerta EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Filipino 7
Ikaapat na Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Ibong Adarna: Ang Awit ng Ibong Adarna
(Saknong 318-399)
Manunulat: Carina S. Javier
Tagasuri: Mellanie M. Bawa at Shirley H. Amorada/ Editor: Leda L. Tolentino at Cindy C. Macaso
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 7 ng Modyul 6 para sa
aralin Ang Awit ng Ibong Adarna (Saknong 318-399)!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 7 Modyul 6 ukol sa Ang Awit ng Ibong
Adarna (Saknong 318-399)!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aara
MGA INAASAHAN

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang


makakamit mo ang sumusunod:

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO

Nailalahad ang sariling saloobin at damdamin sa napanood na bahagi ng


telenobela o serye na may pagkakatulad sa akdang tinalakay

MGA LAYUNIN SA PAGKATUTO

A. nailalahad ang katangian ng mga tauhan sa akdang tinalakay na


kahalintulad sa mga tauhang napanood na telenobela o seryeng
napanood;
B. nasusuri ang sarili kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay
nagpapakita ng tama o maling pananaw; at
C. nasusuri ang piling saknong at natutukoy ang nais nitong iparating.

Bago mo pag-aralan ang araling ito, subukin muna natin ang iyong
kaalaman tungkol dito. Sagutin mo muna ang inihandang Paunang
Pagsubok.

PAUNANG PAGSUBOK

PANUTO: Suriin ang sumusunod na pangyayari, iguhit ang  kung ang

pahayag ay nagpapakita ng kasiya-siya at  kung hindi.


1. Si Don Juan ay natagpuan ng isang matandang ermitanyo
na sugatan at walang malay, agad siya nitong tinulungan.

2. Isinawalat ng Ibong Adarna ang buong pangyayari mula sa


tunay na nakahuli sa kanya hanggang sa pagtataksil ng
dalawang prinsipe.

3. Pinagtaksilan si Don Juan ng kanyang nakatatandang


kapatid para maagaw ang Ibong Adarna.
4. Parusang kamatayan ang iginawad ni Haring Fernando kina
Don Pedro at Don Diego dahil sa kasalanang nagawa sa
nakababatang kapatid

5. Sa kabila nang lahat ay nagawa pa din iligtas ni Don Juan


ang dalawang taksil na kapatid mula sa parusa ng hari.

Bago ka magpatuloy sa panibagong aralin, muli mong balikan ang


nakaraang aralin.

BALIK-ARAL

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ayon sa matandang ermitanyo, ilang beses aawit ang Ibong Adarna


bago ito dumumi at matulog?
A. 2 B. 5 C. 7 D. 8

2. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang ipinadala ng


matandang ermitanyo kay Don Juan upang mahuli ang Ibong Adarna?
A. kutsara, tinidor at plato C. itak, kalamansi, at lubid
B. kutsilyo, kamyas, tari D. labaha, dayap, at sintas

3. Ang bagay na nakapagpanumbalik sa dalawang prinsipe upang


maging normal mula sa pagiging bato.
A. katas ng mahiwagang prutas C. luha ng Ibong Adarna
B. luha ni Don Juan D. mahiwagang tubig

4. Nakaisip na patayin si Don Juan upang sila ang papurihan ng hari.


A. Don Diego B. Don Pedro C. Ermitanyo D. Ibong Adarna

5. Reaksyon ni Haring Fernando nang dumating sina Don Pedro at


Don Diego dala ang Ibong Adarna.
A. Naiinis dahil hindi siya gumaling
B. Natuwa dahil siya ay gagaling na.
C. Nalungkot dahil wala ang bunsong anak.
D. Nadismaya sapagkat pangit ang hitsura ng ibon at ayaw kumanta.
ARALIN

A. Panimulang Gawain

Ang awit o musika ay isang mahalagang sining sapagkat ito ay


nagbibigay ng karagdagang buhay at inspirasyon sa mga tao, Ito ang
kadalasang pinagkukunan ng inspirasyon ng mga taong umiibig, sawi sa
pag-ibig, mga taong malungkot at ang mga taong masaya. Natitiyak kong
tayo ay may sariling mga paboritong awit kung saan masasalamin ang
ating damdamin, hilig at pagkatao. Maaari mo bang isulat ang koro ng
pinakapaborito mong kanta at kanino mo ito iniaalay? Aling bahagi ng
koro ang nakaantig sa iyong damdamin.

Sa araling ating tatalakayin ay higit na mauunawaan mo ang


kahalagahan ng awit sa buhay ng tao. Sapagkat sa pamamagitan ng ng
malamyos na tinig ng Ibong Adarna ay naihayag sa buong kaharian ng
Berbanya ang lihim na pilit na itinago ng dalawang nakatatandang
kapatid ni Don Juan. Sabik ka na bang malaman kung ano-ano ang
ikinuwento ng Ibong Adarna kina Haring Fernando at Reyna Valeriana?
Halina’t alamin.

Ang Awit ng Ibong Adarna


(Saknong 318-399)

Ang sinumang makakikita kay Don Juan ay tiyak na maawa sa labis na


pasang tinamo ng kanyang katawan. Hindi siya nakalimot na tumawag sa Poong
Maykapal at kung siya’y mamamatay huwag kalimutang siya’y dalhin. Hindi niya
lubos maisip kung bakit siya ay pinagtaksilan ng kanyang mga kapatid. Sa
darating na isang matanda, siya ay tinulungan at pinagpala. Nagpasalamat siya sa
pagtulong na ginawa sa kanya. Naitanong niya kung paano siya makababayad.
Nagwika ang matanda na, “Ang pagtulong ay may layon, hindi nangangailangan ng
kabayaran.”

Halos lumipad tulad ng ibon si Don Juan upang marating agad ang
kaharian dahil ninanais na maabutan ang amang buhay. Nang makita ng ibon si
Don Juan, buong pusong isinalaysay sa hari ang masamang ginawa ng
magkapatid. Ilang beses nagpapalit-palit ng balahibo ang ibon habang ito’y
nagsasalaysay. Sinabi pa nito na may tumulong na matanda upang tulungang
magkaroon ng buhay muli ang magkapatid. Kinausap sila ng matanda na sana’y
walang maglililo sa kanila, subalit dahil naiinggit sila kay Don Juan nangyari ang
‘di dapat mangyari. Kanilang pinagkaisahang patayin si Don Juan, sapagkat
nahihiya sila na ang pinakabata pa ang nakahuli ng ibong makapagpapagaling sa
ama.

Nang malaman ito nang ama, inutusan na ipatapon at bawian ng lahat ng


karapatan upang ‘di pamarisan ng kahit na sino. Ngunit, lumuha si Don Juan na
nakikiusap sa amang hari na kaawaan at patawarin ang kanyang mga kapatid.
Wala namang nangyari raw sa kanya, sila raw ay dapat magsama-sama. Kahit galit
ay nabagbag na rin ang puso.
(Halaw mula sa Obra Maestra I pahina 104,115-16 at 127 / Larawan mula sa google)

B. Pagtalakay sa Akda

PANUTO: Pagsunod-sunurin ang mga pangyayari sa akda. Isulat ang letra A-E
sa patlang.

______1. Labis ang galit ng hari kaya napagpasyahan na bawian ng


lahat ng karapatan ang dalawang prinsipe at ipatapon sa
malayong lugar.

______2. May dumating na isang matandang ermitanyo at tinulungan si Don


Juan. Himalang nanumbalik ang lakas ni Don Juan kaya ganoon
na lamang ang pagpapasalamat niya sa matanda.

______3. Nang makita ng Ibong Adarna si Don Juan ay agad itong


nabuhayan ng loob, bumalik ang taglay na ganda at isinalaysay
ang tunay na pangyayari mula sa pagkahuli sa kanya hanggang sa
pagtataksil ng dalawang prinsipe.

______4. Pinakiusapan ni Don Juan ang hari na patawarin ang dalawang


kapatid. Pumayag ang hari at nagbigay babala na buhay ang kapalit
sa kung muling magkakamali ang dalawang prinsipe.

______5. Dali-daling umuwi pabalik ng Berbanya si Don Juan upang makita


ang amang hari.

Iyo nang nalaman ang tungkol sa araling ito. Ngayon, sukatin mo


naman ang kaalamang natutuhan mo tungkol dito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga pagsasanay.
MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1 TALASALITAAN
PANUTO: Bilugan sa loob ng kahon ang kasingkahulugan ng mga salitang may

salungguhit sa sumusunod na parirala.

1. sukat na ikalumbay ikinalungkot ikasawi ikatuwa

2. kabiguan ang tinamo ibinigay iginanti sinapit

3. kapatid na naglilo nagalit nagtaksil tumulong

4. pinagtulungang umugin gamutin gulpihin sagipin

5. kanyang natalos naalala nalaman nasaksihan

PAGSASANAY 3 - PAGSUSURI SA PILING SAKNONG

PANUTO: Hanapin sa Hanay B ang mensaheng nais ipahiwatig ng piling


saknong na nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
Hanay A Hanay B
A. Walang mabuting
____1. “Huwag tayong mamantugan
naidudulot ang inggit
Sa ugaling di mainam
sa kapwa, ito ang
Na kaya kung dumaramay
magdadala sa atin sa
Ay nang upang madamayan.”
kapahamakan.
____2. “Pagkat ipaglihim nama’y B. Ang pagtanaw ng
Mabubunyag din ang tunay utang na loob sa
Ang Adarna’y kay Don Juan kabutihang
Ang sa ati’y kabiguan.” ipinagkaloob sa iyo.
____3. “Utang ko sa inyong habag C. Ang bawat kamalian
ang buhay kong di nautas, ay may kaakibat na
ano kaya ang marapat kaparusahan.
iganti ng abang palad?”
D. Ang pagtulong sa
____4. “Sa apoy ng kainggitan nitong kapwa ay hindi
Anak mong panganay, naghihintay ng
Nagbuko ng kataksilan kapalit.
Na patayin si Don Juan.”
E. Ang katotohanan ay
lalabas at ang maling
gawa ay mababatid
rin.
PAGSASANAY 2 – PAGSUSURI’T PAGHAHAMBING

PANUTO: Pumili ng tauhan sa napanood na teleserye na maihahalintulad ang


katangian sa piling tauhan sa akda. Ilahad ang iyong damdamin o
saloobin tungkol dito.

Tauhan sa Tauhan at
Ibong Adarna katangian sa Saloobin o damdamin
napanood
teleserye

https://www.slideshare.net/meihanuy/mga-tauhan-saibongadarna

Rubriks sa Pagmamarka

5 – Naibibigay ang katangian ang lahat ng tauhan at naihahalintulad ito sa


tauhang napanood sa telenobela at nailalahad ang sariling saloobin tungkol dito.
4 - Naibibigay ang katangian ng tauhan at naihahalintulad ito sa tauhang
napanood sa telenobela at ngunit kulang ang pagbibigay ng sariling saloobin.

3 – May isang tauhan na hindi nabigyan ng katangian, paghahalintulad at saloobin


tungkol dito.

2 – May dalawang tauhan na hindi nabigyan ng katangian, paghahalintulad at


saloobin.
1 – Isang tauhan lang na nabigyan ng katangian, paghahalintulad at saloobin.
PAGLALAHAT

PANUTO: Punan nang tamang salita ang mga pangungusap upang mabuo
mensahe nito. Piliin sa kahon ang sagot at isulat sa patlang.

 Walang 1___________ na hindi 2______________.


 Ang 3_____________ sa kapwa ay hindi humihingi ng 4__________.
 Sa oras ng 5________________, sa 6_____________ tayo humingi ng
7_________.
 Huwag 8______________ ang ugaling hindi 9_______________.

Diyos gabay kagipitan kapalit lihim

maganda masama nabubunyag pagtulong tularan

PAGPAPAHALAGA

PANUTO: Suriin ang sarili kung ang mga sumusunod na sitwasyon ay


nagpapakita ng tama o maling pananaw. Lagyan ng tsek (√) kung
ang pahayag ay tama at ekis (X) kung mali.

____ 1. Ang pagiging sunud-sunuran sa iba kahit pa ang inuutos nito ay


nakasasama na ay dapat pa ring sundin.
____ 2. Ang pagtulong sa kapwa ay hindi pinipili at hindi humihingi ng kapalit.
____ 3. Walang mabuting naidudulot ang inggit kaya matutong makuntento.
____ 4. Mas masarap ang tagumpay kung ito’y pinagsikapang makuha sa tamang
gawa.
____ 5. Gumawa nang masama para lang pagtakpan ang isang kabiguan o
kahihiyan

Nasa pangwakas na bahagi ka na ng modyul na ito, dito susukatin


ang iyong natutuhan sa araling ito. Sagutin mo ang Panapos na Pagsusulit.
PANAPOS NA PAGSUSULIT

PANUTO: Tukuyin kung sinong tauhan ang nagsagawa ng sumusunod.

_____________________ 1. Humiling na huwag parusahan ang dalawang


prinsipe.

_____________________ 2. Nagsiwalat ng mga tunay na pangyayari.

_____________________ 3. Gumamot at nagbigay kalinga kay Don Juan.

_____________________ 4. Utak ng planong pagpapapatay kay Don Juan.

_____________________ 5. Nagpataw ng parusa sa dalawang prinsipe.

Don Diego Ermitanyo

Don Juan Haring Fernando

Don Pedro Ibong Adarna


PAUNANG PAGSUSULIT
1.  PAGPAPAHALAGA PAGLALAHAT
2.  1. X 1. lihim
3.  2. √ 2. nabubunyag
4.  3. √ 3. pagtulong
5.  4. √ 4. kapalit
5. X 5. kagipitan
BALIK-ARAL 6. Diyos
PANAPOS NA PAGSUSULIT 7. gabay
1. C 8. tularan
2. D 1. Don Juan 9. maganda
2. Ibong Adarna
3. A
3. ermitanyo
4. B
4. Don Pedro
5. C 5. Haring Fernando
SUSI SA PAGWAWASTO
Sanggunian
Mga Aklat

Candelario, Marietta T.et.al Obra Maestra I Rex Book Store 2006

Julian, Ailene B. et al Pinagyamang Pluma 7 Phoenix Publishing House 2015

Social Media

http://rexinteractive.com/UserFiles/IM/Pointers-Filipino-
2/Supplemental%20Filipino%20High%20School%20Grade%207%204rth%20Q.pdf

Mga Ginamit na Larawan

https://www.google.com/search?q=ibong+adarna&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir
=9VOwZlAfdZhhsM%252CykTnHt56rxJdMM%252C_&vet=1&usg=AI4_-
kRbR2b6d3_inVT3rzE3s_EBRTL1wg&sa=X&ved=2ahUKEwjY7q6RkNPqAhWQGaYK
Hc_ADkUQ9QEwA3oECAoQIg&biw=1366&bih=608#imgrc=BLUcsUaGyA-XjM

https://www.slideshare.net/meihanuy/mga-tauhan-saibongadarna

You might also like