Professional Documents
Culture Documents
Tignan natin ang isang pangyayari bilang halimbawa. Ipalagay nating heto ang isang
batang Pilipino. Ang kanyang pamilya’y kabilang sa mga may kaunting pribilehiyo sa
buhay. Bagay na isinisiwalat ng kanilang katayuang ekonomiko. Ang batang paksa ng
kwento’y nakarinig sa unang pagkakataon at nanggaya sa unang pagkakataon, sa
pabulol na pamamaraan, ng mga salita ng kanyang ina’t ama. “That’s the light,”
sasabihin ng ina, sabay turo sa bumbilyang nagliliyab sa kisame ng bahay. “Now,”
sasabihin ng bata, “where’s the light.” Ituturo ng bata. “There!” sasabihin ng ina. Paulit-
ulit. “That’s your Mommy”, sasabihin ng ama. “Say, Mommy.” Gagayahin ng bata. “He’s
your Daddy,” sasabihin ng ina. “Say, Daddy.” Gagayahin ng bata. Ganyan ang simula.
Papasok ang bata sa regular na grado, sa paaralang ito rin: ari ng mga dayuhan;
pinamumunuan ng mga relihiyoso. Mababasa na niya ang mga liubrong bumabanggit ng
mga daan sa New York at sa Washington, D.C. Mamamasid niya ang Central Park at
Times Square. Ang batang ito na nagsisimula pa lamang ay may guniguni nang lumipad
sa lupalop na malayo sa kanyang tinubuan.
Ang batang ito’y patuloy sa paglaki. Palaging librong Ingles ang kanyang binabasa,
palaging Ingles-Amerikano, pagkat mga Amerikano ang awtor. Dahil dito’y ayaw na rin
niyang bumasa ng ano mangsinulat ng kanyang mga kababayan sa wikang kanyang
kinagisnan. Ang librong nasusulat sa Tagalog ay nagiging kasuklam-suklam sa kanya.
Sa tahanan ay exposed siya sa telebisyon – sa mga programang ginaganap sa wikang
kanyang pinagkamalayan. Gayon din ang kanyang pinanood sa mga sine. Kahit Class B,
o Class C sa kanya’y pinakamagaling pagkat mga artistang Amerikano ang nagsisiganap.
Samantala, ang pelikulang Tagalog ay bulok sa kanya, walang pasubali.
Siya’y isang ganap nang mamamayan, marahil ay mayroon nang pananagutan sa buhay.
Ngunit mayroon siyang sariling daigdig na kinikislapan ng pumikit-dumilat na samut-
saring kulay ng ilaw-dagitab sa piling ng mga nagsasalita ng Ingles. Malayo sa kanya ang
ibang daigdig, ang lalong malaking dagidig. Ito’y ang lipunan ng mga nakabakya, ng
nagsisipagsalita ng katutubong wika. At sa ganyan ay sumilang ang malaking pagitan ng
mga Pilipinong pribilihiyado sa buhay at ang masa ng ating bayan.
Totoong humaba ang simpleng kwentong aking isinalaysay. Ngunit gaya ng inyong
napansin, ito’y naglalarawan ng yugtu-yugtong pagkahubog ng isang batang Pilipino sa
pagiging Amerikano sa isip, sa salita at sa gawa. Ang trahedyang ito’y nakaturo sa ating
sistema ng edukasyon. Nang pumasok ang mga Amerikano sa Look ng Maynila’y dala na
nila ang sistema ng paturuang Amerikano.
Marahil ay ‘di totoong mga Amerikano lamang ang dapat nating sisihin. Tayo man naman
ay may kasalanan. Sa kabila ng katotohanang binigyan tayo ng kalayaang pampulitika,
tayo nama’y pinanatiling nakagapos sa kaalipinang ekonomiko at edukasyonal. Sa
panahon ay humihingi tayo ng pag-aaral sa ating mga suliranin sa pagtuturo. Ang
hinihiling nating gumawa nito’y ang ating dating panginoon, ang mga Amerikano. Sila rin
ang nagmumunyi sa atin ng mga kalutasan. At kung ‘di magbunga nang maigi, tayo ang
nagdurusa. Kasalanan natin, ngunit ‘di nating gustong magkaganito. Biktima tayo ng
kasaysayan. Ganito ang ating palad. Gayunman, ang tanong ko’y ‘di na ba tayo
bubulas,’di na ba tayo magiging ganap na lalaki at ganap na bansa – sui juris sa
lenggwahe ng batas.
Ang wika at edukasyon ay magkaugnay. Ngayon ay marami pang tulong sa edukasyon
na kaloob ng Estados Unidos. Hindi natin matiyak ang mga tali ng tulong na ito. Sa
kawalan ng mapanghahawakang kongkretong ebidensya’y makapagbibigay lamang tayo
ng mga hinuha. Maaaring sabihing ang kaloob sa atin ay udyok ng damdaming altruistiko
ng ating dating panginoon. Ito kaya’y kapani-paniwala? Hindi ba’t sa maraming
pagkakataon ay lumilitaw ang katotohanang sa kapakanang Amerikano lamang ang
paglilingkod na ginawa rito ng mga Amerikanong kinatawan ng Pamahalaang Amerikano
at pati ng kanilang mga ahenting na-“brain wash” pagkatapos magtamasa ng kwalta ng
iskolarsyip at grant? Isang kababawan, kung ‘di man katunggakan ang mag-akalang
tunay na nagbubuhos dito ng salapi at panahon ang Estados Unidos dahil lamang sa
kapakanang Pilipino. Sa katunaya’y naglilingkod sila sa kapakanan ng Estados Unidos at
sa kalwalhatian ng Union. Ito ang hinahangaan ko sa mga Amerikano, kahit sila saan
magtungo, kalian mang panahon, ay nananatili silang Amerikano. Kapos tayo sa bagay
na ito. Tayo pa nga ang tumatayong tagapagtanggol nila, na para bagang kailangan pa
nating ipagtanggol sila.
Ang isang Pilipino, lalo na ang kabilang sa pamilyang ginawa kong halimbawa sa simula
ng komentaryong ito, ay medaling maging Amerikano. Kaawa-awa ang bayang ito! Ang
lahat ng ating pagsisikap na maging tunay na Republikang Pilipino ay mabibigo habang
dayuhan ang sistema ng ating paturuang pambansa. Tunay na kailangan ang pagbabago,
ang rebolusyon sa laranang ito.
Ngayon ay may isang Komisyong nilikha ang Pangulo upag pag-aralan ang sitwasyon ng
edukasyon sa ating bayan. Sana’y maging tunay na Pilipino ang ibubunga ng Komisyon.
Huwag sanang kaligtaan nito ang kahalagahan ng wikang panturo. Nababatid kong nasa
kamay na ng komisyon ang maraming pag-aaral ng Kawanihan ng Paaralang Bayan
tungkol sa bagay na ito. Nababatid na rin nito marahil ang tagubilin ng Lupon sa
kurikulum, pati na ang paninindigan ng Lupon sa Implementasyon. Hindi ako isang
manghuhula, ngunit masasabi ko nang walang alinlangan; na habang nabibidbid ang
ating paturuang pambansa sa sistemang Amerikano, at habang tinatagikawan tayo ng
wikang Amerikano, mananatili tayong second rater lamang sa edukasyon, mangagagaya
at bayang walang bait sa sarili.
Ni Genoveva Edroza-Matute
Hindi ko siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroroon pa siya sa dating
pinagtuturuan, sa walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mga
lumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat
hakbang, doon sa kung manunungaw ay matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero.
Naroon pa siya’t nagtuturo ng mga kaalamang pang-aklat, at bumubuhay ng isang uri ng
karunungan sa kanya ko lamang natutuhan.
Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan; sa
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya.
Ngunit walang anumang maganda sa kanyang anyo… at sa kanyang buhay…
Siya ay isa sa mga pangkaraniwang guro noon. Walang sinumang nag-ukol sa
kanyang ng pansin. Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya
ng mga panunugutan sa paaralan, walang masasabing anumang pangkaraniwan sa
kanya.
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod. Ang salitang
iyon ang simula ng halos lahat ng kanyang pagsasalita. Iyon ang pumalit sa mga salitang
hindi niya maalaala kung minsan, at nagiging pamuno sa mga sandaling pag-aalanganin.
Sa isang paraang malirip, iyon ay naging salamin ng uri ng paniniwala sa buhay.
“Mabuti,” ang sasabihin niya, “… ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti
nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… Mabuti!”
Hindi ako kailanman magtatapat sa kanyang ng anuman kung di lamang nahuli
niya akong minsang lumuluha; nang hapong iyo’y iniluha ng bata kong puso ang
pambata ring suliranin.
Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga
nagsisipanood sa pagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay
tahimik na. Sa isang tagong sulok ng silid-aklatan, pinilit kong lutasin ang aking suliranin
sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.
“Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa
narinig. “Tila may suliranin .. mabuti sana kung makakatulong ako.”
Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong
isipan ay ibinilang kong kahihiyan ay kababaan ang pagkikita pa naming muli sa
hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapong iyon. Ngunit, hindi ako
makakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako na napaupong bigla sa katapat na
luklukan.
“Hindi ko alam na may tao rito”….. naparito ako upang umiyak din.”
Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinig ko sa kanyang tinig. Nakababa
ang kanyang paningin sa aking kandungan. Maya-maya pa’y nakita ko ang bahagyang
ngiti sa kanyang labi.
Tinanganan niya ang aking mga kamay at narinig ko na klamang ang tinig sa
pagtatapat sa suliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat.Nakinig siya sa
akin, at ngayon, sa paglingon ko sa pangyayaring iyo’y nagtataka ako kung paanong
napigil niya ang paghalakhak sa gayong kamusmos na bagay. Ngunit, siya’y nakinig
nang buong pagkaunawa, at alam ko na ang pagmamalasakit niya’y tunay na matapat.
Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panukalang naghihiwalay sa amin
ay natatanaw na nang bigla akong makaalala.
“Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo ng pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok
na iyo na … iniiyakan ko?”
Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon; “ang sulok na iyon na …
iniiyakan natin… nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig:
“sana’y masabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin.. kailanman. Ang ibig kong sabihin ay …
maging higit na mabuti sana sa iyo ang … buhay.”
Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula nang araw na iyon. Sa
pagsasalita niya mula sa hapag, pagtatanong, sumagot, sa pagngiti niyang mabagal at
mahiyain niyang mga ngiti sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang
pagkayamot, naririnig kong muli ang mga yabag na palapit sa sulok na iyon ng silid-
aklatan. Ang sulok na iyon,.. “Iniiyakan natin,” ang sinabi niya nang hapong iyon. At
habang tumataginting sa silid naming ang kanyang tinig sa pagtuturo’y hinuhulaan ko
ang dahilan o mga dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan.
Hinuhulaan ko kung nagtutungo pa siya roon, sa aming sulok na iyong… aming dalawa…
At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula
akong magmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit, sa
tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno siya
ng maririkit na guni-guni ang aming isipan at ng mga tunog ang aming pandinig at
natutuhan naming unti-unti ang kagandahan ng buhay. Bawat aralin naming sa panitikan
ay naging isang pagtighaw sa kauhawan naming sa kagandahan at ako’y humanga.
Wala iyon doon kanina, ang masasabi ko sa aking sarili pagkatapos na
maipadama niya sa amin ang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin
ang pagtuklas na ito sa kariktan kundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa
silid-aklatan.
Ang pananalig niya sa kalooban ng maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, isa
sa mga pinakamatibay na aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil, ang
pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na
karaniwan na lamang sa amin ay walang kabuluhan.
Hindi siya bumabanggit ng anuman tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon
ng pag-aaral naming sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na
babae, sa tangi niyang anak. .. nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumabanggit sa amin
kailanman tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunit, dalawa sa mga kamag-aral naming
ang nakababatid na siya’y hindi balo.
Walang pag-aalinlangan ang lahat ng bagay at pangarap niyang maririkit ay
nakapaligid sa batang iyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon. Ang paglaki
nang mga pangarap niyon, ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi
namamalayang nakapagpapahayag ang aming guro ng isang pangamba ang pagkatakot
niyang baka siya hindi umabot sa matatayog na pangarap ng kanyang anak. Maliban sa
iilan sa aming pangkat, paulit-ulit niyang pagbanggit sa kanyang anak ay iisa lamang ang
mga bagay na “pinagtitiisang” pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa
akin, ang bawat pagbanggit na iyon ay nagkakaroon ng kahulugan sapagkat noon pa
ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala.
Sa kanyang magandang salaysay, ay nalalaman ang tungkol sa kaarawan ng
kanyang anak, ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang
mga kaibigan niyong mga bata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na
taong gulang na. Sa susunod na taon siya’y magsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng
guro naming maging manggagamot ang kanyang anak- at isang mabuting manggagamot.
Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ng aming guro nang isang bata sa aking
likuran ang bumulong: “Gaya ng kanyang ama!”
Narinig ng aming guro ang ang sinabing iyon ng batang lalaki. At siya’y nagsalita.
“Oo, gaya ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang
mukha habang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi.
Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase ang tungkol sa ama ng batang
may kaarawan.
Matitiyak ko noong may isang bagay ngang malisya sa buhay niya. Malisya nang
ganoon na lamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa
lamang ang layo sa kanya, kumirot ang puso ko sa pagnanasang lumapit sa kanya,
tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng gingawa niya nang hapong iyon sa sulok ng
silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib sa akin. Marahil, makagagaan sa kanyang
damdamin kung may mapagtatapatan siyang isang taong man lamang. Ngunit, ito ang
sumupil sa pagnanasa kong yaon; ang mga kamag-aral kong nakikinig ng walang
anumang malasakit sa kanyang sinasabing, “Oo, gaya ng kanyang ama,” habang
tumatakas ang dugo sa kanyang mukha.
Pagkatapos, may sinabi siyang hindi ko makakalimutan kailanman. Tinignan niya
ako ng buong tapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito :
“Mabuti…mabuti gaya ng sasabihin nitong Fe-lyon lamang nakararanas ng mga lihim na
kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan. Mabuti, at ngayon,
magsimula sa ating aralin…”
Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon na hindi akin ang pangungusap
na iyon, ni sa aking mga pagsasalita, ni sa aking mga pagsusulat. Ngunit samantalang
nakatitig siya sa akin ng umagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon,
nadama kong siya at ako ay iisa. At kami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat
nakaranas ng mga lihim na kalungkutan ay nakakikilala ng mga lihim na kaligayahan.
At minsan pa, nang umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating
kulay ng kanyang mukha, muli niyang ipinamalas ang mga nagtatagong kagandahan sa
aralin naming sa Panitikan. Ang karikatn ng katapangan; ang kariktan ng pagpapatuloy
anuman ang kulay ng buhay.
At ngayon, ilang araw lamang ang nakararaan buhat nang mabalitaan ko ang
tungkol sa pagpanaw ng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay
magiging isang manggagamot din balang araw, ay namatay at naburol ng dalawang gabi
at dalawang araw sa isang bahay na hindi siyang tirahan ni Mabuti at ng kanyang anak.
At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanan niyon at sa buong kalupitan niyon
ay naunawaan ko ang lahat.
TIMAWA(Kabanata 1)Ni Agustin Fabian
At isinalaysay ni Andres na, wika nga, ay palagay ang loob niya sa kusina. Labing-anim
nataon siya nang mamatay ang kanyang ama at lubusang maulila. Katatapos lamang niya
ngintermedya. May kamag-anak naman siyang isang kusinero sa isang bapor na
nagyayao’t dito saAmerika at sa Pilipinas. Sumama siya.
“At anim na buwang singkad akong tagapagmasahe ng mga pinggan, kubyertos, at mga
lutuansa bapor. Kaya hindi kayo dapat magtaka na ako’y eksperto sa mga gawaing iyan”,
tapos ni Andres.
“Usisera ka rin lamang, Alice”, ang biro naman ni Bill, “ang mabuti, itanong mo kay
Andreskung anu-ano ang naging karanasan niya dito sa Amerika.”
“Sige nga,” sang-ayon kapagdaka ni Alice. “Linggo rin lamang bukas. Hindi baleng
tayo’ymapuyat.”
“Teka, teka”, hadlang ni Bill. “Ilalabas ko muna itong basura. Ibig kong marinig uli iyan.”
Nang bumalik si Bill ay nakaupo na si Alice at Andres. Bumatak siya ng isang silya
atnakiumpok sa dalawa.
Hindi kaagad tumugon si Andres. Tila tinitimbang niya sa marami niyang karanasan
angpinakatampok. Ang totoo ay nag-aalangan si Andres na sariwain pa ang malungkot
na bahagi ngkanyang buhay.
“Hindi nangyari sa Amerika ang karanasang bumago sa takbo ng aking buhay,” sa wakas
aysinabi ni Andres. “Doon sa amin sa Pilipinas nangyari ito.”
“Magsasaka ang aking ama. May isang kaugalian sa amin”, patuloy ni Andres. “Kung
pista ngbayan, ang lahat ng magsasaka ay pumaparoon sa malaking bahay ng may-ari
ng lupa at tumutulongsa karaniwang malaking handaan doon. Nagsisipagsaing,
nagsisibak ng panggatong. Nagpapatay ngmanok, baboy, kambing, at baka. Sabihin pa,
ang lahat ng tumulong ay doon kakain.
“At isang pista nga ay isinama ako ng aking ama upang tumulong sa may-ari ng lupang
amingsinasaka. May labintatlong gulang ako. Nang nagkakainan na ang mga
nanunulungan ay dumatingang donyang asawa ng aming kasama, at pinagmumura ang
mga nagsisikain. Hindi pa raw natataposkumain ang mga panauhin sa itaas ay inuuna na
raw ang aming mga bituka. Lubha raw kaming mgatimawa.
“Hindi ko agad naunawaan ang aking narinig,” patuloy ni Andres. “Noong papauwi
nalamang kami at sabihin sa akin ni Amang ang kaniyang pagdaramdam, noon ko
lamang lubos nanaunawaan ang kahulugan ng salitang timawa.
Sinabi sa akin ni Ama na pagbutihin ko ang aking pag-aaral upang wag kong sapitin
angkaapihang ganoon. Kung ako raw ay lalaking magsasaka at hindi akin ang
sasakahing lupa, ayganoon din ang aking kapalaran. Aalimurain ng mayaman. Ang isang
timawa, ay higit na pangitkaysa gutom. Ang timawa raw ay kahalintulad ng isang aso.
Sagpang nang sagpang. Huwag dawakong mag-aksaya ng panahon. Gagawin niyang
lahat ang kanyang makakaya upang ako matuto.”
“Halos ang gabi ay ginagawa niyang araw,” dugtong pa ni Andres. “Ibig niyang
makaipon.Ang adhika niya ay maging isang manggagamot ako.”
“At nang ako ay nakatapos sa intermedya ay gayon na lamang ang galak niya. Ngunit
anghumalili sa kagalakang iyan ay malagim na kalungkutan. Si ama’y inabutan ng ulan
sa tanghalingsiya ay nagbubungkal ng lupa. Nagkasakit siya. Pulmunya. At . . . at . . .
namatay.”
Dinampi ni Alice ang kaniyang mata ng hawak niyang panyolito. Tumindig si Bill.
Lumapitkay Andres at pinisil ang balikat ng kaibigang Pilipino.
“Naubos na lahat ,” aniya, “ang kaunting naiipon ni Ama. Ulila na akong lubos ay wala pa
niisang sentimo. Subalit isinumpa ko sa aking sarili, sa harap ng bangkay ng aking ama,
na ako ay pilitna mag-aaral, at ako ay magiging manggagamot. Hahanapin kong pilit ang
tagumpay na siyangadhika niyang maging akin.”
Maluwat ring walang umimik matapos ang pagsasalaysay ni Andres. Nadama ni Bill at
niAlice ang malaking kalungkutan ni Andres. Sa wakas ay nagsalita si Alice.
“Oo, isang hiwaga ka sa akin,” tugon ni Alice. “Alam kong ikaw ay isang mabuting
tao.Masipag ka. Matalino. Magalang. Nguni’t tila ayaw mong makihalubilo sa iba. Tila
ayaw mong ikaway maabala. Ibinubukod mo ang iyong sarili. Tila may lihim kang lakad at
ang lahat ng nasa paligidmo’y makaaabala sa iyo.”
“Ano ang masama riyan?” tanong ng dalaga. “Maluwat na nating kasama si Andy. Wari
aymalayo siya. Gayung kay lapit ay kay layo. Mayroon ba namin gayung araw-araw
aynagkakabungguan-balikat ay di mo matawag na kapalagayang-loob?”
“Hindi malaking tao o dungo ang ibig kong sabihin,” paliwanang ni Alice. “May anyo
siAndy na nag-uudyok sa nagmamalas na mataho kung ano siya, pinipigil ang
nagmamalas na iyannaman ng isang hindi maunawang kilos ni Andy. Tila hindi mahalaga
kay Andy ang magkaroon ngmaraming kapalagayang-loob.”
“Pinalalaki mo ang loob ko, Alice,” dampot ni Andres. “Diyata’t ako ang pinag-
aaksayahanmo ng kuru-kuro?”
“Hindi biro. Lagi kong naitatanong sa aking sarili kung bakit ibinubukod mo ang iyong
sarilisa karamihan.”“Ang karanasan ang nagturo sa akin niyan. Ang madalas na mauntog
ay natututong yumuko.”
“Naku, lumalalim ang salitaan at hindi bumababaw,” hadlang ni Bill. “Ang totoo, Andy,
ayito: walang alinlangan mararating mo ang iyong patutunguhan. Ngunit mag-aliw-aliw
ka naman.Mag-iibayo ang sigla mo kung sanda-sandali man lamang ay ilalayo mo ang
iyong ilong sa iyong
libro. Maaari ba namang ang isang malusog na gaya mo ay ay hindi maaakit ng mga
dalaga? Hayansi Alice . . . ‘yang gandang ‘yan . . .”“Bakit ba si Alice ang binubuwisit
mo?” hadlang ni Andres. “Kahit na sa biruan ay mayhangganan.”
“Tigilan mo na si Andy,” pakli ng dalaga. “At huwag mo naman akong pag-ukulan. Ano
angmalay mo kung si Andy mayroon nang itinatago,” at tumawa si Alice.
“May itinatago si Andy?” pamanghang sabi ni Bill. “Walang maitatago sa akin iyan. Iyan
angtinatawag na nauuhaw at ayaw makikiinom.”
“At kung tanggihan ang nakikiinom?” tanong ni Andres.
“Hayan ang sinasabi ko,” pakutyang pakli ni Bill,”ang magaling na kaibigan kong Pilipino
aytakbuhin. Ngayon pa lamang sumasarap ang usapan,” tudyo niya, “ay saka pa tatalilis.
Tayo na.Walang mangyayari sa akin kung ang manok ko ay takbuhin.”
Kung binasa at inuunawa mong mabuti ang nobela, masasagutan mo ang mgagawaing
inihanda ko para sa iyo. Unawain mong mabuti ang bawat panuto sa mga gawain.
Huwagkang mag-alala, madali lang ito.
Mga tauhan:
Ligaya Abad Cortez, ang dalubguro
Dr. Fidel Cortez, ang kanyang bana
Nora marta, ina ni Fidel, nagging patnugot ng isang kawanihan at sa
kasalukuyan ay pensyunada na
Rosa at Boy, mga anak nina Fidel at Ligaya
Ilang Ekstra
Panahon: Kasalukuyan]
Tagpuan: Sa tirahan ng mga Cortez, sa Maynila
Unang Tagpo:
Pagbukas ng tabing ay makikita ang salas ng inuupahang aksesorya ng mga
Cortez sa Sta. Cruz, Maynila. Maluwang ang salas na kakikitaan ng mga
mamamahali’t makabagong muwebles, telebisyon, hi-fi, at iba pa. kaagad na
mahihinuhang may mabuting panlasa ang mga nakatira rito. Si Ligaya, na
nakadamit pambahay, ay nakasandal sa sopa at bumabasa ng isang
pocketbook. Propesor siya sa isang malaking pamantasan sa Maynila. May 35
taon na siya, kaakit – akit, at mukhang matalino.
LIGAYA: (Iaangat ang ulo sa binabasa at titingnan ang kanyang orasan) Aba,
mag – iikaanim at kalahati na’y wala pa sina Mama. Tila sila nawili sa
panonood. Si Fidel man ay wala pa rin. (Itutuloy ang pagbasa .) ( Sa darating
sina Rosa, Boy, at kanyang biyenan, si Nora Marta. Si Rosa ay siyam na taon, si
Boy naman ay magpipitong taon. Hahalik sa kanya ang dalawang anak. Siya
nama’y magmamano sa may 56 taong matanda.)
BOY: (Masigla) Mommy, ang ganda – ganda ng napanood naming. Ganito
“tsak, tsak, pak, bog!” (Ilalarawan ang labanang napanood.)
ROSA: Biro mo, Ma, ibig pa ni Boy na ulitin. Ang bait – bait po niyan sa sine,
talaga.
BOY: Pa’no ibig kong matuto ng karate.
ROSA: Kundi pa kami nag – aya ng loloa e ayaw pa niya.
MARTA: Ang totoo’y may kagandahan an gaming napanood, Gay. Mahusay
nang gumanap ang mga artistang Pilipino ngayon… Buweno, makapagbihis
nga muna. ( Papasok sa pintuang nasa gawing likod, gitna ng tanghalan.
Maiiwan ang mag –iina.)
BOY: Ma, me pasalubong ako sa’yo. Heto, o… ( Aabutan ng isang chocolate
candy ang ina.)
LIGAYA: Salamat, anak, pero tataba ako nito. Anong sa ni Papa n’yo? Huwag
akong masyadong magkakain ng matatamis para huwag tumaba.
ROSA: (Pabiro.) Hindi baling mataba, Mommy basta seksi.
BOY: Isa lang naman, Mommy, a. Saka, malapit na’ng pasukan, papaya ka na
naman pag nagturo ka.
ROSA: (Dudukot sa kanyang bag) Mommy, pustahan at gusting – gusto mo’ng
dala ko sa iy (Iaabot ang isang putting supot sa naliligayahang ina) O, heto.
LIGAYA: (Matatawa pagkakita sa laman ng supot.) manggang manibalang. At
may kasama pang bagoong. Ku, talaga naming napakamaaalalahanin ng aking
mga anak. (Yayakapi’t hahagkan ang mga anak.)
ROSA: Alam mo, Ma, paglabas naming sa sine, e nag – shopping pa kami sa
Abenida. May binili si Lolang regalo para s birthday ng Papa bukas.
LIGAYA: Ano ba yon?
ROSA: Babarunging – tagalong, Mommy.
BOY: Ang ganda – ganda po… Ikaw, Ma, ano ba’ng regalo mo sa Papa, ha?
LIGAYA: Bukas na n’yo malalaman. Baka pa masabi mo sa ‘yong Papa… Saka,
Boy, hindi dapat malaman kaagad ng reregaluhan ang ibibigay sa kanya kung
di sa oras ng pagbigay.
ROSA: S’yanga, Boy, para sorpresa, dib a, Mommy?
BOY: Ano ba’ng ibig sabihin ng “sorpresa?”
LIGAYA: Gulat na nakatutuwa. Boy, Isang bagay na hindi mo akalaing
darating.
BOY: A, gano’n pala… Ma, tama nab a ‘yung regaloi ko ke Papa?
LIGaYA: Oo. Natitiyak kong masisisyahan anng inyong Papa sa inyong mga
handog sa kanya bukas, lalo pa’t malalaman niiyang ang inyong binili’y galling
sa inyong mga piggy bank.
ROSA: Ako’y me sampung piso pa, Mommy. Bukas, e magpasyal tayo sa
Luneta, ha? Magbo- blowout ako ng drumstick.
LIGAYA: ‘Yan ang ibig ko sa ‘king anak, galante.
ROSA: Kasi kayo ng Papa, e galante rin, e.
BOY: ( May maiisip) Mommy, asan bang Amerika?
LIGAYA: Doon sa ibayong dagat. Malayo… bakit mo naitanong, Boy?
BOY: Kasi nu’ng sang araw e sabi ng Papa, “ibig mong sumama sa akin sa
Amerika?
LIGAYA: O, ano naman anng wika ng Papa?
BOY: Do’n na raw ako mag-aaral…Mahusay ba’ng titser do’n, ha, Ma?
LIGAYA: Kahit saan, anak, ay may mahusay at may mahinang klaseng guro.
(Haharapin si Rosa) Ikaw, Rosa, kung isasama ka ban g iyong Papa ay sasama
ka sa Amerika?
ROSA: Sasama ako kung kasama ka at si Lola.
BOY: Sana, Mommy, Lahat tayo magpunta sa pinupuntahan ni Papa, kahit saan
‘yon.
ROSA: Saan – saan nab a napunta ang Papa, ha, Mommy?
LIGAYA: Sa Amerika, napinagdalubhasaan niya sa panggagamot, sa Vietnam
at sa Laos nang sumama siya sa Operation Brotherhood… sa Hapon,
Hongkong, Thailand, espanya, Italya, Pransya, at marami pang iba.
BOY: Talagang sikat si papa. E, di ang dami – daming perang nagastos ng
Papa, ha, Ma?
LIGAYA: Kaunti lang, kasi’y nakakuha siya ng tinatawag na fellowship grant at
travel grant.
ROSA: Ano ba,’yon, Mommy?
LIGAYA: Libre, may gumasta para sa kanya.
ROSA: Dahil marooning siya?
LIGAYA: oo.
ROSA: Sana magbalediktoryan din ako paris ng Papa.
BOY: Ako man.
LIGAYA: Masipag mag – aral ang inyong Papa. Kayo man ay mag – aral na
mabuti at malamang magtapos na baledektoryan din, o kaya’y ibang mataas
na karangalan. (Daratingn si Aling Martha na nakadamit pambahay na.)
MARTA: Aba’y hindi pa pala nakapagpalit ng bihisan ang dalawang yan, a… O,
sige, mga apo, bihis muna. (Susunod ang dalwang bata, makikita ang aklat na
ibinaba ni Ligaya sa sopa. Dadamputing iyon at babasahin ang pamagat.) The
Invisible Government.
LIGAYA: Iyan, Mama, ay tungkol ho sa Central Intelligence Agency o CIA, ang
“Pamahalaang hindi nakikita. “ Bilyun-bilyong dolyarhu pala ang ginagasta
niyan. At laganap pala sa buong daigdig ang mga ahente niyan.
MARTA: Huwag mong sabihin, gay, na mayroon niyan dito sa atin.
LIGAYA: Marami hu.
MARTA: Ha!… Nakapagtataka.
LIGAYA: HUwag kayong magtaka, Mama. Talagang ginagawa ng Amerika ang
lahat ng paraan upang mapalaganap at mapanatili ang kanayang impluwensya
at kapangyarihan sa lahat ng dako.
MARTA: Pawang mga Kano ba ang ahente niyan?
LIGAYA: Hindi hu. Iba’ ibang uri ng tao ang mga tauhan niyan. Ngunit mahirap
silang makilala. Marami raw galamay sa Pilipinas ang CIA.
MARTA: (Isang mapait at makahulugang ngiti ang sisilay sa labi) May katwiran
nga ang nagsasabing ang Pilipinas ay hawak pa rin ng Amerika. Daang milyon
nang utang natin sa kanya… Hindi tayo makakilos nang di muna sasangguni sa
Amerika. May suliranin tayo, kuha agad ng mga “ekspertong” kano gayong
tayo ang higit na nakauunawa sa ating mga suliranin mat mga lunas dito.
Anong klaseng bansa tayo?… Republikang basahan?… maiba ako, anak, nasabi
mo na ba kay Fidel ang tungkol sa telegramang galling sa Malakanyang?
LIGAYA: Pagkabasa ko’y itinawag ko sa kanya ngunit nagkataong, okupado
ang linya. Nang ulitin ko ang tawag pagkaraan ng sampung minute ay wala
nang dalayton. Hayaan at hanggang ngayo’y wala pa rin…
MARTA: Kakatwa naman talaga ang teleponong yan. Mas Madalas pang kasya
buo. Dumayal ka ng isang numero at iba ang sasagot. Uulitin mo, iba na
naman. Suwerte mo nang makonekta sa unang dayal. Ku, kung di nga lamang
kailangan ay mabuti pang ipaputol na yan. kunsumisyon lang ang inaabot mo.
LIGAYA: (Ibabalik antg paksa sa dati.) Palagay kaya n’yo, Mama, ay may pag –
asa si Fidel na makakuha yung puwesto.?
MARTA: Kung ganyang pinaghahanda pa siya ng ibang kinakailangang papeles
ay baka sakali.
LIGAYA: Ano pa kayang papeles ang kulang ni Fidel? Isang basta na ang
naipadala niya roon.
MARTA: Alam mo naman, Gay, an gating gobyerno: maraming rekutitos na
hinihingi sa mga aplikante.
LIGAYA: Mama, hindi hu kaya magbago ang loob ni Fidel kukng sakaling siya
ang palaring mahirang na pangalawang patnugot ng South General Hospital?
MARTA: Aywan ko nga bas a taong ‘yan.
LIGAYA: Ano hu ba’ng napag – usapan n’yo kahapon?
MARTA: Tila nawawalan na raw siya ng interes. Nayayamot na raw siya sa
dami ng red tape. At kailangan pa raw ng de – padrino. Mas malakas daw ang
padrino. Mas malakas daw ang padrino, mas madali ang entra.
LIGAYA: Sakit ‘yan ng bayan.
MARTA: Ke ibigay raw kahit kanino ang puwestong ‘yun ay wala na siyang
pakialam. Itutuloy raw niya’t itutuloy ang pagpunta sa Amerika.
LIGAYA: Talagang napakatindi ng hinanakit ni Fidel sa pamahalaan. At, suyang
– suya na siya. Kaya ibig niyang layuan ang ayon sa kanya’y talamak at palala
nang palalang mga kanser ng lipunan.
MARTA: May katwirang magkagayon ang iyong asawa. Ang isang tulad niyang
mapagmasid, mapanuri, matalino, at ideyalista ay hindi magkagusto sa uri ng
lipunang ginagalawan: marumi, mapagkunwari, materyalista, magulo…
LIGAYA: Sa kabila ng lahat ay umaasa pa rin ako, Mama, na mababago ko ang
kanyang loob. May ilan pa akong alas na hindi naisusugal, halimbawa’y ang
tungkol sa pagkapunta ko sa klinika ni Doktora Samonte kaninang umaga.
(May ibubulong sa biyenan na ikaliliwanag ng mukha ng huli.)
MARTA: (Ngagalak) Makakapulitana ka riyan. Tama, bukas mo na sabihin sa
kanya. Natitiyak kong malulundag siya sa tuwa.
LIGAYA: (Lalamlam ang magandang mukha) Ngunit, Mama, tila hindi hu
mapaglabanan ni Fidel ang nakararahuyong alok ng isang ospital sa California.
MARTA: Ang anyaya ng pilak ay totoong mahirap tanggihan. Lubhang
makapangyarihan ang salapi, anak.
LIGAYA: Biro n’yo, isang libo’t limang daan dolyar isang buwan. At libre
pasahe pa. bukod sa iba pang pribelihiyo.
MARTA: Katumbas na ‘yan halos ng anim na libong piso. ‘Yan ang isang bagay
na maipupuri mo sa Amerika, matatas magpasuweldo…O, e ano, papayagan
mo ba siyang umalis na naman?
LIGAYA: ‘Yan ngna hu ang aking suliranin, Mama. Sabi ko’y bakit kailangan pa
niyang mangibang bansa ay sa hindi naman tayo kinakapos. Aming kita, siya
sa panggagamot at ako sa pagtuturo, ay sapat naman sa ating
pangangailangan.
Kahulugan
Buod
Aral
ARALIN 6
Rizal, Bonifacio, Del Pilar, Mabini, at Malvar- ang mga tinanghal na mga bayani sa kwento
at sa ating bansa.
Kaisipang kolonyal- ito ay isang malaking sanhi kung bakit hindi ganap na umuunlad ang
ating sariling bansa.
Tagalog- ito ang ginagamit ng mga Pilipino.
- maaming mga panitikan at literatura ang nasusulat sa wikang ito.
Presentation Transcript
Slide 1:
Ang Pilipino sa Pilipinas ni : Ma. Corazon Zamora
Slide 2:
Natunghayan ko sa mga aklat ang dakilang kasaysayan sa dugo ng payapang lupa
Slide 3:
Maraming buhay ang nawala ng dahil sa pagtatanggol sa bayan . Sa loob ng
napakahabang panahon , ang Pilipinas ay inaruga ng pagkabusabos
Slide 4:
Pagkatapos ng napakahabang gabi na lalong pinadilim ng isang bagong umagang may
pangit na anyo “Malaya na ang Pilipinas , alipin pa rin ang mga Pilipino” Nakakapagtaka ,
minsan ko nang natagpuan ang aking sariling humahanga sa kagitingan ng mga Pilipino.
N akadama pa nga ako ng pagkainggit at paghahangad sa kanilang kagitingan .
Slide 5:
Salamat na lamang at hindi pa huli ang lahat ng kumatok ang maamong mukha ng
katotohanan . Natakot ako sa kapangitan . Ibig kong isiping matiyaga ang mga Pilipino sa
Pilipinas . Subalit sa aking mga karanasan , napakaamo ng kulay itim …. N
akakapagsawa Ang pagnanasa at mainggit sa katangian ng iba ay kasumpa sumpa !
Slide 6:
Isang araw dumalo ako sa isang pagtitipon ng samahan ng mga guro at magulang sa
isang mataas na paaralan sa Bulakan .. Inanyayahan ako bilang isa sa mga magsasalita .
Maraming tao sa pagtitipon , mga pinagpalang magulang ng mga batang nagsisipag-aral
ang naroon sa isang malaking bulwagan .. Isang bagay ang kapansin-pansin . Sila’y
pawang mga pilipino .
Slide 7:
Nabasag ang katahimikan ko ng magwika ang isang bata Napakaingay mo naman ,
makinig ka sa nagsasalita .. Masarap kaya itong manggang ito ?!
Slide 8:
Hindi pa halos matapos ang sinasabi ng nagsalita nang lumapit ang isang guro na may
dala ng kahon at humingi ng pera sa nasabing bata . Napakaingay mo naman , makinig
ka sa nagsasalita .. Masarap kaya itong manggang ito ?!
Slide 13:
Naguluhan ako , bakit kinunan ng guro ang bata ng pera sa pagbabawal sa kamg-aral na
huwag mag- ingay ? Napalakas pala ang aking tanong at narinig ng aking katabing mag-
aaral Kasi po bawal po sa amin ang magsalita ng tagalog
Slide 14:
Nang ipakilala ako , nagsalita ako sa wikang Pilipino. Hirap na hirap ako , nagkakabuhul-
buhol ang aking dila sa pananagalog , mga impit na hagikgik ang aking narinig . Ang iba
ay hindi mapigilan ang malakas na pagtawa . Tawanang hindi ko matiyak kung paghanga
o panlilibak . Hahaha !! Haha !!
Slide 15:
Naniniwala akong ang aking pakikipagtalastasan ay nagkaroon ng mga tagapakinig .
Anong aasahan natin sa mga magsasaka ? Magsalita ng wikang Ingles sa kabukiran ?
Hindi ako nagtagal sa pagsasalita . Masama ang aking loob .
Slide 16:
Nilapitan ko ang gurong naniningil sa batang may hawak na kahon . Iniabot ko ang pera
… Wala na ho sakin ang kahon
Slide 17:
Taas ang aking noong nilisan ang paaralang iyon . Batid nilang ako’y nagdaramdam .
Hindi ko gustong saktan ang kanilang damdamin , Ngunit may mga damdaming hindi
makadama hanggat di nasasaktan . May mga pilipinong nasa Pilipinas ngunit
ipinalalagay ang mga sarili na nasa ibang bansa Malaya na ang Pilipinas sa puso at isip
ng mga Pilipino. Ang mga pilipino ay “ nagpapakadalubhasa pa rin sa iba’t ibang wikain ”
Slide 18:
Hindi masamang mag- aral ng wikang dayuhan . Ngunit ang magmahal sa sariling wika
ay higit na kapuri-puri . Sa bawat sulok ng Pilipinas , naglalakihan ang mga bahay -
kalakal ng mga dayuhan . Ang kanilang mga tindahan ay dinudumog ng mga P ilipino.
Nagiging ganap ang kanilang kasiyahan tuwing nakakabili ng mga kagamitang hindi
gawa sa Pilipiinas.Naniniwala silang ito’y matibay , mahaba ang halaga at kung makikita
ng kanilang kapuwa Pilipino at tiyak na magtatamo sila ng mga papuri at paghanga .
Gustung -gusto ng mga Pilipino ang pinupuri at hinahangaan sa mga bagay na hindi
kapuri-puri at kahanga-hanga .
Slide 19:
Buong karangalang ipinagmamalaki : “Pilipino nga ako , pero ang aking kagamitan ay
stateside” Hindi ako isang tunay na Pilipno . Hindi ako ang P ilipinong isinilang at
nanirahan sa Pilipinas ngunit ikinahihiya ang pakga -Pilipino. Hindi ako ang Pilipinong
nauumid magsalita ng wikang may sariling daigdig sa dibdib ng Pilipinas . Hindi ako ang
P ilipinong matuto ng wikang dayuhan ay niyuyurakan ang wikang sarili . Ako ay isang
dayuhan , ipinanganak … lumaki at nagkaisip sa ibang bansa . Dugong dayuhan ang
nananalaytay sa aking mga ugat .
Slide 20:
Isang bagay ang natitiyak ko sa aking sarili , hindi ako aalis ng Pilipinas hanggat hindi
nagigising ang mga Pilipino sa mahimbing na pagtulog sa kanyang pagka -Pilipino. i
Slide 21:
Ang Pilipino sa Pilipinas ni Ma. Corazon Zamora ay patungkol sa mga Pilipinong hindi
makabayan . Mga Pilipinong walang pag-ibig at pagpapahalaga sa tinubuang lupa .