You are on page 1of 2

Name: _______________________________________ Score: _____________

Panuto: Piliin sa kahon ang kahuluganng mga salitang nasalungguhitan

tumitira naloloko mahiwaga

nakatulog payat na payat natimo

pag-aalala kalungkutan malaman

sikat hari nakatulog

______________1. ang hari ay dagling naidlip sa kanyang pagkahiga.


______________2. wari ay ang kanyang anak na si Don Juan ay nalililo ng mga taong walang puso.
______________3. hindi matarok ng maraming manggagamot ang sakit ng mahal na hari.
______________4. malimbag ang gunam-gunam sa isipan ng hari ang kanyang napanaginipan.
______________5. dahil dito naging parang buto’t balat sa karamdamang taglay ang hari.
______________6. isang manggagamot ang nakatalos sa sakit ng haring bantog.
______________7. ang reyna ang liyag, dalamhati’y di masukat.
______________8. ibon tumatahan sa Tabor na kabundukan.
______________9. ang buhay talinghagang di malaman.
______________10. nagkasakit ang monarka sa sobrang kalungkutan.

II. Panuto: Kilalanin ang tauhan sa bawat bilang sa tulong ng mga salitang naglalarawan/nagbibigay impormasyon sa
kanila.
1. May malambing na tinig, hatinggabi kung dumating sa Piedras ________________ Platas na kanyang tirahan.
2. Bunsong anak ni Haring Fernando na labis niyang minamahal. ________________
3. Panganay na anak na may tindig na pagkainam. ________________
4. Haring hinahangaan ng kanyang nasasakupan. ________________
5. Reyna na walang kasingganda sa kaharian ng Berbanya. ________________
6. May ugaling malumanay na pangalawang anak nina Haring Fernando. ________________
7. Unang inibig ni Don Juan. ________________
8. Lugar kung saan natagpuan nina Don Pedro at Don Diego si Don Juan at doon na sila namalaging tatlo _____
9. Sino ang nagpakawala sa Ibong adarna noong natutulog si Don Juan?
10. Ano ang natagpuan ni Don Juan sa mahiwagang balon? ____________

III. Tama o Mali. Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum kung tama ang ipinapahayag ng pahayag sa bilang at ekis (x)
naman kung mali.
1. Nabibilang ang Ibong Adarna sa tulang romansa o romance.
2. Ginamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo ang panitikan.
3. Hindi pinapaksa sa mga tulang romansa, kabilang ang Ibong Adarna, ang relihiyon.
4. Ang tagpuan sa tulang romansa ay karaniwang sa isang pangkaraniwang lugar sa Pilipinas.
5. Nagsisimula ang tulang romansa sa isang kahilingan sa Mahal na Birhen o sa isang santo.
6. Ang Ibong Adarna ay nabibilang sa maikling kuwento
7. Masasalamin sa Ibong Adarna ang pagiging malikhain ng manunulat.
8. Masining na pagkukuwento ang paraan ng pagsasalaysay sa Ibong Adarna.
9. Inilalarawan ang kulturang Pilipino sa akda tulad ng pagmamahalan, pagtulong sa ngangangailangan, pagpapatawad at
pagtawag sa Panginoon.
10. Ang awit at haiku ang dalawang anyo ng tulang romansa.
11. Ang Ibong Adarna ay halimbawa ng korido.
12. Mahigit na tatlong buwang binagtas ni Don Pedro ang kaparangan patungong bundok Tabor.
13. Ang Ibong Adarna ay binubuo ng walong pantig sa bawat taludtod.
14. Isinulat ito upang basahin at hindi upang awitin.
15. Binibigkas ito nang mabagal.
16. Ang mga tauhan ay may taglay na katangiang tulad ng sa hayop.
17. May kakayahang gumawa ng kababalaghan ang mga tauhan.
18. Nakikipaglaban ang tauhan alang-alang sa pag-ibig.
19. Taglay nito ang karunungang nagtataglay ng aral sa buhay.
20. Maaaring mangyari sa tunay na buhay ang pakikipagsapalaran ng mga tauhan.

Sagutin ang mga tanong:


1. Sang-ayon ka ba sa ginawang pagdarasal ni Don Juan bago niya ipinagpatuloy ang kanyang paglalakbay? Pangatwiran.
2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng pananampalataya sa Diyos? Ipaliwanag ang sagot.

You might also like