You are on page 1of 5

BUOD NG EL FILIBUSTERISMO

Nagsimula ito sa isang paglalakbay ng bapor kung tawagin ay Bapor Tabo sa pagitan ng
Maynila at Laguna. Kabilang sa mga pasahero ang mag-aalahas na si Simoun, si Isagani, at
si Basilio. Labintatlong taon na ang nakalipas mula nang mamatay si Elias at si Sisa.
Nakarating si Basilio sa San Diego at sa isang makasaysayang pagtatagpo ay nakita niya si
Simoun na pagdalaw sa libingan ng kanyang ina sa loob ng libingan ng mga Ibarra. Nakilala
niyang si Simoun ay si Ibarra na nagbabalatkayo; Upang maitago ang ganitong lihim, ay
tinangka ni Simoun na patayin si Basilio. Nang hindi ito naituloy ay hinikayat niya ang
binata na makiisa sa kanyang layuning maghiganti sa Pamahalaang Kastila. Si Basilio ay
tumanggi dahil gusto niyang matapos ang kanyang pag-aaral.
Habang ang Kapitan Heneral ay nagliliwaliw sa Los Baños, ang mga estudyanteng Pilipino
ay naghain ng isang kahilingan sa Kanya upang magtatag ng isang Akademya ng Wikang
Kastila. Ang kahilingang ito ay di napagtibay sapagkat napag-alamang ang mamamahala sa
akademyang ito ay mga prayle. Sa gayon, sila'y di magkakaroon ng karapatang
makapangyari sa anupamang pamalakad ng nasabing akademya.
Samantala, si Simuon ay nakipagkita kay Basilio at muling hinikayat ang binatang umanib sa
binabalak niyang paghihimagsik at manggulo sa isang pulutong na sapilitang magbubukas sa
kumbento ng Sta. Clara upang agawin si Maria Clara. Subalit hindi naibunsod ang ganitong
gawain dahil sa si Maria Clara'y namatay na nang hápong yaon. Nagpakamatay si maria clara
dahil akala nya patay na si crisostomo at dahil nalaman nyang anak sya ni pia alba kay padre
damaso dahil ginahasa ng kura ang kanyang ina.Ang mga estudyante naman, upang
makapaglubag ang kanilang samâ ng loob ukol sa kabiguang natamo, ay nagdaos ng isang
salusalo sa Panciteria Macanista de Buen Gusto. Sa mga talumpating binigkas habang sila'y
nagsisikain ay tahasang tinuligsa nila ang mga prayle. Ang pagtuligsang ito ay nalaman ng
mga Prayle kaya ganito ang nangyari: Kinabukasan ay natagpuan na lamang sa mga pinto ng
unibersidad ang mga paskin na ang nilalaman ay mga pagbabala, pagtuligsa, at
paghihimagsik. Ang pagdidikit ng mga pasking ito ay ibinintang sa mga kasapi ng kapisanan
ng mga estudyante. Dahil dito ay ipinadakip sila at naparamay si Basilio, bagay na
ipinagdamdam nang malabis ni Juli na kanyang kasintahan.
Ang mga estudyanteng ito ay may mga kamag-anak na lumakad sa kanila upang
mapawalang-sala sila, si Basilio ay naiwang nakakulong dahil wala siyang tagapagmagitan.
Sa isang dako naman ay ipinamanhik ni Juli kay Pari Camorra na tulungan siya upang
mapalaya nguni't sa halip na makatulong ang paring ito ay siya pang nagging dahilan ng
pagkamatay ni Juli, gawa ng pagkalundag nito sa durungawan ng kumbento. Nagpakamatay
si Juli sapagkat siya ay hinalay at pinagsamtalahan ni Padre Camorra.
Upang maisagawa ni Simoun ang kanyang balak na paghihiganti, ay nakipagsama siya sa
negosyo kay Don Timoteo Pelaez, ang ama ni Juanito. Sa ganitong paraan ay nagawa niyang
maipagkasundo ang kasal nina Juanito at Paulita Gomez. Ang magiging ninong sa kasal ay
ang Kapitan Heneral. Naanyayahan din niya upang dumalo sa piging na idaraos, ang mga
may matatas na katungkulan sa Pamahalaan at mga litaw na tao sa lunsod.
Pagkaraan ng dalawang buwang pagkapiit ay nakalaya rin si Basilio sa tulong ni Simoun.
Kaagad siyang nagtungo kay Simoun upang umanib sa paghihimagsik. Sinamantala ni
Simoun ang ganitong pagkakataon upang ipakita sa binata ang bomba na kanyang ginawa.
Ito ay isang lampara na may hugis-granada at kasinalaki ng ulo ng tao. Ang magarang
ilawang ito ay siya niyang handog sa mga ikakasal na sina Juanito at Paulita. Ipalalagay ni
Simoun ang lamparang ito sa gitna ng isang kiyoskong kakanan na ipasasadya niya ang
pagkakayari. Ang ilawán ay magbibigay ng isang maningning na liwanag at pagkaraan ng
dalawampung minuto ay manlalabo. Kapag hinagad na itaas ang mitsa upang paliwanagin,
ay puputok ang isang kapsulang fulminato de mercurio, ang granada ay sasabog at kasabay
nito ay ang pagkawasak at pagkatugnaw ng kiyoskong kakanan — at walang sinumang
maliligtas sa mga naroroon. Sa isang dako naman, ay malakas na pagsabog ng dinamita sa
lampara ay siyang magiging hudyat upang simulan ang paghihimagsik na pangungunahan ni
Simoun.
Mag-iikapito pa lámang ng gabí ng araw ng kasal, at si Basilio ay palakad-lakad sa tapat ng
bahay ng pinagdarausan ng handaan. Di-kawasa'y nanaog si Simoun upang lisanin niya ang
bahay na yaong di malulutawan ng pagsabog. Ang nanlulumong si Basilio ay susunod sana
ngunit namalas niyang dumating si Isagani, kaibigan ni Basilio at ang naging katipan at
iniirog ni Paulita. Pinagsabihan niya itong tumakas ngunit di siya pinansin kaya't napilitan si
Basilio na ipagtapat kay Isagani ang lihim na pakana subalit hindi rin napatinag ang binatang
ito.
"Nanlalamlam ang lampara," ang pansin na di mapalagay na Kapitan Heneral. "Utang na
loob, ipakitaas ninyo, Pari Irene, ang mitsa."
Kinuha ni Isagani ang lampara, tumakbo sa azotea at inihagis ito sa ilog. Sa gayon ay
nawalan ng bisa ang pakana ni Simoun para sa isang paghihimagsik sa sandatahan. Tumakas
sya sa bahay ni Pari Florentino, sa baybáyin ng karagatang Pasipiko. Nang malapit nang
mapagabot ng mga alagad ng batas ang mag-aalahas, uminom siya ng lason upang huwag
pahúli nang buháy. Ipinagtapat niya sa pari ang tunay niyang pagkatao at isinalaysay niya
dito ang malungkot na kasaysayan ng kanyang búhay. Mula nang siya ay bumalik sa
Pilipinas buhat sa Europa, labintatlong taon na ang nakalipas, ang pag-iibigan nila ni Maria
Clara at pagbabalatkayo niya na mag-aalahas sa pakay na maiguho ang Pamahalaan at
makipaghiganti sa pamamagitan ng isang paghihimagsik. Pagkatapos na mangungumpisal ay
namatay si Simoun.
Sa nais na maiwaksi ang napakalaking kayamanang naiwan ng mag-aalahas, kayamanang
naging kasangkapan nito sa pagtatanim ng mga buktot na gawain ay itinapon ni Pari
Florentino sa karagatan ang kahong asero na kinatataguan ng di-matatayang kayamanan ni
Simoun.

El Felibusterismo o sa ingles ay literal na “Regime of Greed”. El Filibusterismo, isang nobela


tungkol sa salitang digmaan para sa kalayaan.

Ito ang ikalawang nobela na isinulat at inialay ni Rizal para sa kanyang bansa partikular na ang
tatlong martir na prayle, na sina: Gomez, Burgos, at Zamora. Ang tatlong pari ay inakusahan ng
mga Kastila bilang isang taksil sa pamahalaan at hinatulan ng kamatayan. Gayundin, ang
nobelang ito ay pagpapatuloy ng Noli Mi Tangere. Ngunit, kahit na ang Noli ay nagsasalita
tungkol sa pag-iibigan at pag-ibig, ang El Filibusterismo ay nagsasalita tungkol sa pulitika at mga
isyu ng pamahalaan sa ating bansa. Kinakalaban nito ang pamahalaang Espanyol sa hindi
direktang paraan. Ang nobelang ito ay nagsasabi sa atin kung gaano kalupit at kung gaano
kasama ang mga Kastila. Gayunpaman, tinatalakay din nito ang kagitingan ng pamayanang
Pilipino. Ipinapakita nito ang hindi maisip na katapangan ng ating mga kababayan sa
pakikipaglaban sa kasakiman at kalupitan ng mga Kastila. Sa pagbabasa ng makatang nobelang
ito, mahihinuha mo na ang espada ay hindi lamang ang kayang pumutol sa bakal na baluti kundi
pati na rin ang mga salita na makakabasag ng sinuman sa mundong ito. Sa madaling sabi, hindi
lamang espada o sandata o karahasan ang maaring gamitin sa digmaan kundi maari rin sa
pagsulat o sa salita. Hindi ito maaaring magresulta sa isang nakamamatay na kamatayan ngunit
ang sugat na dulot nito ay unti-unting lalamunin ka. Hindi maikakaila na sadyang kahanga-
hanga ang ipinakita ni Rizal sa pag-sulat ng nobelang ito upang gisingin ang diwang maka bansa
ng mga Pilipino at upang maipagtanggol ang kanyang lahi mula sa pagaalipusta, pang-aabuso at
pang-aalipin ng mga Kastila.

Simoun

Ang mayamang magaalahas na nakasalaming may kulay na umanoy tagapayo ng Kapitan


General Ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang mga
kaaway.

Sinisimbolo niya ang Pilipinong Naghihiganti laban sa mga Kastila.

Padre Camorra

Ang paring nilapitan ni Juli upang makatulong sa pagpapalaya kay Basilio mula sa kulungan
ngunit sa huli ay pinagsamantalahan lang nito ang dalaga.

Sinimbolo niya ay Pan-aabuso sa Kapangyarihan. Sapagkat ginagamit nya ang kanyang


kapangyarihan upang pagsamantalahan ang kahinaan ng mga Pilipino imbes na palakasin ang
kapanang espirituwal ng mga Pilipino..

Kabesang Tales
Ang naghahangad ng Karapatan sa pagmamay-ari ng lupang sinasaka na inaangkin ng mga
prayle

Sinisimbolo niya ay ang Kawalang Hustisya dahil wala syang magawa kundi tanggapin ang
pagmamalabis sa kanya ng mga Kastila.

Juli

Anak ni kabesang Tales at katipan ni Basilio

Sinisimbolo niya ang mga kababaihang walang laban. Ipinapakita niya ang kalagayan ng mga
kababaihan sa Pilipinas na walang magawa sa pagsasamantala ng mga Espanyol.

You might also like