You are on page 1of 2

ANG HULING PAALAM

NI JOSE RIZAL
Paalam, sinta kong Lupang Tinubuan Bayaan mong ako’y malasin ng buwan
Bayang sinagana ng sikat ng araw Nang kanyang liwanag na lubhang malamlam
Marikit na mutya ng dagat silangan Bayaang ihatíd sa aking libingan
Edeng maligayang sa ami’y pumanaw. Mahinahong sinat ng kanyang liwayway.

Sa iyo’y handog ko ng ganap na tuwa


Malungkot kong buhay na lanta at abâ Bayaang humibik ang simoy ng hangin
Naging dakila man, boong pagnanasang At kung may dumapò sa Tanda ng libing
Ihahandog ko rin sa iyong paglaya. Na ano mang ibon, bayaang awitin
ng huning matimyas ang payapang aliw.

Ang nangasa digmang dumog sa paglaban


Alay din sa iyo ang kanilang buhay Bayaang ang araw na lubhang maningas
Hirap ay dî pansín at dî agam agam Ulan ay tuyuin, singaw ay itaas
Ang pagkaparool o pagtatagumpay. Maging panganuri’t dalisay na ulap
Kalangkap ang hibik ng aking pagliyag.

Bibitaya’t dusang linikhâ ng bangis


O pakikibakang lubhang mapanganib Bayaang ang aking maagang pagpanaw
Walang kailangan kung ito ang nais Itangis ng isang tapat na magmahal
ng bayan at madlang pinakaiibig. Kung payapang hapon sa aki’y magalay
ng isang dalangin, ako’y patungkulan.

Mamamatay ako, ngayong namamalas


Ang bukang liwayay na nanganganinag Idalangin mo rin ang kinapos palad
ng minimithî kong araw na sísikat Na nangamatay na, yaong nangaghirap
Sa likod ng dilím na kagulat gulat. Sa tanang pasakit, at ang lumalangap
Naming mg̃a ina ng luhang masaklap.

Kung ang kulay pula’y kinakailangan


Upang itina mo sa iyong liwayway Iyong idalangin ang bawa’t ulila
Dugô ko’y ibubò pangiti kong alay Ang nangapipiít na nangagdurusa,
Nang iyang sinag mo ay lalong dumingal. Iyong idalangin sana’y matubos ka
Sa pagkaaliping lalong binabata.

Lagi kong pangarap mulang magkaisip


Magpahanggang ngayo’y maganap ang bait Kung nababalot na ang mga libingan
Ay mapanood kang hiyas na marikit ng sapot ng gabing payak kadiliman
Nang dagat silangang dito’y lumiligid. Kung wala ng tanod kundî pawang bangkay,
Huwag gambalain ang katahimikan.

Mata mong marikit sana’y lumigaya


Walang bakas luha’t puspos na ng sigla Pakimatyagan mo ang hiwagang lihim
Tingalâ ang noo, balisa’y walâ na At mapapakingan lungkot ng taginting
Walang bahid poot walâ nang pangamba. ng isang kudyapi, ito ay ako rin
Inaawitan ka ng boong paggiliw.

¡Pangarap ng buhay! Marubdob kong nais,


Ikaw ay lumusog, hiyaw ng pagibig Kung ang libingan ko’y limot na ng madla
ng kalulwa kong gayak sa pagalis At wala ng kurus ni bato mang tanda
Upang lumaya ka, buhay ay lumawig. Sa nangaglílinang ay ipaubayang
Bungkali’t isabog ang natimping lupa.

Kay tamís malugmok, matanghal ka lamang


Mamatay ng upang mabigyan kang buhay Ang mg̃a abo ko bago pailanlang
Mamatay sa silong ng langit mong mahal Mauwî sa wala na pinanggalingan
Malibing sa lupang puspos karikitan. Ay makalat ulíng parang kapupunan
ng iyong alabok sa lupang tuntungan.

Kung sakasakaling sa aba kong libing


Mayuming bulaklak ay iyong mapansing Sa gayo’y wala nang ano man sa aking
Sumilang sa gitnâ ng damong mahinhín Ako’y limutin mo, aking lilibutin
Hagka’t ang halík mo’y aking tatanggapin. Yaong himpapawid, kaparanga’t hangin
At ako sa iyo’y magiging taginting.

Sa noo kong hapô na doo’y ninidlíp


Sa libingang hukay na lupang malamig Bango, tingig, higing, awit na masaya
Ay tatanggapín ko ang iyong pagibig Liwanag at kulay na lugod ng mata,
Init ng pagiliw ng nínintang dibdib. Uulit ulitin sa tuwítuwî na
Ang kataimtiman ng aking pagsamba.
ANG HULING PAALAM
NI JOSE RIZAL
Sintang Pilipinas, Lupang Tinubuan
Sakit ng sakit ko, ngayon ay pakingan
Ang hulíng habilin: Sa iyo’y íiwan
Ang lahat ng lalong inirog sa buhay.

Ako ay tútungo sa bayang payapa


Na walang alipi’t punong mapangaba
Doo’y di nanatay ang paniniwala
At ang naghahari’y yaong si Bathala.

Paalam na ako, magulang, kapatíd,


Bahagi ng puso’t unang nakaniíg,
Ipagpasalamat na ako’y malingíd
Sa buhay na itong puspos ng ligalig.

Paalam irog kong Banyagang hirang


Aking sinisinta, aking kasayahan.
Paalam sa inyo mg̃a minamahal
Mamatay ay ganap na katahimikan.

You might also like