You are on page 1of 22

UNCORRECTED PROOF

KABANATA 1
SA ITAAS NG KUBYERTA

Sic itur ad astra.

Isang umaga ng Disyembre,1 ang bapor Tabo2 ay


nahihirapan na sumasalunga sa paliko-likong agos ng Pasig,3
lulan nito ang malaking bilang ng mga pasahero patungo sa
lalawigan ng Laguna.4 Siya ay isang malaking bapor, halos bilog,

MGA PALIWANAG
 Sa ganyan ka lalandas sa mga bituin, Sa ibang salin ay Lumalandas sa
kawalang hanggan. Salitang ginamit ni Virgil na sa ibang
pagpapakahulugan ay isang mabigat na gawain na patungo sa
kadakilaan o katanyagan na walang kamatayan. Isang palaisipan kung
bakit ni Rizal ang pariralang ito, ito kaya ay upang maging inspirasyon
niya upang maging determinado na tapusin ang ikalawang nobela.

1 Sa anotasyon ng nagsasaliksik sa Noli Me Tangere ay binigyan nito ng


pansin na ang naganap ang pagdiriwang sa (Kabanata 1) sa bahay ni
Kapitan Tiyago sa huling araw ng Oktubre ay nilagyan ng taong 1882.
Ibinibigay muli sa inyong pansin na nagsimula naman ang Kabanata 1
ng El Filibustersmo sa buwan ng Disyembre. Mahalaga na malaman ito,
dahil sa magiging susi sa pagkaunawa sa isang hindi napapansin na
kronolohikang nagawa ni Rizal para sa dalawang nobela na
magkakaroon ng propetikal na kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas.
Tingnan sa mga susunod na kabanata ng ating pag-aaral.

2 Ang malakaking sasakyang dagat ay tinatawag sa Pilipinas na barko


at bapor. Ang barko ay pangkalahatang tawag sa malalaking sasakyang
dagat na nakapaglululan ng maraming bilang ng pasahero at magagamit
sa malayuang paglalakbay. Ang bapor ay isang uri ng barko na
pinatatakbo ng makina na pinapaandaw ng singaw (vapor). Ang Bapor
Tabo ay iwinangis ni Rizal sa mga bapor na pampasahero na naglalakbay
ng Maynila at Laguna sa kaniyang kapanahunan. Ginamit ni Rizal ang
Bapor Tabo upang gamiting isang simbolismo ng Lipunang Pilipino sa
panahon ng pananakop ng Espanya.

3 Mga suliranin na tinatahak ng pamahalaan sa araw-araw. Kung


makakabasa ka ng isang serye ng pahayagan sa buong dekada na nasa
sinupan ng iyong paaralan ay makikita mo ang dinadaanan ng ating
bayan sa araw-araw sa loob ng dekada. Halos paulit-ulit lamang.

4 Pinabibigay alam sa mga nag-aaral ng nobelang na sa bahaging ito ay


masisimulang mapansin ang pagkakadugtong ng El Filibusterismo sa Noli
Me Tangere. Maala-ala sana, na halos nagtapos ang climax ng Noli sa
pag-uusap nina Ibarra at Elias sa bangka na dumadaan sa Ilog Pasig at
nagtapos sa paghahabulan sa Lawa ng Laguna. Sa pagkakataong ito ay
binuksan ni Rizal ang El Filibusterismo sa lugar na malapit kung saan
UNCORRECTED PROOF

na katulad ng tabo na pinagkuhanan ng kaniyang pangalan,


marumi sa kabila ng kaniyang pagnanais na maging malinis,5
tila nagmamalaki sa kaniyang mabagal na pag-usad.6 Sa kabilang
dako, siya ay kinagigiliwan sa lugar na iyon, maaring dahilan sa
kaniyang Tagalog na pangalan, o dahilan sa tinataglay niya ang
mga likas na ugali ukol sa bayan, na kumakatawan sa kaniyang
tila pagtatagumpay laban sa progreso,7 isang bapor na hindi
naman bapor ang kabuuan,8 isang organismo na walang
pakiramdam,9 walang kaayusan, subalit hindi pag-aalinlanganan,
at kung nais niyang mag-anyong progresibo ay nasisiyahan na
lamang sa pagpahid ng bagong pintura.10

Masasabing ang bapor na ito ay tunay na Pilipino! Kung


pagpapaumanhinan sa paggamit nito, siya ang bapor ng estado,
na ginawa sa ilalim ng pagmamasid ng mga Reverendo at
Illustrisimo!11

misteryosong nawala ang dalawang mahalagang tauhan ng Noli Me


Tangere.

5 Ito ang trahedya ng isang pamahalaan – marumi sa kabila ng kaniyang


pagnanais na maging malinis at upang magmukhang malinis ay
kailangan lamang ang paimbabaw na remedyo.
.
6 Nagmamalaki sa kaniyang mabagal na pag-usad. Kahit na naiiwan
tayo sa karera ng progreso ay nagmamalaki pa rin ang Pilipinas na
umuunlad o nakakahabol sa pagsulong ng mundo (kahit paano).

7 Isang bahagi nang pasaring ni Rizal para sa pangkat ng mga tao na


gustong manatiling nasa hulihan ng progreso ang Pilipinas.

8 Isang paglalarawan ni Rizal sa Pilipinas na halos isang bansa sa pang-


estadong istrakturang – subalit hindi naman tunay na estado dahilan sa
nasa ilalim ng kolonyalismo.

9 Ang Pilipinas ay isang organismong walang pakiramdam – hindi


kumikibo at nagsasalita sa mga pang-aabuso at pagsasamantala na
ginagawa sa kaniya.

10 Makikita rito na ang mga “pagbabago” sa Pilipinas ay higit na


kosmetiko. Maaring mayroong mga ilang tagumpay na “programa o
pakulo” ngunit hindi naman ito nagtatagal at lumalabas muli ang
kalawang ng kahinaan na minsan nating tinakpan ng pansamantalang
solusyon.

11 Ipinakikita niya ang isang estado na pinagtutulungan na itaguyod ng


kolonyal na gobyeno at mga kaparian ng kolonyal na simbahan. Mula sa
paliwanag ni Ongoco, sa bapor na ito ng estado ang makina ang
gobyerno at ang timon/rudder ay ang mga taong simbahan.
UNCORRECTED PROOF

Napapalibutan ng liwanag ng umaga, ang kaniyang


maputing katawan (na nagbubuga ng maitim na usok),12 na
nagpapagalaw sa alon ng ilog at nagpapasipol sa hangin, sa mga
malagong kawayanan na bumabaluktot sa magkabilang pampang;
may mga pabirong nagsasabing umuusok ang bapor ng
pamahalaan13 Tumitigil sa bawat sandali ang kaniyang paos na
pagpito14 at nagbabanta na parang isang hari-harian na nag-uutos
sa pamamagitan ng sigaw, kaya ang nasa loob ng ng bapor ay
hindi marinig maging ang
kaniyang isipan.15 Kaniyang
pinagbabantaan ang lahat ng
kaniyang makakasalubong;
minsan ay parang nais niyang
durugin ang mga salambaw
na mga payat na kagamitan
sa pangingsida, na parang
yumuyukong mga kalansay sa
nagdadaang higanteng pagong
na nabuhay sa panahon hindi
pa nagaganap ang pag-apaw ng tubig sa buong mundo; 16 kung
minsan ay nagtutungo sa sa mga kawayanan o kaya ay sa mga
karihan na nagagayakan ng mga gumamela at iba pang mga
bulaklak, na katulad sa mga naliligong na ang mga paa ay
nakalubog sa tubig, na ayaw pang lumublob. Kung minsan sa
pagsunod sa daanan na itinuturo ng ilang mga nakatusok na

12 Mula sa malayo ay napapalibutan na nang makabagong panahon ang


lipunang Pilipino, maputi ang kulay dahil nais ipakitang “bago”, subalit
nagbubuga pa rin ng maitim na usok na simbolismo ng makalumang
kaisipan at mga katiwalian na hindi maitago.

13 Umuusok ang bapor ng pamahalaan dahil ang paninigarilyo ay isa sa


mga pangunahing bisyo ng mga opisyal at kawani ng pamahalaan.

14 Hindi consistent ang gobyerno sa kaniyang mga utos o


ipinangangalandakang mga programang panlipunan.

15 Ang malakas na panakot ng isang naghahari-hariang pamahalaan ay


nagbibigay ng panganib sa mga mamamayan na magpahayag ng
kanilang mga kaisipan. Ang nakakatakot na pamahalaan ay nagtatago
ng tunay na tinig ng mga taong bayan.

16 Larawan ng salambaw na gamit sa pangingisda ay mula sa guhit ni


Fernando Amorsolo at mula sa url na:
http://galeriestephanie.blogspot.com/
UNCORRECTED PROOF

kawayan, ang bapor ay umaandar na may kasiyahang loob17,


maliban sa isang biglaang pagbagok na muntik ng ikabuwal ng
mga pasahero, ito ay dahilan sa pagkakatama sa burak na hindi
inaasahan ninuman na naroon18.

Kung ang pagkakatulad sa bapor ng estado ay hindi pa


sapat, pansinin ang kaayusan ng mga pasahero. Sa ibaba ng
kubyerta ay matutunghayan ang mga mga kayumangging mukha
at mga itim na ulo, na mga uring Indio, Intsik, at Mestiso,
nakaupong siksikan sa pagitan ng mga baol at kahon ng kalakal.
Samantalang sa itaas ng kubryerta, sa ilalim ng tolda na
nagsasanggalang sa kanila araw, ay nakaupo sa maginhawang
silya ang iilang pasahero na nakasuot ng kagayakang Europeo,
mga prayle, at mga kawani ng pamahalaan, na humihitit ng
tabako, nakatanaw sa dinadaanan,19 na hindi alintana ang
pagsisikap ng kapitan na maiwasan ang mga balakid sa ilog.

Ang kapitan ay isang taong may magiliw na kaanyuan, may


labis na edad, isang matandang maglalayag, na noong kabataan ay
namuno sa higit na maayos na bapor sa lalong malawak na
karagatan, ngayong matanda na ay kailangang gumamit ng
malaking pag-iisip, ingat, pagbabantay, upang makaiwas sa
maliliit na panganib.20 Iyon mga balakid sa araw-araw; iyon ding

17 Maayos na nakapaglalakbay ang estado kung nakabase sa mga


panuntunan.
18 Mga biglaang kaganapan na hindi inaasahan ng estado tulad ng mga
kalamidad o biglang kaguluhan.

19 Nagawa ni Rizal sa pamamagitan ng pagtukoy ng kinaroroonan ng


mga pasahero (sa ibabaw at ilalim ng kubyerta) ang istratipikasyon ng
lipunan. Higit sa lahat ang pribilehiyo at komportableng kalagayan ng
mga nasa itaas na halos napakalaking pagkakaiba sa siksikan at hirap
na kalagayan ng mga nasa ibaba.
Pansinin na pinasimulan ni Rizal ang paglalarawan mula sa itaas
na magpapakita ng kaniyang magiging trato sa paglalantad ng realidad
panlipunan mula sa drama ng mga tauhan ng nobelang ito na nagmula
sa mga naghaharing uri.

20 Ang matandang kapitan ng bapor Tabo ay ginamit bilang simbolismo


ng mga nKapitan Heneral ng Espanya sa Pilipinas. Karamihan sa kanila
ay matatanda na sa panahon ng kanilang panunungkulan bilang
punong tagapagpaganap at sa ganito ay nawawala ang bisyon at tapang
na harapin ang mga prayle upang maipaglaban ang kapakanan ng mga
Pilipino.
UNCORRECTED PROOF

mga mababaw na burak,21 ang dati ring laki ng bapor na


sumasayad sa mga kapareho ding kurbada,22 na parang isang
matabang babae sa siksikan ng mga tao, kaya sa bawat sandali,
ang mabait na kapitan ay tumitigil, umurong, pinababagal sa
kalahati ang bilis, nagpalipat-lipat sa kaliwa at kanang panig ng
bapor ang mga marinero na may hawak na tikin upang ituon sa
lugar na itinuturo ng timon. Ang kapitan ay katulad ng isang
kawal, pagkatapos na pamunuan ang mga kawal sa isang
mapanganib na pakikidigma, sa pagtanda ay naging tagapag-alaga
ng isang batang sumpungin, matigas ang ulo, at tamad. 23

Si Donya Victorina, ang nag-iisang babae na nakaupo sa


kalipunan ng mga Europeo, ang makapagsasabi kung ang bapor
Tabo ay tamad, masuwayin, at kapritsoso; Si Donya Victorina ay
katulad ng marami na napaka-nerbiyosa, ay nagtutungayaw sa
mga kasko, bangka, balsang niyong, mga Indiyo na namamangka,
pati na sa mga naglalaba at naliligo na kinaiinisan niya dahilan sa
pagkakatuwa at ingay! Tama naman siya, ang Tabo ay magiging
maayos ang lakad kung wala kahit isa mang Indiyo sa bayan at sa
mundo, hindi napupuna na ang mga tumitimon ay Indiyo, ang
mga makinista ay Indiyo, at Indiyo ang siyamnapu’t siyam sa
bawat isang daang pasahero, at maging siya ay Indiyo rin, kung
kakaskasin ang kulapol sa kaniyang mukha at huhubarin ang
kaniyang ipinagmamalaking gown. 24 Nang umagang iyon ay higit
ang pagka-irita ni Donya Victorina, sapagkat hindi siya pinapansin
ng mga kasama, na hindi naman kapos sa kadahilanan –
magkakasama ba naman doon ang tatlong prayle na naniniwala
na ang buong mundo ay titiwarik, sa araw na sila ay lalakad ng

21 Mababaw na burak – hayagang kabulukan na palaging naririyan sa


lahat ng panahon na humahadlang sa mabilis na pagbibiyahe ng bapor
ng estado.

22 Mapapansin na ang bapor ng estdado ay sumasayad sa mga burak at


kurbada ng daanan – ipinapakita ni Rizal na ang kabuuan ng bapor o
sistema ay hindi na katugma o angkop sa kaniyang tinatahak na
daanan.

23 Pansinin na ang pagkilos ng Kapitan ay nasa anyo na palaging


contingent at hindi naka-programa.

24 Pansinin ang husay ni Rizal sa paggamit ng mga tauhan sa kaniyang


nobela. Ang ginamit niyang magsasalita sa kahinaan ng mga Indio ay si
Donya Victorina, ito ay upang maiiwas muna sa paggamit ng tauhan na
mga kabilang sa matataas na pinuno ng pamahalaan at simbahan, lalait
sa ating lahi.
UNCORRECTED PROOF

tuwid;25 ang walang kapagurang si Don Custodio, na payapang


natutulog, at nasisiyahan sa kaniyang binabalak na proyekto.26
Ang walang pagod na manunulat na si Ben-Zayb (anagram ng
Ibañez) na naniniwalang kaya nag-iisip ang mga tao sa Maynila
ay dahilan sa siya ay nag-iisip;27 isang canonigo na katulad ni
Padre Irene, na nagdadagdag sa dangal ng kaparian, dahil sa
maayos na pagkakaahit sa kaniyang mukha na kinalalagyan ng
isang ilong-Hudio at dahil sa kaniyang sutlang sutana na lapat
ang pagkakatabas at maraming bitones;28 at isang mayamang
mag-aalahas na katulad ni Simoun, na pinaniniwalaan na
tagapayo at nag-uudyok sa mga pagpapasiya ng Kapitan
Heneral;29 Isipin ba namang magkatagpo ang mga haliging saligan
ng bayan, magkasama-sama doon, at masayang nag-uusap, ay
hindi mabibighani na masiyahan sa isang nagtakwil ng sariling
pagka-Pilipina,30 na nagpakulay ng buhok, na sapat upang

25 Naiintindihan mo na ba kung bakit si Donya Victorina ang pinagsalita


ni Rizal ng mga kontra Iindio. Ito ay dahilan sa pangungusap na ito
naman ay pinasimulan na ni Rizal ang kaniyang kontra prayleng
pahayag. Titiwarik ang mundo, kung lalakad ng tama sa pamumuhay
ang mga prayle. Magsisimula rito si Rizal sa kaniyang maraming
napakagagandang mga pananalita ng pang-iinsulto.

26 Don Custodio na walang pagod ay natutulog na kasama ang


kaniyang mga balak na proyekto. Larawan ng isang pamahalaan na
pakitang tao lamang ang kasipagan (o naniniwala na siya ay masipag) na
kasamang natutulog ang mga magagandang programa.

27 Si Ben-Zayb ay maaring isang manunulat ng sa isang pahayagan. Sa


ganito ay kaniyang naiinpluwensiyahan ang kaisipan ng mga
naninirahan sa Maynila. Naniniwala siya na ang kaniyang isinusulat ay
mayroong malaking inpluwensiya sa opinyong pampubliko ng Maynila.

28 Ang katungkulang canonigo ni Padre Irene ayon sa glosaryo ay


nakabase sa katauhan ng isang synodal examiner na itinago panitik na
Don E. N.
Subalit malupit ang panunudyo ni Rizal kay Padre Irene – ang
kaniyang naibibigay na dangal sa kaparian ay higit na pang-labas
lamang at walang binanggit ukol sa talino at integridad na dapat taglayin
ng isang paring nagtataglay ng ganoong posisyong pansimbahan.

29 Sa bungad na kabanata ay unti-unti nang ipinakilala ni Rizal ang


inpluwensiyang pangpamahalaan ng pangunahing tauhan ng kaniyang
nobelan na si Simoun.

30 Sa pamamagitan ng isang patawang paraan ay nailusot ni Rizal ang


kaniyang isang pangungutya sa mga Pilipino na nagtatakwil ng kaniyang
pagiging Pilipino. Ipinapakita ni Rizal sa mga Pilipina na
nagkukunwaring mga dayuhan na hindi sila papansinin ng mga
matataas na tao mula sa lahi na kaniyang ginagayahan.
UNCORRECTED PROOF

maubos ang pasensiya ng isang Joba – pangalang ibinigay sa sarili


ni Donya Victorina, kailanman at may makakatagpo.31

Higit na naradagan ang pagkainis ng babae sa bawat sigaw


ng kapitan ng: baborp! estriborp! Sa mga mga marinero, na
nagmamadaling isaksak sa mga gilid ang kanilang mga
mahahabang tikin at pigil sa tulong ng mga hita at balikat upang
mapigil na masadsad sa dakong iyon ang bapor. Kung makikita
sa gayong kalagayan ang bapor ng pamahalaan ay masasabing
nawawala sa pagkapagong at nagiging alimango sa bawat banta
ng panganib.32

“Subalit kapitan, bakit hindi doon pinapupunta ng mga


istupidong timunel?” ang pagalit na tanong ng babae.

“Sapagkat napakababaw po doon ali” ang malumanay na


sagot ng Kapitan, at marahang ikinindat ang isang mata, na
kaniyang nakaugalian na katulad ng kaniyang salita na
lumalabas ng marahang lumalabas: marahang-marahan.

“Kalahating tulin ng makina, aba, kalahating tulin!” ang


tutol ni Donya Victorina, “bakit hindi buong tulin?”

“Sapagkat tayo ay babagtas sa mga palayang iyan, señora,"


ang walang tinag na sagot ng kapitan, inginuso ang kaniyang labi
upang ipakita ang palayan at dalawang beses na kumindat.

Si Donya Victorina ay kilala sa buong bayan sa kaniyang


kapritso at kinahuhumalingan. Palagiang dumadalo sa mga piging
panlipunan, at pinagtitiyagaan doon, lalo na tuwing kasama ang
kaniyang pamangking si Paulita Gomez, maganda at mayamang
binibi na ulila sa ama at ina, na naiwan sa pangangalaga ni Donya
Victorina. Sa pagtanda ng babaeng ito ay nagpakasal sa isang
sawing palad, na ang pangalan ay Don Tiburcio de Espadaña, at
sa mga sandaling ito ay may labinglimang taong nang kasal, ang
buhok ay peluka at ang kalahati ng kasuotan ay gayak Europea.
Sapagkat sa buong buhay niya ay hinahangad, magmula ng mag-

31 Tinawag ni Donya Victorina ang kaniyang sarili na babaeng Job, na


isa sa mga tauhan ng Biblia na dumaan sa matinding pagsubok sa
buhay.

32 Nailarawan dito ni Rizal ang karikatura ng pamahalaan sa Pilipinas.


Ang pagiging pagong sa larangan ng kaunlaran at ang pagiging tila
alimango sa harap ng panganib – armado ng sipit, nababalutan ng
malutong (hindi makapal) na baluti at mapagbanta, ngunit patagilid
kung hindi man paurong ang paraan ng pagsugod.
UNCORRECTED PROOF

asawa ay nag-anyong Europea, sa tulong ng kaniyang masagwang


kaparaanan, ay marahang nagtagumpay na baguhin ang kaniyang
sarili, sa kasalukuyang kaanyuan, kahit na magtulong sina
Quatrefages at Virchow,33 ay hindi magagawa kung saang lahi siya
ibibilang.

Ang kaniyang asawa, na nagtiis ng maraming taon sa lahat


ng kaniyang maibigan na katulad ng isang fakir,34 isang
masamang araw ang lalaki ay dinalaw ng isang sumpong, at
hinambalos siya ng tungkod. Ang nabiglang si Madam Joba sa
pagbabagong ugali, ay hindi agad nakasunod sa kaganapan, at
pagkatapos ng pagkabigla at makatakas ang kaniyang asasa, ay
saka naramdaman ang sakit at naratay ng ilang araw, sa gitna ng
napakalaking katuwaan ni Paulita, na nawiwili sa pagtatawa at
pagbibiro sa kanyang ali. Subalit ang asawa, sindak sa nagawang
pagkakamali, na para sa kaniya ay parang isang kakila-kilabot na
pagpatay sa kabiyak ng puso, tumakas, at hinabol ng alitang mag-
asawa (ang dalawang aso at isang loro sa bahay), ay tumakbong na
buong bilis na ipinahihintulot ng kaniyang kapilayan, sumakay sa
unang bangkang nakita sa ilog, at ang Ulises sa Pilipinas, ay
nagsimulang maglagalag sa mga bayan-bayan, sa mga lalawigan,
sa mga pulo na hinahabol at inuusig ng kaniyang Calypso, na
nakasalamin, na nakakainis sa mga kasabay sa pagbibiyahe.
Tumanggap ng balita na ang asawa ay nagtatago sa isang bayan
sa Laguna, kaya papunta doon upang akitin ang asawa sa tulong
ng kaniyang buhok na tininaan.

Ang kaniyang mga kapwa pasahero ay nagkaisang


magsangalang sa pakikisalamuha sa kanya, sa pamamagitan ng
walang hintong usapan ng anumang paksa.35 Sa pagkakataong
iyon, dahilan sa liko-likong daanan ng ilog ay pinag-uusapan ang
pagtutuwid sa kanal na iyon, at tungkol sa mga gawaing ukol sa
daungan.

33 Sina Quadrifages ay isang tanyag na etnologist na Prances at si


Virchow pathologuist at ethnologist na Aleman. Pagsamahin pa man ang
kanilang husay sa larangan ng ethnolohiya ay hindi nila kayang
malaman kung saang tribo ng mundo ibibilang si Donya Victorina.

34 Isang lalaking asetiko sa relihiyong Islam na ang buhay ay nakagugol


sa mga pagtitiis at na nabubuhay sa pamamagitan ng limos.

35 Asar ang mga kausap ni Donya Victorina at ito ay ipinakikita nila sa


pamamagitan ng hindi nila pagpayag na makasingit sa kanilang usapan.
UNCORRECTED PROOF

Si Ben-Zayb, ang manunulat na anyong prayle36 ay


nakikipagtalo sa isang batang prayle na mukha namang
artilyero.37 Kapwa nagsisigawan, ang kaanyuan ay ayon sa
sinasabi, ibinubuka ang kanilang mga kamay, tumatadyak sa
sahig, nag-uusap ukol sa mga patitis at mga baklad, Ilog San
Mateo, mga Kasko, mga Indiyo, at iba pang mga bagay, sa gitna ng
kasiyahan ng kanilang mga tagapakinig, at ang hindi maitagong
pagkainip ng isang matandang paring Pransiskano, na labis na
napakapayat at natutuyo, at ng Dominicano na may maayos na
tindig at kababakasan ang kaniyang labi ng isang pakutyang
ngiti.38

Ang payat na Pransiskano na na nakakaunawa ng ngiti ng


Dominicano, ay nagpasiyang makilahok sa usapan upang ito ay
maputol. Hindi mapag-aalinlanganan na siya ay iginagalang, kaya
sa isang galaw ng kamay ay kaniyang naputol ang usapan ng
dalawa, nang ang paring mukhang artilyero ay bumabanggit
ukol sa karanasan at ang manunulat na mukhang prayle ay
tungkol naman sa agham.39

“Mga siyentipiko, Ben-Zayb, alam ba ninyo kung ano ang


mga taong marurunong?” tanong ng Pransiskano, sa malalim na
tinig, na halos hindi kumilos sa kaniyang kinauupuan at bahagya
lamang na igalaw ang butuhan niyang kamay.

36 Sa paglalarawan ni Rizal kay Ben-Zayb na manunulat na ang


anyong prayle, ang dadagilin niya ang mga prayle sa pamamagitan ng
kaniyang kakatwang paglalarawan sa tauhang ito.

37 Prayleng anyong artilyero ay isang tagong panlilibak ni Rizal sa


pamamagitan ng simbolismo. Isang taong hindi angkop sa kaniyang
tungkulin dahilan sa hindi kaya ng isipan at emosyon. Balikan ang
Kabanata 4 ng Noli Me Tangere ukol sa paglalarawan ni Rizal sa artilyero
na nakagalit ni Don Rafael.

38 Katulad sa unang Kabanata ng Noli ay muli na namang pinagtagpo ni


Rizal ang kinatawan ng orden Dominicano at Franciscano sa Unang
Kabanata ng kaniyang ikalawang nobela. Si Padre Sybila ang
Dominicano na presente sa dalawang Unang Kabanata at si Padre Salvi
sa pagkakataong ito (sa Noli ay si Padre Damaso.

39 Mapapansin na ang dahilan ng pagtatalo ay karanasan at agham.


UNCORRECTED PROOF

“Nariyan sa probinsiya ang Puente del Capricho40 na ginawa


ng isa naming kapatid, na hindi natapos, dahilan sa pinintasan ng
mga marurunong na tao na mahina at mapanganib dahilan sa
kanilang paniniwala sa kanilang mga sapantaha – ngunit sa kabila
noon ay nariyan pa rin ang tulay na lumalaban sa lahat ng mga
baha at lindol.

“Iyan nga, puñales, ang eksaktong sasabihin ko” ang wika


ng paring mukhang artilyero,
kasabay ng bagsak ng kaniyang
kamao sa gabay ng kaniyang
upuang kawayan, “iyan ang
Puente del Capricho at ang mga
marurunong; iyan nga ang
babanggitin ko, Padre Salvi,
puñales,”

Si Ben-Zayb ay nanatiling
tahimik, bahagyang nakangiti,
marahil sa paggalang o dahilan
hindi niya alam ang isasagot,
kahit na siya lamang ang tanging ulo na nag-iisip sa Pilipinas. Si
Padre Irene ay sumang-ayon sa pamamagitan ng galaw ng ulo,
habang pinapahid ang kaniyang mahabang ilong. Si Padre Salvi,
ang payat at nanunyong pari, ay mukhang nasisiyahan sa
pagpapakumbaba ng dalawa, sa gitna ng katahimikan.

“Subalit hindi ang kahulugan nito na kayo ay wala sa


katwiran, katulad ni Padre Camorra (pangalan ng paring mukhang
artilyero); ang problema ay nasa lawa…”

40 Ang tulay na ito ay ginawa sa Majayjay, Laguna sa ilalim ng


pamamahala ng mga Pransiskanong si Padre Victoriano del Moral noong
1851. patuyang tinawag na Puente del Capricho dahilan sa hindi maayos
na kayarian, at ipinahayag sa opisyal na ulat na ginawa ng mga
inhenyerong Espanyol noong 1852 na hindi umaayon sa siyentipikong
paraan ng konstruksiyon, ngunit sa kabila nito, sa paglipas ng panahon
ay napatunayan na napakatibay at nagamit ng matagal. (Glosaryo)
Ang larawan ay mula sa url na:
http://www.icomosphilippines.com/2006/04/bridge-over-not-so-
troubled-waters.html
UNCORRECTED PROOF

“Talaga naman wala kahit isang mabuting lawa sa lupaing


ito” ang putol ni Donya Victorina, na labis na namumuhi at muling
humanda para salakayin ang kuta.41

Ang mga nasa bakod ay sindak na nagkatinginan, ngunit sa


pamamagitan ng katalasan ng isang heneral, ang mag-aalahas na
si Simoun ay sumagot. “Ang remedyo ay simple lamang” ang sabi
niya sa isang kakaibang pamamaraan, na magkahalong wikang
Ingles at Timog Amerika. “Hindi ko nga maunawaan kung bakit
wala kahit isa man lamang nakaisip.”

Ang lahat ay napalingon, maging ang Dominicano, at nakinig


sa kaniyang mabuti. Ang mag-aalahas ay matangkad, malitid,
labis na kayumanggi, suot-Ingles at suot ang isang salakot na
timsin. Natatangi ang kanyang mahabang buhok na puti na tiwali
sa kaniyang madalang na balbas na itim, na pagkikilalanan ng
kaniyang pagiging mestiso. Upang maiwasan ang silaw ng araw ay
palagiang gumagamit ng salamin na may asul na kulay, na ganap
na tumatakip sa kanyang mga mata at bahagi ng pisngi, na
nagbibigay sa kanya ng ayos bulag o malabo ang mata. Nakatayo
sa mga paang nakabikaka na parang naninimbang, ang mga
kamay ay nakapasok sa bulsa ng kaniyang chaqueta (coat).

“Napakadali ng remedyo” ang kaniyang ulit, “at hindi hindi


gagastos.”

Ang pakikinig ay higit na nag-ibayo. Sa bulungan ng mga


mahahalagang tao sa Maynila na ang taong ito ay kumokontrol sa
Kapitan Heneral, at nakikini-kinita nang lahat na ang remedyo ay
maisasagawa. Maging si Don Custodio ay napalingon upang
makinig.

“Humukay ng isang tuwid na kanal mula sa pinagmumulan


hanggang sa bungad ng ilog, na magdadaan sa Maynila; sa
madaling salita, gumawa ng isang bagong ilog lagusan at tabunan
ang matandang ilog Pasig. Makakatipid ng lupa at iikli ang
paglalakbay at mapipigilan ang pagkakaroon ng mababaw na
dako.” 42

41 Nangangahulugan na ang mga matataas na tao na kasama ni Donya


Victorina na ayaw siyang isingit sa usapan.

42 Dahilan sa malimit na si Rizal na naglalakabay pauwi sa kaniyang


lalawigan sa pamamagitan ng mga bapor na nagbibiyahe sa Maynila
patungo ng Laguna ay maaring sa mga paglalakbay na iyon ay kaniyang
naisip ang proyektong ipinasasabi niya kay Simoun.
Napakalaking proyekto ang nasa isipan ni Simoun – ang
katunayan nga kung ito ay nagkaroon ng katuparan sa tunay na buhay
UNCORRECTED PROOF

Ang proyektong ito ay nakapamangha sa mga tagapakinig,


na nasanay sa mga paraang tapal-tapal.43

“Isang panuklang Yankee,” sabi ni Ben-Zayb, na nais na


kalugdan siya ni Simoun. Ang mag-aalahas ay matagal na
nanirahan sa Hilagang Amerika.44

Kinonsidera ng lahat ang kalakihan ng panukala, sa


pamamagitan ng mga galawan ng ulo. Si Don Custodio, ang liberal
na si Don Custodio, dahilan sa kaniyang malayang kalagayan at
mataas na tungkulin, ay inaakalang nararapat niyang labanan ang
isang panukala na hindi kanya nagmula, iyon ay isang
panghihimasok.45 Umubo, hinaplos ang kaniyang balbas, at sa
matigas na boses ay parang nasa pormal na sesyon ng
pamahalaang panlunsod ay nagsabing: “Paumanhinan ninyo ako
Ginoong Simoun, kung hindi ninyo ako ka-opinyon, malaking
salapi ang gugulin, at maaring sumira tayo ng mga bayan.”

ay maaring nagkaroon ng napakalaking kapakinabangan ngayon sa mga


lalawigan ng Laguna, Rizal, at Metro Manila. Ang isa sa maaring maging
kanal na labasan ng tubig ng Laguna de Bay tungo sa Manila Bay ay ang
bayan ng Paranaque na may pinakamakitid na lupang pagitan sa
dalawang katawang tubig.

43 Isang masakit na pasaring ni Rizal sa mga solusyon ng pamahalaan


na panandalian lamang at walang pang-matagalang epekto sa kabuuan
ng bansa.

44 Panukalang Yankee – ang pagkakabanggit na ito ni Ben-Zayb ay


dahilan sa mga panahong iyon ay aktibo ang Estados Unidos (na higit na
kilala noon sa Pilipinas sa katawagang Norte Amerikano) sa
konstruksiyon ng mga kanal. Si Rizal ay nakadaan sa Estados Unidos
noong 1888 (sa panahon na pinasisimulan niya ang El Filibusterismo)
para sa kaniyang ikalawang pagtigil sa Europa.
Ang pagkakagawa ng kanal sa unang yugto ayon sa wikipedia ay
nagbuwis ng maraming buhay na tinataya na umaabot sa 22,000.
Maaring dito binunot ni Rizal ang takot ni Don Custodio.
http://en.wikipedia.org/wiki/Panama_Canal#Early_proposals

Pansinin na ang panukala ay mula sa Norte Amerikano at hindi sa


mga bansang nasa Sur Amerikano na ang malaking bahagi ay dating
mga kolonya ng Espanya. Hanapin ang magiging malupit na pagpuna ni
Rizal sa mga republika ng Timugang Amerika sa mga susunod na bahagi
ng nobelang ito.

45 Ipinakikilala ni Rizal sa katauhan ni Don Custodio ang karaniwang


kaugalian ng mga pinuno ng pamahalaan na baliwalain ang mga
mahuhusay na panukala dahilan sa ito ay hindi nagmula sa kaniya.
UNCORRECTED PROOF

“Kung ganoon ay sirain iyon!” ang mahinahong sagot ni


Simoun.

“Papaano ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?”

“Huwag bayaran. Pagawain ang mga bilanggo at


presidiyaryo…”

“Hindi iyon sasapat, Ginoong Simoun!”

“Kung hindi sapat, ang lahat ng naninirahan sa mga bayan,


ang matatanda, ang mga binata, ang mga bata ay pagawin at ang
labinlimang araw na sapilitang paggawa ay palitan nang tatlo, apat
o limang buwang paggawa para sa pamahalaan at may
karagdagang obligasyon na ang bawa’t isa ay magdala ng kanyang
pagkain at kagamitan.”46

Ang nasisindak na si Don Custodio ay na lumingon upang


tanawin kung sa kalapit ay may isang Indiyo na nakaririnig sa
kanila. Salamat na lamang at ang nangaroroon ay pawang taga-
bukid, at ang dalawang timunel ay waring walang pinapansin
kundi ang mga liko ng ilog.47

“Nguni’t Ginoong Simoun…”

“Maniwala kayo, Don Custodio,” ang matigas na patuloy ni


Simoun, “sa ganyang lamang paraan nagagawa ang malaking
proyekto, sa munting gugol. Sa ganyan nagawa ang mga
piramide, ang lawang Moeris at ang Coliseo sa Roma.
Nanggagaling ang lahat sa mga lalawigan mula sa disyerto na
dala-dala ang kanilang mga sibuyas na makakain; ang mga
matatanda, mga binata at mga bata ay naghahakot ng bato,
tinatapyas nila at pinapasan sa pamamagitan ng pamalo ng
namumuno; at pagkatapos ay bumabalik sa kanilang mga
tahanan ang natitirang buhay o nangamamatay sa buhanginan ng

46 Makikita ang husay ni Rizal sa paggamit ng mga pahayag ng


kaniyang mga tauhan – ang mga mapanupil na sinabi ni Simoun sa mga
nakaraang hanay ay hinango ni Rizal mula sa katotohanang historikal
ng Pilipinas sa mga unang dantaon ng kolonyalismo sa Pilipinas.
Nagawa ni Rizal na ipahayag ang kasaysayan ng pagka-alipin ng
mga Pilipino sa ilan dantaon na ang gamit ay ang panukala ni Simoun.
Napakatalas talaga ni Rizal.

47 Ang natakot ay si Don Custodio – isang kasangguni sa batas ng


pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas.
UNCORRECTED PROOF

disyerto. Makaraan iyon ay darating ang ibang lalawigan,


pagkatapos ay iba naman, sunud-sunod sa paggawa sa loob ng
mga taon; ang gawain ay natatapos at ngayon ay hinahanggan
natin, naglalakbay tayo, pumupunta tayo sa Ehipto o sa Roma,
pinupuri natin ang mga Paraon, ang pamilyang Antonina…
Maniwala kayo, Don Custodio; ang mga patay ay naiiwang patay at
ang malakas lamang ang binibigyan ng katwiran ng mga
kapanahunang susunod.” 48

“Subalit ang mga ganyang paraan, Ginoong Simoun, ay


maaring maging dahilan ng pagbabangon,” ang sabi ni Don
Custodio na hindi mapalagay dahil sa masamang pinupuntahan
ng usapan.49

“Pagbabangon, ha, ha! Naghimagsik ang mamamayang


Ehipsiyo minsan man? Naghimagsik ba ang mga bilanggong
Hudyo laban sa madasaling si Tito? Akala ko pa naman ay
nakakaalam kayo sa mga nakasaad sa kasaysayan!”50

Malinaw na si Simoun ay mapagmalaki o walang


pakundangan. Ang sabihin kay Don Custodio na hindi

48 Ito ang istilo ni Rizal – muli na naman niyang pinagsalita si Simoun


para ipakita ang lupit at pagsasamantala na ginawa ng Espanya sa
maraming taon sa pamamagitan ng sapilitang paggawa ng mga Pilipino
sa pagawaing bayan ng kolonyal na pamahalaan sa Pilipinas.

49 Ito ang istilo ni Rizal – Ang ginamit niyang tagapagtanggol at


nagpakita ng pagmamalasakit ay ang opisyal ng kolonyal na
pamahalaan.
Kung papansinin ang kalipunan ng mga sinulat ni Rizal, ang
unang anti-kolonyal at anti-simbahan na sinulat ni Rizal ay ang Junto Al
Pasig, na dito ay maaring hindi mapansin o seseryoshin ang filibustero at
heretikal na nilalaman nito dahilan sa kaniyang pinagsalita ay ang
tauhang diablo sa alegorya. Ang malaking bahagi ng pagsusuri na
ginawa ng nagsasaliksik ay ang bigyan ng link ang huling tapos na
nobelang naisulat ni Rizal (Fili) sa unang kumpletong drama na natapos
ni Rizal (Junto Al Pasig).

50 Ang bahaging ito ang susi, upang ipaalam ni Rizal na ang mga
sinasabi ni Simoun ay pabaligtad sa tunay na mensahe.
Mula sa kuwento ng aking ama at ina, na sa panahon ng
pananakop ng mga Hapon ang usapan ng mga tao ukol sa mga
pangyayari sa bansa ay pabaligtad sa tunay na nangyayari. Katulad ng
kanilang kuwentuhan noong 1944 bago ang tinatawag na liberasyon na
“Hindi na darating ang mga Amerikano” at ang sagot naman ng kausap
ay “Oo nga, wala naman silang ginagawang paghahanda para salakayin
ang mga Hapon sa Pilipinas.”
UNCORRECTED PROOF

nakakalam ng kasaysayan ay sapat na makagagalit kahit


kanino!51 At gayon ang nangyari, nakalimot si Don Custodio at
sumagot: “Ang mahirap ay hindi Ehipsiyo o Hudyo ang inyong
kakaharapin!”

“At ang bayang ito ay hindi minsan lamang naghimagsik,”


ang dugtong na may munting takot ng Dominicano, “noong
panahong pinahila sila ng malalaking kahoy upang gawing mga
bapor; kung hindi dahil sa mga pari…”52

“Malayo na ang mga panahong iyon,” ang sagot ni Simoun,


na ang tawa ay higit na matindi sa karaniwan,53 “Ang mga pulong
ito ay hindi na muling maghihimagsik, gaano man ang bigat ng
buwis at gawain na ipataw sa kanila. Hindi ba pinupuri ninyo,”
ang dugtong na hinarap ang payat na Pransiskano, “ang bahay at
pagamutan sa Los Baños, kung saan naroroon ngayon ang
Kapitan Heneral.”

Itinango ni Padre Salvi ang ulo at tuminging may


pagkakamangha sa tanong.54

51Kung wala kang alam sa kasaysayan, hindi mo maiintindihan ang mga


pasikot-sikot na pamamaraan ng pang-iinsulto ni Rizal sa Noli at Fili.
Nagagalit ka ba? Kung hindi, kahit hindi nakikita sa oras na ito ay
hinahangaan kita at umaasa ako na may mahalagang bagay na
maidudulot ang iyong isipan para sa ating lipunan.
Kung nagalit ka, nauunawaan kita at kung ako ay malapit lang sa iyo
ng pisikal, buong awa akong magmamagandang loob na damputin ang
iyong IQ sa sahig na kinatutuntungan ng iyong paa.

52 Tinutukoy dito na paghihimagsik ay ang mga naganap sa Pilipinas


noong ika-17 siglo sa kasagsagan ng pagpapagawa ng mga Galyon ng
Espanya sa sa iba’t ibang bahagi ng bansa partikular sa Cavite. Ang isa
sa pinakamalubha rito ay ang ginawang pag-aalsa nina Sumuroy sa
Samar. Isinisingit ni Padre Sybila ang kahalagahan ng mga prayle sa
aktibidad na kontra-rebelyon ng mga Pilipino.

53 Sa isang usapan na ang tao ay mayroong pinakamatinding tawa


kaysa sa proporsiyon ng bagay na pinagtatawanan ay mayroong higit
na naiisip.
Bakit Tumatawa ng matindi si Simoun?
Kasi ba ba naman, labis na sineseryoso ng kaniyang mga kausap ang
kaniyang sinasabi, samantalang patago iba ang kaniyang tunay na
iniisip at ang katotohanan ay nililibak pa nga niya ang mga ito.

54 Nagtataka si Padre Salvi sa tanong ni Simoun dahilan sa


pagkakabanggit ng paghihimagsik sa Pilipinas. Nagpapakita na si
Simoun, sa kabila kabila ng pagiging “dayuhan” ay maraming alam ukol
sa bayang ito.
UNCORRECTED PROOF

“Hindi ba sinabi ninyo sa akin na ang dalawang bahay na


iyon ay naitayo sa tulong ng pagpilit sa mga bayang gumawa doon,
sa ilalim ng kapangyarihan ng isang lay brother?55 Marahil ang
Puente del Capricho ay nayari sa gayon din paraan. At kayo ang
magsabi, naghimagsik baga ang mga bayang ito?”

“Subalit ang katotohanan ay naghimagsik na noong araw,”


ang sabi ng Dominicano, “at ab actu ad posse valet illatio (sa
nangyari ay ay maaaring mahulaan ang pagka-maaaring
mangyari).

“Wala, wala, wala niyon,” ang patuloy ni Simoun na


nagsimulang bumaba sa escotilla upang pumanaog sa sa ibaba ng
cubierta,56 “ang nasabi ay nasabi na. At kayo, Padre Sibyla, ay
huwag bumanggit ng mga wikang Latin at ng mga
katunggakan. Sa ano at naririto kayong mga prayle kung
maaaring maghimagsik ang mga bayan?”57

Si Simoun ay pumanaog sa munting hagdanan, na hindi


pinansin ang mga tutol at sagot at inuulit-ulit ang salitang Vaya,
vaya!
Namutla si Padre Sybila, siya na vice-rector ng
unibersidad, ay noon lamang nasabihang may katunggakan; si
Don Custodio ay nagkulay berde; sa alinmang pulong na kanyang
dinaluhan ay hindi nakatagpo ng isang katunggaling kagaya
niyon. Ang gayon ay napakalabis.58

55 Ang mababang presyo ng pagpapatayo sa pamamagitan ng maliit na


pasahod at pamimilit ay katulad din ng ikinukuwento ni Padre Damaso
sa Noli Me Tangere.

56 Pansinin ang simbolismo ng pagpanaog ni Simoun mula sa ibabaw


tungo sa ilalim ng cubierta na kinaroroonan ng mga taong kabilang sa
mababang uri.

57 Sa kapanahunan ng mga Kastila ay ipinagmamalaki ng mga prayle na


sila ang humahadlang sa mga pagtatanggka ng mga taong bayan laban
sa paghihimagsik sa pamahalaan – maging si Padre Salvi ay naging
kasangkapan sa pagsugpo ng himagsikan (na siya rin ang may lihim na
pakana sa Noli).

58 Bakit sinabihang tunggak ni Simoun si Padre Sybila na vice-rector ng


UST?
Nagsalita ng isang katotohan si Padre Sybila sa wikang Latin,
samantalang ang paniniwala ng prayle na sila ang susi upang huwag
magtagumpay ang anumang paghihimagsik sa Pilipinas.
UNCORRECTED PROOF

“Isang mulatong Amerikano!” ang pabulalas na ungol.

“Indiyo-Ingles!” ang mahinang sabi ni Ben Zayb.

“Sinasabi ko sa inyong Amerikano, bakit ko nalalaman?”


ang payamot nma sagot ni Don Custodio, “sinabi sa akin ng
Kapitan Heneral; siya ay isang mag-aalahas na nakilala niya sa
Havana59 at sa hinala ko ay nagbigay sa kanya ng katungkulan,
sapagkat pinautang siya ng salapi. Upang mabayaran ay
pinaparito at nang magawa ang gusto upang madagdagan ang
kanyang kayamanan sa pagbebenta ng mga diamante, ano ang
malay natin, baka imitasyon? 60 At napakawalang utang na loob,
na matapos kunan ng salapi ang mga Indiyo ay ibig pang…! Pf!”
At tinapos ang salita sa isang makahulugang galaw ng kamay.61

Walang nakapangahas na makisali sa gayong mga pag-


alimura; si Don Custodio ay mangyayaring makipagsira sa Kapitan
Heneral kung ibig niya, ngunit ni si Ben Zayb, ni si Padre Salvi,
maging ang binastos na si Padre Sibyla ay walang katiwala sa
paglilihim ng iba.62

59 Lumilitaw na si Simoun ay nagmula sa Cuba. Isa kayang pagbibiro ng


pagkakataon na si Rizal bago maganap ang Himagsikang Pilipino noong
1896 ay magsasadya naman sa Cuba, bilang manggagamot sa hukbong
Espanyol.

60 Nagkaroon ng inpluwensiya si Simoun sa Kapitan Heneral dahilan sa


pinautang niya ang KH ng salapi na maaring magamit sa pagbili sa
posisyon. Makikita sa salaysay na ito na ang mga masalapi ay
nagkakaroon ng inpluwensiyang pampulitika sa pinuno ng bayan na
tinulungan niya para malagay sa tungkulin. Sa kaso ni Simoun ay hindi
lamang pulitika kundi higit sa lahat ay ang pangkabuhayan kapakanan
ang kaniyang natamong kapalit sa Kapitan Heneral. Walang magagawa
ang KH sa anumang maibigan ni Simoun dahil sa utang na loob.
Ano kaya ang kapalit nang pagsuporta na hihiningi ngayon ng
mga malaking negosyo, sa kanilang sinusuportahang kandidato sa
pagkapangulo?

61 Hindi na inilarawan ni Rizal ang mustra ng kamay ni Don Custodio,


subalit si Rizal ay nagkaroon ng halos katulad na karanasan. Ito ay ng i-
mustra ng mensahero ng palimbagan sa Berlin ang kamay nito na pagilit
sa leeg, upang ipaalam kay Rizal ang maari niyang kahantungan dahil sa
pagsulat ng Noli Me Tangere.

62 Hindi dapat magtiwala ng lihim kaninuman. Ang lihim na naibahagi


ay nagtatapos sa pagiging lihim nito. Alam ni Padre Sybila, na walang
sikreto sa Pilipinas.
UNCORRECTED PROOF

“Ang taong iyan, dahil Amerikano, ay nag-aakalang ang


kakaharapin natin ay ang mga pulang kulay (mga Indiyan sa
Amerika). Pag-usapan ang mga bagay na iyan sa loob ng isang
bapor! Ipag-utos, pilitin ang tao…! Siya ang nagpanukala ng
pagsalakay sa Carolinas, ng pagdigma sa Mindanaw na
pupulubi ng kalait-lait sa atin. At siya ang humandog na
mamagitna sa paggawa ng crucero, 63 nguni’t ang tanong ko
naman: ano ang alam ng isang mag-aalahas, gaano man kayaman
at kabihasa, sa pagpapagawa ng mga daong?”

Sinabing lahat ito ni Don Custodio na pinalalaki ang boses,


sa kaniyang katabi na si Ben-Zayb, na kasabay ng kumpay, kibit
ng balikat, pamaminsan-minsang nagtatanong sa tingin sa ibang
kausap na iginagalaw naman ang ulo nang walang ibig turan. Ang
kanonigong si Padre Irene ay napapangiting walang ibig sabihin,
na tinatakpan ng kamay sa tulong ng paghaplos sa kanyang
ilong.64

“Sinasabi ko sa inyo, Ben-Zayb,” ang patuloy ni Don Custodio


na tinatampal ang bisig ng manunulat, “ang lahat ng suliraning

63 GRABE TALAGA ANG TALAS NI RIZAL


Ipinapakita ni Rizal sa pamamagitan ng pangungusap ni Don
Custodio na mayroong kumikita ng salapi sa pakikidigma ng Espanya na
ang gamit ay salapi ng mga Pilipino. ANG KATOTOHANAN, ANG
PAIMBABAW NA INAALIMURA NI DON CUSTODIO SA NOBELA AY SI
SIMOUN, SUBALIT ANG POOT NI RIZAL AY LUMALAGOS SA TUNAY NA
KATAUHAN NG ARSOBISPO NG MAYNILA NA SI PEDRO PAYO.
Sa Glosaryo ay makikita ang paliwanag:
Dahilan sa hidwaan ng Espanya sa Alemanya ukol sa pag-aangkin
sa Carolinas, sa Maynila ay nagkaroon ng pan-iinlak ng salapi noong
1886na umabot ng daan-daang dolya para sa pagpapagawa ng isang
barkong pandigma (crucero). Ang barkong pandigma ay ipinagawa sa
isang arsenal sa Hong Kong (na sinasabing) kasosyo ng mga Dominicano
prayle sa Pilipinas. Ang barko ay hindi pinayagan ng na makadaong
dahilan sa kawalan ng katatagan. Ang Resulta; ang isang proyekto na
ginugulan ng libo-libo ay ay itinapon sa dagat.
Makikita ang pag-alimura ni Rizal sa pamamagitan ng Don
Cuistodio kay Simoun (na sa katunayan ay patungkol sa Dominicanong
arsobispo Pedro Payo) ano ang alam ng isang mag-aalahas, gaano man
kayaman at kabihasa, sa pagpapagawa ng mga daong

64 Ang dahilan ng lihim sa ngiti ni Padre Irene ay sapagkat nakikita na


nila ang maari nilang maging kakampi laban kay Simoun, na nakikita
nilang pangahas at walang pakundangan sa kaparian.
Pansinin na muling ginamit ni Rizal ang ilong sa paglalarawan ng
kaniyang tauhan. Sa Noli ay ibinigay ni Rizal ang katangiang ito kay
Seňor Laruja (Kabanata 1 at 9 ng Noli Me Tangere)
UNCORRECTED PROOF

dito ay bunga ng hindi pagtatanong sa mga taong may malaong


paninirahan dito. Ang isang panukalang nakasulat sa maayos na
salita, lalung-lalo na ang may malaking gugulin, ng isang guguling
may mga halagang walang putal ay nakasisilaw at tinatanggap
agad…!”Ikiniskis ni Don Custodio ang kanyang mga daliring
hinlalaki, hintuturo at hinlalato. 65

“Mayroon ngang ganyan,” ang akala ni Ben-Zayb na


dapat niyang isagot, dahil sa pagiging mamamahayag ay dapat
makaalam ng lahat.66

“Tingnan ninyo, bago gawin ang Obras del Puerto ay


nagharap ako ng isang panukala, bago, malinaw,
mapapakinabangan, matipid at magagawa upang luminis ang
wawa ng dagat na tabang, at hindi tinanggap dahil sa hindi
nagbibigay nang ganito!”67 At inulit ang pagbilog ng mga daliri,
kinibit ang balikat at ang lahat ay tiningnan na waring ang ibig
sabihin ay: ‘Nakakita na kayo ng ganyang kasawian?’

65 Sa pamamagitan ni Don Custodio ay ipinakita ni Rizal ang kahinaan


ng pamahalaang kolonyal – handang aprobahan ang malalaking
pagawaing bayan na mayroong nakalaang malaking budget. Ang
paglalarawan ni Don Custodio ng bilog sa pamamagitan ng mga daliri ay
isang pagdagil ni Rizal na sa anumang mga malaking pagawaing bayan,
ang mga opisyal ng kolonyal na pamahalaan ay nagkakaroon ng
malaking kita.
Ginamit ni Rizal si Don Custodio na isang mataas na pinuno ng
kolonyal na pamahalaan upang kumpirmahin kahit sa pamamagitan ng
nobela ang malaking suhulan na nagaganap noon sa pamahalaang
kolonyal ng Espanya sa Pilipinas.

66 Sa hanay ng pananalita para kay Ben-Zayb ay ginawang mistulang


tanga ni Rizal ang peryodista. Dapat niyang kumpirmahin na may
suhulan sa pamahalaan, subalit wala siyang isinusulat ukol doon… Sa
patagong salita ay pinag-iisip tayo ni Rizal, kung talagang tanga si Ben-
Zayb o hindi niya isinusulat dahilan sa may pera siyang natatanggap sa
hindi pagsulat ukol sa bagay na iyon.

67 Hindi tinatanggap sa pamahalaan ang mga proyekto ng paglilinis ng


wawa ng ilog Pasig dahilan sa hindi magkakaroon ng kikitahin ang mga
tiwaling opisyal ng pamahalaan.
Pansinin ang sinabi ni Jagor ukol sa pagbabaw ng wawa ng ilog Pasig:

[Silting up of river mouth.] In every rain-monsoon, the Pasig


river sweeps such a quantity of sediment against the breakwater
that just its removal keeps, as it seems, the dredging machine
stationed there entirely occupied.
UNCORRECTED PROOF

“Maari bang malaman ang inyong panukala?” at… ‘aba!’


ang pamangha ng isa’t isa na naglapitan at tinalasan ang
pakikinig. Ang mga panukala ni Don Custodio ay pawang bantog,
na kagaya ng mga lunas ng mga palpak na manggagamot.

Muntik ng hindi sabihin ni Don Custodio ang bagay,


sapagkat nagdamdam dahil sa hindi siya kinampihan noong
dinudusta ni Simoun. “Kapag walang panganib ay ibig ninyong
ako ay magsalita, ha, at pag mayroon ay wala kayong imik,” ang
nais niyang sabihin, ngunit ang gayon ay isang pagpapakawala ng
isang mabuting pagkakataon at yayamang hindi na maisasagawa
ang panukala ay makilala man lamang at hangaan.

Matapos ang dalawa o tatlong buga ng aso, umubo at


lumura nang patagilid, ay tinanong si Ben-Zayb, na sabay ang
tampal sa hita nito.

“Nakakita na ba kayo ng pato?”

“Tila…nakahuli kami sa lawa,” ang pahangang sagot ni Ben-


Zayb.

“Hindi, hindi ko tinutukoy ang patong-bukid (wild duck); ang


sinasabi ko ay ang mga maaamo na inaalagaan sa Pateros at sa
Pasig. At alam ninyo kung ano ang kanilang kinakain?”

Si Ben-Zayb, ang tanging ulong nag-iisip, ay hindi


nakaaalam niyon; hindi niya napanghihimasukan ang
hanapbuhay na iyon.

“Mga susong maliliit, tao kayo; mga susong maliliit!” ang


sagot ni Padre Camorra, “hindi kailangang maging Indiyo upang
makabatid ng bagay na iyan, sukat na ang magkaroon ng mata!”

“Eksakto, mga susong maliliit!” ang ulit ni Don Custodio na


iginagalaw ang hintuturo, “at alam ninyo kung saan kinukuha?”

Hindi rin iyon alam ng ulong mapag-isip. 68

68 Ginawang katatawanan ni Rizal si Ben-Zayb, sa una ay ipinakilala na


tanging nag-iisip sa Pilipinas – mapapansin na sa maraming mga
paksang napag-usapan ay lumilitaw na walang anumang nalalaman.
UNCORRECTED PROOF

“Kung kayo ay nanirahan na sa lupaing ito nang kagaya ng


haba ng aking paninirahan ay mababatid ninyong nakukuha sa
wawa at doon ay marami na kahalo ng buhangin.”

“At ano ang inyong panukala?”

“Diyan nga ang tungo ko. Ang aking iniisip ay pipilitin ko


ang lahat ng bayang kalapit ng wawa na mag-alaga ng pato, at
makikita ninyo sila, sa kanilang saril, ay makakapagpalalim ng
wawa sa panghuhuli ng suso…Ganyang-ganyan.”69

Binuksan ni Don Custodio ang kanyang dalawang bisig at


malugod na tinanaw-tanaw ang pagkakagulilat ng mga nakikinig
sa kanya; walang isa mang nakaisip ng gayong kainam na
panukala.

“Papayagan ba ninyong makasulat ako ng isang artikulo


tungkol sa bagay na iyan?” ang tanong ni Ben-Zayb,
“napakakaunti ang nag-iisip sa lupang ito…”70

“Nguni’t Don Custodio,” sabi ni Donya Victorina na


nagpakendeng-kendeng at kumiling-kiling. “Kung ang lahat ay
mag-aalaga ng pato ay dadami ang itlog na balot. Hoy,
nakakadiri! Hayaan na lang magsara ang wawa!”

69 Isang napakalaking insulto sa mga opisyal ng kolonyal na


pamahalaan– Ipinakita ni Rizal sa pamamagitan ni si Don Custodio ang
saliwang balangkas ng mga pinuno ng pamahalaan at ito ay ang
pagkakaroon nila ng mataas na tungkulin at kababaan ng kaisipan.

70 Kulang na lang sabihin ni Rizal na sina Don Custodio at Ben-Zayb ay


ang dalawang pinaka-tunggak sa Pilipinas. Isang mamamahayag na
gagawa ng mga ulat ukol sa katawa-tawang panukala ni Don Custodio.
Pero, mapansin na si Don Custodio ay alam na ang prinsipyo ng
mabuting Public Relation.
Ang paghingi kaya ng pahintulot ni Ben-Zayb ng pahintulot kay
Don Custodio ay isang anyo ng pag-aalok na isulat ang isang bagay
kapalit ng halagang salapi?
Sa bandang huli ay hindi rin pinaligtas ni Rizal sa puna si Don
Custodio sa dahilang ang sabi ni Ben-Zayb na pagkatapos na marinig
ang kakatwang panukala ni Don Custodio ay “napakakaunti ang nag-
iisip sa bayang ito.”
sa
UNCORRECTED PROOF

You might also like