You are on page 1of 14

Paunang Pagtataya

Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________


Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Abril 13, 2021

I. Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na nagpapakilala at kung ano ang Panitikan


Filipino (20 puntos)

Ang una sa lahat, ano nga ba ang panitikan? Ang pinitikan ay nanggaling sa
salitang “pang-titik-an” na kung saan ay gumamit ng unlaping “pang” at hulaping “an”,
ang salitang “titik” naman ay nagunguhulugang literatura na nanggaling sa salitang latin
na “litterra” na nangunguhulugang titik. Ang Panitikang Pilipino ay masasabi nating isa sa
mga mahahalagang kayamanan ng ating nasyon na patuloy na naghuhubog sa ating
pagkakakilanlan at pagkatao dahil nakapaloob dito ang mga pahayag na pasalita o
pasulat na nagmula sa damdaming Pilipino tungkol sa pag-uugaling panlipunan,
pamumuhay, pananampalataya, at paniniwalang pampulitika na walang-patid nating
isinasabuhay. Malinaw na naisasaad sa kasaysayan na bago pa man dumating ang mga
mananakop sa ating mga isla, makikitaan na ang mga katutubong Pilipino na mayroong
sariling kalinangan dahil nakabuo na sila ng sariling pamahalaan, sining, batas, wika, at
panitikan. Isa sa mga halimbawa nito ay ang Alibata o Baybayin na kilala bilang sistema
ng pagsulat ng mga katutubong Pilipino.

Sa mga nakalipas na taon, Ang mga aral at patnubay na nalikha ng mga sinaunang
Pilipino na nagpasalin-salin sa bibig ng mga mamamayan ay unti-unting umunlad dahil
sa malaking impluwensya ng mga karatig-bansa ng Pilipinas kagaya ng Arabia, Malaysia,
Indonesia, at iba pa na kalauna’y nagbunga ng pagbabago sa kaanyuan ng Pantikang
Pilipino. Mailalahad natin na malaking tulong ang naibigay ng pagbabago na ito sa ating
panitikan dahil nagbunga ito ng mga bagong ideya o kaisipan kagaya ng mga epiko,
alamat, kwentong bayan, awiting bayan, karunungan bayan, iba-t ibang uri ng dula at
naging bahagi rin ng Panitikang Pilipino ang awit, korido at moro-moro.

1
II. Panuto: Isulat ang mga salita na maaaring iugnay sa Panitikan.

Literatura
Wika Kultura

Talastasan Lipunan

Kaisipan
Kontemporaryong
Isyu Kasaysayan

Gawain
Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________
Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Abril 13, 2021

Panuto: Basahin ang bawat pahayag na nakalagay sa bawat kahon. Ilagay ang salitang
PADAYON kung may kaalaman sa nakasaad sa kahon. Ilagay naman ang salitang AWIT
LODS kung hindi pa lubos ang kaalaman sa nakalagay sa kahon.

May nabasa na Kilala ko ang mga Alam ko kung ano


Kilala ko si akong dalawang tauhan ng Noli at El ang kahulugan ng
Francisco Balagtas Nobelang Pilipino fili Panitikan

PADAYON PADAYON PADAYON PADAYON

2
Nasubukan ko ng
Itinuturing kong Alam ko ang maging bahagi ng
yaman ang Kilala ko si Marcelo alamat ng aming isang dula sa
Panitikang Pilipino H. Del Pilar Bayan paaralan

PADAYON PADAYON PADAYON PADAYON

May higit sa 5 ang Mahalaga sa akin


Kilala ko si Lope K. alam kong uri ng ang Panitikang Alam ko ang kwento
Santos Panitikan Pilipino ni Juan Tamad

PADAYON PADAYON PADAYON PADAYON

Alam ko ang tulang May higit sa 10 na


Isang Dipang Alam ko kung saan ang nabasa kong
Langit ni Amado V. nagmula ang Kilala ko si akdang
Hernandez salitang Panitikan Severino Reyes Pampanitikan

AWIT LODS PADAYON AWIT LODS PADAYON

Nakasusulat ako
Marunong akong ng mga tulang may Kilala ko si Jose Nakasusulat ako ng
tumula tugmaan Corazon De Jesus Maikling Kwento

PADAYON PADAYON AWIT LODS PADAYON

3
Pagsasanay
Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________
Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Abril 13, 2021

I. Tanong: Bilang mag-aaral ng henerasyong ito, paano kaya mas magiging interesante
(interesting) sa katulad mong kabilang sa millennials o Gen Z ang pag-aaral ng panitikan?

Bilang isang kabataan at isang mag-aaral na kabilang sa henerasyon ng Millenials


o Gen Z, masasabi ko lang na mas magiging interesante sa amin ang pag-aaral ng
pantikan kung ito ay wastong mailalathala sa mga media platforms kagaya ng Facebook
at Youtube dahil sa panahon ngayon na may nagaganap na pandemya, ang karamihan
ng mga mag-aaral ay nasa kani-kanilang mga tahanan kung kaya’t mas maluwag para
sa amin ang manuod at mag-browse ng mga pang-edukasyonal na mga bidyo at aralin
na patungkol sa panitikan. Bukod dito, iminumungkahi ko na gawing mas nakaka-
enganyo ang pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral na nasa online class sa
pamamagitan ng mga makukulay at epektibong materyales o visual aids at mga maliliit
na patimpalak sa loob ng online meeting kagaya ng “question and answer” upang mas
mabuhayan ng dugo at hindi antukin ang mga mag-aaral.

II. Panuto: Tukuyin ang magandang epekto ng panitikan sa mga sumusunod:

Nakakatulong ang panitikan sa pag-unlad at


pagyaman ng ating buong pagkatao bilang isang
Pilipino dahil habang inaaral at isinasabuhay natin
ang panitikan, mas lalong napapalawak nito ang
ating isip at kamalayan at mas napapabuti natin
ang ating sarili sa pamamagitan ng pagkakaroon
malasakit sa ibang tao at sa ating lipunan.

4
Dito nahasa ang mga kabataan at mag-aaral
upang mas lalong maintindihan ang kasaysayan at
kung paano umunlad ang ating mga kaisipan at
kamalayan sa mga nagdaang taon. Maaaring
gamitin ang mga sinaunang ideya at konseptong
ito upang ituro sa mga mag-aaral kung paano nila
ito mapapayabong at magagamit para sa
positibong pagbabago.

Ang panitikan ang naging daan para sa mga


mamamayan upang makapag-isip ng mga ideya at
kaisipan upang magkaroon ng pagkakaisa at
ginhawa para sa lahat. Dahil din sa panitikan,
nagkaroon ng mga plano upang makabuo ng mga
organisasyon ang isang lipunan na naghihikayat
sa mga mamamayan na kumilos bilang isang
grupo upang makamit ang maayos na buhay.

III. Panuto: Pangatwiranan ang mga kasunod na pahayag sa ibaba. Isulat sa patlang ang
sagot.

1. Mabisa bang pag-aralan ang Panitikan upang makatulong sa lahat ng kurso ng pag-
aaral sa kolehiyo? Bakit? (1-5)

Mabisang pag-aralan ang panitikan sa lahat ng kurso sa kolehiyo, dahil patuloy


nitong pinapalawig ang ating pag-iisip at kamalayan upang mas maging mapanuri,
malikhain, malaya, matutong mabahala sa mga isyung global at panlipunan, magkaroon
ng malasakit sa lahat ng tao. Higit sa lahat ay nakapaloob sa panitikan ang larangang ng

5
pagkakadalubhasa sa mga kurso sa kolehiyo at ang patuloy na pag-aaral nito ay
nagreresulta sa pagkakaroon ng mahusay na kakayahan sa intrapersonal na
komunikasyon bilang isang mag-aaral at mamamayan.

2. Bakit sinasabing ang Panitikan ay salamin at kaluluwa ng bansa? (6-10)

Sinasabi na ang panitikan ay ang salamin at kaluluwa ng bansa dahil walang


bansang umuunlad nang walang sariling wika at panitikan. Ang panitikan din ang
humuhubog sa makabayan, makatao, at demokratikong aspirasyon ng ating bansa.
Sa pagkakaroon ng sariling panitikan, maipapakilala natin ang ating sariling angking
talino bilang Pilipino at taas-noo nating maipapakilala sa ibang mga nasyon ang ating
mga nagkakadakilaang mga tradisyon at kultura na sa ganitong paraan ay
maipapadama natin ang ating lubos na pagmamahal sa bansang Pilipinas at lahat ng
ito ay sumasalamin lamang sa ating mayamang kultura. Nagbibigay din ng malaking
benepisyo ang pagkakaroon ng sariling panitikan at mayaman na kultura dahil mas
nahihikayat ang mga ibang lahi na tangkilikin at suportahan ang ating bansa na
maaaring makatulong sa ating ekonomiya.

3. Paano mapagyayaman at mapauunlad ang Panitikan bilang isang Asignatura at


bahagi ng kultura ng mga Filipino? (11-15)

Sisimulan natin ito sa pagpigil sa ahensya ng edukayson sa pagpapatanggal ng


asignaturang Filipino bilang isa sa mga core subjects sa kolehiyo dahil negatibo ang
maidudulot nito sa mga mamamayang Pilipino, lalong-lalo na sa mga mag-aaral dahil
ang pagkamangmang sa sariling wika at panitikan ay parang tinatalikuran na natin ang
ating pagkakakilanlan bilang Pilipino. Ang pag-aaral ng Panitikan ay importante para
sa mga estudyante sa elementarya, highschool, at maging sa kolehiyo dahil
nakapaloob dito ang ating mayamang kultura na humubog sa atin upang mas lalong
maunawaan ang antas ng estado ng ating lipunan. Higit sa lahat, malaking hakbang
ang pagpapayaman at pagpapaunlad sa Panitikang Pilipino bilang asignatura upang
maipahayag ang sarili at paraan upang mapanatili ang kultura at ang nakasanayan na.

6
Paunang Pagtataya
Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________
Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Abril 13, 2021

Panuto: Magbigay ng 5 uri ng Panitikan na iyong naaalala. Tukuyin kung ano-ano ang
mga ito at paano ito naiiba sa ibang uri ng panitikan.

1. Talumpati – Ito ay isang buos ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsalita sa entablado. Layunin nitong humikayat, tumugon,
mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang
paniniwala. Ito ay isang uri ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang
paksa na binibigkas sa harap ng mga tagapakinig.

2. Alamat – Ito ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan


ng mga bagay-bagay sa daigdig. Karaniwang nagsasalaysay ang mga ito ng mga
pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at pook, at mayroong pinagbatayan sa
kasaysayan. Kaugnay ang alamat ng mga mito at kuwentong-bayan.

3. Parabula – Ito ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang hinahango mula
sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa na
malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang
isinasalarawan ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula
ay walang inilalahok na tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na
pawang kumikilos at nagsasalita gaya ng tao.

7
4. Epiko – Ito ay isang uri ng panitikan na tumatalakay sa mga kabayanihan at
pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga tagpuang makababalaghan at di-kapani-paniwala.
Kuwento ito ng kabayanihan na punung-puno ng mga kagila-gilalas na mga
pangyayari. Bawat pangkatin ng mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.

5. Kwentong Bayan – ay mga salaysay hinggil sa mga likhang-isip na mga tauhan na


kumakatawan sa mga uri ng mamamayan, katulad ng matandang hari, isang marunong
na lalaki, o kaya sa isang hangal na babae. Karaniwang kaugnay ang kwentong-bayan
ng isang tiyak na pook o rehiyon ng isang bansa o lupain. Kaugnay nito ang alamat at
mga mito

Gawain
Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________
Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Abril 13, 2021

Panuto: Basahin at unawain kung anong salita ang nakasaad sa bawat bilang. Matapos
nakuha ang tamang kasagutan ay bigyan ng maikling paliwanag batay sa iyong sariling
kaalaman.

1. Know – Bell – Luh


Nobela – Batay sa aking sariling kaalaman, ang Nobela ay isang akdang pampanitikan
na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa mga kabanata. Naglalaman ito ng
dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at may kaganapan sa iba’t-ibang
tagpuan.

8
2. Seen – Knock – Cool – Luh
Senakulo –Batay sa aking kaalaman, ang Senakulo ay isang dula patungkol sa buhay,
pagpapasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo Isa ito sa
mga tradisyon ng Semana Santa sa ilang grupong Kristyano, partikular na sa mga
Katoliko.

3. Know – Bell – Luh


Nobela – Batay sa aking sariling kaalaman, ang Nobela ay isang akdang pampanitikan
na naglalaman ng mahabang kwento na nahahati sa mga kabanata. Naglalaman ito ng
dalawa o higit pang mga tauhan, maraming pangyayari at may kaganapan sa iba’t-ibang
tagpuan.

4. All – Laugh – Math


Alamat – Batay sa aking kaalaman, ang Alamat ay isang uri ng panitikan na
nagkukuwento tungkol sa mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig. Maaaring
nagsasalaysay ito ng mga pangyayaring hinggil sa mga tunay na tao, pook at
kasaysayan.

5. Fave – Bow – Luh


Pabula – Batay sa aking kaalaman, ang Pabula ay isang uri ng panitikan na kung saan
ang pangunahing mga tauhan ay ginagampanan ng mga hayop at ang mga hayop ay
kumikilos at nakakapagsalita tulad ng mga tao. May mapupulot na mabuting aral at
magandang asal sa wakas ng kwento.

6. Doo – Luh
Dula – Batay sa aking kaalaman, ang Dula ay isang uri ng panitikan na nahahati sa ilang
yugto na maraming tagpo. Layunin nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o
entablado.

9
7. Tea – Bag
Tibag – Batay sa aking kaalaman, ang Tibag ay isang pagtatanghal tuwing buwan ng
Mayo at ito ay tungkol sa paghahanap ni Sta. Elena sa mahal na Sta. Cruz na
kinamatayan ni Kristo.

8. Mic – Ache – Length – Quick – Two


Maikling Kwento – Batay sa aking kaalaman, ang Maikling Kwento ay isang masining
na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang
mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.

9. Sars – Saw – Well – Luh


Sarswela – Batay sa aking kaalaman, ang Sarswela ay isang uri ng pagtatanghal na may
kasamang pag-awit at pag-sayaw. Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isang dula
gamit ang patula, pasalita, o pakantang dayalogo.

10. Ball – Log – Task – Sun


Balagtasan – Batay sa aking nalalaman, ang Balagtasan ay isang uri ng panitikan na
kung saan ang saloobin at pangatwiran ay ipinapahayag ng mga salitang mag tugma sa
pang hulihan at may dalawang panig ukol sa isang paksa na pag uusapan.

10
Pagsasanay
Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________
Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Abril 13, 2021

I. Panuto: Mula sa mga salitang nasa loob ng kahon. Pumili ng 10 salita na may
kaugnayan sa Panitikan. Ang mga salitang napili ay gagawan ng sariling kahulugan ayon
sa sariling pagkaunawa.

1. Alamat - Ang Alamat ay isang uri ng panitikan na nagkukuwento tungkol sa mga


pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.

2. Pabula - Ang Pabula ay isang uri ng panitikan na kung saan ang pangunahing mga
tauhan ay ginagampanan ng mga hayop at ang mga hayop ay kumikilos at
nakakapagsalita tulad ng mga tao.

3. Sanaysay - Ang sanaysay ay isang uri ng panitikan na nagpapahayag ng pananaw o


opinyon ng nagsulat nito at ito ay may pokus sa iisang diwa at paksa. Ang sanaysay ay
may layong magbahagi ng impormasyon, magpahayag ng nararamdaman, magbahagi
ng opinyon, manghikayat ng ibang tao, at iba pa.

4. Maikling Kwento - Ang Maikling Kwento ay isang masining na anyo ng panitikan na


naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na
kinabibilangan ng isa o ilang tauhan.

11
5. Nobela - Ang Nobela ay isang akdang pampanitikan na naglalaman ng mahabang
kwento na nahahati sa mga kabanata. Naglalaman ito ng dalawa o higit pang mga tauhan,
maraming pangyayari at may kaganapan sa iba’t-ibang tagpuan.

6. Tula – Ang Tula isang uri ng panitikan na pinagyayaman sa pamamagitan ng paggamit


ng tayutay,at malayang paggamit ng mga salita sa ibat-ibang estilo at ito ay binubuo ng
mga taludtod at saknong.

7. Parabula – Ang Parabula ay isang uri ng panitikan na may aral na kalimitang


hinahango mula sa Bibliya at ito rin ay ginagamit para makapagturo ng magandang asal
at ispiritwal.

8. Haiku - Ang haiku ay tulang binubuo ng labinpitong pantig, na may tatlong taludturan;
na ang unang taludtod ay may limang pantig, sa ikalawa ay may pitong pantig, at ang
ikatlong taludtod ay may limang pantig.

9. Tanaga – Ang Tanaga ay tulang binubuo ng apat na taludtod na tugmaan, may sukat
na pitong pantig ang bawat taludtod, at nagpapahayag ng isang buong diwa.

10. Dula - Ang dula ay akdang pampanitikan na nahahati sa ilang yugto kung saan ang
bawat yugto ay maraming eksena.

12
II. Mula sa mga inilahad na uri ng mga akdang patula, tuluyan, at patanghal, pumili ng tig-
iisang uri sa mga nabanggit na mga akda. Pagkatapos, ilahad mo kung ano ang naging
kontribusyon at kabuluhan ng bawat isang uri sa paghubog ng ating kamalayan at
pagpapahalaga bilang mga Pilipino. (5 puntos ang bawat paglalahad.)

Ang Awiting Bayan ay isang halimbawa ng akdang patula at ang kontribusyon nito
sa paglawak ng ating kamalayan at ating pagkakakilanlan ay ang pagpapanitili at
pagbibigay impormasyon sa pamamagitan ng paggamit ng mga paksa tungkol sa kultura
ng mga katutubong Pilipino. Isa rin ito sa mga paraan upang ipahayag sa bagong
henerasyon ang damdamin ng tao, paglalarawan at pakikitungo sa kapaligiran,
kahalagahan ng paggawa, kagandahan ng buhay, pananalig, pag-asa, pag-ibig,
kaligayahan, kalungkutan, at paglalahad ng iba-ibang ugali at kaugalian.

Ang isang halimbawa ng akdang tuluyan ay ang Kwentong Bayan, ang uri ng
panitikan na ito ay nagbigay ng malaking tulong para maenganyo at matuto ang mga tao,
lalo na ng mga kabataan sa kaugalian, tradisyon, kultura ng isang lugar at kung saan ito
nanggaling. Ang karunungang ito ay pinipilit maipasa ng mga katutubong Pilipino sa iba’t
ibang henerasyon dahil dito naisasaad ang ating mga tradisyon at ang ating mayaman
na kultura na nagbibigay kamalayan sa atin kung paano tayo naimpluwensyahan ng mga
mananakop at kung paano natin ito napagyaman sa pagdaan ng maraming panahon.

Ang isa namang halimbawa ng akdang patanghal ay ang Senakulo, ang


pagsasagawa ng Senakulo ay isang sagradong tradisyon ng Semana Santa sa ilang
grupong Kristyano, partikular na sa mga Katoliko. Ang dulang ito ay patungkol sa buhay,
pagpapasakit, kamatayan at muling pagkabuhay ng Panginoong Hesukristo, isa ito sa
pinakamalaking salik sa pagiging ispiritwal ng mga Kristyanong Pilipino at nagdulot ito
positibong epekto sa kamalayan at disiplina ng mga tao dahil nagbibigay-aral ito sa ibang
mga Pilipino na lubos ang pananampalataya sa Diyos.

13
Repleksiyon
Pangalan: Galang, Steve Brian S. Marka: ____________
Kurso/Seksyon: BSIT-1L Petsa: Abril 13, 2021

Sa gitna ng modernisasiyon, paano mo lalong mahihikayat ang kapwa mo kabataan na


maging mapanuri’t nag-iisip ng kritikal sa pamamagitan ng panitikan?

Ngayon sa aming henerasyon, marami na ang hindi nagpapahalaga sa ating


panitikan at lalo na sa Wikang Filipino, kung kaya’t maaari ko silang hikayatin sa
pamamagitan ng pagshe-share ng mga pang-edukasyonal na aralin at bidyo patungkol
sa mga napapanahong isyu kagaya ng korapsyon at nakakabahalang pagtaas ng bilang
ng mga taong may Covid-19 virus. Sa ganitong paraan ay posibleng magkaroon sila ng
kamalayan sa mga nangyayari sa mundo at posible rin na malaki ang maitulong nila sa
kanilang komunidad at bansa.

Hihimukin ko rin ang mga kapwa ko kabataan na magbasa ng mga artikulo at mga
librong pag-agham na may kinalaman sa pandemya dahil sa panahon ngayon,
importanteng alam natin ang mga hakbang pangkaligtasan dahil kung tayo o ang isa sa
mga mahal natin sa buhay ang dapuan ng sakit o virus, maaaring kumalat ito at
makahawa pa ng nakararami. Bukod dito mahalaga rin ang palagiang pagbabasa ng iba't-
ibang uri ng panitikan dahil nakasaad sa kasaysayan ang mga kaisipan at ideya ng ating
mga ninuno na maaari nating gamitin upang hindi na ulit mangyari sa atin ang kanilang
mga pagkakamali at upang mabigyang-remedyo natin ngayon ang ating masalimuot at
magulong panahon. Higit sa lahat, ayon sa ibang mga eksperto na ang palagiang
pagbabasa ay makakatulong sa pagdedebelop ng kritikal na pag-iisip ng mga tao, lalo na
ng mga kabataan.

14

You might also like