You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
coted@antiquespride.edu.ph

GEE 2- Panitikang Filipino


PANITIKAN SA PANAHON NG PROTESTA AT AKTIBISMO
(1960-1972)

SULYAP SA NAKARAAN
Ang panahon ng aktibismo ay uminit noong 1960-1972. Maraming kabataan ang mga naging
aktibista upang humingi ng pagbabago sa pamahalaan. Karamihan sa mga kabataang ito ay mga mag-
aaral ng Unibersidad Ng Pilipinas. May tatlong salita na kadalasang isinisigaw ng mga estudyante sa bawat
pagmimiting o rally. Ito ay ang imperyalismo, feudalismo, at facismo.
Ang imperyalismo ay ang pagpapalawak ng lakas o impluwensya; ang feudalismo ay mga
suliranin sa pagmamay-ari ng mga lupang sakahan; at ang facismo ay ang pagiging diktador o paggamit
ng kamay na bakal at hindi paggalang sa karapatan ng kapwa.
May tatlong katangian ang mga tulang naisulat sa panahong ito: Una, ang pagmamasid at pagsusuri
sa kalagayan ng bayan; Pangalawa, ang pagsisiwalat ng mga katiwalian at dayukdok na pagpapasasa ng
mga nanunungkulan ; at ang Ikatlo, ay ang tahasang masasabing labag sa kagandang-asal na
panunungayaw at karahasan sa pananalita.
Labis na naging mapangahas ang mga manunulat ng dula, maikling kwento o maging nobela sa
panhong ito, hindi lamang sa paksa kundi maging sa usapan at salitaan ng kanilang mga tauhan sa akda.
Naging palasak din ang panghihiram ng mga salitang Ingles, Kastila at iba pang likhang salita sa kanto at
pabalbal.
Maging ang mga awiting tagalog sa karaniwang naririnig sa mga radio, telebisyon, o sa panahon ng
demonstrasyon ya ngapapahiwatig ng di-pagkakaroon ng kasiyahan sa takbo ng pamahalaan sa bayan
natin noon. Ang mga awiting: Inang Laya, Pagpupuyos, Babae ka, Wala ng Tao sa Santa Felomina,
Base Militar, Walang Lagay at Titser ay buhat sa Isipan ng mga nangungunang kabataang nagtatanong
at nagpapahiwatig ng mga kalituhan na naghahanap ng lunas.
Sa panahon ding ito ay nagsimulang mapanood ang mga pelikulang malalaswa na tinatawag ding
Pelikulang “Bomba” at mga akdang tungkol sa kahalayan .
• Naging ganap na mapanghimagsik ang mga kabataan.
• Nagging madugo at mapangwasak ang mga demonstrasyon at pagpapahayag.
• Nagkaroon ng kamulatang panlipunan.
• Pinaksa ang mga kabulukan ng lipunan at politika.
A. MGA MANUNULAT NG PANITIKANG REBOLUSYUNARYO
1. Rogelio Mangahas
 Nagtapos ng AB Pilipino noong 1965 sa University of the East.
 Naging working scholar siya para lang makapagtapos sa kolehiyo at nagging guro sa wika at panitikan
sa De La Salle University at St. Scholastika College.
 Maraming award na natanggap.
VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique
2. Efren R. Abueg
 Editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng Mga Piling Akda ng Kadipa (1964)
3.Virgilio Almario
 Kilala sa sagisag panulat na Rio Alma.
 Pangunahing makata,kritiko,tagasalin,editor,guro at tagapamahalang pangkultura ng Filipinas
 Nagkamit ng Best Translation of Rizal as Novels (Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
4.Rolando S. Tinio
 Unang nagsalin sa Filipino ng dulang ni Shakespeare na pinamagatang “Ang Negosyante”
B.MAIKLING KUWENTO
 Ang mga kuwentista sa panahon ng aktibismo ay nagsimulang sumulat ng mga kuwentong
magpapahayag ng pagprotesta sa maling pamamalakad ng pamahalaan.
 Inilalarawan nila ang umiiral na sakit ng lipunang Pilipino at ang kaawang awang kalagayan.
C. NOBELA
 Sa panahong ito nagsimula ang pagkilos protesta ng mga taong bayan at nagging instrument ang
mga nobela upang ipakilala ang mga suliraning panlipunan na kinakaharap ng nakararaming
mamamyan.
Kabilang sa mga nobela at manunulat sa panahong ito ang mga sumusunod:
1.Daluyong (Lazaro Francisco) – ang buhay ay isang paglalayag,minsan ay tila anas tahimik at payapa
ngunit malimit na hinahampas ng mapang gulanit na daluyong.Isang malakas na alon na maaaring
bunsod ng sigwa o malakas na bagyo sa karagatan.
2.Luha ng Buwaya (Amado Hernandez) – tungkol ito sa mga mahihirap na mga magsasaka na
nagbubuklod-buklod laban sa kagamhanan ng pamilya.Tumatalakay sa ginagawang pangigipit ng
maykayang pamilya sa mga maralita at kung paano magkaisa ang nasabing mga dukha upang lutasin
ang kanilang problema.
3.Dugo sa Kayumangging Lupa (Efen R. Abueg) – habagat sa lupa muling pagsilang ng isang pangarap.
4. Ipaglaban mo Ako (Liwayway Arcero) – noon pa may lihim ng pag ibig si Pedring sa kaibigang si Geli
ngunit hindi niya ito agad maipagtapat dahil sa kanilang murang edad at natatakot siyang maparatangan
na pinagsasamantalahan niya ang kanilang pagkakaibigan.
5. Dilim sa Umaga – ang aral na iyon ay unang maisakatuparan sa matagumpay na inalises at sintesis sa
nobela ni Abueg.
6. Nagbabagong Paraiso – tungkol ito sa magkasintahangnapakatagal pinaghiwalay ng tadhana.
7. Sa mga Kuko ng Liwanag – Si gulio isang maralitang mangingisda ay lumuwas ng maynila upang
hanapin ang kanyang kababata’t kasintahang si Ligaya.
8. Habagat sa Lupa – para sa ibong mandaragit nabilang mayamang may lupa at may pagpapahalaga.
9. Sa Kagubatan ng Lungsod – mula sa dating luntiang paraiso,napalitan na ang nagtataasang gusali at
pasikot- sikot na kalsada ang kagubatang kinalalagyan ngayon ng lungsod ng makatI.

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20
Republic of the Philippines
UNIVERSITY OF ANTIQUE
Sibalom, Antique

Pangalan:_________________________________ Seksyon: ___________________ Petsa: ________

PANITIKAN SA PANAHON NG PROTESTA AT AKTIBISMO

PAGSUBOK SA KAALAMAN
I. Ibigay ang hinihingi ng bawat bilang.
1. Isa-isahin ang mga pagbabago sa ating panitikan noong Panahon ng Protesta at Aktibismo sa
paksa at istilo.

2. Sa mga kabataang manunulat sino-sino ang naging tanyag.

3. Sa inyong palagay ay ano-ano ang naging dahilan kung bakit naging maapoy, lantad, mmarahas at
magaspang ang mga pananalita ng mga abgong makata sa kanilang akda.

4. Ano-ano ang mga nagawa ng Unang Ginang Imelda R. Marcos sa pagpapaunlad at


pagpapanibagong buhay ng Panitikang Pilipino?

5. Tungkol sa ano-anong paksa ang talumpati ng Pangulong Marcos? Ipaliwanag ang layunin ng mga
bahagi ng kanyang mga talumpati.

II. Pagsusuring Pampanitikan (Pangkatang Gawain)


Pangkatin ang sarili sa limang kasapi sa bawat pangkat.
Basahin at suriin ang kuwentong Impeng Negro at Tata Selo ni Rogelio Sicat. Gawan ng
pagsusuring pampanitikan.

VAA-FM-021 Rev.1/03-05-20

You might also like