You are on page 1of 2

Pahinga mula sa Danas ng Kalungkutan

Nais ko’ng lumayo sa mausok na pook na aking pinanggalingan. Umaga, nagsimula sa paanan ng
bundok makikita mo talaga ang paligid na nagniningning sa sobrang ganda. Nagsisimula na sa paglakad
tingin dito, tingin doon, hindi ko inakala na may ganitong bundok na kaakit-akit ang mga tanawin.

Nakakamangha. Nakakagulat. Nakakatuwa, pagpunta ko doo’y kahit pagod tila’y mawawala,


maiibsan ang mga problema kapag narinig mo lang ang pagaspas ng mga kahoy kasabay ng
napakasariwang hangin.

Habang ako’y naglalakad patungo sa itaas kahit pawis ay tumatagaktak hindi ito napapansin.
Ang himig ng mga ibon na para bang ako’y papatulugin. Naglalakad. Nagmamasid sa paligid bitbit ang
ngiting abot hanggang langit.

May makikitang isang lawa na sa bawat pag-apak ay napakalamig ng tubig, mga isdang
naglalanguyan, mga batong naglalakihan. Papalapit na sa tuktok ng bundok ang daan ay nagsisikipan,
sobrang liit na ng dinadaanan, kailangang mag-ingat pero sa kabila ng kaba makikita mo naman ang nasa
ibaba na sobrang ganda.

Nailabas ko ang lahat ng aking mga dinadamdam sa pamamagitan ng isang malakas ng pagsigaw.
Natangay ng hangin ang lahat ng mabibigat na bato ng kalungkutang aking pasan-pasan. Sa pag-akyat sa
matarik na bundok ay nakasabay ko ang mga taong nais ding magpahinga sa tuktok ng bundok.

Pakiramdam ko’y ako’y malaya, malaya mula sa danas ng kalungkutan na aking nararamdman sa
kaibuturan ng aking kaluluwa.

Isang karanasan sa Mt. Salumayagon ay hindi ko malilimutan, hindi man ito katulad ng mga
bundok na kilala sa buong mundo. Ang mahalaga ay napapanatili ng mga taga barangay Tula, Alubijid,
Misamis Oriental ang kagandahan, kalinisan, katahimikan ng bundok.
Kathang-isip na dulot ng mga Pahiwatig
Ni: Aive Marist L. Obsioma

Narito lamang sa sulok nakatulala, wala akong maisip na paksa. Ako’y kasalukuyang nakahawak
sa plumang puno ng tinta at isang piraso ng blangkong papel, ‘di ko alam kung magagamit pa kaya. Ito ay
dahil wala, wala nang kailangang isulat pa. Bago pa man magsimula ang ating kuwento ay tinapos mo na
ito. Paano nga ba nagkaganito?
Una kang nagparamdam sa pamamagitan ng makabagong paraan. Isang “wave” sa Facebook
Messenger na tinugunan ko naman ng isa pa’ng “wave”. Hindi ko intensyong tumugon sa pagpapapansin
mo dahil alam kung isa na naman itong panloloko. Sinabayan ko ang mga trip mo kaya nakipaglaro ako
at kahit sa maikling panahon na nagkausap—Ay! Mali. Sa maikling panahon na naging magka-chat tayo
aking napagtanto na ika’y mabuting tao. Marami ka’ng alam na aral tungkol sa pagpapahalaga sa mga
bagay dito sa mundo kaya’t sabi ko na baka puwede ka’ng ituring na kaibigan.

You might also like