You are on page 1of 14

ANO ANG PAGBASA?

Ito ay paraan ng pagkilala ng


nakalimbag na sagisag at
pagbibigay-kahulugan nito.
(Lapp at Flood, 1978)
Ito ay isang proseso na
nangangailangan ng pag-iisip,
pagpapahalaga, pagpapasya,
pagwawangis, at paglutas ng
suliranin. (Lalunio, 1985)
Ito ay isang tiyak at madaliang
pagkilala ng ayos at
pagkakasunud-sunod ng mga
salita, pagsasama-sama ng mga
salita para makabuo ng ideya at
kahulugan. (Lorenzo, et. Al,1997)
Ito ay isang proseso ng pag-iisip
at ito’y prosesong interaktibo.
(Badayos, 1999)
ANO ANG MAPANURING
PAGBASA?
Ito ay isang gawain ng
pagbabasa na pinaglilimi at
tinitingnan nang mabuti ang akda,
piksyunal man ito o di-
piksyunal.Pinag-iisipang mabuti
ang nilalaman at mensahe na nais
ipaabot ng manunulat.
Ang mapanuring pagbasa ay
isang sining sa paggawa ng mga
pagpapasya o paghatol at
pagtuturo o pagsasabi ng mga
kanais-nais na katangian,
kapintasan, kamalian o
pagkukulang ng isang akda.
ANO BA ANG MATALINONG
PAGSUSURI?
1.Nakapagbibigay ng matalas na
komento, opinyon o reaksyon sa nabasa
sa paraang positibo;
2. Nakapagsusuri sa bawat detalye ng
binabasa;
3.Nakapagbibigay ng balanse at
makatwirang paghuhusga sa
pamamagitan ng pagbanggit ng mga
positibo at negatibong punto sa binasa;
4. Walang kinikilingan; kung nararapat na
sumang-ayon ay ipinahahayag ang pagsang-
ayon at kung nararapat tumutol ay
ipinahihiwatig ang pagtutol;
5.Pinagtutuunan ng pansin ang nais
ipahiwatig ng manunulat;
6.Pinahahalagahan ang kalakasan(strength)
ng akda at tinutukoy ang kahinaan
(weakness) ng akda;
7. Nagbibigay ng mungkahi para sa
ikaliliwanag at ikahuhusay ng teksto.
PROSESO NG ISANG MABISANG
PAGHUHUSGA
1. Liwanaging mabuti kung anong uri ng teksto
ang sinusuri. Ito ba ay isang talumpati, editoryal,
balita at iba pang babasahin.
2.Basahin ito ng masinsinan at igawa ng lagom
(buod ng nilalaman), mas maikli lamang lagom
kaysa mismong akda.
3. Bigyang-halaga hindi lamang ang nilalaman
kundi pati ang estilo o paraan ng pagkakasulat ng
katha.
4. Bukod sa pagbanggit sa kahusayan at kahinaan
ng katha, mag-ukol din ng karampatang
pagpapakahulugan.
5.Lakipan ng ilang siping makapagbibigay-
kahulugan sa ginagawang panunuri at samahan
ng maikling pagbibigay-katuturan.
6.Iwasan ang pagbibigay ng anumang
kapasyahan nang walang lakip na batayan o
patunay.
7. Ibatay ang anumang pagpapasya sa takdang
pamantayan, bagamat maaaring isama rin ang
sariling pagkilala ng sumusulat ayon sa matapat
niyang paniniwala.

You might also like