Professional Documents
Culture Documents
Ibong Adarna
Tulang romansa
- Isang uri ng tulang pasalaysay tungkol sa pakikipagsapalaran at kabayanihan na karaniwang
mga maharlikang tao ang nagsisiganap.
- Nagsimulang lumaganap sa EUROPA noong Middle Ages
- Sinasabing nakarating sa Pilipinas mula sa Mehiko noong ika-17 dantaon.
- Kinilala sa ating bansa kasabay ng pagpapakilala ng imprenta at pagkatuto n gating mga
ninuno ng ALPABETONG ROMANO.
Panitikan
-isa sa mga paraang ginamit ng mga Kastila sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo
- Kasabay ng pagdagsa ng mga aklat dasalan na dinala ng mga prayle at sundalong Kastila
- Halimbawa nito ay ang IBONG ADARNA.
- Ang tagpuan ay karaniwang nasa isang kaharian sa Europa.
- Nagsisimula ito sa panalangin o pag-aalay sa Mahal na Birhen.
- Nanawagan sa Diyos ang mga tauhan sa akda at nagtatagumpay naman ang mga nananalig sa
Diyos.
2 Anyo
1. Awit
2. Korido
- Mula sa salitang “corido” ng Mehiko na hango naman sa Espanyol na “occurido”
na nangangahulugang “nangyari”
- IBONG ADARNA
Marso 16, 1521 – naitala ang pagdating ng mga Espanyol sa Pilipinas sa pangunguna ni
Ferdinand Magellan
1565 – nagsimula ang kasaysayan ng pananakop ng mga Espanyol sa ating bansa nang
dumating si MIGUEL LOPEZ DE LEGASPI at nagtatag ng unang pamayanan sa
Cebu.
3 layunin ng mga espanyol sa pananakop ng Pilipinas:
1. Pagpapalaganap ng katolisismo.
Dahil sa kanilang layunin ay sinunog nila ang mga nakasulat na panitikan ng
ating mga ninuno sa halip ay pinalitan nila ang mga ito ng panitikang
nagbibigay-diin sa pananampalatayang Kristiyanismo.
Ito rin ang naging sanhi kung bakit ang panitikan sa panahong ito ay naging
may pagkakatulad sa mga anyo at paksang Espanyol
Larangan ng Panulaan
Lumaganap ang tulang liriko
Awit
Korido
Pasyon
Larangan ng drama
Duplo
Karagatan o moro-moro
Dulang panrelihiyon
Senakulo
Sarsuwela
3 katangian ng panitikan ayon sa aklat ni Jose Villa Panganiban na
pinamagatang Panitikan ng Pilipinas:
May sari-saring kaanyuan at pamamaraan
Ang karaniwang paksain ay panrelihiyon.
Ang lalong nakararami ay huwad, tulad o halaw sa anyo, paksa, o tradisyong
Espanyol.
Panitikan
Mabisang behikulo upang mabilis na maipalaganap ang Katolisismo sa bansa.
Tulang Romansa
Isa a pinakatanyag na uri ng panitikang nagbibigay-halaga sa diwang Kristiyanismo na
nahahati sa dalawang anyo – ang awit at korido.